Kabanata 26
"HOY!" tawag ni Ana sa lalaking katabi niya.
Nilingon naman siya nito. "Hmm?"
"Anong 'hmm'? Gago! Ba't mo 'ko tinutulungan?" asik niya pero tiningnan lang siya ni Sai. Biglang nanginig ang mga tuhod ni Ana kaya napalingon siya sa hari.
Kainis! Nandito na naman ang malakas na puwersa na humila sa kaniya pababa. Hindi siya makagalaw. Tiningnan niya ang katabi at parehas sila ng sitwasyon. Ang pinagkaibahan lang ay kalmado lang ang ekspresyon nito.
It was as if he expected this to happen.
"Damn you, Ysev. Damn you!" Drystan cursed at him. Kulang na lang may tumubong sungay sa ulo nito dahil sa nakakatakot nitong awra. Pakiramdam niya'y lalapain sila nito ng buhay.
Nakakatakot. Mas lalo siyang nanginig nang lumiwanag ang mga mata ng lalaki. Wala pang isang segundo ay naramdaman na lang niya ang pagbagsak ng kaniyang katawan sa sahig.
"Ah!" Napahawak siya sa kaniyang ilong nang may likidong tumulo.
Gago, anong nangyari?
"Hey, Ana." Nilingon niya si Saifro habang nakadapa. Nakaluhod ito habang ginagawang suporta ang espada upang 'di bumagsak. "Fenrys gave you a ring, right?"
Tumango siya bilang sagot. Naalala niya ang sinabi ni Fenrys sa kaniya kaya napabuntonghininga na lang siya.
Hindi niya pa rin maunawaan kung ano ang mayroon sa singsing pero wala na siyang pakialam. If this man was really an ally then so be it. Isa pa, hindi rin mawala sa isipin niya ang sinabi nito kanina.
Now it made sense. Kaya pala tuwang-tuwa si Wish nang tratuhin siya ni Dago na parang kapatid. Kaya pala naluha ito no'ng panahon na naglaban sila.
"Hoy! Marami kang kailangang sabihin sa kapatid mo," she uttered. She forced herself to stand, fighting the intense gravity pulling her down.
"I know. But first . . ." He looked at Drystan.
"Yeah." Kaagad niyang naintindihan ang nais nitong sabihin.
Kailangan nilang patumbahin ang halimaw na nasa harapan nila. Ramdam pa rin ni Ana ang takot pero hindi siya nagpadala rito. Kahit na tagaktak na ang pawis sa noo niya, sinubukan niya pa ring tumayo.
"Why would you betray me? Aren't you my loyal guard?"
"Why would I be loyal to someone who killed my family?" malamig na sagot ni Saifro pero ramdam ang pait sa mga salitang binitiwan niya.
Hindi inintindi ni Ana ang pinag-uusapan ng dalawa at nag-isip ng paraan kung paano siya makakaalis sa sitwasyon niya. How would she suppose to get out?
Kaasar! Ano bang klaseng abilidad 'to?
Tiningnan niya ang hari nang biglang may pumasok sa isip niya. Gusto niyang batukan ang sarili. Oo nga pala, ba't 'di niya kaagad naisip 'yon?
"You fucking--"
"Hoy!" sigaw ni Ana sa hari dahilan para maputol nito ang sasabihin. Tinitigan niya ito. Nang binaling nito ang tingin sa kaniya ay mabilis niyang ginamit ang kaniyang abilidad.
Napasigaw ito sa sakit at napapikit.
Dali-dali siyang tumayo nang mapapikit ito at nawala ang mabigat na intensidad na humila sa kaniya. Hindi rin nagdalawang-isip si Sai at sinugod si Drystan.
Nasangga ni Drystan ang espada ni Saifro gamit ang matulis nitong kuko. They started to exchange blows and Ana couldn't keep up with their speed. Ilang beses pa siyang napakurap pero blur lang ang nakikita niya at ang mga bumibigay na pader dahil sa puwersa ng dalawa.
Nakatayo lang siya, 'di makapaniwala sa nakikita.
Napalibutan ng usok ang paligid nang may bagay na mabilis na dumaan sa gilid niya at tumama ito sa pader na nasa kaniyang likuran.
Si Sai!
Kaagad niya itong nilapitan. "Buhay ka pa?"
"You dare fight me?!" The king's voice echoed around the room. As Drystan raised his hands, some of the roots from the walls and ground, rose up as well, forming a circle above his hands. "Why did you betray me? Why do you all keep on betraying me!"
Ana knew Drystan would threw it to them so she immediately build a wall of ice as thick as possible to shield themselves.
Tinulungan niyang tumayo si Sai. "Kaya mo pa ba?"
Hawak-hawak pa rin nito ang espada. Punit ang damit nito at dumudugo ang dibdib dahil sa kalmot na natanggap ng lalaki. Marahas nitong itinusok ang espada sa sahig kaya napaigtad siya.
"I can't win against him. That asshole will not die no matter how many times I stab him."
Halata naman 'di siya mananalo pero ano raw? Hindi mamamatay kahit anong gawin niya? Anong ibig niyang sabihin?
