Kabanata 22

"WHY did you let him take my sister?" Ito yata ang unang beses na tinaasan siya ng boses ni Rauis dahil sa galit. Napapikit ito at halatang pinapakalma ang sarili. Kakarating lang ni Midnight kasama ang mga Knight sa Blaitheria. Kaagad niya ring sinabi ang nangyari kay Erienna dahilan upang magalit sa kaniya si Rauis.

Inalis niya ang pagkakahawak nito sa kaniyang kuwelyo. Kahit siya ay galit din sa ginawa ni Fenrys.

"Hindi naman yata gagawin 'yon ni Fenrys kung walang dahilan," sabat ni Wish sa kanila. He looked at the kid's face, his eyes were full of determination, saying he would never doubt Fenrys.

He was right. Kilala niya si Fenrys at kaibigan niya ito mula bata pa. Hindi ito gagawa ng bagay na makapagpapahamak sa kanila. Unless it was something he was forced to do.

"He won't hurt her," he said with full of sincerity. Fenrys would never break his trust. "And he won't let anyone hurt her."

Hindi naman sumagot si Rauis. Umupo muna ito sa sofa habang napapabuntonghininga. Nag-aalala ito para kay Erienna. Siya rin naman pero habang naaalala niya ang mukha ni Erienna kanina, hindi man lang niya ito nakitaan ng pagkatakot. Hindi niya alam kung ikakatuwa niya ba 'to dahil nagiging matapang na ang mahal niya.

I feel proud though.

He sat on the couch beside Wish and heaved a sigh.

"Did he say something?" Rauis asked.

"About that." Pinasadahan niya ng tingin ang mga nasa kuwarto. "Yeah, he did say something."

He communicated with Fenrys through his telepathy. Naisip niya kasi na baka may pinagawa ang mga kalaban kay Fenrys. Mabuti na lang at mukhang hindi alam ng kasama nito ang kaniyang abilidad.

Ito rin ang dahilan kung bakit hinayaan niyang kunin ni Fenrys si Erienna.

Nakatuon ang atensyon ng lahat sa kaniya at hinihintay siyang magsalita.

"It has something to do with the rings," panimula niya at makahulugang tiningnan si Wish. "They'll use it to revive someone."

"Sino--Ah!" Napalaki ang mga mata ni Wish nang may mapagtanto ito. Napatakip pa ito sa kaniyang nakaawang na bibig. "Hindi kaya ang asawa at anak ni Master?"

"Hmm?"

"Sa pagkakaalam ko, matagal ng patay ang asawa at anak ng pinuno pero hindi ko alam kung bakit ito namatay. Sabi ng iba pinatay raw, may nagsabi rin na baka namatay raw dahil sa sakit," malungkot nitong sabi. "Alam ng lahat na hindi pa rin matanggap ng hari ang pagkamatay nila pero hindi ko akalaing aabot sa ganito."

Napatahimik silang lahat.

Fenrys said one more thing but he decided to be quiet about it. Gusto ng hari na sirain ang relasyon ng Blaitheria at Raeon at iyon ang hindi niya maintindihan. Bakit kailangang sirain nito ang Raeon at Blaitheria? Anong konekta nito sa revival na sinasabi ni Fenrys?

"Whatever it is, we have to move."

Malapit nang mag-umaga. Nilingon niya ang mga Knight at handa na rin ang mga ito. Nakita niyang tumayo si Rauis at naglakad ito papunta sa malaking pintuan. Binuksan nito at inuluwa ro'n si Van, Steven, Oli at Valen.

"We are ready," Rauis said. Naglakad ito pabalik sa kanilang direksyon habang nakasunod naman ang apat sa kanila.

Nilingon niya si Wish. Bahagya siyang nagulat dahil determinado nitong sinalubong ang kaniyang tingin.

He smiled at the back of his head. The first time he met him, Wish looked like a tiny, lost creature. Anxious and scared, he was a total mess. But at the moment, he realized, the kid somewhat had a brave heart.

"If you may," Rauis gestured his hand. Tumango naman si Wish bilang tugon at inihanda ang sarili upang gawin ang barricade technique na sinabi nito kahapon sa kanila.

