Kabanata 6

"ROUND three ends. Wish wins."

"Ah!" napasigaw na lang si Ana habang nakahiga pa rin sa lupa. Mabilis lang natapos ang tatlong round. Ni hindi man lang niya ito nahawakan o kahit madaplisan man lang. Anong klaseng nilalang ito? Ang bilis kung kumilos.

Hindi niya kayang sundan ito sa mata.

"Ayos ka lang ba?" tanong nito. Inabot nito ang kamay niya. Tinanggap niya naman iyon at hinayaang hilahin siya patayo.

"Paano mo nagagawa 'yon? Ang bilis mo, ah."

"Ahm . . . ganito lang talaga ako kumilos," sabi nito. Napapahimas pa ito sa likuran ng leeg, halatang nahihiya sa kaniyang puri.

"Wish! Ang galing mo, dre!" Kaagad namang lumapit ang kaniyang kapatid. Inakbayan nito si Wish at hinampas-hampas pa ang likuran nito. "Bisita ka ulit dito. Tayo naman maglaban, ano? Game ka?"

Bahagyang nagulat si Wish pero tumango naman ito. "S-sige."

Isang maliit na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Wish kaya napangiti rin si Ana.

"Hoy, Wish. Turuan mo nga ako paano kumilos nang ganoon," saad niya.

"'Di 'yon natuturo, kapatid. Kaya 'wag ka nang umasang magiging kasingbilis mo ito," sabat ng kuya niya habang nakaakbay pa rin kay Wish.

"Kinakausap ba kita, ha? Manahimik ka nga." Hinila niya si Wish papalapit sa kaniya. "At 'wag kang feeling close. Doon ka nga. Alis!"

Sinimangutan naman siya nito. Nag-make face ito sa harapan niya bago naglakad palayo at pumasok na sa loob ng bahay. Ngayon ay silang dalawa na lang ni Wish ang natira.

"Mukhang ang close niyong dalawang magkapatid."

"Mukha lang. 'Di kami close niyan. Sarap nga itapon 'yan sa ilog, e," napapairap niyang sabi habang naalala ang mga araw na ilang beses niyang sinambunutan ang kapatid dati. Walang araw na hindi sila nag-aaway. Kahit na magkita lang silang dalawa, para bang may kakaibang bagay sa pagitan nilang nagtutulak na kalabanin ang isa't isa.

But she couldn't call it a serious fight. Those were just how they were.

Hindi naman sumagot si Wish kaya nilingon niya ito. Nakatingin ito sa kaniya habang nakangiti.

"Bakit?" Napataas ang kilay niya.

Umiling naman ito. "Wala. Ang suwerte mo. May kapatid kang nag-aalaga sa 'yo."

Nagtataka niya itong tiningnan. Pansin niyang may lungkot sa mga mata nito. Kaagad itong yumuko nang mapansing nakatitig siya. Sinilip niya ang mukha nito. Kita niya na unti-unting namamasa ang gilid ng mga mata ng lalaki.

Kaagad siyang nataranta. Huwag niyang sabihing iiyak ito? Wala naman siyang nasabing masama, ah?

"Hoy." Siniko niya ito sa dibdib.

"Sorry." Dali-dali nitong pinahid ang mga luha bago pa makalabas sa mga mata. Inangat nito ang mga tingin na ngayon ay nakangiti na sa kaniya.

"Ayos ka lang ba?"

Tumango naman ito at binago ang usapan. "Gusto mo turuan kita paano lumaban?"

Nagdalawang-isip naman siya. Hindi pa rin nawawala ang imahe nitong naiiyak sa isipan niya. Ayaw naman niyang pilitin itong magsabi ng problema kung ayaw talaga. Isa pa, hindi pa nila ganoon kakilala ang isa't isa kaya walang rason si Wish para maging bukas sa kaniya.

But still, she was curious.

Tumango na lang siya bilang sagot. "So? Paano mo ako tuturuan?"

"Kagaya ng sinabi ng kuya mo, hindi mo magagawang kumilos nang mabilis kagaya ko. Maliit ka rin." Ipinatong nito ang kamay sa ulo niya. "Mas mainam na unahin mong palakasin ang depensa mo."

Nakatingin lang siya rito habang nagsasalita. Napunta ang tingin niya sa buhok nitong sumasabay sa alon ng hangin. Magkaparehas talaga sila ng kulay ng buhok ni Fenrys.

Naalala na naman niya ang mukha ng kabiyak kanina. Nababagabag siya sa inasta nito. Iyon yata ang unang beses na nakita niya itong . . . malungkot.

