Kabanata 14
PADABOG na naglakad si Fenrys papasok sa palasyo ni Midnight. Matutulog na dapat siya dahil gabi na pero bigla siyang pinuntahan at sinabihang may pag-uusapan daw sila.
"Will you stop that?"
Hindi niya pinansin si Midnight at padabog pa ring iniapak ang mga paa sa hagdanan. Papunta sila ngayon sa second floor kung saan naghihintay si Rauis sa kanila.
Nang makatuntong, humikab muna siya. He really needed his handsome rest right now. Baka magka-eye bags siya at pumangit ang kaniyang mukha.
"Please, make this meeting faster. I want to sleep," saad niya at binagsak ang katawan sa mahabang sofa, katapat ng inuupuan ni Rauis. Naupo naman si Midnight sa sofa na nasa tabi lang ng hinihigaan niya.
Nakarinig naman siya ng mahinang tawa.
"This will be quick," Rauis said.
He raised his thumb up and closed his eyes. He wondered where the other Knights. Silang tatlo lang kasi ang nasa kuwarto. Mukhang sila lang tatlo ang mag-uusap.
"I talked with Thela and had her memory checked with my ability," simula ni Rauis.
"Thela? Is that the girl who stabbed Ana?" tanong ni Midnight. Nabuhay ang kaniyang diwa nang mabanggit nito si Ana.
"Yes. After I have seen her memory, she spilled everything to me. What the guy who approached him looked like and what he did to her."
Nanatili lang silang tahimik dalawa at hinayaan si Rauis na magsalita.
"I have received two reports from my men about the unusual things happening in our graveyard. First, the golden box laid on the center of the graveyard by Matilda disappeared, and second," Rauis paused. Fenrys opened his eyes and saw Rauis holding a piece of clothing. "This. They found it, a couple of days later, on the place where the box was supposed to be kept. Wish said it's from his brother."
Matilda, the cursed wolf, huh? Why would she be involved in this?
"What's in that box?" Fenrys asked.
"I haven't seen it but I believed it's a ring. The box has been kept there for almost 200 years and we were prohibited to touch nor open it."
"Does this guy, Thela met, involved in the incident?" Midnight questioned.
"Maybe," Rauis said while looking at the piece of cloth. "According to Thela, the guy used a trance against her."
A trance was some kind of hypnotism. Once someone looks into the eye of the caster, they would end up following his commands. It's a troublesome ability that they need to be careful of.
"The way she describes his features, it's quite similar to Wish," Rauis looked at them, as if it was hinting them about something.
That guy Thela encountered could be Wish's brother.
"I don't know about their motive but I really do have a bad feeling about this," Rauis said while sighing. "If possible, I want to--"
"You want us to go to Chysan?" Midnight cut his words.
Tumango naman si Rauis. "And in order for us to get there." Rauis glanced at Fenrys.
Napabangon naman si Fenrys. Inayos ang pagkakaupo bago nagsalita. "You want Wish to take us there?"
Tumango itong muli.
"Okay, okay," sabi niya. Pero malakas ang kutob niya na hindi papayag si Wish sa balak nila. Base sa reaksyon nito nang gamitin ni Lenox ang abilidad, parang may kinakatakutan ito.
Come to think of it, Wish said na isa siyang alipin. I wonder what kind of master he served.
Pagkatapos nilang mag-usap, kaagad na niyang ginamit ang abilidad. He teleported to his room and immediately throw himself in the bed.
"Finally." Isinubsob niya ang mukha sa kaniyang unan. Tuluyan na siyang dinalaw ng antok. At sa pagtulog niya, isa ring memorya ang dumalaw sa panaginip niya.
"Fenrys, you'll stay with me forever, right?
"Of course." Fenrys held Mica's hand. He looked at the ring on their fingers. His ring had an infinity shape while Mica had a plain, silver-colored ring.
"Liar! You will find someone better than me tapos iiwan mo 'ko."
"Why would I find someone else when I already have you?"
