Kabanata 12

"ANA, here."

"Ah! Ayoko nga niyan, ma!" reklamo ng batang si Ana at inilayo ang salagubang na hawak-hawak ng kaniyang ina.

Napatawa naman ang kaniyang ina.

She was a scaredy cat before. Madali siyang matakot kahit sa anong mga bagay. Iyakin din na kahit mabunggo lang nang mahina, agad na ngumangawa.

Napasimangot si Ana habang naglakad palabas ng kanilang bahay. Hindi niya maintindihan kung bakit ang hilig ng ina sa mga salagubang. For her, it looked gross and ugly.

"Ang dami-daming puwedeng pagkainteresan, bakit mga salagubang pa?" reklamo niya habang sinisipa ang mga batong nakikita niya sa lupa.

Hindi niya napansing may natamaan na pala siya.

Napatigil siya at napaangat ng tingin. Sa harapan niya ay may batang lalaki na nakaluhod habang hinihimas ang kanang tuhod na natamaan ng sinipa niyang bato. Ilang beses siyang napakurap. Imbes na magpokus siya sa tuhod nito ay napunta ang atensyon niya sa itim nitong mga buhok.

It looked so soft that she was tempted to touch it.

Inangat ng lalaki ang ulo nito dahilan upang magtama ang kanilang paningin. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang nag-init ang magkabila niyang pisngi.

Tumayo ito at lumapit sa kinaroroonan niya. Ipinatong nito ang kamay sa kaniyang ulo. "Sa susunod, 'wag ka basta-bastang maninipa ng bato kasi 'di mo alam kung sino ang matatamaan mo, bata."

Nagitla naman si Ana at dali-dali itong iwinaksi. "Wala akong p-paki!"

Kaagad siyang tumakbo pabalik sa kanilang bahay at nagkulong sa kaniyang kuwarto. Pumunta siya sa kama at binalot ang sarili ng kumot.

Hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lang siyang nahiya sa ginawa niya. "P-paki niya ba! Wala akong paki sa kaniya. At saka bata? Bata rin naman siya, ah!"

Sumunod ang araw at nasa loob siya ng kagubatan. Tumakas siya sa kanila dahil ayaw niyang tumulong sa mga gawaing bahay.

"Kaya na naman 'yon ni Kuya," sabi niya pa at patalon-talong naglalakad sa tuwa. Napatigil siya nang mahagip ng kaniyang mga mata ang isang salagubang na nakakapit sa ugat ng puno.

Tinitigan niya lang ito at pinagmasdan kung paano ito gumalaw. Kahit saang anggulo niya tingnan ang pangit pa rin nito sa paningin niya.

Napabuntonghininga na lang siya. Maglalakad na sana siya nang may biglang nagsalita sa likuran niya.

"Mahilig ka rin pala sa salagubang?"

"Ah! Salagubang!" Napatalon si Ana sa gulat.

"Hindi ako salagubang," tawa nito. It was the guy she met yesterday.

And again, she could feel her cheeks burning. When she stared at his face, it was blurry. Still, she knew who it was.

It was Kaisen.

"Ana." She felt a warm touch on her cheek, making her open her eyes. Isang mukha ang sumalubong sa kaniya. Punong-puno ng pag-aalala ang berde nitong mga mata.

"Fenrys," she muttered. Inilibot niya ang tingin sa paligid. Maaliwalas ang kayumangging kuwarto. Mukhang nasa loob siya sa palasyo ng Blaitheria. "Anong . . . . anong nangyari?"

Bumalik sa isipan niya ang lahat ng nangyari kanina. Dali-dali siyang napabangon pero agad ding napatigil nang maramdaman ang kirot sa kaniyang tiyan.

Oo nga pala. She was stabbed.

"Hinay-hinay nga. Kagigising mo lang, naglilikot ka na." Inalalayan siya ni Fenrys na makasandal sa headboard ng kama.

"Ang laban? Anong nangyari sa laban?" Hinawakan niya ang braso nito.

Hindi kaagad ito sumagot. Nagdadalawang-isip kung sasabihin nito sa kaniya o hindi. Pero ilang saglit, pinili nitong ibalita sa kaniya ang nangyari.

"The final round has already started."

Nagitla siya.

She clenched her hand in frustration. Hindi niya inakalang hindi siya makakaabante sa final round. Ang akala niya'y sapat na ang kaniyang lakas. Akala niya'y kaya na niyang lumaban, ngunit hindi. Nagkamali siya. Mahina pa rin siya. Wala pa rin siyang pinagbago.

She gritted her teeth when a voice echoed in her mind.

"I'll protect you no matter what. So don't be afraid to rely on me."

Mariin siyang napapikit. "Gaano ka ba kahina?" She whispered to herself as her tears fell. Kahit ayaw man niyang umiyak, 'di na niya napigilan ang sarili. She wanted to punch herself for being weak.

"Are you crying?" rinig niyang tanong ni Fenrys.

Obvious ba?

Kung nasa mood lang siya, baka sinakal na niya ito sa napakatanga nitong tanong.

She heard a sigh. "Ana, you're doing okay. Losing this battle doesn't mean you can't protect yourself. Don't sweat it, okay?"

Umiling siya. "Hindi. Mahina pa rin ako. Ni hindi man lang ako tumagal ng tatlumpong minuto."

"Why are you so eager to protect yourself? You have a lot of people you can rely on. They will not going to get you in danger."

"But I will!" she shouted. Bahagya namang nagulat si Fenrys sa biglaan niyang sigaw pero hindi niya iyon pinansin at nagpatuloy. "I will get people in danger kapag nanatili lang akong ganito!"

