Kabanata 5

"ALIS muna--"

"Hindi ka aalis." Mabilis na hinigit si Fenrys ni Ana pabalik sa loob ng bahay nang magtangka na naman itong umalis.

"Why? Mami-miss mo ako?" sabi niya habang nakangisi ngunit hindi nito pinansin ang kaniyang sinabi.

Instead she said, "Tutulungan mo akong maghanda sa laban."

"Ikaw may gusto niyan. Kaya mo na 'yan." Inalis niya ang pagkakahawak nito sa braso.

Naglakad siya papunta sa salamin na nakasabit lang sa pader ng salas. Kaagad siyang nahumaling sa napakaguwapong nilalang na nasa kaniyang harapan.

"Perfection. Indeed," pailing-iling niyang sabi. Nahagip niya rin ang repleksyon ni Ana sa salamin. Nakatingin ito sa ginagawa niya at kahit siguro isang magaling na pintor ay hindi mapipinta ang diring-diri nitong ekspresyon.

Pinigilan niya ang sariling matawa. "Ang guwapo ko, 'no?"

Napangiwi naman ito at tinalikuran siya. "Nakakasuka ka."

Oh well, alam naman niyang nahihiya lang iyon. Nagkukunyari lang na nasusuka pero kinikilig na iyon sa kaguwapuhan niya.

Iba ka talaga, Fenrys.

He winked again before he started walking towards the door. Napatigil siya nang pumasok si Wish galing sa pintuan na may dala-dalang bulaklak at abot ang ngiti sa magkabilang tainga. Tatlong linggo na ang dumaan at tuluyan na ngang gumaling ang nilalang na ito.

Kaagad na napakunot ang noo niya nang makitang galing sa kaniyang harden ang bulaklak na hawak-hawak.

"Ana!" tawag nito. Nilampasan lang siya nito na para bang hangin. Naghilom na ang mga sugat nito kaya naman naglilikot na.

"Ana, tingnan mo!"

Pinanood niya itong iabot kay Ana ang dala-dala nitong White Daisy. Wala siyang maintindihan sa sinasabi nito dahil nakapokus lang siya kung paano tingnan ni Ana ang bulaklak. Gusto niyang lumapit at pumagitna sa dalawa ngunit hindi siya makagalaw. Inside him was shouting not to let him get near her, but the other side kept telling him to stay still and just watch.

Ngunit bago pa siya makapagdesisyon, tinanggap na iyon ni Ana. Nakangiti ito sa bulaklak na binigay ni Wish.

Nagtaka siya. Bakit hindi ito nagagalit? Ba't 'di nito bulyawan si Wish total gawain naman nitong manigaw? Ba't parang natutuwa pa ito?

At bakit ganito ang nararamdaman niya? Ang bigat ng buong katawan niya. Hindi niya marinig ang tibok ng kaniyang puso dahil sa paunti-unting kirot na dumadagan sa kaniyang dibdib.

Yumuko siya upang iwasang makita ang dalawa na masayang nag-uusap. Nahagip ng mga mata niya ang kaniyang singsing.

Umiling siya. No. Hindi siya nagseselos. He was just . . . sad.

That must be the reason. Malungkot lang siya. Imposibleng magselos siya.

Bakit naman kasi siya magseselos? Hindi niya mahal si Ana. Si Mica lang ang kaisa-isang rason kung bakit tumitibok pa ang puso niya.

"Hoy, Fenrys!" Napabalik siya sa reyalidad nang marinig niya ang matinis na boses ni Ana.

"Ano?" walang gana niyang sagot.

Tinuro siya nito gamit ang bulaklak na binigay ni Wish.

Ang sarap namang itapon niyan, pati iyong nagbigay.

"Hinahamon kita sa isang--"

"Ayoko nga sabi. Sinabi ko na, ginusto mo 'yan. Kaya ikaw na bahala sa sarili mo." Tumalikod na siya at hindi ito pinatapos.  Mahilig lumaban si Ana, siguro ay dahil kasama sa mga Knight ang kuya niya kaya gusto rin nitong maging magaling sa labanan. Nakita niya na rin itong makipaglaban sa kapatid dati at ang masasabi niya ay marunong siya subalit kapag anyo na ang usapan, hindi ganoon kalakas si Ana kapag hindi ito nag-a-anyong lobo.