Naputol ang kaniyang panaginip nang makaramdam ng sakit sa daliri kung saan naroroon ang kaniyang singsing. It felt like there was a sharp object throbbing inside. Tiningnan niya ito. He tried to remove the ring but it was tightening.
Nagtaka siya dahil hindi naman ito ganito rati. One thing about the ring that he found amusing was it also expand as he grow. Kaya malabong sumikip ito sa kaniyang daliri.
He attempted to remove the ring again but the more he tried to remove it, the more his finger suffered.
"Come on, what's wrong with you?" asking the ring, as if it would reply to him.
Hinayaan na lang niya iyon at natulog na ulit. Naputol pa talaga ang handsome rest niya. Nagtalukbong siya sa kumot at ipinikit na ang mga mata.
Subalit tatlumpong minuto na ang nakalagpas, hindi pa rin siya nakatulog. Nagpagulong-gulong na siya sa buong kama pero gising na gising pa rin ang diwa niya.
Tiningnan niya ang singsing habang salubong ang dalawang kilay. "Patutulugin mo ba ako o hindi?"
Kumikirot pa rin ang daliri niya kaya bumangon na lang siya at pumunta sa salas.
All the lights were turned off and silence enveloped the place. Hindi naman problema sa kaniya ang dilim dahil nakakakita pa rin naman siya nang maayos. Naglakad siya papalapit sa pintuan at lalabas na sana nang biglang magliwanag ang buong paligid.
"Fenrys?"
It was Wish who turned the lights on.
Nilingon naman niya ito. "Why are you still awake?"
"Binangungot ako, eh." Medyo paos pa ang boses nito. Halatang kagigising lang. "Ikaw? Ba't gising ka pa?"
Naglakad ito papuntang kusina. Sinundan niya ito. Nang makarating sila, kumuha ito ng baso para uminom ng tubig. Siya naman ay umupo sa upuan na nasa gilid ng lamesa.
"I can't sleep," he replied. Pinatong niya ang kamay sa lamesa at tiningnan ang kaniyang singsing.
"Bakit--" Hindi nito natapos ang sasabihin nang mabulunan ito.
Tumalsik ang tubig sa kaniyang braso kaya inis niyang tiningnan si Wish. "Ano ba 'yan, pusa! Iinom na nga lang masasamid pa?"
Hindi siya pinansin nito at dali-daling umupo sa katabing upuan. Binagsak nito ang baso sa lamesa at tinuro ang kaniyang singsing. Umuubo pa ito habang nakatingin sa singsing niya.
"This ring. It's the infinity, right?" Wish exclaimed. His eyes were beaming.
"Ah, I guess?" sagot naman niya habang nagtataka sa reaksyon nito. Why would he be so hyped about a ring?
"Wah! 'Di ko inaasahan na makikita ko 'to mismo ng dalawang mata ko," sabi nito na mas lalong nakapagpalito sa kaniya.
"Wait." Hinawakan niya ang kanang braso nito. "Why are you suddenly so excited?"
"Hindi mo ba alam kung ano 'to?" Wish held his ring finger.
"Yeah, I know it's a ring--"
"Hindi lang 'to basta singsing!" sigaw nito na dali-dali naman niyang tinakpan ang bibig.
"Ssh! Lower your voice. 'Pag nagising si Ana, baka patulugin tayo n'yon habambuhay."
Katakot pa naman si Ana 'pag nagigising. Akala mo'y isang halimaw na nakawala sa isang hawla. Iisipin pa lang ni Fenrys, kinikilabutan na siya.
Inalis na niya ang kamay sa bibig at hinayaan si Wish na magsalita.
"Sikat sa amin ang istorya tungkol sa Rings of Amaranth at isa ang singsing na 'yan," mahina nitong sabi, sapat lang para marinig niya.
"I never heard of it," sagot niya.
"Ang Rings of Amaranth ay may tatlong singsing. Ang infinity, partiality and tranquility. Ginawa ni Amaranth ang mga singsing para buhayin ang mga pumanaw niyang kasamahan."
"Who's Amaranth?"
