Kabanata 7

"I SAID focus!"

Napabagsak si Ana sa lakas ng sipa ni Fenrys. Bahagya siyang napadaing nang tumama ang kaniyang likuran sa mabatong parte ng lupa.

Tatlong araw na ang nakakalipas at puspusan ang pagsasanay na ginagawa nila. Sa tatlong araw na iyon, halos 'di siya makahinga. Hindi uso kay Fenrys ang salitang pahinga. Kahit na naka-break sila, bigla-bigla na lang siya nitong inaatake.

"Don't let your guard down, Ana! Stay heightened!" Ang salitang paulit-ulit nitong sinasabi sa kaniya. "Keep your strength always at one point when you attack. And keep them down the ground when in defense so you'll not falter!"

May parte sa kaniya na nagsisisi kung bakit niyaya niya si Fenrys. Sana pala hindi na lang niya ito pinilit. Sana si Wish na lang ang nagturo sa kaniya.

And speaking of Wish . . .

Dahan-dahan siyang tumayo, nilingon ang kinaroroonan ni Wish. Nakaupo ito sa balcony at masayang nakikipagkuwentuhan sa kapatid niya. Napailing na lang siya nang sumagi sa isip kung gaano ito kabilis kumilos. Malabong matalo niya rin ito.

Huminga muna siya nang malalim at muling itinuon ang atensyon sa kalaban niya. Matalim ang mga titig na binibigay nito.

He was too focused, as if his eyes were saying he was indestructible.

She watched closely as how Fenrys move. He wasn't an intimidating fighter, but a scary one! Hindi ang mukha kundi ang mga galaw nitong napakalinis. Hindi man lang niya marinig ang mga yabag nito.

When he turned, Ana figured it would be a back kick. Raising her arms to cover her face, she ducked to dodge the kick. Pero sa gulat niya, hindi ang kaniyang mukha ang puntirya nito kundi ang kaniyang tiyan.

Napaubo siya nang maramdaman ang lakas ng sipa ni Fenrys. Napaluhod siya habang namimilipit sa sakit.

"Hoy, Fenrys! Easy-han mo lang kapatid ko!" rinig niyang sigaw ni Dago.

"You okay?" Lumapit ito at hinawakan ang magkabilang braso niya.

Lihim siyang napangiti. Sa tatlong araw na pagsasanay nila, may isang bagay siyang napansin.

Mabilis niyang hinawakan ang kanang pulso nito. Bago pa ito makagalaw ay hinigit na niya ito papalapit sa kaniya. Nagpakawala siya ng mabigat na sipa sa sikmura ni Fenrys gamit ang tuhod.

Napadaing ito.

He had always told her to keep her guard up but when she was hurt, he loosened himself.

Hindi pa siya nakuntento. He grabbed Fenrys' neck and pinned him on the ground. She may be weak in defense, but she was now slowly learning to balance her strength while in human form.

"I won this time!" sigaw niya. Binatukan niya pa ito dahil sa tuwa.

"Aray! Ba't nambabatok? Alis nga!"

Nakaupo siya sa likuran nito kaya muntikan nang masubsob ang mukha niya nang gumalaw ito para tumayo.

"Ana! Ang galing mo!" sigaw rin ni Wish. Patakbo itong lumapit sa kanila. Nang makarating ay agad itong nakipag-high five sa kaniya.

"Ha! Ako pa!"

"Don't pull that trick again. Baka masira mo pagmumukha ko," sabat ni Fenrys na abalang inaayos ang nagulo nitong buhok.

Inirapan niya lang ito habang hindi nawawala ang mapanukso niyang ngiti. She got him. After three days, she finally got to defeat him! She would not shut up until the sun goes down today.

"Hali muna kayo rito at kumain!" tawag ni Dago sa kanila.

"Karne!"

Natawa naman siya sa mabilis na sagot ni Wish. Muli itong tumakbo pabalik sa bahay. Wish had been attentive lately. Palagi rin itong bumibisita sa bahay ng kuya niya. Para itong bata, pakiramdam niya tuloy ay may nakababata siyang kapatid.

