Kabanata 16

"YOU!" sigaw ni Fenrys habang nakaturo sa lalaking nakakunot ngayon ang noo. Lumapit siya rehas at tinitigan ito mula ulo hanggang paa. Imposibleng magkamali siya. Siya ang lalaking nakalaban niya dati.

Si Duke.

"Stop overreacting. You're damaging my gorgeous ears," Duke said while covering the hole of his ears with his pinky.

Para namang may pumitik sa ugat ni Fenrys nang marinig niya ang sinabi nito.

"Gorgeous, my ass," he mumbled. He was the least he expected to see. Of all the people, why him?

Nilingon niya si Rauis nang nakasimangot ngunit nginitian lang siya nito. The usual smile he used to show.

Napairap na lang siya. Hinayaan niya itong buksan ang kulungan. Nang makalabas si Duke, naglakad ito sa harapan niya na para bang siya ang hari na pinagsisilbihan nila. Gusto niya tuloy sakalin ang leeg at tusukin ang mapagmalaki nitong tingin.

"Ba't buhay ka pa?" inis niyang tanong. Akala niya'y napatay na niya ito pero mukhang totoo nga ang kasabihang matagal mamatay ang mga pangit. Though, he was not sure if that quote really existed.

"Is this how you treat someone when needing help?" sabi nito pero 'di ito nakatingin sa kaniya. Abala itong ayusin ang maitim at makintab na buhok. "Ah, I'm so handsome." 

Napangiwi si Fenrys sa huli nitong sabi. Hindi niya mapigilang mainis sa presensya nito. Ang lakas naman yata ng loob nitong sabihin ang mga kataga habang nakaharap sa lalaking kayang lamangan ang iniingatan nitong mukha.

Ilang saglit, muli itong nagsalita.  "And besides, you stole my clothes last time. You should at least be nice to me."

"This is my way of treating you nicely," sarkastiko niyang sagot. "And how the hell do you know I needed something from you?"

"You wouldn't be here if you aren't needing anything, whitey," said Duke while maintaining his perfect posture.

Tama naman ang sinabi nito pero paano naman siya hihingi ng tulong sa lalaki na ito? Makita lang niya, nabubuwisit na kaagad siya. Hindi niya kayang isipan ang sarili na makikiusap sa harapan nito.

Sinenyasahan niya si Rauis na ito na lang ang magsabi pero nginitian lang ulit siya nito. Pinapahiwatig na mas maganda kung siya mismo ang kakausap kay Duke.

"So, what is it?" Duke asked.

Huminga muna siya nang malalim dahil baka masakal niya 'to nang hindi niya namamalayan. Masama sa kaguwapuhan niya ang magalit kaya mahalagang manatili siyang kalmado.

Inalis niya ang inis at inisip si Ana. Tama, pumunta siya rito para kay Ana. Gagawin niya ito para kay Ana. Oo, iyon nga. Gagawin niya ito para kay Ana kahit na labag sa kalooban niya.

"Duke, I want you . . . to c-check . . ." Hindi niya matapos-tapos ang sasabihin. Ba't ang hirap? Hihingi lang naman siya ng tulong. Madali lang dapat itong gawin. Madali lang sana kung hindi ang lalaking patay na patay sa sarili ang kaharap niya.

"Check what?"

"I want you to check on my mate." After he said it, he immediately looked away. Ayaw niyang titigan ang pagmumukha nito. Nagtanong pa ito pero si Rauis na ang sumagot at nagpaliwanag. Nakinig lang siya sa dalawa habang pinapaliwanag ni Rauis ang sitwasyon ni Ana.

Nang matapos, sabay silang tatlong lumabas sa underground dungeon at nagtungo sa kuwarto kung saan naroroon si Wish at Ana. Naabutan nila sa loob si Ana na nanginginig pa rin sa lamig habang si Wish naman ay nakatayo sa gilid ng malaking bintana at malayo ang tingin. Nag-aalala ito kay Midnight at Dago.

"You poor thing." Napunta ang atensyon niya kay Duke nang magsalita ito. Nakaupo na ito ngayon sa higaan ni Ana at hinawakan ang noo pati na ang kamay.

Kung hindi lang niya ito kailangan, baka sinipa na niya ito.

"Since when did she feel the cold?" Duke asked.

"Three days ago? At ngayon lang lumala ang nararamdaman niya," sagot niya at umupo sa paanan ng kama.

Tumango naman ito. "Hmm. This girl actually has a second ability. It's quite rare to see a wolf who doesn't belong in the Havoc's royal blood to have more than one." Bakas sa mukha nito ang pagkamangha. He snapped his finger. A little and shallow circle with white smoke then appeared in front of Duke's hand.