"Amaranth is a legend to us. He was known as the great soldier of Chysan. Five hundred years ago, natalo ang army na pinangunahan ni Amaranth. Hindi niya matanggap ang nangyari kaya ginawa niya ang mga singsing. Fifty years din siyang nagtiis bago niya natapos ang kaniyang eksperimento."
Somehow, Fenrys was intrigued about the story. "And? Did he revive them?"
Umiling si Wish. "No. Imbes na mabuhay ang mga kasamahan niya, ang buhay ni Amaranth ang kinuha ng mga singsing. Pagkatapos n'yon, 'di na nila muling nakita ang mga singsing."
"Whoa." Iyon lang ang tanging naisagot ni Fenrys bago napatingin sa kaniyang singsing. Hindi siya makapaniwala. Akala niya'y isang normal na singsing lang ito.
"They believed that the rings were cursed and it's a bad idea to bring them together. Sabi ng iba, nilibing ang mga ito, ang iba naman ay pinaghiwalay ang mga singsing."
"Ibig sabihin ba magkakaroon din ako ng sumpa?" gulat niyang tanong.
Dali-dali namang umiling si Wish. "Hindi. Gagana lang ito kapag isinuot mo ang tatlong singsing at kapag humiling ka. If you want to gain something, you'll also loss something. That's the rings' curse."
"Really, huh?"
"Iyon ang sabi sa kuwento kaya hindi rin ako sigurado kung totoo nga. Nga pala, saan mo pala nakuha 'yan?"
"Ah." Napaiwas naman siya ng tingin. "Someone gave this to me."
A minute of silence passed when they heard a loud noise from Ana's room. Parang may mabigat na bagay na bumagsak kaya dali-dali silang napatayo dalawa. Kahit marami pa siyang katanungan sa singsing, binalewala niya muna ito at pinuntahan si Ana.
"Ana?" Kaagad nilang binuksan ang pintuan nang makarating sila sa kuwarto ni Ana.
Namilog ang kaniyang mga mata nang makita ang babaeng nakahandusay sa sahig.
"Ana!"
Kaagad niya itong nilapitan at bubuhatin na sana nang maramdaman niya ang lamig nito. Parang binalot sa yelo ang katawan ng babae. Kahit ang damit na suot-suot nito ay nahahawaan sa lamig. Ang mga labi ng dalaga ay putlang-putla. Nangingitim din ang ilalim ng mga mata nito.
"Shit." Halo-halong emosyon ang naramdaman niya, ngunit nangibabaw roon ang pag-aalala.
"Wish!" He signaled Wish to get the blanket.
Tumango ito. Mabilis nitong pinalibot sa buong katawan ni Ana ang kumot at binuhat ito papunta sa kama.
Malalim ang hiningang binibitiwan ni Ana habang nakabaluktot ito. Bigla itong apadaing kaya naman dumoble ang kabang nararamdaman niya.
"What's wrong?"
"A-ang sakit . . . ng t-tiyan ko." Ana winced. "Ang s-sakit."
Kaagad niyang winaksi ang damit nito upang tingnan ang tiyan ng babae pero wala siyang nakitang kakaiba. Wala rin kahit isang peklat man lang ng sugat. Anong nangyayari kay Ana? Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Si Wish din ay pabalik-balik ng lakad at hindi mapakali. Kahit ayaw niyang mataranta, hindi niya rin mapigilan dahil hindi niya alam ang dahilan kung bakit nangyayari ito.
He brushed his hair in frustration.
"Hindi kaya dahil sa sugat niya no'ng sinaksak siya?" alalang saad ni Wish.
But he already healed it. Ang walang galos nitong tiyan ang pruweba.
"Ana." He reached Ana's face. Kahit na ganoon, tinanong niya pa rin ito upang makasigurado. "Didn't I already heal it?"
Tumango naman si Ana.
If it was already healed, then what went wrong?
Nilingon niya si Wish. "Wish, dito ka lang. I'm going to get Uno and Rauis here. They might know something about this."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top