She couldn't seem to know how to balance her strength in her human form.

"Tungkol ba 'yan sa inanunsiyo no'ng nakaraang araw?" sabat ni Wish.

"Oo."

"Ako na lang," masigla nitong sabi dahilan para mapalingon siya.

"Anong ikaw? Marunong ka bang lumaban?" sagot ni Ana.

"Oo naman! Ano tara?" Hinawakan nito ang kamay ni Ana.

Kaagad na nagsalubong ang kaniyang kilay nang makita ang mga kamay nilang magkahawak. He couldn't think straight, and there was nothing else he wanted except in strangling Wish to death. Their bond as mate was triggered. It wanted him to do something.

He was ready to rush toward them and push Wish away, but when he heard Ana's reply, he came back to his sense.

"Sige ba."

He stepped back. Kinuyom na lang niya ang mga kamao.

"Alis na ako." After he said those words, he turned around and didn't bother to look at them. Hindi na niya pa hinintay ang sagot nito. Kaagad siyang pumunta ng palasyo gamit ang kaniyang abilidad.

"Ay, lobo!" gulat na sigaw ni Erienna nang bigla na lang siyang magpakita sa harapan nito. Nasa harden ito at abalang magdilig ng mga halaman.

"Hi, mademoiselle," matamlay niyang bati. Bagsak ang mga balikat na naglakad siya papunta sa bench 'di kalayuan sa kinatatayuan ni Erienna.

"Ayos ka lang ba?"

"Bukod sa ang guwapo ko, yes. Ayos lang naman ako."

"What the hell are you doing here?" He heard a voice behind his back. Ngunit hindi niya iyon pinansin at tumunganga na lang sa kawalan.

Ngayon lang pumasok sa isipan ang ginawa niya. Bakit siya umalis? Dapat hindi niya iniwan ang dalawa roon. Kung bumalik kaya siya? Pero kapag bumalik siya, magmumukha siyang--

"Stupid."

Napaangat ang tingin niya at nakita si Midnight na nakatingin nang nakakaloko sa kaniya.

"You look stupid," ulit nito habang natatawa.

What? Sa guwapo niyang 'to? Mukha siyang tanga?

"What's gotten into you, huh?" dagdag nito.

"Wala," asar niyang sagot. "By the way, how long are we gonna keep Wish? He's completely okay now."

"We haven't asked about his identity yet."

"Ba't 'di mo na tanungin ngayon?"

"You know why. We already talked about that. Why are you such in a hurry?" Midnight gave him a suspicious look. "Is it perhaps . . ."

Napaiwas naman siya ng tingin. "W-what?"

"Nah, nothing," sabi nito na may ngisi sa mga labi. Nang-asar pa talaga. Kung hindi niya lang ito kaibigan, baka sinakal na niya ito.

Naglakad ito papunta kay Erienna at niyakap ang dalaga mula sa likuran.

Napairap siya. "Please lang. 'Wag kayo magharutan sa harapan ko."

"Then leave," sagot naman ni Midnight sa kaniya.

Napasuklay na lang siya sa kaniyang buhok bago tumayo. Madali naman siyang kausap. Doon na lang siya sa Blaitheria tatambay.

"ANA, napabisita ka?" bati ni Dago, ang nakatatandang kapatid ni Ana. Pagkatapos siyang yayain ni Wish, kaagad silang nagtungo sa Ran kung saan palaging nagsasanay ang mga Knight.

"And who's this guy?" Kaagad na lumapit sa kanila si Dago at inamoy ang kasama niya. "Ito ba 'yong napulot ni Fenrys?"

Kamuntikan pa siyang matawa sa sinabi nito. "Napulot talaga? Oo, siya nga."

"I'm W-Wish," pakilala naman nito. Bahagya pa itong nagtago sa likuran niya dahil sa nakakatakot na tinging binibigay ng kaniyang kapatid.

"Totoo nga. Hindi ka lobo, bata. Anong ginagawa mo sa Raeon, ha?" nanlilisik na mga matang tanong nito.

