Kabanata 23
"MADEMOISELLE, stand ba--"
"I'll back you up." Bago pa matapos ni Fenrys ang sasabihin ay nagsalita na si Erienna. Nagdadalawang-isip pa siya sa sinabi nito dahil baka mapahamak ang babae, paniguradong malilintikan siya ni Midnight.
Gusto niya pa sanang sumagot pero wala na silang oras para mag-usap pa. Nagsimula nang kumilos si Shadow. Gamit ang abilidad, nagpahigop ito sa loob ng mga ugat. Lumingon-lingon si Fenrys. Nang maamoy niya ang lalaki, mabilis siyang umikot sa kaniyang likuran. Handa na sana siyang umatake subalit ang espada nito ang sumalubonh sa kaniyang mukha. He held his breath when it was just centimeter away from his face.
He almost forgot about his sword.
He was about to dodge it when the sword suddenly disappeared. Ang akala niya'y kagagawan iyon ni Shadow pero nagtataka rin ang mukha nito.
"Fenrys!" Nilingon niya si Erienna pero hindi ito nakatingin sa kaniya. Nakaturo ang kamay nito kay Shadow. Mukhang si Erienna ang may gawa ng pagkawala ng espada ng lalaki.
Before Shadow could react, he lowered his body. Clenching his fist, he landed a blow on his right cheek. He slightly hissed when he felt a vibration on his knuckles.
"Tough features for a pretty face," said Fenrys without thinking. There was no denying that Shadow had a soft and beautiful face, but it was hard as steel, causing his face to form into a question mark expression.
Well, it didn't matter. He was way more gorgeous than him anyway.
"I'm unparalleled!" He brushed his hair while taking three step back. Not to run away but to prepare for an attack.
Shadow clenched his jaw, glaring at the sight of his smirking face. Fenrys turned, at the same time, he used his ability to speed up his approach. He prepared his kicking feet to land on Shadow's face but he only kicked the air. The guy disappeared, swallowed by his dark, sticky-looking shadow.
His ability is really an eye-sore!
Nakita niyang nagtungo ito sa direksyon ni Erienna. Nag-amba itong sasakalin ang dalaga pero mabilis namang nakaiwas si Erienna.
He blinked twice after seeing Erienna's reflexes. Since when did she learn to move like that?
He didn't have time to think about it when Erienna and Shadow were headed towards Ana's direction. He teleported to where his mate was, and gently, carried her and moved her to a different spot.
"Stay here for a while, sleeping . . ." He paused while looking at Ana's sleeping face, thinking of a word to call her. Her face still look cold, but cute. "Ang bait mong tignan kapag tulog pero 'pag gising 'kala mo may halimaw. Therefore, you are a sleeping beast!" pang-aasar niya pa dahil kampante siyang hindi ito makakaganti sa kaniya.
He gazed his attention to Erienna when he heard a slashing sound. Sharp claws appeared on the guy's hands and his trying to cut her. Naiiwasan naman ito ni Erienna pero pansin niya ay pabilis nang pabilis ang galaw ng lalaki.
This is bad. 'Pag nasugatan si Erienna, malalagot ako kay Uno.
"Ah!" Napasigaw si Erienna nang matamaan ang braso nito.
"Mademoiselle!" Malalagot na talaga siya. Mabilis niyang tinungo ang direksyon ni Erienna ngunit pumagitna si Shadow.
Buwisit!
"I'm okay!" Nakita naman niyang may usok na pumalibot sa braso ng dalaga at nawala kaagad ang mga sugat nito. For the second time, he was surprised. Visandras really had cool abilities.
Napahinga siya nang maluwag. Mabuti naman at hindi na niya kailangan pang mag-isip ng palusot kay Midnight.
He jumped backward when Shadow tried to slash his chest. Atras lang siya nang atras habang lapit nang lapit naman sa kaniya si Shadow. His movement was increasing, while his remained. If this continues, he may not be able to keep up.
What should he do?
Napatigil siya sa pag-atras nang pader na pala ang nasa likuran niya.
"This is bad . . ." bulong niya ngunit may naisip naman siyang ideya. "Or not."
He jumped sidewards, causing Shadow's claws to be stuck on the root-like walls.
