Kabanata 15

FENRYS brought Midnight and Rauis in his house. Nang makabalik sila, namimilipit pa rin sa sakit si Ana.

"She's freezing," Midnight said when he touched Ana's forehead.

"She's been feeling cold lately. I didn't expect it would turn out like this," Fenrys said, brushing his hair aggressively.

"Ana!" A man suddenly barged in. Napalingon sila sa pumasok sa pinto. Habol-habol nito ang hininga nang makalapit kay Ana.

It was her brother.

Dago held Ana's hand. Ilang segundo itong nagitla nang maramdaman ang lamig ng kamay nito.

"What did you do?" Dago glared at Fenrys. Bago siya makasagot, kinuwelyuhan na siya nito. Nanginginig sa galit ang mga kamao nito, halatang nagpipigil lang na masuntok siya. "Anong ginawa mo sa kapatid ko?"

Nainis naman siya sa inakto nito. Sinalubong niya ang mga titig ni Dago.  Iwinaksi niya nang malakas ang kamay nitong nakahawak sa kaniyang kuwelyo. "Wala akong ginawa sa kaniya."

"Stop. This is not the time for the two of you to fight," awat ni Midnight sa kanila.

Tinalikuran siya ni Dago at muling ibinalik ang tingin kay Ana.

Meanwhile, Rauis sat beside Ana. Inilapit nito ang kamay sa noo ng babae. And slowly, his palm emitted a yellowish light.

"What are you doing?"

"I'm trying to give her heat," Rauis said while his focus remained on Ana.

Nanahimik naman ang lahat at pinagmasdan ang ginawa ni Rauis. Hindi pa rin nawawala ang panginginig ng babae at malalim ang bawat hiningang binibitiwan nito. Imbes na humupa, mas lalo pa yatang lumala ang panlalamig nito.

Hindi mapakali si Fenrys dahil sa nangyayari.

Matapos ang ilang minuto, napakunot ang noo ni Rauis. Inalis niya ang kaniyang kamay at kasabay n'yon ang pagkawala ng liwanag.

"Hmm?" Rauis looked at his hands before looking at them. "By any chance, is there someone in your family uses ice ability?"

"Our grandma," Dago replied.

Ngumiti naman si Rauis at ipinakita ang kaniyang palad. Wish and Dago gasped after seeing his right hand while Fenrys frowned. Rauis' palm and two of his fingers were covered with white, shiny, thin ice. Ilang beses pang napakurap si Fenrys dahil baka namamalikmata lang siya.

"It looks like your sister has inherited her ability."

"Ha?" 'di-makapaniwalang sigaw ni Dago. "Imposible naman yatang magkaroon ng dalawang abilidad ang kapatid ko!"

Napatawa naman nang mahina si Rauis. "It's not really impossible. After all, I have more than two." Tiningnan nito si Ana na hanggang ngayon ay nanginginig pa rin at namimilipit sa sakit. "Though, I never experienced something like this. The coldness and pain she's feeling . . . I think something must have triggered her."

A trigger?

Napaisip naman si Fenrys. He was trying to recall the past events which could be a trigger for Ana. At ang tanging pangyayari lang na nagpabalik-balik sa utak niya ay ang nangyari sa labanan.

"What should we do?" he asked.

"I knew someone who's very knowledgeable about abilities," saad ni Rauis. Tumayo ito at inayos ang pagkakabalot ni Ana sa kumot. "He's at Blaitheria right now."

Bago pa man makasabat si Fenrys ay nagsalita na si Midnight.

"We will take Ana there right now. We might not know what will happen to her if we're going to wait for tomorrow," Midnight said in his calm but stern voice.

Malalim na rin ang gabi, pero kagaya nga ng sinabi ni Midnight, hindi nila alam kung ano ang mangyayari kapag naghintay pa silang mag-umaga. Kahit siya, gusto na kaagad niyang dalhin si Ana roon.

"I'm gonna go back to the palace for a while. I'll meet you outside," dugtong nito at lumabas na ng kuwarto.

Sinundan niya ng tingin ang pinuno bago napailing.

'Di makaalis kapag 'di nagpapaalam kay Erienna, huh? Iba talaga 'pag in love ka.

Fenrys shrugged his thoughts away. It wasn't the time to think stuff like that.

"I'll be going outside, too," paalam ni Rauis at lumabas.

Tumango naman siya bago nilapitan si Ana. Bubuhatin na niya sana ito nang magsalita si Dago.

"Hoy, Fenrys."

Hindi siya sumagot at nilingon lang ito.

