Kabanata 24
NATIGILAN si Ana nang yakapin siya nang mahigpit ni Fenrys. Ramdam niya ang hininga nito sa kaniyang leeg. Naririnig din niya ang pintig ng puso ng lalaki. Hindi niya alam kung yayakapin niya rin ba ito pabalik dahil nalilito pa siya sa mga nangyayari.
"Ana!" Nagulat siya nang makita si Erienna na kasama nila.
"Anong ginaga--" Hindi niya natapos ang sasabihin at inilibot ang tingin sa paligid.
Nasaan sila?
Bigla naman niyang naalala ang nangyari sa Blaitheria. Hinigop sila ng parang maitim na bagay at pagkatapos hindi na niya alam pa ang sumunod na nangyari.
"Fenrys, anong nangyayari? Nasaan tayo? At bakit nandito si Erienna?" kunot-noong tanong niya.
"Mahabang kuwento." Humiwalay ito sa pagkakayakap at hinawakan ang mga kamay niya. "I'll explain everything later."
Naramdaman niyang may inilagay ito sa kaniyang kamay. Isa itong singsing. Napabalik ang tingin niya kay Fenrys. Mas dumoble tuloy ang kalituhan niya.
"Keep this ring. Kapag dumating si Sai, ibigay mo sa kaniya."
"Sino si Sai?"
"Kapatid ni Wish."
"Ano?!" napasigaw siya sa sinabi nito. "Nababaliw ka na ba? Hindi ba kalaban natin siya?"
Hindi niya alam kung ano at para saan ang singsing pero ang ibigay ito sa kalaban? Hindi naman yata siya makakapayag.
Hindi pinansin ni Fenrys ang tanong niya at hinawakan ang magkabila niyang pisngi. What was this? Bakit parang may nag-iba kay Fenrys? Namamalikta lang ba siya o mas nakikita na niya ngayon ang emosyon sa mga mata ng lalaki?
Napunta ang tingin niya sa braso nito. Napalaki ang mga mata niya dahil napakalaki nitong sugat. Hindi lang ang braso pati na rin ang mga paa nito. Magsasalita na sana siya pero naunahan siya ni Fenrys.
"Ana, can you do it?" marahan nitong tanong sa kaniya. "Lalabas kami ni Erienna at iiwan muna kita rito. So I'm asking you, can you do it?"
"Pero--"
Natigilan siya nang gawaran siya nito ng halik sa noo. "You can, right? Didn't you tell me you wanted to get stronger? Protect the ring until you give it to him."
Napalunok siya. Kinuyom niya ang kaniyang kamay na may hawak sa singsing at sinalubong ang mga titig ni Fenrys. Kahit na nalilito, kahit na marami pa siyang katanungan, sinawalang bahala niya muna iyon. Hindi niya pywedeng sayangin ang pagkakataong ito. It was the perfect time to prove herself.
Tumango siya. "Okay, pero kailangan mong sagutin lahat ng tanong ko mamaya."
Ngumiti naman si Fenrys. "That's my girl." And patted her head.
Tumayo na ito at tuluyan nang naglakad kasama si Erienna palayo habang siya naman ay nakatunganga lang dahil sa sinabi ng lalaki.
Ano raw? T-that's my girl?
Napahawak siya sa ulo niya nang maramdaman ang pag-init ng kaniyang mga pisngi. Mabilis siyang napailing at inalis ito sa kaniyang isipan. Hindi ito ang tamang oras para kiligin siya.
Tumayo na siya at naglakad palabas ng silid. Napaigtad pa siya nang makita ang isang halimaw na nakahandusay at wala nang malay. Mukhang may nangyaring labanan kanina at hindi man lang siya nagising. Ano ba 'yan! Napakamot na lang siya sa kaniyang ulo at tumuloy na sa paglalakad.
Nasaan ba siya? Sinipa-sipa niya pa ang tinatapakan niyang mga ugat sa puno. Nasa loob ba siya ng puno ngayon? Sana sinabi man lang ni Fenrys kung saan niya makikita ang kapatid ni Wish.
Patuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa mapadpad siya sa isang silid na may harden ng bulalak.
Weird. Akala niya'y nasa loob sila ng isang napakalaking puno pero may lupa roon. Nasisilayan niya rin ang langit dahil mga dahon at sangay lang ng puno ang tumatakip sa itaas. May hagdanan sa gitna ng harden kaya napaarko ang kaniyang kilay. Sa ibabaw ay may kama at nakahiga roon ang dalawang babae.
