Kabanata 4

PAGKATAPOS niyang ibigay kay Midnight ang imbitasyon ay tinungo na niya kaagad ang daan pauwi.

Nasa labas pa lang siya ng kanilang bahay, naaamoy na niya ang matamis na halimuyak na sumusuot sa kaniyang ilong. Napangiti siya ngunit agad ding napasimangot nang may ibang amoy na sumapaw.

Mabilis siyang pumasok. Nang makarating sa kusina, naabutan niya si Wish na nilalantakan ang nilutong karne.

"Sino nagsabi sa 'yong puwede mo 'yang kainin?" Binagsak niya ang mga kamay sa lamesa.

Inangat naman ni Wish ang mga tingin habang may hawak na karne sa mga kamay. Hindi ito sumagot at kinagat ang karne habang nakatingin pa rin sa kaniya.

Aba't--no, Fenrys. Calm down. Isipin mo ang kaguwapuhan mo, okay? Kalma.

"Tinatanong kita, sumagot ka!"

"Ana," tipid nitong sabi at muling kinagat ang karne. Inalis na nito ang tingin sa kaniya na para bang wala itong paki sa kaniyang presensya.

Tinaas niya ang kanang kamay sa inis at inambaan na susuntukin ito, ngunit napapikit na lang siya at sinuklay na lang ang kaniyang buhok. Ano namang mapapala niya kung sasaktan niya ito. Kukuha na lang siya ng karne.

Aabutin na niya sana ang isang piraso ngunit bigla nitong tinusok ng tinidor.

"The heck!" he snarled at Wish. Muntikan nang matusok ang maganda niyang kamay.

"Akin na 'to," sagot nito sa kaniya dahilan para tuluyang mabasag ang pasensya niya.

This dude finally broke one of his nerves.

Hindi na niya napigilan ang sarili at kinuwelyuhan ito. "Baka nakakalimutan mo, bahay ko 'tong tinutuluyan mo. At lahat ng nakatira dito ay akin."

Hindi naman nagpatinag si Wish at sinalubong ang kaniyang mga titig. "Bakit galit na galit ka? Sinabi ko lang naman na akin 'yong karne. Wala naman akong sinabi na inaangkin ko ang pamamahay mo."

"Ano ka ba talaga, ha?" Hinigpitan niya ang pagkakahawak nito. Kaunti na lang talaga at masasakal na niya ito. "Saan ka galing at ba't napunta ka sa Raeon?"

He didn't like him. Those cat eyes irritated him the most.

"Hoy! Anong ginagawa niyong dalawa?" A feminine voice echoed in his ear, causing him to loosen his grip. Pumagitna si Ana at tinulak silang dalawa palayo sa isa't isa. "Tumigil nga kayo."

"Siya nag-umpisa." Turo ni Wish sa kaniya.

"What? Ha!" Asar niyang sinuklay ang kaniyang buhok. "Gusto ko lang naman kumuha ng karne pero ang pusa na 'yan madamot!"

Susugod na ulit siya ngunit sinamaan siya ng tingin ni Ana. Napamura na lang siya sa isip niya at napatigil sa kinatatayuan.

"Oh, mag-aaway kayo? Eh kung pag-umpugin ko kaya mga pagmumukha niyo? Ha?"

Walang sumagot sa kanilang dalawa.

"Ikaw." Tinuro nito si Wish. "Karne lang 'yan ayaw mo pa mamigay. Para sabihin ko sa 'yo, si Fenrys ang kumuha niyan!"

Napangisi naman siya at taas-noong tiningnan si Wish. Iirapan na niya sana ito ngunit lumingon si Ana sa kaniya.

"At ikaw naman!" Napaigtad siya nang bigla siya nitong dinuro. "'Di ka lang binigyan makikipagrambulan ka na. Ano ka? Bata?"

Napangiwi naman siya. "Wala naman akong sinabing makikipagrambulan ako."

"Sumasagot ka pa, ah? Sumasagot ka pa!" Nilapitan siya nito at binatukan. "Manahimik ka!"

Tumalikod na lang siya at iniwan ang dalawa sa kusina. Naglakad siya papuntang salas at inihiga ang sarili sa sofa.

Nagpakawala muna siya nang malalim na hininga bago pumikit. Muling sumagi sa isip niya ang tinanong ni Rauis sa kaniya at ang pinag-usapan nila ni Midnight kanina.

He groaned and shook his head. He just hoped it wasn't something serious.

Hindi niya pala nadalaw si Mica kanina.

Nakarinig siya ng mga yabag papalapit sa kaniya kaya sinubsob niya ang mukha sa unan. Alam naman niyang si Ana 'yon at paniguradong aawayin na naman siya nito.

"Hoy." Kinalabit siya nito sa ulo pero 'di niya ito pinansin.

"Hoy, may problema ka ba, ha?"

Nilingon niya ito. Sumalubong ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya. Her stare was the coldest he had seen but it was surprising how it warmed his heart. He couldn't look away. He was captivated by how beautiful her eyes were, down from her nose and to her thin lips. She was magnificent.

"Hoy, magsalita ka!"

Before he realized, he was already touching Ana's hair.

"A-anong ginagawa mo?" Hinawi ni Ana ang kamay niya at doon lang siya natauhan. He immediately regretted what he just did, now his heart couldn't stop throbbing fast.

"Ahm . . ." Napalunok siya. Napaiwas siya ng tingin at mahinang tumikhim. "Wala naman."

"Anong wala?"

"Wala akong problema."

Tinaasan naman siya ng kilay nito. Ibig sabihin ay hindi ito naniniwala sa kaniya at 'di ito aalis hangga't 'di siya umaamin.

