Kabanata 21
NAKATULALA si Wish matapos ang hindi inaasahang pangyayari. Nasa loob siya ng palasyo ng Blaitheria kasama sina Midnight at Rauis. Nakaupo silang tatlo sa couch habang pinagigitnaan ng isang mesa. Nag-uusap ang dalawa habang siya naman ay walang kibo.
Hindi niya inakalang makikita niya ang kaniyang kapatid. 'Di niya rin mapigiling manginig habang naaalala ang ginawa nito sa kaniya.
Dahil sa kapatid niya kaya siya napadpad sa Raeon na sugatan. Ang kaniyang kapatid ang gumawa n'yon sa kaniya. Those claws who pierced his feet and every scratch around his boy, it was all because of his brother. Ang akala niya nga ay mamamatay na siya pero buti na lang ay nakita siya nina Fenrys at Ana.
Ngunit dahil din sa kaniya ay nasa kapahamakan ang dalawa.
Napatakip na lang siya sa kaniyang mukha. Kung hindi lang siguro siya dumating, sana hindi ito nangyari. Kung hindi niya lang hinayaan ang sarili na sumaya kasama sila at lumayo agad, hindi sana kinuha ang dalawa ng kuya niya.
Kasalanan niya ang--
"Wish." Nakaramdam siya ng kamay sa kaniyang ulo. Napaangat ang tingin niya. It was Rauis.
"It's not your fault." Rauis smiled at him, reassuring him that no one blamed him for what happened.
Napakurap siya.
Nang marinig ang mga katagang iyon, nag-unahang tumulo ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan.
Bakit? Bakit ganito? Bakit ang bait nila sa kaniya? Hindi niya maintindihan kung karapat-dapat ba siyang tratuhin ng ganito. No'ng nasa Chysan siya, wala siyang ibang naririnig araw-araw kundi puro panlalait at pagtatakwil. Palagi siyang sinisisi ng kapatid niya kung bakit namatay ang mga magulang nila. Araw-araw rin siya nitong tinutulak palayo kaya hindi niya mawari kung bakit ang bait nina Rauis at Uno sa kaniya kahit na kamalasan lang ang dala niya.
Sobrang bigat ng nararamdaman niya ngunit dahil lang sa salitang iyon ay parang nakahinga siya.
"Don't worry. We'll gonna get them back. No matter what," Midnight said. Nakakatakot ang aura nito kaya 'di mapigilan ni Wish na matakot no'ng umpisa. Pero dahil nga nakikita niya ang emosyon ng kahit na sino, alam niya kung gaano kabait ito.
Si Rauis naman, magaan na agad ang loob niya no'ng una niya pa lang itong nakita. Pakiramdam niya kasi ay magiging ligtas siya kapag malapit siya rito. He was like a protective older brother. Iyon ang tingin ni Wish sa kaniya.
Napahinga siya nang malalim.
Hindi puwedeng umiyak na lang siya sa harapan nila. Kailangan niya ring kumilos. Even though no one's blaming him, he still felt guilty. The least he could do was to be of use to them.
"T-tutulungan ko kayo," sabi niya at sinalubong ng tingin ang dalawa.
Napangiti naman ang dalawa sa kanya.
"That's good," saad ni Midnight. "But first, do something with your tears."
Mabilis niyang pinahid ang mga luha sa mata at inayos ang pagkakaupo. Narinig niya pang napatawa nang mahina si Rauis at ginulo nito ang kaniyang buhok.
His mind wondered when he felt happy. So, this was how it felt to receive a head pat. Kahit ni isang beses hindi siya nakatanggap galing sa kapatid niya.
But somehow, it felt nostalgic.
Umiling siya at ibinalik ang pokus sa dalawa.
"Wish, can you tell us about Chysan?" Midnight asked. "Kagaya ng napag-usapan namin ni Rauis kanina ay pupunta tayo ro'n. But before that, we have to know where and what things are waiting for us there." He pointed at the paper he just put on the table. Ngayon lang napansin ni Wish na mapa pala ang nandoon. "This map, according to the book, was made after Raeon and Blaitheria was established in Chysan."
The map showed the three kingdoms. Naninilaw na ang mapa at hindi na rin medyo nababasa ang mga letra na nakasulat. But there were three words written in bold letters. Raeon, Blaitheria and Chysan. The letters, 'Chysan' was the biggest and written across the map. It meant that the place they had live in today were part of Chysan.
Wish gasped, astonished by what he just found out.
"So we were part of Chysan . . ." Rauis uttered. Mukhang ito rin ay nagulat.
Tumango naman ang pinuno ng Raeon. "The palace of Chysan was situated between the two kingdoms which is now known as the boundary of Raeon and Blaitheria."
"But their kingdom didn't even leave any trace," singit ni Rauis habang nakakunot ang noo. "And why's the drawing of the Chysan's palace like a tornado?"