"Bakit?" Umarko ang kilay niya.
"He's cursed. A curse that will let him live for eternity." Tinuro nito ang direksyon ng altar kung saan naroroon ang dalawang babae na wala nang buhay. Hindi naman niya makita dahil nakaharang ang yelo na tinayo niya.
"Ah!" Napasigaw si Ana sa malakas na puwersa na tumama sa yelo. It was the king trying to ruin her shield. Naglikha ito ng mga bitak at paniguradong masisira ito kapag natamaan ulit.
"He's wife and daughter was killed by your kinds years--no, many centuries ago. Hindi lang 'yon, hindi rin siya mamatay-matay dahil din sa kagagawan ng lahi niyo."
"Ano?" Napaawang ang labi ni Ana.
Isa-isang pumasok sa isip niya ang mga sinabi at reaksyon ng hari sa kaniya. Unti-unti na rin niyang naunawaan ang nararamdaman nito. Kaya pala galit na galit ito sa kanila.
Napakuyom siya.
Pero kahit na ganoon . . .
Kahit na, hindi pa rin ito sapat na dahilan para mandamay ito ng ibang tao. Porket nasaktan ang hari, wala pa rin itong karapatang manakit ng iba!
"Anong gagawin natin?"
"Just trust me. I know a way to defeat him." Nilingon siya ng lalaki at inilahad ang palad. "The ring."
He signaled her to give it to him. Binigay naman kaagad niya iyon. Isinuot iyon ng lalaki sa ring finger. Napakunot pa ang kaniyang noo dahil may dalawa pang singsing sa daliri ng lalaki.
One of it was Fenrys' ring.
"Anong plano mo?"
"I'm going to break his curse. And the only way to do that is to counter it with another curse." Napakuyom ang kamao nito at seryoso siyang tiningnan. Hindi maipaliwanag ni Ana pero bigla siyang kinabahan.
Magtatanong na sana siya tungkol sa sinabi nito pero naunahan siya nitong magsalita.
"Help me. Create an opening for me."
"Teka--" Napasinghap siya nang tuluyan nang masira ang yelo.
"Aim for his weakness," bulong nito.
Bago pa siya makasagot, nawala na si Sai sa tabi niya. Hindi pa siya nakakakurap, napunta na agad ito sa direksyon ng hari.
"Argh! Sige na nga!" As if naman makakahindi siya. Wala rin naman siyang naisip na plano at si Sai ang may mas alam sa kung anong kayang gawin ng kalaban nila.
She tried to encourage herself but ended up not moving for a minute when something in her mind just sank in. Napasabunot siya sa kaniyang ulo. Hindi niya pala alam kung ano ang kahinaan ng kalaban nila.
"Paano ako makakatulong nito?" Napakagat siya sa kaniyang mga kuko habang nakatingin sa dalawa na abalang maglaban.
Weakness . . . weakness . . .
Ana tried to think about his weakness but to no avail, she couldn't think of anything.
Gusto niya tuloy batukan si Saifro. Pasabi-sabi ng aim for his weakness, eh, paano niya magagawa kung 'di niya alam ang kahinaan ng hari? How was she supposed to create an opening?
Napabuntonghininga na lang siya.
"You'll going regret betraying me, Ysev. No tomorrow will be waiting for you," Drystan said in between of their fight.
"I'm fine with it. As long as I can drag you down with me."
Sai received a kick on the stomach. Tumilapon siya at bumangga sa pader.
"Fool! There is no one who can defeat me!"
Ilang beses pang napaubo si Sai bago nakatayo. Hawak-hawak nito ang tiyan. Kahit may lumabas ng dugo sa bibig nito ay nakuha pa rin nitong ngumiti. Pinakita ng lalaki ang mga singsing.
"I can with these."
WISH and the others were on the way to the underground prison. They heard a crumbling sound inside, at the top. Hula ni Wish may naglalaban sa itaas.
Sana okay lang sila Ana.
Napakuyom ang kaniyang kamao dahil sa pag-aalala. Sana walang nangyaring masama sa kanila kasi kung mayroon, hindi niya mapapatawad ang kaniyang sarili. After all, kung 'di siya dumating sa Raeon, hindi sana 'to nangyari.
"You worry too much." Napaangat ang tingin niya nang may palad na lumapat sa kaniyang ulo.
It was Rauis. He smiled at him. "Didn't we tell you? None of this is your fault. If they had planned to steal the rings from us from the very beginning, kahit 'di ka pa dumating, they will come."
Hindi naman siya sumagot at nanatiling tahimik. Hindi lang naman siya kina Ana at Fenrys nag-aalala, pati na sa kapatid niya. Kahit pa ilang beses siya nitong sinaktan, kapatid niya pa rin ito.
And there was something that he needed to ask from him. No matter how many times he would push him away, he would still ask the same questions.
"Oh?"
Napatigil sila sa paglakad. Napatingala sila nang may marinig na boses mula sa itaas. Dalawang pigura ng lalaki ang nakangisi sa kanila. Bumaba at saktong bumagsak sa harapan niya.
It was the king's guards. Cliff and Kurt. Sila ang umatake kina Midnight no'ng nakaraan.
