Kabanata 11
ANA groaned while wiping the blood on her lips. Unang laban pa lang pero ramdam na niya ang sakit ng katawan niya. Iilang suntok din ang natanggap niya sa una niyang nakalaban.
Sinulyapan niya muna ang Havoc na mahimbing na natutulog matapos niya itong mapatumba. The first one was already tough. Napaisip tuloy siya sa susunod niyang makakaharap.
Makakaya kaya niya 'to?
Nandito na siya kaya dapat lang na kayanin niya.
Nagsimula na siyang kumilos. Gamit ang matalas na pandinig, nagawa niyang marinig ang tunog na humihingal 'di kalayuan sa kaniyang posisyon. It was fighting someone. It could be a great opportunity to snatch the kill.
"Oh? A participant from Raeon?"
Napatigil siya sa pagtakbo nang may marinig na kaluskos sa kaniyang likuran. Shit! Talking about being careless. Masiyado siyang nagpokus na 'di na niya namalayan ang pagdating nito.
"Nag-expect pa naman ako na isang Havoc ang unang makakalaban ko. Anyways, hi!"
She didn't answer and positioned herself. He gathered her weight down to her feet. Her knuckles facing the sky, she tucked both her elbows on her side. She couldn't afford to lower her guard.
"Woah! Chill, para namang 'di tayo galing sa isang lugar!" sabi nito habang ang mga kamay ay nasa harap.
Hindi pa rin siya sumagot at tinitigan ito. The girl was smiling at her while her pink hair, designed like a pigtail, danced along with the wind. She looked innocent, but her entering this battle was enough for Ana to realize that the woman wasn't an easy one.
"I'm not really interested in fighting with someone of the same kind as I am," sabi nito at kumaway sa kaniya. "So, bye bye!"
Tumalikod na ito at tumakbo na palayo.
"Huh?" Napakunot ang kaniyang noo. Seryoso pala ito? Akala niya'y nakipagbibiruan lang ito sa kaniya. Hindi siya kaagad na naniwala pero no'ng tuluyan na nga niyang hindi ito makita, doon na siya napahinga.
Nagkibit-balikat na lang siya. Tatakbo na sana siya nang biglang may pumalibot sa kaniyang kanang paa. Kaagad siyang napamura nang biglang umikot ang paligid niya. The next thing she knew she was already hanging on a tree with the world looking upside-down.
She heard a laugh behind her.
She remembered the scent. It was the girl with pink hair!
Naglakad ito papunta sa kaniyang harapan habang tumatawa.
"I was just kidding! I don't mind if taga-Raeon pa ang makita ko. I'm here to win, after all." Ang kaninang maamong mukha ay napilitan na ng mapang-asar na ngisi.
"Hindi ba labag to sa patakaran ang ginagawa mo, miss?" inis niyang sabi habang pilit niyang inaabot ang lubid na nakatali sa kaniyang paa.
Buwisit! Ba't kasi nakatiwarik ako!
"Call me Maiya. And no, I don't think lumalabag ako."
"The rules said we are only allowed to use our ability!"
"Exactly! They didn't say anything about using a rope, did they?" The girl smirked.
Hindi na lang siya sumagot at itinuon ang atensyon sa lubid. Paano niya kaya ito tatanggalin? If she would use her ability now, she needed to wait ten minutes for her to activate it again.
Napairap siya sa kaniyang sitwasyon. Sinubukan niyang hilahin ang buhok ni Maiya pero nakaiwas kaagad ito. Nakakainis. Gigil na gigil siya sa pagmumukha nito.
"Should I end you now?" she said, teasing her.
Napunta ang tingin niya sa kamay nito nang itinaas ito ng babae. Kaagad na namilog ang kaniyang mga mata nang magliyab ang palad nito.
A fire ability?
Now, she was really in trouble. Tatlumpong minuto lang ang binigay sa kanila at isa pa lang ang napapatumba niya. Kapag nagtagal siya rito, siguradong hindi siya makakaabot sa oras. O 'di kaya'y hindi na siya makakaabot nang hindi sunog ang katawan.
Hindi siya tumigil sa paglilikot, nagbabakasakaling maputol ang lubid. Nagmukha na siyang isdang pilit na kumakawala sa pain. Panay ang pag-ugoy niya ngunit bigla siyang napatigil nang may ideyang pumasok sa kaniyang isipan.