"Is that so? Then . . ." A pair of hands cupped her face, making her look up. He saw Fenrys wearing a warm smile while looking straight at her eyes. Napapikit siya nang inilapit nito ang mukha sa kaniya. Naramdaman na lang niya ang mga labi nito sa kaniyang pisngi. He kissed the tears falling from her eyes. He then whispered, "Pagaling ka muna, then you try again."

Tumango naman siya. Lumayo si Fenrys sa kaniya at muli siya nitong tinitigan. Bago pa siya makapagsalita, inilapat na nito ang mga labi sa kaniya.

She was surprised for a second.

It was the first time they kissed. Suddenly, she felt dizzy. Nanghihina rin ang buong katawan niya, pero bukod doon, ramdam niyang unti-unti nang naghihilom ang kaniyang mga sugat.

She wrapped her arm around his neck and responded to the kiss.

"You're so sweet," Fenrys said after letting go of the kiss.

"Ito ba palaging sinasabi mo kapag may hinahalikan ka?" she responded.

Napasimangot naman ito. "What do you think of me? Nanghahalik ng kahit na sino?"

"Parang ganoon na nga."

Lumayo naman ito sa kaniya at pinagkrus ang mga braso. "Mukhang okay ka na, nang-aasar ka na, eh."

"Oo, puwede ka na lumayas," She gestured her hand, pointing at the door.

"So 'pag 'di mo na ako kailangan itataboy mo na ako? Ganiyan ka, Ana."

"'Wag mo 'ko dramahan, layas sabi! Gusto ko mapag-isa."

"Edi layas!" sagot naman nito at padabog na nagtungo sa pintuan. Rinig niya pa ang mga bulong nito. "Madrama raw tapos siya 'tong gusto mapag-isa, sino sa 'tin madrama ngayon, ha? Ha?"

"May sinasabi ka?"

"Wala!" sigaw nito at pabagsak na isinara ang pinto. Kung makaakto parang tahanan nito ang palasyo.

"Oh, and one more thing." Muli nitong binuksan ang pinto at sumilip. "You better tell us, especially Rauis, about the person who stabbed you." At sinara ulit nang malakas ang pinto.

Gago, 'pag nasira 'yan 'wag mo 'ko sisihin.

Napailing na lang siya at pinagmasdan ang ceiling. Tiningnan niya ang kaniyang mga pulso, pati na ang paa. Wala na itong mga sugat. Hinawakan naman niya ang kaniyang tiyan. Muli niyang naalala ang sumaksak sa kaniya.

"I'll kill you?" she muttered as she remembered what the girl said. She couldn't remember the face but she knew, there was definitely wrong with her. Bago pa lang sila atakihin ng kasama ni Prisci, masama na ang tingin ng babae sa kaniya.

Hindi niya maintindihan kung bakit. Napabuntonghininga na lang siya at inikot ang tingin sa eleganteng kuwarto. The small table beside her, the closet, and the chairs were all vintage.

Ang ganda.

Hindi lang iyon ang nakakuha ng atensyon niya. Umalis siya sa kama at nagtungo sa balcony ng kuwarto. Sumalubong sa kaniya ang lamig ng hangin dahilan para mapayakap siya sa kaniyang sarili.

Madilim na ang paligid.

Nasa ikawalang palapag siya ng palasyo at kitang-kita niya ang fountain mula sa ibaba. No'ng nagpunta siya rito dati kasama si Erienna, sira pa ito at hindi gumagana.

Ang dami na kaagad ng nagbago matapos si Rauis ang umupo sa trono.

Bukod sa fountain, nahagip naman niya si Fenrys na nakapamulsang naglalakad. Mukhang papunta ito sa battlefield para manood.

Lumingon ito at inangat ang tingin. Nang magkasalubong ang kanilang mga tingin, sabay silang napangiwi sa isa't isa.

Fenrys mouthed, "What?"

"Pangit mo!" she shouted, emphasizing every syllable.

Sinamaan naman siya nito ng tingin. Fenrys gestured her to come down. Ilang segundo pa siyang tumayo bago nakapagdesisyong umalis sa balcony at bumaba. Nang makarating sa baba, naaninag niya si Fenrys na naghihintay sa kaniya sa gilid ng fountain. May kasama na itong lalaki at abala itong tumawa.

"Wish!" tawag niya. Patakbo siyang lumapit sa kinaroroonan nila.

Nilingon naman siya nito. He shouted while waving his hand, "Ana! Kumusta?"

"Okay naman," sagot niya. Ipinatong niya ang kaniyang kamay sa ulo at ginulo ang buhok nito.

"Anak ng!" Iwinaksi naman kaagad ni Fenrys ang kamay niya. Pinatong nito ang sariling kamay sa ulo ni Wish. "'Wag mo guluhin buhok ni Wish."

Tinalikuran siya ng dalawa at naglakad na palayo sa kaniya.

"Wow, so iiwan niyo 'ko?" sabi niya ngunit 'di siya pinansin ng dalawa at nagpatuloy lang sa usapan nila.

"So? Mukhang type ka no'ng Havoc na nakausap natin kanina, ah," rinig niyang sabi ni Fenrys habang tumatawa.

"Ha? Hindi, ah!"

"Ay, sus, nahiya ka pa," panunukso ni Fenrys kay Wish.

Nakasunod lang sa siya likuran ng dalawa habang nakikinig sa usapan na 'di naman siya makasabay. Kahit na ganoon, hindi niya mapigilan ang sarili na mapangiti.

Fenrys and Wish were starting to get along.

Biglang sumagi sa kaniya ang napanaginipan kanina. Muli niyang naalala ang mukha ng lalaki. At kahit kailan, hindi niya kakalimutan ang pangakong ginawa niya matapos mangyari ang labanan noon.

Sisiguraduhin niyang sa susunod mas magiging malakas pa siya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top