"Ingatan mo 'yang kapatid ko. 'Pag may nangyaring masama r'yan, patay ka sa 'kin," sabi ni Dago na may halong pagbabanta.

"Yeah."

Siya, si Ana at Wish na lang ang naiwan sa kuwarto. Dahan-dahan niyang binuhat si Ana bago lumapit kay Wish.

"Wish," tawag niya rito.

"H-ha?" Bahagya itong nataranta nang senyasan niya itong hawakan si Ana.

"You hold her. I'm gonna transform into my wolf state and you'll gonna ride on my back. So, I'll be leaving Ana to you."

Tumango naman ito at tiningnan siya nang seryoso. "Okay."

Gently, he put Ana on Wish's arms. Wala siyang panahon para magreklamo kahit ayaw niya. If it was for Ana, he would do anything.

He glanced at his ring when his finger throbbed in pain. Natulala siya nang biglang maalala si Mica.

He felt a sudden mix of emotions. He was worried for Ana, but there was something stopping him from feeling this way.

He was scared.

"Fenrys?"

He stepped back and breathed longer. He was scared that he might break something if kept feeling this kind of thing. Ano itong nararamdaman niya? Para bang nais ng puso niyang pumili siya.

"And promise that you won't leave me."

"Fenrys!" Saka lang siya natauhan nang sumigaw si Wish.

Napalunok siya. Hindi niya napansing nakatunganga na pala siya.

"L-let's go." Tumalikod na siya at dire-diretso nang lumabas ng bahay. Ni hindi man lang niya magawang lingunin sina Wish at Ana.

Nakokonsensiya siya sa nararamdaman niya. Gusto niyang batukan ang sarili dahil sa mga naiisip niya. Hindi ito ang tamang oras para mag-isip siya nang ganito pero pilit na bumabagabag ang pangakong binitiwan niya noon.

Napasabunot siya sa kaniyang buhok at tumingala sa madilim na kalangitan.

"I didn't ask for this. Why would you give me something I didn't ask for?" he whispered, letting his words be drowned by the cold breeze.

He transformed into his wolf state. Kaagad siyang nakarinig ng pagsinghap kaya napalingon siya sa kaniyang likuran. Nakita niya si Wish na buhat-buhat ang balot na balot na si Ana.

"Alam kong maganda ang wolf state ko kaya 'wag kanang tumunganga r'yan at sumakay ka na." Bahagya siyang lumuhod kaya dali-dali namang lumapit si Wish at sumakay na sa likuran niya.

Nasa unahan niya sina Rauis at Dago na nagpalit na rin ng anyo. Napailing na lang siya nang kanina pa sumisinghap ang nasa likuran niya dahil sa pagkamangha.

Nang makita na nila si Midnight, nagsimula na silang tumakbo papuntang Blaitheria. Walang umimik sa kanila. Ang mga yabag ng paa lang ang maririnig at ang talsik ng tubig sa ilog nang malampasan na nila ang hangganan ng Raeon.

Palapit na sila kaya mas binilisan pa nila ang kanilang takbo. Bigla namang narinig ni Fenrys si Wish na suminghap.

"'Wag mo sabihing namamangha ka pa rin?"

"H-hindi . . ."

Nagtaka siya nang mautal ito. Pansin niyang napahigpit ang kapit ni Wish sa kaniya.

"What's wrong?" he asked.

"P-pakiramdam ko parang may nagmamatyag sa 'tin."

Napakunot ang noo niya. Napansin naman niyang lumingon si Midnight sa direksyon nila. Mukhang nabagabag din sa sinabi ni Wish.

Napaalerto ang tainga niya nang makarinig ng tunog na parang nababali. Napunta ang tingin niya sa mga matatayog na puno sa gilid ng daan.

"Look out!"

Napahinto silang lahat nang bumagsak ang isa sa mga puno at humarang sa daraanan nila.

"Wish, okay lang ba kayo?" Fenrys asked. Biglaan ang hinto nila kaya baka napalakas ang puwersa nito sa katawan ni Ana.

"O-okay lang."

Midnight suddenly jumped above him and he caught something in the air. Nang makalapag ito, doon niya lang nakita na isa pala itong espada.

Midnight snarled after throwing the sword out of his mouth. Nakarinig sila nang pagtawa. Papalapit nang papalapit ang boses nito.

And there, a figure of a man, wearing a black cape, was walking into their direction.

