Kabanata 2

A SMALL smile formed across his lips as he gazed above. It was dark but filled with dotting lights. The moon looked so bright today too, illuminating the kingdom as if it was sunlight--though not that much closer to the sun's light.

Ibinalik niya ang tingin sa kaniyang harapan. Sa loob ng pabilog ng apoy ay ang mga lobong nahanap na ang kanilang mga kabiyak. Ang sumasayaw na mga tangkay ng puno dulot ng init ng apoy ay nagsilbing pananda sa kasiyahan na mayroon ang mga lobo ng Raeon. Ang kasiyahan na kailanman hindi na niya mararanasan.

Congratulations to them.

Ba't pa nga ba siya pumunta sa Ring of Fate? Wala rin naman siyang mapapala rito. It was the time of the year again. And it was silly for him to expect that something might change.

He took some time to clean his white fur before he decided to leave. Tumalikod na siya. Maglalakad na sana siya nang may mahagip ang kaniyang mga mata.

A pair of eyes was piercing right through at him. But it looked dead. The orbs that resembled the winter looked like it never once sparked life. It was so cold, sending him shivers. Her eyes didn't carry any emotion at all.

But why? Despite her eyes being lifeless, why did it still bore magnificence? Why couldn't he look away? And why couldn't his heart stop pounding fast?

He was ready to say something when the image of the wolf looking at him disappeared. He looked back but the fire shut cold and all the wolves vanished. Darkness was all he could see. And the next thing he knew, somebody was already calling his name.

"Fenrys."

Nagising si Fenrys dahil sa baritonong boses. Sumalubong sa kaniya ang puting kisame ng kaniyang tahanan. Nakatulog pala siya pagkatapos dalhin ang lalaking binitbit niya kanina.

Sumagi naman sa kaniyang isip ang napanaginipan kaya agad siyang napangiwi.

Sa lahat ba naman ng mapapanaginipan, iyon pang pagkikita nila ni Ana. Mabilis siyang napailing. Pilit niyang inaalis ang alaalang iyon nang may magsalita.

"What the hell are you doing?"

Napatigil siya sa ginagawa at napalingon. Isang lalaki ang nakaupo sa katapat na upuang inuupuan niya. Nahuli siguro nito ang ginawa niya dahil nakakunot ang noo nito.

"Oh, Uno, ikaw pala." He grinned and brushed his hair. "Anong ginagawa mo rito? Na-miss mo naman agad ang kaguwapuhan ko."

Hindi naman sumagot si Midnight. Pinaulanan siya nito ng nagbabantang mga tingin. Napaiwas na lang siya sabay sipol na para bang walang nangyari.

"Who the fuck did you brought here?"

Oh, right. Kaya siguro nandito ito dahil sa lalaking dinala niya. Nasa kuwarto ito ngayon at ginagamot ni Ana. Sinigawan pa nga siya pagkarating niya, kung bakit niya raw pinuruhan nang sobra ang lalaki.

Did he look like someone who would do that?

Sa kanilang dalawa, si Ana lang naman ang mahilig manggulpi.

Pinalayas siya nito sa kuwarto kaya nakatulog siya rito sa sofa. 'Di man lang niya namalayan ang pagdating ni Midnight.

"I don't know," sagot niya at umayos ng upo. "I just happened to see him in the forest. Have you checked on him?"

"Yeah. His wounds are weird. And I doubt he got it from a wolf battle," he paused while crossing his arms. "I didn't see any wolf bites. They're all cuts."

Tumango siya. Tama si Midnight. Walang bakas ng mga kagat ang mga sugat ng lalaki. His wounds looked like it was pierced by claws. Big claws.

"Ah!"

Napalingon sina Fenrys at Midnight nang marinig ang sigaw ni Ana. Sabay silang napatakbo papasok ng kuwarto.

Naabutan nila ang lalaki na marahas na tinatanggal ang bandage sa katawan. Habang si Ana ay nakasalampak sa sahig at duguan ang mga braso.

"Ana!" Kaagad na nagdilim ang paningin ni Fenrys nang makita ang braso nito. Mabilis niyang sinugod ang lalaki at gamit ang mga kamay, sinunggaban niya ang leeg nito. Pabagsak niya itong inihiga sa kama at dinaganan.