Napangiti siya. Time to counter!
Fenrys jumped. Raising his right feet, he landed it on Shadow's shoulder. Isang malakas na kalabog ang nilikha niya nang bumagsak ang katawan ni Shadow.
Kaagad siyang umatras nang mapansing gumalaw ito. "You're still alive?"
"Fool. Inferior creatures like you cannot defeat me."
Napasinghap siya nang may lumabas na black stripes sa mukha nito. Unti-unting lumaki ang katawan ng lalaki at naging mabalahibo. But those fur quickly transformed into tiny spikes. His feet became like a leopard, and the hand that used to hold a sword became the weapon itself, sharp and spiky. But what made Fenrys frightened was Shadow's knuckles, sharp long claws were growing on them.
His ears became pointy as his yellowish eyes were glaring at them.
Fenrys unconsciously stepped back when he felt a cold breeze on his back. The room had turned dark as the guy evolved, turning into a monster he never had seen in his life.
This was their creature, the Ailu.
Hindi pa siya nakakakurap ay nasa harapan na niya ito. The monster breathed heavily, producing a smoke. He immediately used his teleportation and went to the broken cage while holding his wounded arm.
Shadow was too fast. Bago pa siya tuluyang makapag-teleport ay nakalmot na nito ang braso niya.
"Fenrys!" Lumapit si Erienna sa direksyon niya at tiningnan ang sugat niya. "It's deep."
"I'm fine." Hindi niya inalis ang tingin kay Shadow. "But that guy right there is bad news."
Umangil ito at matalim silang tiningnan. The guy breathed again with heavy exhaling.
May kaagad siyang napansin. Bakit nakatayo lang ito at hindi sila sinusugod? Bakit parang may hinihintay ito?
"Duck!" sigaw niya at sabay silang napadapa ni Erienna nang bigla itong sumugod. Naramdaman nila ang malakas na hanging dumaan sa kanilang ibabaw at halos magsitayuan ang mga balahibo niya.
That was close. Akala niya'y mapupugutan na siya ng ulo.
Damn that speed!
At sa pangatlong pagkakataon, nakatayo na naman ito at matalim silang tiningnan. Mukhang napansin din ito ni Erienna dahil nakakunot ang noo nito.
"Fenrys, hindi kaya . . ."
Mukhang parehas pa yata sila ng naiisip.
Tumango siya. "It looks like he's following certain intervals. Naghihintay ito ng ilang segundo bago sumugod ulit."
He processed what he just realized. The Ailu's speed also have a downside. He moved super fast, but since his huge, he couldn't move continually. He needed to wait for seconds to build a force from his legs before he could spring towards them.
Another thing he figured, he was unable to use his ability since he transformed into his Ailu.
"Mademoiselle." May binulong siya rito. Tumango naman kaagad si Erienna.
Pagkatapos niyang sabihin kay Erienna ang plano ay kumuha siya ng bakal galing sa rehas na sinira ni Saifro. Hinintay nila itong sumugod sa kanila bago kumilos.
"One, two." Fenrys stared at the Ailu's bended feet. When it was ready to attack them again, he shouted. "Now!"
Napagulong si Erienna sa kanan habang siya naman ay tumuntong sa ibabaw ng kulungan gamit ang abilidad.
Binato ni Erienna ng bakal si Shadow upang makuha ang atensyon nito bago tumakbo papalapit sa pader.
"Fool, now you have nowhere else to run!" halakhak ni Shadow.
Three seconds--no, four. Apat na segundo bago ito gamitin ang bilis para makalapit kay Erienna. Napahigpit siya sa hawak niyang bakal sa magkabilang kamay. Hindi niya hinayaan ang sariling kumurap at nagbilang.
Three . . . two . . . one.
Now!
When Shadow rushed to Erienna's direction, he also used his teleportation.
Tinaas nito ang matutulis na mga kuko at handa ng saktan si Erienna. "Die!"
"No. You will die!" Sa tulong ng teleportasyon, nakatungtong siya sa likuran ni Shadow. Kahit na natusok ang kaniyang mga paa sa mga spike nito, tiniis niya ang sakit at walang pagdadalawang-isip na sinaksak at ibinaon ang dalawang bakal na hawak-hawak sa balikat ni Shadow.