"Hindi ko inakala 'yon, ah. Kahit papano may maibubuga rin pala kayong mga lobo." Napalingon sila sa kabilang direksyon kung saan naroroon ang punong natumba. Kagaya nang nakita nilang lalaki kanina, nakasuot din ng cape ang isa pa.

Bakit hindi ko sila naamoy?

"T-they're . . . Ailune." Naramdaman ni Fenrys ang panginginig ni Wish kaya napunta ang atensyon niya rito.

They're the same as Wish? Why are they here? Is it because of Wish?

"Leave it to us," Midnight said and glanced at Dago. Kaagad namang naintindihan ni Dago ang pinahiwatig nito.

"Mauna na kayo susunod kami," sabi nito.

Nagdadalawang-isip si Fenrys na umalis dahil hindi nila alam kung ano ang kayang gawin ng mga Ailune. Alam niyang malakas ang mga ito pero hindi niya alam kung paano sila lumaban.

"Let's go," Rauis said. Pinasadahan siya ng tingin nito na nangangahulugang kailangan na nilang kumilos.

Kahit na nag-aalangan siya, sumunod pa rin siya kay Rauis. Mabilis na hinarangan ni Dago ang Ailune na nakatayo sa punong natumba nang nag-ambang susugurin sila nito.

Tumalon siya sa puno at binilisan pa ang takbo para makahabol kay Rauis. Habang papalayo sila, wala siyang ibang inisip kundi ang kaligtasan ng dalawa.

"We're here." Naaninag na ni Fenrys ang gate ng Blaitheria. Nang makapasok, kaagad silang nagtungo sa palasyo. Ipinasok nila si Ana sa kuwarto kung saan ito nagpahinga dati.

"Fenrys, come with me," sabi ni Rauis sa kaniya kaya iniwan muna niya ang dalawa at lumabas muna siya ng kuwarto kasama si Rauis.

"Sino ba 'tong sinasabi mong maalam sa mga ability?"

"You'll know when we get there."

Naglakad sila papunta sa dining area ng Blaitheria. Naalala niya tuloy ang nakalaban niya dati. Dito sila naglabang dalawa ni . . .

Sino nga 'yon?

Sa ilalim ng hugis parehabang lamesa, may inapakan si Rauis doon. Nagulat siya nang biglang gumalaw ang semento 'di kalayuan sa tinatayuan nito. Naglikha ito ng malaking butas kaya napalapit siya at dinungaw ito.

"Stairs?" Halos lumuwa ang mata niya nang makitang daanan pala ito pababa.

Naunang bumaba si Rauis at sumunod naman siya. Nang makarating sa ibaba, mas lalong 'di siya makapaniwala sa nakita. Madilim ang paligid at ang nagpapailaw lang nito ay mga nakakabit na torch sa gilid ng mga rehas.

It was an underground prison.

"Wait, bakit tayo nandito?" tanong niya.

"You'll see."

Napakamot naman siya sa ulo niya. Tiningnan niya ang mga kulungang nadadaanan nila. Diretso lang silang naglalakad sa tuwid na pasilyo. Sa magkabila nito ay ang mga kulungan. Nagtataka siya dahil wala ni isang preso ang nasa loob.

"Sino ba talaga 'tong pinunta natin dito, Rauis?"

"He's one of Tiya Silva's guards."

"What?" 'di-makapaniwalang sigaw niya. Mas lalo siyang nalito dahil sa sinabi nito.

"I really didn't want him to stay here but he insisted. He's ashamed of what he had done to the kingdom so he refused to see the outside and chose to live here."

Rauis didn't exiled his tiya's accomplices because he believed that they were just victims, too. Nakikita niya rin kasi ang iba kapag bumibisita siya sa Blaitheria. Sinabihan niya na rin si Rauis na baka magtraydor ito sa kaniya pero ang sagot lang nito, wala na si Silva at wala na raw siyang makitang ibang rason para traydorin siya ng mga ito.

Rauis easily forgives, and that was one of the traits Fenrys couldn't easily have. Trusting those who once became his enemy . . . how good can he be?

Tumigil sila sa paglalakad. Sa harapan nila ay may kulungan din ngunit higit na mas malaki ito sa iba. Sa loob ay may mga gamit pang-bahay kagaya na lamang ng lamesa at upuan. Sa kanang bahagi nandoon ang kama at sa paanan nito ay mga nagkalat na libro.

"What the . . ." Napaawang ang bibig ni Fenrys nang makilala niya kung sino ang nakaupo sa kama. Napansin nito ang pagdating nila dahil nakatingin na ito sa kanila.

"Duke."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top