"How dare you!" nanlilisik na mga matang sigaw niya. Ngunit hindi man lang natakot ang lalaki at ginantihan din siya ng masamang mga tingin. Pilit itong kumakawala kaya mas diniinan niya pa ang pagkakahawak sa leeg nito.

Wala siyang pakialam kung bumaon man ang kaniyang mga kuko sa balat nito. How dare he did that to Ana? Siya na nga 'tong tinulungan, siya pa ang may ganang manakit.

His veins were slowly popping out, distorting his precious face. And this wasn't good. Masisira ang guwapo niyang pagmumukha. He should remain calm--no! How could he remain calm when this guy hurt Ana? Nakakabuwisit pa ang mga titig nito.

His yellowish orbs were like thunder glaring at him.

"What are you?" he asked.

"Bitiwan . . . mo a-ako . . ." Hinawakan nito ang kaniyang pulso at pilit na inaalis ang kaniyang kamay.

"Sumagot ka. Sagutin mo ang tinatanong ko." He gritted his teeth. Lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakasal dahilan para mataranta ang lalaki. Hindi na ito makahinga sa higpit ng hawak niya.

"Fenrys, enough." May mga kamay na humila sa braso niya kaya napabitiw siya.

It was Midnight.

'Leave it to me.' Midnight said using his telepathy.

He clicked his tongue in annoyance. Sinulyapan niya ang lalaki na ngayon ay umuubo at hinahabol ang paghinga. He brushed his hair before looking away. Naiinis siya sa pagmumukha nito. Kung 'di lang siya pinigilan ni Midnight, baka napatay na niya ang lalaki. Buti na lang.

Pinuntahan niya si Ana at tiningnan ang sugat nito. It wasn't a bite but a scratch. A deep one. And it was bleeding.

Anong klaseng kuko mayroon ang lalaking iyon at nasugatan niya nang ganito si Ana?

"Are you okay?"

Tumango naman ito at humawak sa kaniyang braso para tumayo. Bubuhatin na sana niya si Ana nang pinandilatan siya nito.

"Kaya kong maglakad. 'Yong braso ko lang ang may sugat."

Napangiwi na lang siya. Isa rin ang babaeng 'to, eh. Sakalin niya rin kaya 'to? Tinulungan niya na lang itong tumayo. Sinundan niya ng tingin hanggang sa maupo ito sa upuan na katabi lang ng pintuan ng kuwarto. Sinulyapan niya ang sugat nito. Hindi pa rin tumitigil ang pagdurugo. Kita niya rin na napapangiwi si Ana dahil sa hapdi.

Should I kiss her? I guess I need to.

Nilapitan niya ito at lumuhod sa harapan. "Masakit ba?"

"Malamang!" sigaw nito sa mukha niya. Napapikit siya dahil may laway na tumalsik sa kaniyang iniingatang mukha.

"What the?" Asar siyang napahilamos. "You're gross!"

I changed my mind. I'm not going to kiss her. Bahala siya r'yan magdusa.

Padabog siyang tumayo at umupo sa paanan ng kama. Habang ang lalaki ay nasa kabilang dulo naman at masamang nakatingin sa kanila ni Midnight. Mas lalo pa siyang naasar nang makitang nasira ang tela sa kama niya.

Gusto niyang sipain ang lalaki dahil gulong-gulo na ang kaniyang napakalinis na kuwarto. Araw-araw niya itong nililinisan pero sa isang iglap lang ay nagkawatak-watak na kaagad.

Bigla itong nagsalita. "Anong gagawin niyo sa 'kin?"

Napataas ang kilay ni Fenrys nang makita niya kung paano humaba at naging matulis ang mga kuko nito.

"We won't do anything to you. We just want to ask some questions." Sinulyapan muna ni Midnight ang mga kamay nito bago ulit nagsalita. "Where are you from?"

"B-Bakit ko naman sasabihin sa inyo?"

"Sagutin mo na lang kaya? Ang dami mo pang sinasabi," sabat ni Ana dahilan para mapatawa siya.

Ang babaeng ito talaga.

"I suppose you're not a wolf. What are you?" Kalmado ngunit may pagdiin na tanong ni Midnight.

Hindi ito sumagot kaya muling nagsalita si Midnight. "Where did you get your wounds? Who did that to you?"

But then again, he didn't get any reply from the guy.

