Kabanata 20
"ANA! Ana!" Marahan niyang tinapik ang pisngi ng dalaga upang magising. Pareho silang nawalan ng malay kanina. Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nawalan ng malay. Pagkagising niya, nandito na sila sa isang hawla.
"Ana Reya!" tinawag na niya ang buo nitong pangalan pero ayaw pa rin talagang magising. Inayos na lang niya ang pagkakahiga nito sa semento.
Naglakad siya palapit sa bakal na rehas at hinawakan ito. He could actually get out using his ability, but Ana . . .
Nilingon niya ito na mahimbing pa ring natutulog. Hindi naman niya puwedeng iwan ang babae.
"Sa lahat ba naman ng pagkakataon na matutulog ka, dito pa," reklamo niya. Napakamot naman siya sa kaniyang ulo at binalik ang tingin sa rehas. Tiningnan niya ang paligid. Ang torch na mga nakakabit sa paligid ang nagsisilbing ilaw sa silid. His eyebrows arched when he noticed that the walls were made of big and small roots.
Para silang nasa tiyan ng isang higanteng puno.
Inikot niya pa ang tingin at may nakita siyang daanan. Pinaningkitan niya ito upang tingnan nang maayos kung may nakabantay ba pero wala.
Nice!
Nilingon niya muna si Ana. Lalabas muna siya sandali. Hahanap siya ng bagay na puwedeng makapagbukas sa rehas. Wala naman kasi siyang nakikitang lock kaya malabong may susi. Paano kaya sila ipinasok dito?
Naalala naman niya ang bagay na humigop sa kanila. Hindi kaya iyon ang ginamit nila?
"I suggest you stay put and don't do anything reckless."
Napaigtad siya nang may magsalita.
A tall, silver-haired guy appeared in front of him. Those sharp cat eyes were looking straight at him.
"I don't see any reason for me to listen to you." He hissed. Ito 'yong sumugod kay Ana. Ito rin ang tinawag ni Wish na kuya.
They looked alike, except for his silver hair and more matured features. May itsura pero siyempre mas guwapo siya.
"What do you want?" tanong niya.
Hindi naman ito sumagot. The guy held his scabbard. Unsheating his sword, he stepped closer to him. Tinaas nito ang espada. Kita niya ang emblem sa golden grip ng espada. It was similar to that of claws but with wings. Napatalon siya paatras nang bigla na lamang nitong hiniwa ang rehas gamit ang espada.
Is he insane? There's no way he could cut these steel bars!
The guy hit the steel bars again. He grimaced when the sharp, clashing sound echoed inside his sensitive ears.
Pagtatawanan na sana niya ito pero nagulat na lamang siya nang magkagutay-gutay ang rehas habang ang espada nito ay buong-buo pa. Pangalawang beses lang naman niyang hiniwa ang rehas kaya paanong nagkapira-piraso ito? Hindi kaya dahil sa bilis ay iyon lang ang nakita ng kaniyang mga mata?
But whatever it was, he was more concerned why the guy ruined the cage.
"Are you aware of what you are doing?" tanong niya. He was ready to attack him when the guy raised his right hand. Nakahawak pa rin ito sa espada ngunit may nahagip ang kaniyang mga mata.
His ring.
Suot-suot na ito ng lalaki. Tiningnan niya ang kamay niya at wala na nga ang singsing niya sa kaniya.
How the heck did he get that?
"Kinuha ko 'to no'ng tulog ka pa," anito at tinuro si Ana. "Try do something and the girl right there will explode."
Nagitla siya. "Anong ibig mong sabihin?"
"I was the one who implanted a thing on her stomach. It's a ring I stole from Blaitheria," he paused and raised his other arm. "And this one, I got this from Raeon."
Kaagad na uminit ang dugo ni Fenrys nang makita ang singsing ni Mica. He was behind the incident on the graveyard!
"I don't care about your plans, but I swear you'll pay for what you've done!". Ramdam niya ang panginginig ng kaniyang mga daliri. It was demanding him to strangle the person in front.
"Yeah, but not so fast. These rings work as one." The guy smirked. "If one of them will be destroyed, the others also will. In short, kapag sinira ko ang isa sa kanila, the ring inside that girl will self-destruct and boom! Explosion." The guy looked at him, tease written over his face.
He gritted his teeth. Kumukulo ang dugo niya. He must praised the guy for making him a billion times pissed than usual! Gustong-gusto na niyang sipain ang pagmumukha nito.
"Damn you," he cursed under his breath. Hindi naman nagbago ang ekspresyon nito sa mukha dahil alam na nito na kahit ano pang sabihin niya, hawak na siya nito sa leeg.
"Follow me and don't try to do anything that will get you on my bad side," sabi nito at tinalikuran siya. Wala siyang nagawa kundi sumunod sa lalaki kahit na ayaw niya. Nilingon niya si Ana at natutulog pa rin ito. Why was she still not waking up?
They might have done something to her.
