Kabanata 8

"SI Wish?" sabat ni Dago. He slammed the table before standing up. "Teka, malabo naman yatang gagawin 'yon--"

"My nose will never be wrong," putol ni Fenrys. Tinitigan siya nito nang masama ngunit hindi rin siya nagpatalo. "Are you siding him?"

"No. Ang sa akin lang, wala akong makitang rason kung bakit niya 'yon gagawin. Isa pa, mabait si Wish."

Fenrys snapped after hearing those words. "At gaano mo na ba siya katagal na kakilala para masabi mong mabait siya?"

"Walang kinalaman kung gaano ko siya katagal na kilala para malaman ko na mabuti siya. Nakatira siya sa inyo, 'di ba? Alam mo dapat 'yon." Dago paused for a moment before he continued. "O baka naman, nagpapadala ka lang sa galit mo dahil sa nangyari sa libingan ni Micaela."

"Anong sabi mo?" He gritted his teeth. Hindi siya nagdalawang-isip at agad na sinugod si Dago. Sinalubong niya ang masasama nitong tingin, mahigpit na hinawakan ang kuwelyo ng damit nito. "Repeat that again."

But Dago didn't even flinch. Hinawakan nito ang pulso niyang nakahawak sa kuwelyo ng damit nito. "Mali ba ako? Bukod kay Micaela, wala ka nang pakialam pa sa iba kahit pa sa kapatid ko."

"Enough," Midnight said in a warning tone.

He clicked his tongue. Bahagya niyang tinulak si Dago bago tuluyang bumitiw. "I'll stay outside."

Hindi na niya hinintay pang sumagot si Midnight at naglakad na palabas ng kuwarto. Makikinig pa rin naman siya, sa labas nga lang.

He brushed his hair and sighed. Damn, he felt so stressed. Hindi 'to maganda sa kaguwapuhan niya.

"Oh-ho, ugly snapped, eh?"

Napangiwi naman siya nang bumungad sa harapan niya ang pagmumukha ni Oli at ibang mga Havoc. Nakaupo ito sa gilid ng pasilyo.

"'Wag mo 'kong simulan, liit. Ba't nandito kayo sa labas?" tanong niya at sumandal sa nakasarang pinto.

"Hindi ba puwede? 'Di porket magkaayos na ang kaharian natin ay magiging komportable na kaagad kaming makipagsalamuha sa inyo," sagot ni Steven.

Hindi na siya sumagot at tumahimik na lang. He got a point. Kahit siya, hindi pa rin niya mapigilan ang sariling mainis sa mga Havoc. Kagaya ng sinabi ni Steven, hindi porket nagkaayos na sila ay mawawala na agad ang galit na ilang taong dala-dala niya. Pinili niyang maging malakas dahil nais niyang ipaghiganti ang pamilya niya at si Mica. Nais niyang mawala lahat ng Havoc pero hindi iyon ang nangyari. At pakiramdam niya'y nasayang lang lahat ng paghihirap niyang lumakas.

But still, he still thought that Midnight made the right choice--to give both kingdom a chance. He couldn't be selfish.

Ang dahilan din kung bakit siya pumupunta palagi sa Blaitheria ay hindi lang tumambay kundi para sanayin ang sarili. Nagbabakasali siyang mawawala rin ang poot na nararamdaman niya kapag nasanay siyang makipagsalamuha sa kanila.

Pero hindi. Nandoon pa rin. Nandoon pa rin ang sakit. Paulit-ulit pa rin siyang binabangungot ng nakaraan na hindi niya mabitiw-bitiwan.

"So what are we going to do now?" Napabalik ang atensyon niya sa meeting nang marinig ang boses ni Lelo.

"I must agree with Dago. Though I haven't seen this man called Wish, I think it would be unfair to judge him based on the scent that Fenrys smelled," said Rauis.

"All right. We aren't sure who's the culprit and their motive, but . . ." Midnight paused. "That doesn't mean we will just leave Wish out of this matter."

Fenrys sighed in relief. Mabuti naman.

"Suppose it wasn't him, that there was someone else who did it. The scent, still, wouldn't change the fact that he is involved. That is why . . ." Midnight said. The sound of the chair rustled. "We need to confirm it. We need to confirm his identity right now."

Tumango naman siya bilang pagsang-ayon. But how are they supposed to do it? What if Wish chose to lie to them?

Right then, an idea struck him. Kung tama ang iniisip niya . . .

"Lenox and Yves. I need you both." The moment Midnight said those words, he smiled.

I knew it.

Those two always comes in handy in times when they needed to find out something.

WISH was happily playing in Fenrys' garden. Kagaya ng utos ni Fenrys, hindi siya umalis. Nagtungo lang siya ng harden upang libangin ang sarili. Gusto niya sanang pumitas ng bulaklak pero baka magalit sa kaniya ang lalaki. Liningon niya ang bahay at hindi pa rin tumitigil si Ana sa pagwawala.

"Hay." Napangiti na lang siya habang napapailing.

Pinagmasdan niya ang buong paligid. Nahahati sa tatlong mound ang harden at nakatanim doon ang iba't ibang klase ng bulaklak. Mayroong White Daisies at Iris. Ang iba namang mga bulaklak, kagaya ng Stargazer Lilies, ay nasa tabi ng kubo at nakapaloob sa container.

Napakaganda.