"Look." Midnight sighed. Pilit na pinapahaba ang pasensya. "That guy." Turo nito sa kaniya. "If it weren't for that guy, you might be dead right now."

Sinulyapan naman siya ng lalaki ngunit hindi na siya dinilatan nito.

"If you're not going to answer us, might as well leave. Let's see if you can walk." Midnight's stern voice echoed around the room.

Pinagmasdan ni Fenrys ang lalaki na ngayon ay nakayuko at nakatingin sa sugatang mga paa. Pansin naman niyang unti-unti nang lumiliit ang mahahaba at matutulis nitong mga kuko.

"Fine," sabi nito sa mahinang boses.

Buti naman. Siguro naman ay napagtanto na nitong wala rin siyang magagawa sa huli. At mas lalong 'di siya makakatakas sa kanila.

"I . . ." Huminga muna ito nang malalim bago ulit nagsalita. "I'm Wish. Isa akong a-alipin. Tumakas ako sa . . ."

"Sa?"

Hindi nito natuloy ang sinasabi nang bigla na lang itong pumikit at tuluyang nawalan ng malay.

"Pabitin." Napakamot na lang si Fenrys sa ulo niya. Sinulyapan niya si Midnight nang maglakad na ito palabas ng kuwarto. "So? What do you want to do with this one?"

"Let him stay here until he's fully recovered."

"What?" Napatayo siya. "Pero Uno, paano kung bigla na lang kaming kalmutin niyan?"

"Kagatin mo pabalik," sagot nito at lumabas na ng kaniyang kuwarto.

He groaned and brushed his hair in annoyance. Muli niyang sinulyapan ang lalaking nagngangalang Wish. Nilapitan niya ito at inayos ang pagkakahiga.

Pagkatapos ay si Ana naman ang pinagtuunan niya nang pansin. Abala itong gamutin at lagyan ng bandage ang sugat. Hindi niya maipaliwanag ngunit nag-aalala siya sa babae. Maybe because she was his mate.

"Can I kiss you--"

"Hindi!" pagpuputol nito at hindi man lang siya tiningnan.

"Edi hindi." He rolled his eyes.

Ba't niya pa tinanong? Alam na naman niya ang isasagot nito.

"Bahala ka nga. " Naglakad na siya palabas ng kuwarto ngunit agad ding napatigil. Come to think of it, hindi pa pala niya nahahalikan ang dalaga. Not even once.

So?

Hinubad niya ang kaniyang damit na nadikitan ng dugo kanina. Hindi pa pala siya nakakapalit. Papasok na sana siya ulit sa kuwarto nang mahagip niya ang kaniyang sarili sa salamin. Higit sa sampu ang salamin niyang nakapaskil sa buong bahay at isa na rito ang nasa katabi ng pinto ng kaniyang kuwarto.

"You're too handsome." He smirked while adoring his body and face. Sinuklay niya ang kaniyang buhok gamit ang mga daliri at taas-noong pumasok sa kuwarto para kumuha ng damit.

"Anong ginagawa mo?" kunot-noong tanong ni Ana nang makita siya nito.

"Ha? Anong sabi mo? Guwapo ako?" pang-aasar niya bago nilampasan ang dalaga. Nakatalikod siya ngayon kay Ana ngunit damang-dama pa rin niya ang masama nitong mga tingin.

Kumuha na siya ng damit sa kabinet.

"Gago, 'wag mong sabihing magbibihis ka rito?"

"Isn't it obvious?"

"Doon ka sa labas magbihis!"

"Damit pang-itaas lang, Ana. Damit pang-itaas lang. Hindi ako maghuhubad sa harapan mo," saad niya at nagpalit na ng damit.

"Gago ka," mahina nitong sabi. At kita niya na namumula ang mukha nito.

He chuckled.

Cute.

Muli siyang naglakad palabas. Tumigil muna siya sa harapan ng dalaga at sinilip ang mukha nito.

"Ayaw mo ba talagang pagalingin kita sa halik ko?"

"Hayop--"

"You look cute." Akmang hahampasin na siya ni Ana ngunit napatigil ito sa sinabi niya.

He pinched her cheeks. "Sa labas lang ako. Tawagin mo ko kung nagising na siya."

At saka siya tuluyang lumabas nang may ngiti nang tagumpay sa labi. In his thoughts her face was priceless. He was now slowly learning how to win against her.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top