He sighed. "I was only thinking about the invitation."

"Eh? Invitation saan?"

"Blaitheria will have a celebration and they invited us."

"Anong celebration 'yan?" Umupo si Ana sa sahig habang nakatingin pa rin sa kaniya. Sobrang lapit lang ng mukha nito sa kaniya kaya hindi niya alam kung saan siya titingin.

"Battle between women. Midnight will announce it soon or maybe later."

"Whoa!" Ana's eyes sparked after hearing those words. Napakunot naman ang noo niya sa inakto nito. Kung tama ang hula niya ay--

"Gusto kong sumali!" masiglaw sabi nito habang nakataas pa ang isang kamay.

"No!" mabilis niyang sagot.

Napabalik ang tingin nito sa kaniya. "Anong no?"

"No. Hindi. Hindi ka sasali."

"At bakit?"

"Anong bakit? Baliw ka ba? Hindi mo kayang makipagsabayan sa kanila."

Hindi yata 'to nag-iisip. She would battle against the wolves inclined in fighting. She obviously couldn't stand a chance.

Kaagad nagsalubong ang mga kilay nito at masama siyang tinitigan. Hudyat na magsisimula na naman sila.

"Minamaliit mo ba ako? Ha?" Bago pa siya makasagot ay mabilis na nitong hinila ang kaniyang buhok.

"Aw! Ano ba!"

"Ulitin mo. Ulitin mo 'yong sinabi mo!" sigaw nito. Ang sakit na nga ng ulo niya, mas dumagdag pa ang tinis ng boses nito.

"Hindi na kita pipigilan. Kung gusto mong sumali, bahala ka!" Saka lang nito binitiwan ang kaniyang buhok matapos niyang sabihin 'yon. Napabangon siya sa sofa at hinimas ang kaniyang ulo. Kumirot ang bungo niya.

Salamat naman at may mga buhok pa siya. Sa lakas ba naman kasing manambunot ng babaeng ito, 'di na siya magtataka baka sa sunod na taon ay makalbo na siya.

"Buwisit," mahinang usal niya.

"Ano? Buwisit ako?"

"Ako. Ako 'yong buwisit. Ang buwisit ko," mabilis niyang sagot at baka mas malala pa ang abutin niya. Kung bakit kasi si Ana pa ang nagmana sa kondisyon ng mga ninuno nito. An inherited disease making their temperature higher than normal ones, making them easily annoyed and hot-headed all the time.

Inismiran lang siya nito at tumayo na.

"By the way, where's Wish?" tanong niya.

"Sa kusina, kumakain."

"Ba't mo siya hinahayaang kumain?"

"Ano bang gusto mong gawin ko?" nakapamaywang nitong sabi. Hindi na lang siya sumagot dahil panigurado, mapupunta na naman sa away ito.

CHRYSANTHEMUM, a flower that resembles death, filled the gold and humid room. The moon above acted as a spotlight for the man who was sobbing in sorrow and anguish. He kneeled and stared lovingly at his wife and daughter who were sleeping in a bed.

"Why aren't you two waking up? Why would you leave me in pain?" He caressed his wife's pale cheeks, hoping he would feel the warmth. But it was cold.

It was already a long time, and no one remembered him anymore. His people have already passed away, and now he was alone, stuck in centuries full of regrets and anger.

Why would he need to suffer this way? Why couldn't he just die?

But of course, his soul couldn't afford to be silent if he wouldn't get his revenge.

This wasn't right. Why was he the only one suffering? Bakit ang mga taong naging rason ng pagdurusa niya ay masaya? Bakit? He was cursed and yet still, the people who cursed him were happy.

He didn't deserve this. Those people don't deserve to be happy. And thus, he would make sure . . . they would all be ruined.

"Master."

He immediately wiped his tears. Inayos muna niya ang sarili bago tuluyang nilingon ang tumawag sa kaniya.

"Why didn't you knock?" He faced his most trusted guard.

"My apologies, master." The lean guy in his 20's bowed, reflecting his silver hair from the moon's light, while his right hand was on his chest. "But I brought something for you."

"Hmm? And what is it?" Bumaba siya ng altar at naglakad patungo sa kinaroroonan ng lalaki.

The guy smirked. "Follow me."

Tumalikod ito at nagsimula nang maglakad palabas. Sinulyapan niya muna ang kaniyang mga pinakamamahal bago tuluyang sumunod sa lalaki.

Walang ibang maririnig sa paligid kundi ang kanilang mga yabag. Papunta sila ngayon sa isang lugar kung saan silang dalawa lang ang nakakaalam.

"This better be good."

"It's more than great, master."

Tumigil silang dalawa sa harapan ng pintong gawa sa malalaking ugat ng puno. Pinihit ng lalaki ang door knob at pinauna siyang pumasok. Nang makapasok siya, sumunod naman ito bago sinira ang pinto.

Sa harapan niya ay isang mesa. At sa ibabaw n'yon at may bagay na nakabalot sa tela. Binuksan ito ng lalaki at kaagad na napataas ang kilay niya nang makita ang laman nito.

"What is that?"

"This will be useful to us."

"And why?" he asked impatiently while crossing his arms.

The guy smirked once again. "Because this thing is important to one of our enemies. We can use this very . . . very soon."

Hindi siya nagsalita at tinitigan lang ang dinala nito. He thought it was absurd. How could that tiny thing turned the tides for them?

"Trust me on this, master. And besides, our plan is slowly progressing."

"Hmm." Looking at his guard, he never regretted choosing him as his greatest warrior.

He was smart, strong and trustworthy. Not once he failed anything he asked of him to do. And as he thought of his loyalty, very well, he would give him a chance.

"You better do this right, Ysev."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top