"Kasi ganiyan talaga ang palasyo ng hari namin," tugon niya. Nakuha niya ang atensyon ng dalawa. "Hugis bilog ang palasyo at gawa ito sa mga tangkay at ugat ng puno."
"Okay and where is this palace now?" Uno crossed his arms.
"Hindi kayo makakapunta ng Chysan," sagot niya dahilan para mapataas ng kilay ang dalawa.
"What do you mean?"
"Kahit gaano kalayo o kalapit, hinding-hindi kayo makakarating dahil nakatago ang lugar namin."
Napaayos ng upo si Rauis habang si Midnight naman ay nakatingin lang sa kaniya.
"Hindi ko alam ang abilidad ng pinuno namin pero siya ang dahilan kung bakit nakakubli ang Chysan. Dahil din sa kaniya, labing-lima na lang ang natitira sa lahi namin."
"What?" gulat na gulat na sabi ng dalawa.
"Sabi nila mama sa 'min, halos isang libong taon na siyang nabubuhay at hanggang ngayon siya pa rin ang pinuno namin. Tahimik lang naman ang buhay namin hanggang sa isang araw ay nag-utos ang hari na ipapatay lahat ng mga matanda, may anak at itira lang ang mga bata." Napakuyom ang kaniyang kamao. "Wala kaming nagawa ro'n kundi sumunod sa kaniya. Pumili siya ng magiging guwardiya at alipin niya. Ang kapatid ko ay naging guwardiya habang ako naman ay alipin. Ang iba sa amin ay pinatay rin dahil hindi nila kinayanan na sundin ang hari hanggang sa labing-lima na lang kaming natira."
Naiiyak na naman siya kaya tumingin muna siya sa itaas at huminga nang malalim bago tumuloy.
"Isang libong taon . . . is that even possible?" Midnight muttered.
"Well, unless his curse, just like Matilda," sagot naman ni Rauis.
"Kung gusto niyong makapasok, kailangan niyong buksan ang lagusan papuntang Chysan. Mabubuksan lang ito sa pamamagitan ng barricade technique."
"Barricade technique? How are we suppose to do that?"
"Alam ko kung paano kaya hindi niyo na po kailangang mag-alala." He smiled, looking at them, he promised he would bring them to Chysan safely.
Napangiti rin ang dalawa. "That's great."
"Now, we are left with our plan to rescue them."
"Should I bring my army?" Rauis asked.
"Ahm," sumabat si Wish nang may bigla siyang maalala. "Nakalimutan kong sabihin, hindi kaya ng barricade technique na makapagdala ng napakaraming tao."
"Oh, is that so. Then I guess we have to limit our numbers."
Tumango naman si Midnight. "You mentioned that some of you were chosen as guards and some are slaves, right? How many are the guards?"
"Lima."
"Isama niyo 'ko!" Napalingon sila sa pintuan nang makarinig ng malakas na kalabog.
Iniluwa roon ang namumulang mukha ni Dago at naglakad ito sa kanilang direksyon. Nang tuluyang makalapit ay matalim siya nitong tiningnan. Akala niya'y sisigawan siya ng lalaki pero nagulat na lang siya nang ibagsak nito ang mga kamay sa kaniyang balikat.
"Ituro mo sa'kin ang pinuno at ako mismo ang sasakal do'n!" nangangalaiti nitong sigaw sa mukha niya.
"Calm down, will you?" rinig niyang sabi ni Midnight at inis na hinila si Dago palayo sa kaniya. Umupo naman ito sa sofa katabi ni Midnight habang salubong pa rin ang kilay.
"Humanda sila sa 'kin 'pag may nangyari kay Ana," rinig niya pang bulong nito.
"I'll take the Knights with me. How about you?" tanong ni Midnight kay Rauis.
"Hmm. I'll choose from my armies."
"Okay. Let's leave tomorrow morning. Okay lang ba sayo 'yon, Wish?" Midnight asked.
Tumango naman siya. "Opo."
"Then, it's settled."
MIDNIGHT went back to Raeon. Bumalik muna siya para sabihan ang mga Knights sa plano nila at isama ang mga ito. Magpapaalam din muna siya kay Erienna at baka matagalan silang makabalik.
It was past twelve. Tahimik na ang palasyo. Pumasok siya at nagtungo sa kuwarto ng dalaga.
"Eri." He knocked on the door. Kumatok siya ulit pero wala siyang narinig na kahit ano mula sa loob. Mahimbing siguro ang tulog nito. Hihintayin na lang siguro niyang mag-umaga.
Aalis na sana siya nang marinig niyang may mga yabag ng paa na papalapit sa pintuan. Napangiti naman siya at hinintay itong buksan ang pinto.
Sumalubong sa kaniya ang inaantok pa na Erienna. Gulo-gulo ang buhok nito habang nakapikit ang kaliwa nitong mata.
"Midnight?" mahina nitong sabi habang kinukusot ang mata.