Binaling niya ang tingin kay Fenrys. Ito namang si Fenrys kung hindi inaaway, inaasar nito palagi si Wish.

Despite that, Ana knew he didn't dislike Wish at all.

"Ano?" nakakunot-noong tanong nito nang mapansin siyang nakatitig.

"I won." She grinned at him.

Napailing naman ito pero unti-unti nang umaangat ang ngiti sa labi. Bahagya siyang natigilan nang pinatong nito ang palad sa kaniyang ulo.

"You did great. Always keep your strength down your feet just like running while in your wolf form, okay? That will be your foundation, Ana." Marahan nitong ginulo ang kaniyang buhok bago siya inakbayan. "You better win the battle."

Ngumiti rin siya pabalik. Hindi niya pinansin ang puso niyang tumatalon sa tuwa at sabay silang naglakad papunta sa bahay.

DUMATING ang araw ng paligsahan ngunit isang 'di inaasahang pangyayari ang naganap sa bahay ni Fenrys.

"Hindi maari!" Umalingawngaw ang boses ni Ana sa buong bahay matapos makatanggap ng mensahe mula sa palasyo.

Napasapo na lang si Fenrys nang magsimula nang magwala si Ana.

"Ana, kumalma--"

"Manahimik ka o ihahagis ko 'tong vase sa pagmumukha mo!" Halos mawala na ang boses nito sa lakas ng sigaw. Dinuro nito si Wish sa vase na hawak-hawak habang nanlilisik ang mga mata.

"Halos hindi na nga ako makatulog sa kakasanay tapos postponed?" Marahas na hinagis nito ang vase na hawak-hawak. Tumama ito sa isa sa mga salaming nakasabit sa pader dahilan para lumikha ng nakakarinding basag na tunog. "Nasaan ang hinayupak na hari ng Blaitheria? Nasaan!"

Nang magtangkang pigilan ni Wish si Ana, hinila niya ito palayo at sabay silang lumabas ng bahay.

"Teka--"

"'Wag ka nang umasang mapipigilan mo pa 'yan. 'Pag nasiraan 'yan ng bait, sira din buong bahay."

"Ha? Anonh ibig mong sabihin? Anong gagawin natin?"

"Wala. Wala tayong gagawin."

Wala rin naman silang magagawa. Kapag sinubukan nila itong pigilan, baka bigla na lang silang ihatid nito sa kabilang buhay. Ana had a terrible temper because of her condition. Hindi nito kayang pigilan ang sarili kapag nag-uumapaw na ang emosyong nararamdaman nito. Kahit pa maglupasay siya sa harapan nito ay hindi ito makikinig sa kaniya. Kung pipilitin naman niya itong pigilan gamit ang puwersa, hindi nagiging maganda ang resulta nito kay Ana. Supressing her emotion could lead her to experience a random cycle of mood swings. And that was even worse. The best thing he could do is to let her go all out and express those growing anger.

Rinig na rinig nila mula sa labas ang mga kalabog at tunog ng mga bagay na nababasag.

Napangiti na lang siya nang mapait.

Rest in peace aking mga pinakamamahal na gamit.

"Ganito ba siya palagi kapag nagagalit?"

Kaagad niyang nilingon si Wish na may nakakabahalang tingin. Umiling siya. "Hindi lang ganiyan, may mas malala pa r'yan. Baka sa susunod, mangangain na 'yan ng tao." Hinawakan niya ang magkabila nitong braso at bahagyang niyugyog. "Why am I stuck with her, Wish? Why!"

Mahina namang napatawa si Wish. "Pero gusto mo pa rin siya."

Napatigil naman siya sa ginagawa at tinaasan niya ng kilay ang kausap. "Huh? What are you saying?"

Imbes na sumagot ay nginitian lang siya nito dahilan para maasar siya.

"Hoy, pusa. Tinatanong kita kaya sumagot ka!"

Umiling naman ito at saka ngumisi.

Lalong nalukot ang kaniyang mukha. Kailan pa ito natuto na mang-asar? Inambaan niya itong sasakalin ngunit napatigil siya nang may marinig siyang boses sa isip.