She looked at Maiya. Nakaposisyon na ang kamay nito sa kaniyang mukha. When Maiya started to form a cannon fire ball, she swayed her body and grabbed Maiya's right wrist. Ngayo'y magkaharap na ang mga mukha nila.
Napangisi siya nang magulat ito.
Kaagad namang itinaas ni Maiya ang kaliwang kamay. She burned her other hand with fire and aimed at Ana's face. Pero nakaiwas si Ana at napunta ang apoy sa bota na suot-suot niya.
"Argh! Buwisit ka!" Napasinghap siya nang maramdaman ang init sa kaniyang balat. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito.
"Let go of me!" Hinawakan din ni Maiya ang magkabila niyang pulso at muling ginamit ang abilidad.
Tiniis ni Ana ang hapdi kahit naiiyak na siya. Inilayo niya ang kaniyang mukha kay Maiya upang umipon nang puwersa.
"Matulog kang buwisit ka!" Ana gathered all her strength and headbutted Maiya. Isang malutong na tunog ang nilikha ng kanilang mga noo nang magkalapat ito.
Ang sakit!
"Ah!" Napabitiw si Maiya sa kaniya. Kasabay nang pagbitiw ay ang pagkahulog niya rin sa lupa. Kung wala lang ang mga patay na dahon ay baka mas masakit pa ang pagkabagsak niya.
Napahawak siya sa kaniyang mukha bago tiningnan ang lubid. Nasunog din ito kasama sa kaniyang bota kaya nakalaya siya.
Ginalaw-galaw niya ang kanang paa upang tingnan ang kondisyon nito. Inalis niya ang nasunog na bota at pilit na itinayo ang sarili. Para siyang tinutusok sa kirot, hindi lang sa paa kundi sa kanyang dalawang pulso.
"H-how dare you . . ." Tiningnan niya si Maiya na parang lasing na naglalakad papunta sa kaniya.
"Hindi ka pa rin tulog?" hiyaw niya. Paika-ika siyang tumakbo palapit sa direksyon ni Maiya at sinuntok ito sa sikmura.
Napaluhod ito hanggang sa bumagsak na at nawalan ng malay.
Napabuga siya ng hininga. Palagay niya'y labinlimang minuto na ang dumaan at dalawa pa lang ang napapatumba niya. Baka 'di siya umabot sa oras.
"Kaasar!" Pinadyak niya ang paa sa lupa na kaagad niyang ring pinagsisihan dahil sa sakit.
"Ah! Tulong!" Napalingon siya nang biglang may sumigaw.
Ana gasped when a girl bumped her. Sabay silang napabagsak sa lupa. Kamuntikan na siyang mapamura sa tigas at bigat ng katawan nito. Pakiramdam niya'y dinaganan siya ng isang sakong semento. Nauntog pa ang ulo niya sa malaking ugat ng puno.
"Gago, alis nga! Masakit na nga katawan ko dumagdag ka pa!" Gamit ang kaniyang palad, itinulak niya ang pagmumukha nito. Ngunit ayaw nitong umalis sa pagkakadagan sa kaniya.
"Alis sabi!"
"Ayoko! Tulungan mo 'ko!" ngawa nito habang nakayakap sa kaniya.
"Anong tulong? 'Wag mo nga akong pinaglololoko!" Hindi na ulit siya magpapauto sa mga taktikang ganito. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ng babae para itinulak ito palayo. "Ang payat-payat mo pero ba't ang bigat mo?"
"Hindi ko rin alam!" Hagulgol nito habang nakayakap pa rin sa kaniya.
Hinila niya ang nakatali nitong buhok. "Ano ba! Umalis ka sabi. Ang ingay-ingay mo pa. Ba't ka pa sumali rito kung iiyak ka rin naman?"
"Hindi ko ginustong sumali r-rito. At saka tulungan mo ako!"
"Tulungan saan? At ba't ko naman tutulungan ang isang Havoc na kagaya mo, ha?" asar na sabi niya. Hinila niya ang buhok nito pataas upang makita niya ang pagmumukha ng babae.
Napangiwi siya. "Ang dugyot mong tingnan."
Pinahid nito ang mga luha sa pisngi. May laway pa sa gilid ng labi nito. "Hinahabol ako ng magkapatid!"