"Huh?" sambit ni Ana pero napakunot ang kaniyang noo nang may kasabay siyang nagsabi nito.
"What the hell are you doing here?" A stern voice echoed around the room and the next thing she knew, a man was already in front of her.
Napaawang naman ang labi niya sa tindig ng lalaki. Magmula sa kasuotan, sa mahaba at nakatali nitong pulang buhok hanggang sa walang kaemo-emosyon nitong mga mata, hindi niya mapigilan ang sariling maestatwa. She was mesmerized yet threatened. Nakakapangilabot ang binibigay nitong tingin.
"Who gave you permission to enter this room? The last time I checked, I didn't invite any insects."
"Malay ko bang bawal dito. Wala naman kasing pinto," sagot niya at sinalubong ang tingin. Mukha ba siyang insekto? Eh kung sipain niya kaya pagmumukha nito?
Umigting ang panga ng lalaki. "Watch your words."
Biglang nagliwanag ang mga mata ng lalaki. Nagulat na lang siya nang biglang yumanig ang paligid.
Ano 'to? Anong klaseng awra ang bumabalot sa lalaking 'to?
Nanginig ang mga tuhod niya. Pakiramdam niya'y ginalit niya ang taong dapat hindi ginagalit. Ito ba ang namumuno sa lugar na ginagalawan niya?
Napabagsak siya sa puwersang humihila sa kaniya pababa. Walang kahit anong bagay ang nakapatong sa kaniyang likuran ngunit hindi niya magawang itaas ang sarili. Ang bigat.
Sinubukan niya pa ring gumalaw. Nakikita niya na rin ang mga ugat sa nakakuyom niyang kamao habang pinipilit na iangat ang sarili. Pilit niyang itinaas ang kaniyang tingin. Nahagip ng kaniyang mata ang isa pang lalaki sa silid.
Ang kapatid ni Wish.
Bigla niyang naalala ang sinabi ni Fenrys sa kaniya.
"H-hoy!" tawag niya rito pero hindi naman ito nakinig at nakatingin lang sa kanilang dalawa.
"Ah!" Napasigaw si Ana nang biglang hilahin ng lalaki ang kaniyang buhok at hinarap siya.
"You wolves are really pissing me off. Acting superior when in fact, all of you are just inferior beings from us."
"Ano bang problema mo? Wala naman kaming ginagawa sa'yo!" Nagpumiglas siya. Hinawakan niya ang braso nito at sinubukan na hilahin palayo pero hindi niya kayang pantayan ang lakas ng lalaki.
"Wala?" Humigpit ang pagkakahawak nito. Napamura siya dahil sa sakit. Makakalbo pa yata siya.
Hila-hila pa rin ang kaniyang buhok, kinaladkad siya nito papalapit sa hagdanan.
Buwisit na lalaking 'to. 'Pag ako nakawala, hihilahin ko rin 'yang buhok mo!
"Do you see that?" Tinuro nito ang dalawang babae sa kama. "Kasalanan niyo kung bakit hindi na nagising ang asawa at anak ko."
Hindi nagising? Natigilan si Ana. Ibig ba nitong sabihin ay patay na ito?
Napatingala siya. Akala niya'y natutulog lang ang dalawang babae pero wala na pala itong buhay.
"Nang dahil sa inyo, nawala ang pamilya ko. Kasalanan niyo ang lahat!"
"Wala akong alam sa sinasabi mo!" Sinipa niya ang paa nito pero hindi ito natinag.
"And in return, I'll gladly ruin you all. I'll make you suffer the same way you wolves made me feel!"
Nagpanting sa tainga niya ang sinabi nito. Mahigpit niyang hinawakan ang braso ng lalaki, hinila pataas ang sarili at sinipa ang pagmumukha nito. Nagulat ito sa ginawa niya dahilan para mabitiwan siya.
Kaagad siyang umatras pero hindi niya inaalis ang tingin sa lalaki. "As if hahayaan kitang saktan mo ang mga mahal ko."
Nainis siya sa sinabi nito. Sino ba siya para sirain sila? Bago pa nga lang nagkaayos ang Blaitheria at Raeon, may maninira na naman sa buhay nila.
"Why are you acting so brave now?" Napahawak ito sa panga na sinipa niya. "Akala ko pa naman manginginig kayo sa takot dahil sa sinapit niyo noon."