"Ano ka ba, Kuya. 'Wag mo nga 'yang tinatakot," suway niya sa kapatid. Bago pa nga lang gumaling si Wish at ito agad binubugad ng kapatid niya.

"Ano ba kasing ginagawa niyo rito? At nasaan si Fenrys? Ba't ito kasama mo?"

"Malay ko," kibit-balikat niyang sagot. Naalala naman niya ang pagmumukha nito kanina. Hindi siya sigurado kung guni-guni lang ba 'yong nakita niya pero . . . parang malungkot ito.

"Anyway, magsasanay ako ngayon din para sa paligsahan."

"At ito ang ka-sparring mo?" Turo niya kay Wish.

Tumango naman siya.

"Sige," sagot nito. Muli nitong sinulyapan ang lalaki at pinagbantaan. "'Pag nasaktan mo 'yang kapatid ko, patay ka sa 'kin."

Tumalikod na ito at naglakad papunta sa bahay. Naupo ito sa balcony habang nakatanaw pa rin sa kanila. "Manonood lang ako sa inyo."

Pinagmasdan niya muna ang buong paligid bago sila nagsimula. Ganoon din ang ginawa ni Wish. Napapalibutan sila ng mga kahoy, may mga putol-putol na troso ring nakalagay sa kaliwang bahagi 'di kalayuan sa bahay kung saan nakaupo ang kaniyang kuya.

"Simple lang ang magiging patakaran natin. No using of abilities. At ang unang babagsak sa lupa ay talo. Kuha ba?" sabi ni Dago. "I'll give you three rounds."

Tumango naman silang pareho ni Wish. Naglakad na ito kabaliktaran sa kinatatayuan niya.

Inapak-apakan niya ang lupa at sobrang tigas nito. Paniguradong masasaktan talaga siya kapag bumagsak siya.

"Handa ka na ba?" tanong niya.

Wish stretched his neck before he answered, "Are we gonna fight using our fist?"

"Oo."

As what she heard from Fenrys, the battle will consist of two rounds; first would be the 'chase' which they would use their human form. It was a survival round where she needed to defeat a desired number of wolves in order to proceed in round two--the final round where they would fight using their wolf form.

Kampante na siya sa lakas niya bilang lobo. Tinuruan din kasi siya ng kaniyang kapatid dati, ngunit pagdating sa anyong tao, masyado siyang mahina.

"Start."

All she needed was to take him down. Ana postured her body and eyed at Wish. Nakatayo lang ito at kampanteng nakatingin sa kaniya.

Minamaliit niya ba ako?

Napangisi siya. He was widely open. Hindi na siya nagdalawang-isip pa at sinugod ito. She was about to grab his neck when Wish suddenly disappeared from her sight.

Napatigil siya. "Anong--"

Naamoy niya ito sa kaniyang likuran ngunit huli na para makalingon siya. Naramdaman niya ang braso nito sa kaniyang leeg, mabilis na hinawakan ang kaniyang kanang kamay upang 'di siya makagalaw. He slid his feet and kicked her knees, causing her to fall into the ground.

"Aw!" Napadaing siya nang tumama ang kaniyang baba sa lupa.

"Round one done. Wish wins!" sigaw ng kapatid niya. Hindi rin siya kinalimutang asarin nito. "Ano ba 'yan, Ana. Ang weak mo naman."

Dali-dali siyang tumayo at sinamaan ito ng tingin. Parang kanina lang ayaw nito kay Wish tapos ngayon siya na ang inaasar.

"Gago! Manahimik ka!" Nilingon naman niya si Wish. "At ikaw, paano mo nagawa 'yon? Gumamit ka ng abilidad mo, 'no?"

Mabilis naman itong umiling. "Hindi, ah."

"Round two na, bilis."

Seryoso niyang tiningnan si Wish na nakatayo lang din sa harapan niya.

"Start."

Kung hindi iyon abilidad, isa lang ang puwedeng maging eksplanasyon.

"Argh!" Muli na naman siyang napadaing nang masubsob ulit ang mukha niya sa lupa. Hindi pa siya tapos mag-isip pero bigla na lang itong nawala sa harapan niya. Naramdaman na lang niyang may pumatid na sa mga paa niya dahilan upang mawalan siya ng balanse.

Hayop. Ang bilis niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top