Nilingon niya ang lalaking nakatalikod, naglalakad palabas ng kuwarto. Napakuyom ang kanuyang mga kamao. Malaman lang niya kung ano 'yon at kapag nakuha niya ulit ang mga singsing, kahit na kapatid pa ito ni Wish, hindi talaga siya magdadalawang isip na pugutan ito ng ulo.
Naglakad sila at pumasok sa isang lagusan. Ito ang daanan na nakita niya kanina. Madilim pero hindi naman ito problema sa kaniya. Napapatid lang siya minsan dahil sa mga ugat. Hindi niya rin gusto itong tapakan dahil masakit sa paa. Bakit naman kasi ganito? Bakit gawa sa ugat ng mga puno ang lugar na ito?
Walang nagsalita sa kanilang dalawa hanggang sa makarating sila sa isang silid na puno ng mga bulaklak. Natigilan pa siya dahil sa ganda nito.
Chrysanthemum flowers were caging the whole place, and on the center was an altar. Sa ibabaw ng altar .akikita ang isang kama. Napatingala naman siya. Walang bubong at mga sanga lang ng puno ang nakapalibot kaya lumulusot ang sinag ng buwan, binibigyang liwanag ang buong silid.
Napakunot pa ang kaniyang noo nang makita niyang may dalawang babae na nakahiga sa kama. At sa hagdanan naman, may nakaupo na isang lalaking nakasuot na kulay maroon na roba. May nakaguhit sa kasuotan nito at kagaya ito sa emblem ng espada ng kasama niya. Mahaba ang pula nitong buhok at naka-pony tail pa. Hindi mawari ni Fenrys kung kaedad niya lang ba ito dahil hindi naman ito mukhang matanda pero 'yong dating ng lalaki, para bang matagal na itong nabubuhay.
"Master." Lumuhod ang kasama niya bilang paggalang.
Pinasadahan naman sila ng tingin nito. Hindi niya maintindihan ngunit nanginig siya nang makita niya ang walang kaemo-emosyon nitong mga mukha. Ang mga mata nito ay parang nagsasabing matagal na itong nawalan ng buhay.
Punong-puno ng awtoridad ang lalaki at hindi niya kayang salabungin ang mga titig nito. Higit na nakakakilabot ito kaysa sa kanilang pinuno.
Bumaba ito at naglakad papalapit sa kanila. Nakatago ang mga kamay nito dahil sa haba ng robe.
"Master Drystan, I have already gathered the rings for the revival of your daughter and wife."
What? Revival?
Napunta ang tingin niya sa likuran ng lalaki kung saan naroroon ang kama. A woman and a kid. That must be his wife and daughter but wait . . . Wala nang buhay ang mga nakahiga roon? Akala niya'y natutulog lang ang dalawang babae.
He then remembered about the legend Wish told him about. Pero hindi ba hindi nagtagumpay ang gumawa nito? Were they gonna attempt to revive a dead person using the rings who already failed a long time ago?
The guy named Drystan smiled, but his eyes remained lifeless. "Good, the first part of our plan will be finally executed. And for the second." Nilingon siya nito. Ilang minuto siya nitong tinitigan bago ulit nagsalita. "What is your surname?"
"Niran."
"Niran . . . I see." Isang maliit na ngiti ang sumilay sa bibig nito. "You got to do something for us."
Napaatras naman siya. Hindi maganda ang kutob niya rito.
"As if I'll follow you." He glared at him.
Hindi naman ito natinag at umarko ang dulo ng labi nito.
"You will, kid."
NAPAMURA si Fenrys habang padabog na naglalakad paalis ng silid. Gusto niyang sabunutan ang sarili dahil sa inis. The silver-haired guy used the rings against him again. Kaya wala siyang ibang nagawa kundi um-oo sa gusto nito dahil kapag hindi, mapapahamak si Ana.
Napatigil siya sa paglalakad at napapikit. Buwisit. He didn't want to do it. Naaalala pa lang niya ang sinabi nito kanina ay nanlulumo na siya.
"I can't let the two kingdoms be happy again. So you will ruin it for me."
Napasipa na lang siya sa pader. "Damn it!"
Hindi niya maintindihan kung bakit gusto nitong magdusa ang Raeon at Blaitheria. Saying those things as if it was just a child play. Ano bang ginawa nila para madamay sa pinaplano ng lalaking iyon?
Mabigat ang mga paa na naglakad siya pabalik sa silid kung saan naroroon si Ana. Mahimbing pa rin itong natutulog. Hinaplos niya ang pisngi nito at inalis ang ilang hibla ng buhok na nakatakip sa mukha.
Bumuntonghininga siya. Kakatapos niya lang makapagdesisyon sa nararamdaman niya, may panibago na namang problema na binigay sa kaniya. Kung hindi niya gagawin ang kagustuhan ng lalaking 'yon, si Ana naman ang mapapahamak. 'Di niya kakayanin kung may mangyaring masama rito.
He already decided to be happy with her. Pero ayaw naman niyang ipahamak ang Raeon at Blaitheria.
Why do I always end up choosing?
Hinalikan niya ang noo nito bago tumayo. Naglakad na siya paalis at gagamitin na sana ang abilidad nang may humawak sa braso niya.
"Wait."
It was the silver-haired guy.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top