Umalingawngaw ang angil nito sa buong paligid. Biglang nagwala si Shadow dahilan para tumilapon siya at tumama ang likuran sa pader.
Napadaing siya sa sakit ngunit hindi niya pa rin inalis ang tingin sa kalaban. Pilit nitong inaalis ang bakal na sinaksak niya. At sa pagtanggal nito ay pagbagsak din ng katawan. Umagos ang dugo nito at nagkalat sa buong silid.
Paika-ika siyang naglakad papalapit sa direksyon nito at sinipa ang braso. Nais niyang makasigurong hindi na ito aatake pa sa kanila. Nakahinga siya nang maluwag nang wala na itong malay.
"We did it!" sigaw ni Erienna at lumapit sa kaniya. Nakipag-high five naman siya rito.
"Fenrys, 'yong braso mo. Ang paa mo pa," alala nitong saad at tinulungan siya nitong maglakad papunta kay Ana.
"I'm fine. Malayo 'to sa mukha ko," nakangisi niyang sabi.
Napatawa na lang si Erienna dahil sa sinagot niya. Nang makalapit sila kay Ana ay mabilis siyang umupo sa tabi nito. Ang hapdi ng mga paa niya, idagdag pa ang kumikirot niyang braso. Ngayon lang siya nakaramdam ng pagod nang masilayan ang kaniyang puting pantalon at long sleeves na nakuluyan na ng sariling dugo.
"Anong nang gagawin natin?"
"Midnight and the others will be here soon. Sinabi ko rin sa kaniya na kikitain natin sila sa labas." Nilingon niya si Ana. "Pero bago 'yon, kailangan ko munang mag-isip ng paraan para tanggalin ang singsing sa tiyan niya."
"Ha? Anong singsing?" gulat na tanong nito.
"Wish's brother implanted a ring on her stomach. Iyan din ang dahilan kung bakit hindi nagigising si Ana."
Hindi naman sumagot si Erienna at napaisip. Nagtaka siya nang inilapat nito ang kamay sa tiyan ni Ana.
"Anong gagawin mo?"
"Susubukan kong kunin ang singsing sa loob niya," seryoso nitong sabi at huminga nang malalim.
"Teka. Seryoso ka ba?" alala niyang tanong. Nagdadalawang-isip kasi siya. Hindi naman sa wala siyang tiwala rito pero natatakot pa rin siya, baka may mangyaring hindi maganda kay Ana.
"Nagawa ko 'to kay Tiya dati kaya sigurado akong magagawa ko 'to ngayon lalo na't kabisado ko na ang abilidad ko." Ngumiti ito sa kaniya.
Wala siyang nagawa kundi hayaan ito. Gusto rin naman niya na maging okay si Ana. At isa pa, gusto niyang makita kung tama nga ang sinabi ng lalaki sa kaniya.
Muli itong huminga nang malalim. Kasabay ng paghinga, ang paglabas din ng maliit na sinag sa palad ng dalaga. Napanganga siya nang dahan-dahan nitong ipinasok ang kamay sa tiyan ni Ana. Napangiwi pa siya sa ginawa nito.
Tiningnan niya si Erienna na nanlalaki ang mga mata. Pokus na pokus ito sa ginagawa na halos napapalibutan na ng pawis ang buong mukha nito.
Napalunok na lang siya habang hinihiling na sana'y matagumpay na makuha ni Erienna ang singsing.
Please. Let this be successful, please!
"I got it," Erienna said. And slowly, she pulled her hand out.
Nang makita niya ang singsing, doon lang siya nakahinga.
"T-thank you." Nanginginig ang nga kamay niyang tinanggap ang singsing. Hindi naman siya nerbyoso pero sa unang pagkakataon, akala niya'y malalagutan na siya ng hininga sa sobrang kaba.
Nabalot ng yelo ang singsing kaya inalis niya ito. Doon niya lang naaninag ang pilak nitong kulay at ang maliit na gem sa tuktok.
"It's exactly what he said," he muttered.
"Huh? Sino?"
"Wish's brother."
"Wish? Iyon ba 'yong lalaking nakatira sa inyo?"