Buong maghapon siyang lutang sa ginawa nilang pagsasanay ni Wish. Wala siyang ibang inisip kundi si Fenrys. Ano ba kasi ang problema ng lalaking 'yon? Tapos bigla pang umalis. Nakakaasar, 'di pa nga siya nakakasagot lumayas na kaagad ito.

She was disappointed when Fenrys left. Gusto niya na si Fenrys ang magturo sa kaniya. Mas gusto niyang si Fenrys ang kasama niya.

Umuwi na sila ni Wish at ngayo'y nakatunganga siya sa salas ng kanilang bahay. Hinihintay na umuwi si Fenrys. Humanda sa kaniya ang lalaki, kakalbuhin niya talaga ito. Gabi na rin kasi at 'di pa rin ito nakakabalik. Tulog na si Wish kaya naman wala siyang makausap dito. Inaantok na rin siya dahil napagod siya kanina.

"Nasaan na ba kasi siya?"

Kaagad siyang napatayo nang sumuot sa ilong niya ang amoy nito. Napahinga siya nang malalim upang pakalmahin ang puso niyang bigla-bigla na lang nagkakarera sa bilis ng pintig.

"Ba't ngayon ka lang?" salubong niya rito. Tiningnan naman siya nito. Ang akala niya'y ihihirit na naman nito ang kaguwapuhang taglay pero hindi ito sumagot. Malamig ang binigay nitong mga titig sa kaniya.

Nagtaka siya.

"Ba't ayaw mo 'kong sagutin, ha?" sigaw niya ngunit nilampasan lang siya nito at nakapamulsang nagtungo sa kwarto.

"Ano bang problema mo?" Dahil sa inis niya ay sinugod niya ito. Hihilahin na sana niya ang braso nito nang bigla itong lumingon at pinigilan ang kaniyang kamay.

Nagitla siya. Salubong ang mga kilay na nakatingin sa kaniya. Hindi niya kayang titigan ang berde nitong mga mata.

"Is this all you can do? Ito lang ba ang natutunan mo buong araw?" May bahid ng panunukso ang boses nito.

"A-anong ba talagang problema mo? At ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na 'wag mo akong maliiti--" He cut her words and pinned her on the door of his room.

Napalunok siya. Ilang beses siyang napakurap dahil sa lapit ng mukha nila sa isa't isa. She could feel Fenrys' breath. Pilit siyang nagpumiglas upang tanggalin ang pagkakahawak nito sa kaniyang kamay pero masiyado itong malakas. Kahit na hindi siya nasasaktan, ramdam pa rin niya ang higpit nito. Biglang nanghina ang mga tuhod niya. Masiyado siyang naaapektuhan sa malamig nitong mga titig.

"Paano kita hindi mamaliitin kung hanggang ngayon hindi mo pa rin makita kung saan ka nagkukulang? Gusto mong makipaglaban? But you've been fighting since who knows when and yet you couldn't even guard yourself up." May pagdiin ang bawat salitang binibitawan nito. "Focus. You're a wolf but you're so slow. Work your senses first. And learn to balance your weight."

Hindi siya nakasagot.

Binitiwan na siya nito. Bahagya siya nitong tinulak dahil nakaharang siya. Pinihit na nito pabukas ang pinto at iniwan siyang nakatunganga pa rin.

MORNING came and Fenrys still didn't want to get up. Niyakap niya ang kaniyang unan. Hindi pa naman nag-iingay si Ana kaya hindi muna siya babangon. Gusto niya pang matulog pero ang araw na mismo ang gumigising sa kaniya.

Napakamot na lang siya sa kaniyang ulo. Bumangon na siya at lumabas na sa kuwarto. Naamoy niya agad si Ana kaya naman dumiretso siya sa kusina. Naabutan niya itong nagluluto.

Himala yata at hindi siya binubulyawan nito.

"Morning," bati niya pero 'di siya sinagot nito.

Oh, well. Sanay na naman siya sa mood ng babae.

He sat on a chair while waiting for Ana to serve him meat. Nakapangalumbaba lang siya sa lamesa habang pinagmamasdan ito. Nang mailagay na ni Ana ang niluto, kukuha na sana siya ngunit mabilis na winaksi nito ang kaniyang mga kamay.

Napaangat ang tingin niya. "Anong problema?"

"Ikaw anong problema mo?!" ganti nito at muli siyang tinalikuran.

Napakunot naman ang noo niya. Biglang sumagi sa isip niya ang sinabi niya kay Ana kagabi. Napahilamos siya sa kaniyang mukha nang maalala ang ginawa. Kaya siguro 'di namamansin ito.

"Galit ka ba?" tanong niya. Hindi ito sumagot at tuloy lang sa pagpriprito.

Napabuntonghininga naman siya. Napagtanto niyang parang tanga lang ang tanong niya. Ba't niya pa kasi tinatanong, eh, halata naman.