Napakunot ang kaniyang noo. "Anong ibig mong sabihin?"
"Blaitheria and Raeon. Ten years ago," he said teasingly. Ewan niya ba pero bigla siyang kinabahan.
"Bakit mo alam ang nangyari noon?"
"Bakit?" Mahinawa itong natawa. "Because it was me who caused that war." Paunti-unti, palakas nang palakas ang halakhak ng lalaki. "It was my plan to ruin both kingdoms. I used a fool named Silva to make you all suffer!"
Natigilan si Ana. Hindi siya makapaniwala sa narinig niya. Isa-isang bumalik sa isipan niya ang nangyari noon. Punong-puno ng hinanakit at pagdurusa ang mga puso nila dahil halos lahat sila ay nawalan ng mahal sa buhay. Namatay ang mga magulang niya para mailigtas lang sila ng kaniyang kapatid.
At namatay rin ang matalik niyang kaibigan habang pinoprotektahan siya.
Mabilis na nagsalubong ang kainyang kilay. Umusbong ang galit sa puso niya. Pakiramdam niya'y pinaglaruan sila. They grew up hating the Havocs only to find out the real villain was standing right in front of her. How dare he!
"Wala kang kasingsama!" nangangalaiti niyang sabi ngunit mapang-asar naman siya nitong nginitian.
"It's still not enough," anito. "Sisirain ko kayo hanggang sa hindi na kayo makakabangon pa."
"Hindi ko maintindihan ang galit mo pero hinding-hindi kita hahayaang saktan sila!"
Hindi na siya makakapayag pa na mawalan ng mahal sa buhay. Gagawin niya ang lahat para protektahan sila. Hindi niya sasayangin ang sakrispisyong ginawa ng kaniyang pamilya at kaibigan niya.
"Let me protect you until you can protect yourself and the others." Ang mga huling salita na binitawan ng kaniyang kaibigan.
Hindi niya bibiguin ang mga ito.
"Didn't you say you wanted to get stronger?"
Napangisi siya. Kahit anong mangyari, hindi niya aatrasahan ang lalaking nasa harapan niya. Ngayon pa na kaya na niyang lumaban.
"Hmm? Then what are you going to do?"
Napaatras si Ana nang bigla itong mawala sa harapan niya.
"Too slow," nakarinig siya ng boses sa kaniyang likuran. Lumingon siya at nakita niya itong nakaamba na ang matutulis nitong mga kuko.
Shit!
Tinaas niya ang mga kamay. She attempted to make an ice shield like she did in Blaitheria. Pero napatigil siya nang may pumagitna sa kanila.
It was Sai!
Gamit ang espada ng lalaki ay sinalo nito ang mahahabang kuko ng hari.
Nakita niya kung paano nagsalubong ang kilay nito. "What is the meaning of this, Ysev?"
Hindi ito pinansin ng lalaki. "How about my little brother? Is he one of the person you wanted to protect?"
Nagulat siya sa tanong nito. Hindi niya alam kung siya ba ang kinakausap dahil nakatalikod ito sa kaniya.
Iwinaksi ng lalaki ang mga kuko ng hari gamit ang espada at nilingon siya. Hinawakan nito ang kaniyang bewang at mabilis na tumalon palayo sa direksyon ng galit na pinuno.
"Answer me. Do you want to protect Wish?" muli nitong tanong ngunit sa pagkakataong ito ay nakatingin na ang lalaki sa kaniya.
Kahit na nagtataka ay tumango siya. Wish had become a family to her. Kahit hindi ito isang lobo, napalapit na ang loob niya rito kaya hindi niya hahayaang may manakit dito.
Napansin naman niyang ngumiti ang lalaki. "That's good to hear."
Napakurap siya. Hindi niya maintindihan kung ano dapat ang puwede niyang maramdaman. Sa unang pagkakataon ay nakita niya itong ngumiti. Sa unang pagkakataon, nakita niyang ang emosyon ng sinseridad sa mga mata nito.
Tumalikod ang lalaki at hinarang ang sarili. Naramdaman na naman niya ang pagyanig na kagaya ng kanina.
"What is the meaning of this?"
Napunta ang tingin niya sa hari at parang sasabog na ito sa galit. Namumula ang mukha at nanlilisik ang mga mata.
Pero nanatiling kampante ang lalaking nasa harapan niya.
"Then, I guess I have to do my duty now as his older brother," bulong nito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top