Pinasok nito ang kamay sa bilog na para bang may kinuha. At hindi nga siya nagkamali. Pagbalik ay may hawak na itong maliit at bughaw na bote.

Spatial ability, huh?

He remembered their fight last time. This explained how Duke got on his back and strangled him without noticing his movements. He must admit, the dude had an awesome ability.

"This girl is feeling the cold because her body is adjusting to her new ability, a side effect to be exact. But you don't have to worry much, this coldness will soon be gone after her body adjusted," sabi ni Duke habang nakangiti sa kanila.

Nakahinga naman siya nang maluwag sa sinabi nito. Sa unang pagkakataon, 'di siya nainis sa pagmumukha nito.

"How long will she endure this?" Rauis asked.

"A day or two."

"How about the pain in her stomach?" tanong niya.

Duke's expression changed after he asked the question. Bigla tuloy bumalik ang kaba na naramdaman niya kanina.

"There's something put inside her. And her ability is trying to freeze it." Duke looked at Ana. "Kaya rin naging malala ang lamig na nararamdaman niya dahil dito. But just like I said before, this is not something that you should be worried about. Kapag nawala na ang lamig niya, mawawala na rin ang sakit sa kaniyang tiyan."

Kahit na sinabi nitong magiging okay lang si Ana kalaunan, 'di mawala sa isipan niya ang nalaman.

Something was put inside her stomach? He frowned as he thought. Ano ang bagay na nasa tiyan ni Ana ngayon at sino ang naglagay n'yon?

Mukhang hindi lang siya ang naalarma dahil lumapit si Wish sa kanila.

"Paanong may bagay sa tiyan niya?" singit ni Wish.

"That's what I wanted to ask you all." Pinasadahan sila ng tingin ni Duke. "Did something happen to her? Or did she swallow something?"

Hindi naman siguro bata si Ana para kumain ng kung ano-ano. Ang tanging naiisip lang ni Fenrys ay ang nangyari kay Ana sa laban. No'ng sinaksak siya. Pero wala namang binanggit si Rauis sa kanila tungkol dito no'ng tiningnan nito ang memorya ng sumaksak kay Ana.

Sinulyapan niya si Rauis at salubong ang mga kilay nito. Nagtataka rin.

UMALIS na si Duke at bumalik na sa kulungan. Bago ito umalis kanina, inabot nito sa kaniya ang bote na hawak-hawak. Sabi nito ay ipainom daw sa dalaga upang mabilis itong gumaling.

Nasa tabi lang siya ni Ana habang mahimbing itong natutulog. Mukhang epektibo ang binigay na gamot ni Duke dahil kumakalma na ito matapos niya itong painumin. Hanggang ngayon, 'di pa rin siya makapaniwala na si Duke ang nilapitan nila. Hindi halata sa mukha ng lalaki na marami pala itong alam at may pakinabang.

"Nandito na sila!" bulalas ni Wish habang nakatingin sa bintana.

Napalingon siya sa direksyon nito. Mukhang nakarating na sina Midnight at Dago. Lumabas si Wish sa kuwarto para salubungin ang dalawa. Malakas ang kutob niya na napuruhan ang dalawa. Madaling araw na rin kasi at ilang oras na ang lumipas pagkatapos nilang dumating sa Blaitheria.

Napahikab siya at humiga katabi ni Ana. Matutulog muna siya. Dinadalaw na rin siya ng antok at ayaw niyang kulang sa oras ang tulog niya. Sinulyapan niya muna si Ana bago ipinikit ang mga mata.

Makalipas ang ilang oras, nagising si Fenrys dahil may gumalaw sa kama.

Hindi muna niya iminulat ang mga mata. Hinawakan niya ang kaniyang noo dahil naramdaman niyang kumikirot ito. Kaya ayaw niyang late na natutulog, eh. Bukod pa roon, wala siyang ganang bumangon. Pakiramdam niya'y ang bigat ng pakiramdam niya. Sa lahat ba naman kasi ng mapapaniginipan, bakit si Mica pa.

Palagi siyang natutuwa sa tuwing napapanaginipin ang babae pero sa pagkakataong ito, hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman.

"Ana?" Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Naabutan niya si Ana na nasa dulo ng kama at pilit na bumabangon. Hawak-hawak pa nito ang tiyan.

"What are you doing?" Mabilis siyang napabangon at hinila ito palapit sa kaniya. "Magpahinga ka nga."

Mabuti naman at hindi na ito kasing lamig kagabi. Hindi na rin ito nanginginig.

"Bitiwan mo 'ko." Winaksi nito ang kamay niyang nakahawak sa braso dahilan para magulat siya.

