Kabanata 3

TATLONG araw na ang nakakalipas mula no'ng makita ni Fenrys si Wish. At naaasar na si Ana dahil palagi na lang itong wala sa bahay kasi marami raw inaasikaso.

Palusot. Alam naman niya kung saan nagpupunta ang lalaking iyon. Ang pinagkaibahan lang ngayon ay maya't maya ang alis nito na para bang kahit isang segundo man lang ay ayaw nitong manatili sa bahay.

Ganoon ba talaga ang pagkadisgusto nito sa lalaking nakita nito no'ng nakaraan? O baka gusto lang talaga nitong manatili sa babaeng nauna sa kaniya?

Bumuntonghininga na lang siya at inalis iyon sa isipan. Nagtungo siya sa kuwarto ni Fenrys kung saan naroroon si Wish.

"Hoy! Makakatayo ka na ba, ha? Kung oo, ba't 'di mo subukang lumabas nang maarawan ka naman," bungad niya. Buti na lang at hindi na ito naging agresibo kagaya no'ng unang araw nila itong matagpuan kaya kahit papaano ay nakakausap na niya ito nang matino.

Wish was so lean. He had the same hair color of Fenrys, but his eyes were different. Kapag tumitingin ito sa kaniya, pakiramdam niya'y isang pusa ang nakatitig sa kaniya.

"Ano? Makakatayo ka na ba?" nakapamaywang niyang tanong.

"I t-think so." Dahan-dahan naman nitong tinapak ang mga paa sa sahig habang ang kanang kamay ay nakahawak sa kama. Lumapit siya rito upang alalayan sana ngunit pinigilan siya nito.

"Kaya ko na," sambit nito. Gumuhit ang ngiti sa mga labi nito na para bang batang tuwang-tuwa nang tuluyang makatayong mag-isa. Nanginginig ang mga tuhod nito subalit kaya na nitong gumalaw nang wala ang kaniyang suporta.

Tiningnan ni Ana ang kabuohan nito. Ang tangkad pala ng lalaki. Hanggang balikat lang yata siya.

"Kaya bang maglakad?" tanong niya.

Tumango naman si Wish at sinubukang ihakbang ang mga paa. Paika-ika pa itong naglakad patungong pintuan kaya sinundan niya agad ito.

"Oh!" Mabilis niyang hinawakan ang braso nito nang muntikang madulas ang mga paa nito sa napakakinis nilang sahig.

"Bakit ang puti ng bahay na 'to?" takang tanong ni Wish.

"Mana sa may-ari." Inalalayan niya ito hanggang sa makarating sa sofa ng salas. Pinaupo niya muna si Wish. "Diyan ka lang, magluluto lang ako."

Tumango lang ito habang ang mga mata ay nasa alaga niyang salagubang na nasa loob ng jar. Nasa maliit na lamesa niya lang ito nilagay, katapat ng inuupuan ni Wish.

Iniwan niya muna ito at saka pumunta ng kusina para magluto ng karne. Pagkatapos niyang magluto, binalikan na niya ang lalaki.

"Wish--" Hindi niya natapos ang sasabihin.

Tumigil muna siya sa paglalakad at pinagmasdan ang lalaki. Hawak-hawak na nito ang jar at aliw na aliw itong nakatingin sa salagubang.

Napangiti na lang din siya. Para itong bata.

"Mahilig ka rin ba sa mga salagubang?" tanong niya nang makalapit at inilapag ang karne sa lamesa.

Tinabihan niya ito.

Nilingon naman siya ng lalaki. "Salagubang ba ang tawag dito?"

"Hindi mo alam?" pasigaw niyang sabi.

Tumango ito. "Ngayon lang ako nakakita ng ganito."

"Whoa! Wala bang ganito sa inyo?"

Muli itong tumango at ibinalik ang tingin sa jar. Napailing na lang siya at niyaya itong kumain.

"Is this fresh?"

"S'yempre," sagot niya at tinusok ng tinidor ang isang pirasong karne. Iniabot niya ito kay Wish na agad din namang tinanggap.