Itinaas ni Wish ang dalawang kamay hanggang sa dibdib. Pinikit nito ang mga mata at may binulong. Ilang segundo ang lumipas ay napansin niyang pinagpapawisan ang noo ni Wish. Breathing heavily, the kid moved his arm forward, clasping his fingers. When he opened his eyes, the color of his orbs turned gold.

"Let me through. Barricade!" matapos nitong isambit ang mga kataga, may maliit na liwanag ang kumawala sa mga kamay ng binata. Hanggang sa lumaki nang lumaki at lumikha ng kulay pilak na pintuan. A silver door with an emblem of a large claw appeared.

Napakurap pa si Midnight dahil sa silaw ng liwanag na nanggaling sa pinto.

"All right! Let's go!" sambit ni Dago.

Binuksan ni Wish ang pinto at naunang pumasok ang mga Knight. Napailing na lang siya nang makitang nagtutulukan si Yves at Lenox. Sumunod naman ang mga kasama ni Rauis na pumasok.

Nilapitan niya si Wish nang sila na lang dalawa ang naiwan.

He patted his head and said, "We'll surely going to get them back."

Tumango naman ito at ngumiti.

Sabay silang pumasok dalawa. Sumalubong ang liwanag kay Midnight kaya napapikit siya. Nang marinig niya ang mga boses na namamangha sa paligid niya, doon niya lang binuksan ang mga mata.

He marveled at the sight of a giant, round, tornado-like palace in front of them. It just like what Wish told them. The whole place was made of big and tiny roots. He could even smell the scent of the leaves above, acting as the palace's roof.

He couldn't help but feel like an ant beside the palace.

How the heck did their leader build this thing?

He started to walk but the ground caught his attention. Mabigat ang mga hakbang niya at parang lumulubog siya. Yumuko siya at tiningnan ito.

"Sand?"

"We're in the middle of the ocean," narinig niyang saad ni Rauis kaya napalingon siya sa paligid.

He was right.

Napakurap siya dahil sa ganda ng dagat. Magkasingbughaw ng kaniyang mga mata ang dagat at kumikinang pa dahil sa repleksyon ng sumisikat na araw. Napansin niya ang mga Knight na naaaliw rin sa tanawin.

What is this place?

"Wish!" Tumakbo papalapit sa kanila si Dago at inakbayan si Wish. "Hindi mo naman sinabi ang ganda pala ng Chysan."

Midnight squinted his eyes. He didn't like where the conversation was going. Nilingon niya ang iba and tama nga ang sinasabi ng isip niya.

They were starting to fool around. Hindi ito ang tamang oras para maglaro sila.

"Ra--" tatawagin na niya sana si Rauis pero agad ding napatigil. Nakita niya itong kumuha ng buhangin. Aliw na aliw, hindi matanggal ang ngiti sa pagkamangha habang pinapanood na mahulog sa mga kamay nito ang napakapinong buhangin.

Napatampal na lang siya sa kaniyang noo.

The king of Blaitheria was happily playing as well.

NAGLALAKAD sina Fenrys at Erienna ngayon papunta sa silid kung saan naroroon ang hari. Kasama nila si Shadow, ang lalaki na may kayang lumikha ng itim na bagay. Para itong portal na puwede maglabas-masok. It was quite similiar to Duke's spatial ability, but unlike Duke's, it could only transport a living thing.

Katabi niya ang dalaga habang nauunang maglakad si Shadow. Nakasunod lang silang dalawa at walang imik. Napabagsak ang balikat niya sabay buntonghininga. Pakiramdam niya kasi ay galit si Erienna sa kaniya.

Sino ba naman kasi ang 'di magagalit? Ki-ni-dnap niya ito at tinuonan pa ng patalim.

"Mademoiselle?" Sinubukan niya itong tawagin pero tiningnan lang siya nito.

Malapit na silang makarating sa silid at nagulat siya nang bigla siyang kurutin ni Erienna sa braso.

"Aw!" Nilingon niya ito. Nagtaka naman siya sa ginawa ng dalaga.