Tumayo siya sa kinauupuan at nilapitan ito. Niyakap niya ang dalaga mula sa likuran. Natigilan naman si Ana ngunit 'di niya iyon pinansin at hinigpitan pa ang pagkakayakap niya. Siniksik niya ang mukha sa leeg nito.

"I'm sorry," he mumbled.

"B-bitiwan mo nga ako."

"Sorry na. I was mean to you last night. Hindi ko na ulit 'yon gagawin. Ikaw kasi, eh," he said. Inangat niya ang ulo.

"Anong ako?"

"Hindi mo dapat hinahayaan si Wish na hawakan ka," he said while pouting.

"At bakit?"

"Wala lang. Sorry na kasi, hm?" he said, using the sweetest voice he had. Ngunit hindi pa rin sumagot si Ana. Pumasok sa isipan niya ang sinabi nito kahapon. She just wanted him to teach her but why couldn't he give her that?

"Do you really want to stand on the battle ground?" Hinawakan niya ang magkabilang balikat at pinaharap sa kaniya. "It's dangerous. What if something will happen to you? Kapag sumali ka ro'n, mga lobong hayop sa laban ang makakaaway mo. Are you really sure you wanted to do this?"

Sinalubong naman ni Ana ang mga titig niya. Wala man lang bakas ng pagdadalawang-isip ang determinado nitong mga mata. "Oo. Gusto ko. Gusto kong lumaban, Fenrys. Gusto kong sumubok sa isang labanan."

"Bakit?"

"Kasi gusto kong lumakas. Gusto kong ako lang ang magproprotekta sa sarili ko."

"Protect yourself from what?" He frowned.

"Hindi ko alam. Hindi natin alam baka bigla na namang may mangyaring labanan kagaya ng nangyari dati." Napakuyom ang mga kamao nito. "Ayokong mangyari ulit 'yon na wala akong magagawa."

Hindi naman kaagad siya nakasagot. Dumaan sa isipan niya ang araw na nawala sa kaniya lahat. At wala rin siyang nagawa.

And he almost forgot that Ana also experienced the war ten years ago.

"Nawala sina Mama at Papa. Pati na ang isang taong malapit sa akin." Nang magbadya ang luha nito sa mga mata, kaagad nitong pinahid. "Ayokong mangyari ulit 'yon. Kaya kahit delikado o kahit ikamatay ko pa, susubok ako, Fenrys."

He sighed in defeat. Naisip niyang wala ring kuwenta kapag pinigilan niya pa si Ana dahil base sa sinabi nito, hinding-hindi na magbabago pa ang isip nito.

"What do you mean ikakamatay mo?" He pinched her cheek. "I won't let you die."

"Turuan mo na kasi ako." She crossed her arms. "You seem to know my weakness kaya bakit ayaw mo akong tulungan?"

"Fine. I'll teach you."

Namilog ang mga mata nito dahil sa kaniyang sinagot. "T-talaga?"

Tumango siya. "Yeah. 'Wag ka nang magalit."

"Hmm . . ." Ibinalik nito ang tingin sa niluluto bago sumagot. "Sige na nga."

Napangiti naman siya at muling isiniksik ang mukha sa leeg nito.

"Bumitiw ka na."

"I don't want to." He felt at peace hugging Ana like this. Her scent was so strong that he wanted to bury his face more. They did see each other yesterday but why does it felt like she hadn't seen her for years? He missed her.

Hinalikan niya ang leeg nito. Mahina siyang natawa nang matigilan ito sa ginawa niya.

"Bitiw sabi, eh." Pilit siya nitong tinutulak ngunit hinigpitan lang niya ang pagkakayakap. Inangat niya ang tingin. Winaksi niya ang buhok na nakaharang sa mukha nito at sinabit sa tainga. Kita niya na namumula ang pisngi nito.

"You're blushing," panunukso niya.

"Bitiw sabi."

"Why?" He whispered on her ear. "Masiyado ba akong guwapo kaya 'di ka makatingin sa 'kin?"

"Hindi. Mabaho ka lang. Alis nga."

"Ayoko." Muli niyang hinalikan ang leeg nito. "Pahingi muna karne."

Inabot nito ang tinidor at tinusok ang piniprito nitong karne. "Oh. Ayan."

Kaagad naman niyang kinagat iyon bago bumitiw. Bumalik na siya sa upuan habang nakatingin pa rin kay Ana. At habang ngumunguya, naglaro sa kaniyang isipan ang sinabi nito kanina.

What did Ana feel during the war? How horrifying was it for her that she wanted to get strong?

And then he realized. Maybe they were just the same. They all wanted the same thing after they witnessed that day. And that was becoming strong and getting rid of every weakness they find within themselves.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top