Umupo siya sa tabi nito at kumuha rin ng karne. "Ang tawag d'yan ay Rhinoceros beetle."

Nilingon naman siya nito habang ngumunguya. Hindi niya mapigilang matawa dahil sa mukha ng lalaki. Lumulubo ang pisngi nito dahil sa nginunguyang karne.

He looked adorable.

She poked his cheeks, making the guy frown.

"Bakit?" tanong nito habang puno pa rin ng karne ang bibig.

Napailing naman siya at tumingin na lang sa salagubang. Baka 'di niya mapigilan ang sarili at kurutin niya buong pagmumukha nito.

"Bakit mo pala kinukulong ito rito?"

Napalingon siya sa tanong nito.

"Hindi ba masyadong maliit itong nilalagyan mo? At saka hindi ba siya nalulungkot mag-isa?"

"Eh?" Napataas ang kaniyang kilay.

Tinuro nito ang jar. "Kinukulong mo siya rito. Maliit lang ang espasyo na nagagalawan niya. Hindi ka ba naaawa sa kaniya?"

"Teka nga, teka nga." Binitiwan niya ang tinidor na hawak at hinablot sa kamay nito ang jar. "So anong pinaparating mo? Na masama ako? Dahil kinulong ko siya rito? Ha? Ganoon ba?"

Bigla siyang naasar. Pakialam ba nito kung ilagay niya ang salagubang sa jar? Inaalagaan naman niya ito nang tama at hindi pinapabayaan, eh.

"Wala naman akong sinasabing ganoon. Ang sa 'kin--"

"Parang ganoon na rin 'yon!" sigaw niya sa pagmumukha nito. Ibinalik niya ang jar sa lamesa at padabog na tumayo. Kukuha na sana ito ng karne pero agad niyang hinablot ang plato.

"Kainin mo 'yang tinidor!" At iniwan ito sa salas.

Ang ayos-ayos ng mood niya pero sinira ng lalaking iyon. Wala namang masama sa mga tanong nito pero ang dating kasi sa kaniya ay parang siya pa 'tong walang awa.

Nang makarating siya sa kusina, pabagsak niyang inilagay ang plato sa lamesa. Kaagad siyang lumabas ng bahay gamit ang pintuan sa likod at pinuntahan ang iba niya pang mga salagubang. Dapat nasa loob ng bahay ang mga ito pero dahil nga napakaarte ng puting lobo, sa likod na lang niya nilagay.

Nakangiti niyang pinagmasdan ang mga alaga niya sa loob ng glass aquarium. The soil she used for bedding and the little logs were all home for the beetles inside. Simula pa noong bata siya, mahilig na talaga siya sa mga salagubang. Kasalanan 'to ng isang taong naging malapit sa kaniya kung bakit nahiligan niyang mangolekta.

Bigla naman sumagi sa isip niya ang sinabi ni Wish dahilan para mapasimangot siya ulit.

"Hindi ko naman sila kinakawawa, eh," saad niya. She poked the glass aquarium."Inaalagaan ko naman kayo nang tama, 'di ba?"

"Ana?"

Napalingon siya nang may tumawag sa kaniya.

"Oh? Anong ginagawa mo rito!" Sinamaan niya ng tingin si Wish. "Umalis ka nga at baka masipa ko 'yang pagmumukha mo."

"Pasensya na kung nagalit ka sa sinabi ko. Hindi ko naman alam na sasama ang loob mo. I'm sorry."

Sinalubong niya ang mga mata nito na agad din naman niyang pinagsisihan. His gaze was soft. Maluha-luha rin ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya na para bang nagpapaawa.

Parang pusa. Ano ba naman ito. 'Di niya rin tuloy mapigilang maawa.

She sighed in annoyance before looking away. "Oo na, oo na. Okay na."

Dali-dali naman itong lumapit sa kaniya na may ngiti na sa mukha. "Talaga? Okay na tayo?"

"Ang bilis magbago ng mood mo, ah? Oo nga. Okay na."

"Puwede na ulit ako kumain ng karne?"