Tumango naman siya. Ibubulsa na sana niya ang singsing nang mapansing gumalaw ang kamay ni Ana.
"Ana?" Kaagad niya itong nilapitan. Hinaplos niya ang pisngi ng dalaga upang gisingin. "Ana?"
Dahan-dahan nitong iminulat ang mga mata. "F-fenrys?"
Hindi magkamayaw ang puso niya sa tuwa nang magising ito. Inalalayan niya itong bumangon at mabilis na sinalubong ng yakap. "Buti naman at nagising ka na. You had me worried again."
"ARE you all done?" Nilingon ni Wish si Uno. Nakakunot ang noo habang nakatingin sa mga kasamahan nila.
Napakamot si Wish sa kaniyang batok dahil hindi niya inakala na ganito ang magiging reaksyon nila. Sina Dago, Lenox at Yves ay nandoon sa dalampasigan. Habang ang iba naman, nilalaro ang paa sa buhangin.
First time ba nilang makakita ng dagat?
"Ah, Uno," tinawag niya si Midnight.
Salubong ang kilay nito na nilingon siya. "Yeah?"
"Ano pong gagawin natin?"
"Fenrys said he'll meet with us outside. For now, let's just wait."
Napatango naman siya. May gusto siyang sabihin dito pero nahihiya naman siya.
"What is it?"
Nagulat siya sa tinanong nito. Nakakabasa ba ito ng isip?
"I didn't read your mind. It's already written on your face. What is it?"
"Pasensya na po sa hihilingon ko pero puwede niyo po bang tulungan na makalaya ang mga alipin na kagaya ko?" mahina niyang tanong. Hindi siya malapit sa ibang alipin dahil madalang lang silang nakakapag-usap pero gusto niya pa rin silang tulungan. Alam niya mismo ang hirap na dinanas ng mga ito dahil isa rin siyang kagaya nila--alipin ng hari.
"Where are they?"
Tinuro niya ang paanan ng malaking puno. Pinaliwanag niya kaagad ang sitwasyon. "Nasa ilalim. Kinukulong kami d'yan sa ilalim. Gamit ang energy source barrier na ginawa ng hari, kinukuha nito ang mga lakas namin para mapanatiling nakatayo ang Chysan."
"Bakit ngayon mo lang 'to sinabi samin?" tanong ni Midnight. Nagulat naman siya nang nasa kaniya na ang atensyon ng iba.
"Kasi sina Fenrys at Ana naman ang pinunta--" Hindi niya natapos ang sasabihin ng akbayan siya ni Dago.
"Hindi ba namin nasabi sa 'yo na tutulungan ka namin?"
"You can rely on us. Next time, you better tell us your concern, okay?" sabi ni Rauis at ngumiti sa kaniya. Ngumiti rin siya pabalik at tumango.
Muntik na niyang makalimutan. Bakit ba nagdalawang-isip pa siya?
"Are you done playing, king of Blaitheria?" sarkastiko ang pagkakatanong ni Midnight kay Rauis kaya napakamot naman si Rauis sa kaniyang batok.
"Sorry," bulong nito pero rinig naman nila. Napatawa naman ang mga kasama nila pati siya.
"Stop laughing. All of you were fooling around with him." Midnight glared.
Napatahimik naman ang lahat pati rin siya. Hindi niya mapigilang matakot sa pinuno ng Raeon lalo na 'pag napapatingin siya sa peklat at sa bughaw nitong mga mata. Nakakalunod. Para bang lalapain siya nito nang buhay kapah may nasabi siyang hindi maganda.
"Uno naman, ang saya kaya--"
"Enough. We've got work to do." Pinutol niya ang sasabihin ni Dago. Nilingon siya nito. "Wish, lead us the way."
Mabilis siyang napatango. Maglalakad na sana siya nang may maamoy siyang kakaiba at papalapit ito sa direksyon nila.
The guards were approaching their direction.
Nilingon niya sina Midnight para bigyan ng babala pero mukhang napansin na nila ito. Nagbago ang ekspresyon sa kanilang mukha lalo na si Midnight at Dago.
Two guards jumped out of the tree. As they landed, one of them removed their cape while carrying a grin. "I see. We meet again."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top