'Fenrys.'

Kaagad siyang napalingon. Nakita niya si Midnight na naglalakad papalapit sa direksyon nila.

"Ikaw--" Bago pa matapos ni Wish ang sasabihin ay hinawakan niya ang ulo nito upang iyuko.

"Uno," bati niya.

Ito pa lang ang pangalawang beses na nakita ni Wish si Midnight.

"Siya ang hari sa lugar na 'to. Sa madaling salita, hawak niya buhay mo kaya umayos ka," saad niya na may halong pananakot kay Wish.

Sinulyapan naman nito si Midnight at agad ding yumuko ulit. Pigil ang tawa niya habang nakatingin sa natatarantang si Wish. Aasarin niya pa sana ito nang may pares na mga matang matalim na nakatingin sa kaniya.

Napapasipol na lang siya at itinuon ang atensyon sa paligid. "Ah, ang init naman ng panahon ngayon, kasing init ko."

"How are you?" mahinahong tanong ni Midnight kay Wish. Napahinga naman siya nang malalim. Mabuti naman. Akala niya'y malalagot na naman siya.

"Ayos na po ako. S-salamat dahil hinayaan niyo akong manatali rito," nakayukong sagot ni Wish.

"Good. I'm going to talk you later but first . . ." Midnight glanced at him. Kaagad naman niyang nakuha ang pinapahiwatig nito at hindi iyon maganda.

"Come with me. Rauis is in the palace."

"All right."

Hindi nga maganda.

Kaninang umaga lang inanunsyo na ipagpapaliban muna ang gaganaping labanan sa Blaitheria. Wala siyang alam kung bakit at mukhang tungkol doon ang pag-uusapan nila.

Tumalikod na si Midnight at nagsimula nang maglakad palayo.

"Pusa, 'wag kang aalis dito, ah? Bantayan mo 'tong bahay. And please." Hinawakan niya ulit ang magkabilang balikat nito. "'Wag mo hayaang makalabas si Ana. Kapag nangyari iyon, pati mga bulaklak ko sisirain niya kaya pigilan mo siya kahit ikamatay mo pa, okay?"

He tapped Wish's shoulders before leaving.

Nakapamulsa niyang hinabol si Midnight. "Ano ba pag-uusapan?"

"To the graveyard."

"Ha?" Napatigil siya. "Akala ko ba sa palasyo tayo pupunta?"

"Check the graveyard first and come to the palace."

Napakamot na lang siya sa batok. Hindi na siya sumagot pa at nagtungo sa sementeryo gamit ang kaniyang abilidad.

"Bakit niya ba ako pinapapun--" Napatigil siya nang may nalanghap siyang kakaibang amoy. Hindi niya maipaliwanag kung mabango ba ito o mabaho, ngunit pamilyar ito.

Kaagad niyang sinundan ito hanggang sa makarating siya sa harapan ng puntod ni Micaela.

"What . . ." Nagngitngit ang kaniyang paningin dahil sa nakita.

Butas. Isang napakalaking butas ang bumungad sa kaniya na para bang hinukay ang libingan ni Mica.

Kaagad na nagsalubong ang kaniyang kilay. He wasn't able to visit her grave because he was busy with Ana. Sino ang lapastangang gumawa nito?

Kagaya ng utos ni Midnight sa kaniya, nagtungo siya sa palasyo. Naabutan niya roon sina Midnight, Rauis at ang mga Knight. Nasa ikalawang palapag sila ng palasyo kung saan sila palaging nagpupulong. Sa harapan niya ay ang hugis parihaba na mesa at nakaupo sa dulo nito ang kanilang pinuno.

"So, what did you see?"

"Mica's grave . . ." Huminga muna siya nang malalim dahil baka bigla siyang sumabog sa galit. "It's ruined."

"It's the same as what happened in Blaitheria yesterday," sabat ni Rauis. "Did you see anything else?"

Tinitigan niya si Rauis pati na si Midnight at ang mga Knight bago nagsalita.

"I smelled Wish's scent on the graveyard."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top