"Oh tapos? Magkapatid?"
"Hoy, Prisci!" Napatingin si Ana sa unahan niya nang may dumating. Nakangisi ang babaeng hanggang baywang ang itim nitong mga buhok at matipuno ang katawan.
"Ah! Nandyan na sila! Nand'yan na sila! Tulungan mo 'ko!" sigaw ng babaeng nakadagan sa kaniya.
"Manahimik ka!" sigaw niya rin pabalik. Ang tinis pa naman ng boses nito.
"'Wag ka ngang duwag, Prisci. Labanan mo kami!" sabi nito habang nakaturo sa kanila. Tiningnan naman ni Ana ang kasama nito sa likuran. May dala itong espada at tahimik na nakatingin sa kanila--mali . . . Nakatingin ito sa kaniya.
Ba't may hawak-hawak siyang espada? Bawal 'yan!
"Hoy," bulong niya sa nakadagan sa kaniya. "Prisci 'di ba?"
Tumango naman ito.
"Umalis ka muna."
"Ha? Ayoko, iiwan--"
"Paano kita tutulungan kung nakadagan ka sa 'kin, ha? Alis!" Hindi naman ito sumagot at sumunod sa sinabi niya.
Bago pa siya makatayo tumakbo na ang babaeng may mahabang buhok palapit sa kaniya. "Humanda ka!"
Dali-daling nagpagulong si Ana sa gilid upang iwasan ang malaki nitong kamao. Yumanig ang paligid nang tumama ang kamao nito sa lupa. Siguradong tulog na siya ngayon kung natamaan siya.
"Ah! Tulong!"
Nilingon niya si Prisci. Hawak ng babae ang leeg nito habang itinaas sa ere. Halos lumuwa ang mata ni Ana sa pagkamangha. Ni hindi niya nga magalaw si Prisci kanina tapos itinaas lang nito na para bang wala lang.
Gaano ba ito kalakas?
"T-tigilan mo na ako, V-Valen."
"Ha? May sinasabi ka? Para saan pa't naging Havoc ka kung ayaw mong lumaban?" sagot ng babaeng nagngangalang Valen.
Sumugod si Ana. She landed a kick behind the girl's knees, but Ana ended up feeling the pain of the impact instead. The girl didn't even move an inch.
"Kainis!" asar niyang sigaw.
Nilingon siya nito. "Huh? Ano 'to? Bubuyog?" Hinawakan nito ang kaniyang ulo. Napasigaw siya sa higpit ng pagkakahawak nito. Babasagin pa nga yata ang bungo niya. "'Wag kang makisali rito, bubuyog."
"Ikaw ang--" Bago pa niya matapos ang sasabihin ay sinipa siya nito sa sikmura. Ramdam niya ang tubig na lumabas mula sa kaniyang bibig. Rinig niya rin ang tunog ng kaniyang mga butong nababali.
Hindi ito maganda.
Tumilapon siya sa lakas ng epekto ng sipa. Lumikha ng tunog ang kaniyang katawan habang nagpagulong-gulong siya sa lupa. Wala siyang ibang nagawa kundi ipikit ang kaniyang mga mata. Bukod sa 'di niya na kaya pang gumalaw, hilong-hilo na rin siya.
Napatigil lang siya nang may bagay na umapak sa kaniya.
"A-argh . . ." Nanunuyo na ang kaniyang lalamunan.
Iminulat ni Ana ang kaniyang mga mata. Hindi niya masyadong maaninag kung sinong paa ang nakatapak sa kaniya ngunit may hawak itong espada. Ito ang kasama ng babae kanina. Sinubukan ni Ana na gamitin ang kaniyang abilidad subalit wala na siyang natitira pang lakas.
Pinilit niyang gumalaw subalit hindi na nakikinig ang kaniyang katawan. Malala ang natamo niyang sugat kay Maiya kanina at ngayon, mas malakas pa ang nakatunggali niya.
She had lost her strength. She couldn't move anymore. All that was left was her will to fight, and she very well knew that will alone would never be enough.
"I'll kill you." Itinuon nito ang espada sa harapan niya.
Nang maramdaman ni Ana ang bakal na tumagos sa kaniyang tiyan, tuluyan na ring nandilim ang kaniyang paningin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top