Napatawa naman siya nang mahina at kinurot ang pisngi nito. "Naabala ko yata ang tulog mo."
Niyakap naman siya ng dalaga. "I miss you."
Natigilan naman siya. He didn't expect that. Ilang segundo pa bago siya yumakap pabalik at hinalikan ang noo nito.
"So, ganito ka pala kapag naiistorbo tulog mo."
"Bakit ka pala nandito? Umaga na ba? 'Yong mukha mo ba't ang daming sugat? Anong nangyari?" sunod-sunod nitong tanong. Humiwalay ito sa kaniya at hinaplos ang kaniyang pisngi.
"It's almost dawn." Inabot niya ang kamay nito at hinalikan. "And it's just a scratch, you don't have to worry."
"Then bakit ka nandito? Si Ana pala, ayos na ba siya?"
"Well, yeah. But someone took them and we--"
"Ha?!" Napaigtad siya sa sigaw ni Erienna. Parang nagising ang dalaga sa sinabi niya at mabilis na nagsalubong ang mga kilay nito. "Sino? Sino ang kumuha sa kanila? At wait." Napaisip naman ito sa sinabi niya. "Sila? May kasama siya?"
"Yeah. It's Fenrys."
"Ha?!" muli na naman itong napasigaw.
"Will you calm down and don't shout?" pigil niya rito. Umaalingawngaw tuloy ang boses nito sa buong palasyo.
Hindi naman siya pinakinggan ni Erienna at hinawakan ang magkabila niyang braso.
"Anong gagawin natin? Paano natin sila maibabalik? At saka sino ba kumuha sa kanila?" natataranta nitong saad habang inalog-alog ang magkabila niyang braso.
"I said calm down. You don't have to do anything--"
"Ha?!" For the third time, she shouted again. "Anong wala akong gagawin? Hindi puwede--"
Napatahimik ito nang bigla niyang halikan ito sa labi.
"You're too loud."
Hindi naman ito nakasagot at napayuko na lang. Sinilip niya ang pagmumukha at namumula ang pisngi ng dalaga. Marahan niyang hinawakan ang magkabilang pisngi at inangat ang mukha ng babae.
"Listen, you don't have to worry, okay? Just leave it to us," mahinahon niyang sabi. "In order to get them back, I'll be leaving the kingdom for a while."
"Sama--"
"No. Stay here."
Napasimangot naman ito sa sinabi niya.
"Pero Midnight, kaya ko na naman ang sarili ko," reklamo nito at bahagya pang pinadyak ang mga paa. Erienna could now use her ability well. Tinulungan niya rin itong magsanay kaya alam niyang kaya nitong ipagtanggol ang sarili niya. Pero kahit na ganoon, hindi pa rin niya mapigilang mag-alala.
"Stay here and guard the kingdom, okay?" Hindi naman ito sumagot. Inalis nito ang mga kamay niya at naglakad na sa loob ng kuwarto.
"Hey, are you mad?"
Hindi pa rin ito sumagot.
"Eri," tawag niya rito. Nilingon naman siya ng dalaga.
"Oo na!" singhal nito at padabog na nagtungo sa kama.
Napakamot naman siya sa kaniyang ulo. Galit nga.
Lalapitan na niya sana ito para suyuin pero biglang may nagpakita na pigura ng lalaki sa tabi ni Erienna at mabilis na hinawakan ang braso nito.
"Ah!"
"Eri!" Lalapitan na niya sana ito pero may hawak itong patalim at nakatuon sa leeg ng mahal niya.
Hindi siya makapaniwala sa ginawa ng lalaki. Ilang beses din siyang napakurap dahil baka namamalikta lang siya.
"Why are you doing this . . . Fenrys?" salubong ang mga kilay niya pagkatapos na banggitin ang pangalan ng lalaki.
Oo, si Fenrys ang dumating at may kasama itong lalaki. Hindi ito ang kapatid ni Wish. Itim ang mga buhok nito at nakasuot din ng cape. Sa likuran nito ay may malaking itim na bagay na nakapalibot. Kagaya ito ng humigop kina Fenrys at Ana. Mukhang ito ang abilidad ng kasama ni Fenrys.
"Fenrys!" singhal niya. Umusbong ang galit niya nang mas lalo pa nitong diniinan ang patalim na nakatuon sa leeg ni Erienna. "What's the meaning of this?"
Hindi sumagot ang kaibigan niya at tiningnan lang siya nito sa mata. Binalot ng katahimikan ang paligid. Wala ni isa sa kanila ang gumalaw hanggang sa magsalita ang lalaking naka-cape.
"Let's go." Pumasok na ito sa itim na bilog.
Hinila na ni Fenrys si Erienna papasok sa bilog. Tatakbo na sana siya palapit pero pinigilan siya ni Erienna.
"Midnight," tawag nito sa kaniya. She mouthed, "I'll be fine." Hanggang sa tuluyan na ngang nawala ito sa harapan niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top