"Hindi ako galit," sabi ni Erienna habang walang lumalabas na boses sa bibig. Tinuro nito ang lalaki na nasa harapan niya, nangangahulugang hindi siya sumagot kanina dahil baka makatunog ang lalaki.

He sighed in relief.

"Master." Yumuko ang lalaki ng makarating sila sa silid na may altar. Sila ni Erienna ay nakatayo lang. As if naman luluhuran nila ang lalaking nasa harapan nila.

Kasama rin nito ang kapatid ni Wish, si Saifro Ysev. Walang emosyon ang mukha nitong nakatingin sa kanila.

Napunta ang atensyom niya sa pinuno nang mapansin itong ngumisi kay Erienna.

"Good. This girl is finally here. You are a Visandra, right?" Hinawakan nito ang magkabilang pisngi ni Erienna ngunit mabilis na iwinaksi ng dalaga ang kamay ng lalaki.

"Don't touch me."

"Oh? You're quite tough, but I'm afraid that won't be enough to stop me." The guy's lips curved into a smirk. "Though I expected nothing less from someone in your bloodline."

"Ano bang kailangan mo sa 'kin?" malakas ang loob na tanong ni Erienna.

"Your death."

Natigilan ang dalaga pati na si Fenrys.

"Raeon and Blaitheria reunited because of you," may pagdiin na saad ng hari. "But if I'll kill you right now, they will surely kill each other again!"

Sunod na umalingawngaw ang mala-demonyo nitong tawa sa buong silid matapos nitong binitiwan ang mga kataga.

He clenched his fist. This bastard!

Tinaas ng hari ang kanang kamay. Napalaki ang kaniyang mata nang may lumabas doon na matutulis na mga kuko. Katulad ito kay Wish.

Hinarang niya ang sarili nang makita itong inambang kakalmutin ang dalaga. Handa na sana siyang tanggapin ang matalim at mahaba na mga kuko nang biglang pumasok sa eksena si Saifro.

Hinawakan nito ang braso ng hari.

"Ysev, what do you think you're doing?"

"As much as you wanted to kill this girl, I don't think it's necessary for you to do it."

"Hmm?" Losing his patience, the king's eyebrow arched.

"I suggest to leave this work for Shadow. His highness doesn't need to draw blood on his own hands for this girl. A little sore eye like her isn't worth your attention, master," Saifro said with a straight face.

Tumayo naman si Shadow sa pagkakaluhod. Yumuko muna ito, inilagay ang kanang kamay sa dibdib bago nagsalita. "It would be an honor to be of use to you, naster."

"Hmm." Inalis nito ang pagkakahawak sa kaniya ni Saifro at mukhang nakumbinsi naman ang hari. Wala na ang mga matutulis nitong mga kuko ngunit hindi pa rin naalis sa mukha nito ang mala-demonyong ngisi.

"Very well." Tumalikod ito sa kanila. "Hindi ko rin naman gustong bahiran ng dugo ang silid na ito."

Nagtungo ito sa altar, paakyat na sa hagdanan nang muli itong nagsalita. Nakatalikod pa rin ito sa kanila. "Get the two out and finish them both, Shadow."

"As you wish, master."

Bago pa sila makapagsalita ni Erienna ay nahigop na silang dalawa ng abilidad ni Shadow. Dinala sila nito sa silid kung saan ikinulong siya at si Ana.

"Mademoiselle, are you okay?"

Tumango naman ito sa tanong niya.

"Now, you two will be going to die here." Napunta ang atensyon nila kay Shadow na nasa harapan nila. Tansya niya'y sampung metro ang layo nito. Sa likuran naman nila ay nandoon si Ana.

"Ana!" tawag ni Erienna nang makita ito.

"It's no use," sagot niya.

"Ha? Anong ibig mong sabihin? Okay lang ba siya?" alalang tanong nito.

"I'll explain later. We have to deal with this guy first." Ibinalik nila ang tingin kay Shadow.

Shadow removed his cape, revealing his sword. He looked at them with those cat eyes as he unsheathed his sword. The guy's expression was blank, holding no hesitation in killing them.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top