"Aba't gago 'to, ah." Binatukan niya ito. "Kaya pala nagso-sorry kasi 'yong karne ang habol!"

"Nagugutom pa ako," nakanguso nitong sabi sabay himas ng kaniyang tiyan.

Napairap na lang siya. "Hala, sige! Lamunin mo lahat 'yon."

NAKAPAMULSANG naglalakad sa pasilyo ng palasyo ng Blaitheria ang isang lalaki. Simple lang ang kasuotan niya, puting t-shirt at itim na pantalon ngunit nag-uumapaw pa rin ang karismang dala-dala. Bago siya lumiko ay huminto muna siya sa harapan ng isang makintab at pilak na plorera.

Nakita niya ang kaniyang repleksyon. Kaagad siyang nasilaw at napapikit.

"Too handsome." Gamit ang kamay, sinuklay niya ang maputi niyang mga buhok at nagpatuloy na sa paglalakad.

Nagtungo siya sa ikapitong palapag kung saan naroroon ang hari.

Habang naglalakad ay may nakasalubong siyang bata.

"Oh? Anong ginagawa mo rito?" nakakunot-noong tanong ni Rei. Ang akala ni Fenrys ay pinatay na 'to ni Rauis, pinatulog lang pala.

"Bawal ba ako rito? Anyway, move away." Tinabing niya ang ulo nito at nagtuloy na sa paglalakad. Sinundan naman siya nito habang masama ang tingin sa kaniya. Sa tuwing bumibisita siya, ganito na talaga ang ginagawa sa kaniya ni Rei at ng kakambal nito.

"I know I'm a view kaya 'wag mo na akong titigan ng ganiyan."

"Ew," sagot nito kaya agad siyang napalingon. Kita niya pang umaakto ito na para bang nasusuka.

Kung puwede kang bumuga ng apoy ay matagal na niyang sinunog ang batang ito. Nakakasira ng araw.

Napapikit siya at pinakalma ang sarili. Hindi dapat siya puwedeng ma-stress dahil makakaapekto ito sa kaguwapuhan niya.

"Pasalamat ka hindi ako pumapatol sa bata."

"Edi salamat. Pangit!"

Inambaan niya ito ngunit agad din namang kumaripas ng takbo. Hahabulin na niya sana ngunit may tumawag sa kaniya.

"Fenrys, napabisita ka?"

Napalingon siya at nakita si Rauis na nakangiti sa kaniya. As usual, he always had that soft voice and smile as if he never knew how to get angry.

"Hindi ka ba nagsusuklay?" sagot niya dahil sa gulo-gulo nitong buhok. "Anyway, I just want to hang around here for a bit."

"And why is that?"

"Wala lang. Bawal na bang tumambay? Saka ayaw mo n'yon? May guwapong nilalang ang tumatambay sa palasyo mo?"

Umiling naman ito at hindi siya sinagot.

"Is my face making you speechless?"

Hindi siya pinansin nito at may inabot na card. "I was supposed to give this next week but since you're here, can you give it to Midnight? It's an invitation."

"Invitation for?"

"You see, we have this tradition to empower women's strength." Ngumiti ito. "There will be a competition between women and it will be held after the full moon. Since our kingdom reunited, it'd be nice if Raeon will join us."

"You mean, puwede rin kami sumali?"

"Yes but only women."

"Got it. Alis na ako," saad niya at aalis na sana nang pigilan siya nito sa braso.
"Wait."

"May sasabihin ka pa ba?"

"I just want to ask something. Ahm . . ." Hindi ito makatingin nang diretso sa kaniya at parang nagdadalawang-isip.

"What?"

"Ahm, is there something weird happening in Raeon? Especially, the graveyard?"

"Huh?" Napaisip naman siya. "Wala namang kakaiba. Bakit?"

"Oh, I see." Tumango naman ito at binitiwan na siya. "You may now go. Send my regards to Erienna."

"Okay, if you say so." He gestured his hand and slightly salute. He teleported back to Raeon while still thinking about what Rauis asked him.

He could see the change of expression from Rauis' eyes. Did something happen?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top