Hindi niya alam kung tama ba itong nararamdaman niya. Masaya siya. Masaya siyang manatili rito. Hindi kagaya roon.

"Wish." Napaigtad siya nang may biglang tumapik sa balikat niya. Napakunot ang kaniyang noo. Hindi niya ito kilala.

Singkit ang mga mata nito at may kasama itong dalawang lalaki. A blond and . . . Uno!

Naalala niyang kakausapin pala siya nito. Kaagad siyang napayuko bilang paggalang.

"Ano po ang--" Napatigil siya nang biglang nabalot ng lamig ang kaniyang pakiramdam. Nagtaka rin siya dahil biglang dumilim ang kaniyang paningin.

Bahagya siyang nanginig nang makaramdam siya ng pamilyar na presensya.

Dali-dali niyang tinaas ang tingin. Halos lumuwa ang puso niya sa kaba nang makita kung sino ang nasa harapan niya.

"K-ku--" Hindi siya makapagsalita at mas lalong hindi siya makagalaw. Nasaan na si Uno at mga kasama nito? Bakit ang lalaking ito ang nasa harapan niya ngayon?

"You're still alive? Ha." Puno ng pagkadisgusto ang ekspresyon ng lalaking nakatingin sa kaniya.

Napasinghap si Wish. Doon niya lang napansin na wala na siya sa labas ng bahay ni Fenrys. Nasa kuwarto siy--mali, nasa isang kulungan. Sa isang kulungan na kabisadong-kabisado niya.

It was funny how he felt suffocated by the darkness but he could still see the man holding a sword. The emblem on the scabbard was emitting a light.

Nanghina siya at napabagsak sa sahig. Gusto niyang tumakbo pero 'di niya maalis ang tingin sa mga mata nito. Madilim ang paligid ngunit kitang-kita niya pa rin ang mala-demonyo nitong ngisi.

Mga matang katulad ng sa kaniya.

"P-pakiusap," bulong niya. Bumabalik sa isipan niya ang mga alaalang pilit niyang binabaon sa limot.

"P-pakiusap . . ." Mariin siyang napapikit. Hindi niya gusto ang mga nakikita niya. Gusto niyang umalis dito ngayon din. Sinabunutan niya ang sarili at marahas na binagsak ang ulo sa sahig. Bumilis ang tibok ng kaniyang puso nang hindi niya maramdaman ang sakit.

Hindi. Hindi ito ang tamang oras para magwala siya.

"You're still alive? Ha."

Ilang beses na umuulit sa isipan niya ang mga katagang iyon. Samo't saring emosyon ang naramdaman niya ngunit nangingibabaw roon ang nanginginig niyang puso. Sinubukan niyang pakalmahin ang sarili pero nagsisimula nang kumawala ang nilalang sa loob niya.

Hindi . . . hindi puwede! Huwag!

"Bakit gusto mo akong mamatay? Bakit? Bakit? Bakit?" Sinuntok niya ang sahig at nagpakawala ng isang malakas na sigaw. Unti-unting dumidilim ang kaniyang paningin habang ang ikinubli niyang nilalang ay dahan-dahan na ring nagigising.

"Let me handle this for you." It was the creature's voice.

When he heard him chuckle, he finally lost himself. The moment he gave up, claws, sharp as steel, started coming out from his fingers and toes. His body was growing, turning him into an animal that he refused to accept in his entire life.

He wanted to resist but he couldn't do anything. When he felt the fangs crushing into his whole being, he knew it was too late.

"Wish!" A heavy pressure landed on his cheek. Napaangat ang buo niyang katawan sa lakas ng tama. He tasted some soil the moment his body dropped into the ground. Right after he landed, a liquid came out from his nose.

He was bleeding.

Napadaing siya dahil sa sakit. Kumikirot din ang kaniyang pisngi.

Slowly, he opened his eyes when he heard some footsteps coming in his direction.

Huh?

Wala na ang lalaking may dalang espada. Wala na siya sa kulungan. Bumungad sa kaniyang ang bulaklak na Iris na agad ding napalitan ng mga paa.

Napaangat ang kaniyang tingin upang makita kung sino ang lumapit. Ito ang tumapik sa kaniya kanina.

His face looked so sorry. The guy patted his shoulder. "Pasensya ka na."

"A-anong nangyari?" Inalalayan siya nitong tumayo. Nang mapayuko siya, doon niya lang napansin na wala na pala siyang kahit kaunting saplot sa katawan.

"Anong nangyari!" pag-uulit niya pero sa pagkakataong ito, napasigaw na siya.

May naglagay ng tuwalya sa balikat niya. Nakita niya si Fenrys na nakangisi nang nakakaloko sa kaniya.

"Wala ka namang ginawa. Bukod sa naghubad ka at nagsasayaw na parang tanga. Oo, tama, wala kang ginawa."

"Ano?!" kamuntikan na siyang pumiyok sa lakas ng pagkakasigaw niya. Kaagad na nag-init ang mga tainga niya nang humagalpak si Fenrys sa kakatawa.

Bumuntonghininga naman ang katabi niya. "'Wag kang maniwala r'yan. May saltik lang 'yan."

Lumapit din sa kanila si Uno at ang isa pa nitong kasama. Bigla siyang napalunok nang mapansin ang matatalim na tingin ng pinuno.

"Wish."

"P-po?"

"Are you from Chysan?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top