"Oh! Wish, welcome back!" Ngumisi si Kurt sa kaniya na para bang naging magkaibigan sila. There was a scar from his lips down to his chin. Where did he get that? No'ng huli niyang makita ang lalaki ay wala naman itong peklat sa mukha.
Humakbang si Kurt palapit sa kaniya pero humarang si Rauis.
"Huh? Ano 'to? Pinoprotektahan ka ng mga nilalang na 'to? Nilalang na mas mahina satin?" Humagalpak ito ng tawa. "Kung sabagay, mas mahina ka pa sa mahina."
Nainis siya sa sinabi ng lalaki. Gusto niyang suntukin ang pagmumukha nito pero alam naman niya sa sarili niyang 'di niya iyon kayang gawin. Dahil tama ang lalaki, mahina siya.
"Not when you use me."
Napasinghap si Wish nang marinig ang boses ng kaniyang Ailu. Kaagad siyang napailing. Hindi. Ayoko. Bukod sa 'di niya 'to kayang kontrolin, baka masaktan niya rin sina Rauis at ang iba.
"Oh come on, you're not weak. You can easily wipe those two if you'll gonna use me. I'm the strongest Ailu that ever existed, after all. You should be grateful and stop rejecting me."
Alam ni Wish. Alam na alam niya kung gaano kalakas ang Ailu niya. Pero dahil nga hindi siya nabiyayaan ng malakas na katawan, hindi niya ito kayang gamitin nang tama. Hindi niya ito kayang pantayan.
"I'm not your enemy so stop rejecting me."
"I'm sorry, Lector, pero hindi ko kaya."
His Ailu's name was Lector. Matapos niya itong sabihin ay narinig niya itong bumuntonghininga.
"Wish naman, stop being scared, will 'ya? You're not a baby anymore! You can use me if 'ya wanted to, 'ya coward!"
Siya naman ang napabuntonghininga. Paniguradong 'di na naman tatahimik itong si Lector.
There Ailu was given to them since the day they were born. Puwede rin nila itong kausapin kung kailan nila gusto. And Lector had been with Wish since little, and he never failed to receive a lecture from Lector every time he got sick or injured. Kahit medyo may pagka-blunt itong magsalita, alam ni Wish na mabait si Lector.
When his Ailu wanted to come out, he didn't need to ask for Wish's permission because he could take his body anytime. Nainis siya sa tuwing ginagawa ito ni Lector pero alam naman niya na para ito sa kaniya. Para matuto siyang kontrolin ang kaniyang Ailu.
But the past few days was quite strange. Lector seemed to be considerate. When he said no, Lector wouldn't come out as well.
"We meet again." Napabalik siya sa diwa nang marinig na magsalita si Dago. Nasa tabi na niya pala ito at ngiting-ngiti habang nakatingin kay Kurt. Imbes na matakot ay mukhang natuwa pa itong makita ang lalaki.
"Mukhang bumagay sa 'yo 'yang peklat na binigay ko, ah?"
Kita niya kung paano nawala ang ngisi sa mukha ni Kurt at napalitan ng pagkainis. "You asshole."
"Teka lang." He reached Dago's arms. Nilingon naman siya nito.
Ayaw niyang labanan ni Dago ang mga ito. Alam niya kung gaano kalakas si sina Kurt at Cliff at kapag hahamunin nila ito ngayon, paniguradong mapupuruhan si Dago.
"Don't worry, we won't lose to the same enemy twice."
Akala niya si Lector pero iba ang tunog ng boses. Pamilyar ito. Parang . . .
He heard footsteps coming to his direction.
"Uno."
Midnight looked at him with his blue orbs. "Leave it to us. Go to the prisoners with the others."
"All right."
"Yes, boss."
"Got it, Uno."
Rinig ni Wish na nagsalita ang iba kaya nataranta siya.
"Acting all tough? Baka nakakalimutan niyo, sinuwerte lang kayo no'ng nakaraan dahil pinili namin na 'wag kayong tapusin," Cliff said.
"Should I be thankful?" Midnight crossed his arms. "That was the first time we fought someone on your kinds. No wonder we were beaten up." Voice calm, he admitted defeat on their first encounter. But in a split second, his lips curved into a smirk. "I guess I really need to be thankful. You made me realize that the likes of you are only threatening at first. You all are nothing more but a bunch of cats fooling around."
Napatawa naman si Dago sa sinabi ni Midnight.
Napakuyom ang kamao ni Wish. How could they be so confident? Isang Ailune ang kalaban nila, pero bakit? Bakit wala siyang makitang takot sa emosyon ng mga kasama niya? Nakita niya na napuno ito ng mga sugat no'ng nakaraan kaya bakit hindi man lang ito nangamba o kahit na manginig?
Ailune were way superior than them so how could they act so fearless? How could they act so brave!
"Let's go." Ngumiti si Rauis sa kaniya at hinila siya paalis. Wala siyang nagawa kundi magpatangay kay Rauis.
"Bakit?" He whispered under his breath.
"We are labeled as superior creatures than them but that was centuries ago. They are tougher than you think, Wish."
This time, it was Lector who spoke.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top