Ano naman kaya problema nito? Kay aga-aga, nagsusungit na.

Napatingin naman siya sa malaking bintana kung saan naroroon ang terrace. Tumatagos ang sinag ng araw sa bintana. Mukhang tanghali na.

"Are you hungry?" tanong niya. Bumaba siya sa kama. "Magsabi ka lang at ako na kukuha ng pagkain."

Umiling naman ang babae at bumaba sa kama. Bahagya itong napadaing nang pilit nitong itayo ang sarili nang matuwid.

Napabuntonghininga siya. Ang tigas talaga ng ulo nito.

Lumapit siya upang tulungan ito. Aalalayan niya na sana nang bigla itong magsalita.

"Huwag kang lumapit," pigil nito.

Hindi siya nakinig at hinawakan ang braso. "Don't force--"

Hindi niya natapos ang sasabihin nang itulak siya ng babae. Doon na napakunot ang kaniyang noo. Hindi niya alam pero nainis siya sa ginawa nito. Ito na nga ang tinutulungan, ito pa ang galit.

"What's wrong with you?" pilit niyang pinipigilan na tumaas ang boses.

"Walang kang paki. Kaya ko ang sarili ko," sagot nito dahilan para mas lalo siyang maasar.

"Will you stop acting like that?" He brushed his hair in annoyance. "Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala sa 'yo kagabi tapos ganito igaganti mo sa 'kin?"

Ayaw niya pa namang mainis dahil baka makaapekto ito sa kaguwapuhan niya pero hindi na niya nakayanan pa. Palagi niyang iniintindi ang mood nito. Kahit pa magwala ito o hampasin siya ng kahoy sa mukha, eh, okay lang sa kaniya. But this time, this was a little too much. Hindi niya nagustuhan ang pananalita nito dahil hindi lang naman siya ang nag-alala para kay Ana. Pati na rin sina Wish at Midnight. He even asked Duke, even though he doesn't want to, just for her to be okay.

"Worried?" mahina nitong sabi pero rinig naman niya. Sarkastiko itong tumawa. "Edi, salamat."

Kumunot ang kaniyang noo. Hindi siya makapaniwala sa inakto nito. Napailing na lang siya. "You know what, I don't really get you at all."

Inirapan siya nito. "Malamang! Kailan mo ba ako sinubukang intindihin?"

"W-what? Ako pa ang hindi nakakaintindi? After letting you ruin my things, ako pa? After I put up all your unreasonable moods, ako pa ang hindi nakakaintindi?" Mapakla siyang natawa. "Please, don't start with me today. Nakakapagod, Ana."

Nilingon naman siya nito. Salubong ang mga kilay nito. "Nakakapagod? Bakit? May narinig ka ba sa 'kin kapag nagpupunta ka r'yan sa puntod ng first mate mo?"

Napakurap siya. Natigilan siya sa sinabi nito. How did she know about Mica?

Bago pa siya makasagot, dinuro siya nito. "Tingin mo ba hindi ko napapansin na maya't maya kang sumusulyap sa singsing na nasa kamay mo, ha? Hindi ako bulag, Fenrys, para hindi ko makita 'yang mga pinaggagawa mo." Huminga ito nang malalim bago nagsalita ulit. "Napapagod ka? Ako rin naman, ah. Nagtitiis din ako r'yan sa ugali mong hindi makabitiw-bitiw sa babaeng matagal nang patay!"

Namumuo ang luha sa mga mata ni Ana. Hindi niya alam kung galit ba ito o nasasaktan. Habang siya naman ay nakatulala lang at hindi makapagsalita. Hindi niya inaasahan ito.

"I . . ." Hindi niya matuloy ang sasabihin dahil walang boses ang lumalabas sa kaniyang bibig. Ano bang sasabihin niya? Wala siyang maisip na kahit anong salita dahil nalilito rin siya. Ano bang puwede niyang gawin? Should he try to go closer to her and hug her? Would that ease the tension between them?

Of course not.

"Ako 'yong mate mo pero 'di ko maramdaman 'yon. Sa totoo lang, hindi rin kita maintindihan, eh. Hindi ko maintindihan 'yang nararamdaman mo. Ang hirap naman magkagusto sa taong 'di pa tapos magmahal ng iba," sabi ni Ana bago umiwas ng tingin. Parang sinuntok ang kaniyang puso nang mag-umpisang tumulo ang luha sa mga mata nito. Gusto niyang lapitan ang dalaga pero kaagad naman itong tumalikod sa kaniya.

Napayuko na lang siya.

Ito ang unang beses na nakita niyang umiyak si Ana na siya ang dahilan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top