Kabanata 10
KASAMA ngayon ni Fenrys si Wish sa sementeryo. Matapos ikumpirma ni Wish na sa kapatid nga nito galing ang piraso ng tela, pinakita niya ang nangyari sa puntod ni Micaela at ipinaliwanag din ang mga dapat nitong malaman.
"Sa ngayon, hindi pa natin alam kung ano ang motibo nila," sabi niya habang nakatingin sa nasirang libingan ni Micaela. "Utos ni Uno na maging alerto lang tayo."
Nilingon niya si Wish na nakatitig sa nasirang lapeda. "Sino si Micaela?"
"You don't have to know. Tara na." Tumalikod na siya at naglakad na paalis.
"Importante ba siya sa 'yo?"
Napatigil naman siya. Nilingon niya ito habang nakakunot ang noo. "Huh? Paano mo naman nasabi?"
"Wala lang," sagot nito at nagkibit-balikat.
Naglakad na ito ngunit ipinatong niya ang kamay sa ulo nito upang pigilan. "Hoy, hoy, hoy, anong wala lang? Bakit nga?"
"Wala nga!"
"Bakit sabi!"
"Wala nga sabi!"
Hindi niya rin alam kung bakit nakikipagtalo siya kay Wish. Pakiramdam niya kasi ay inaasar siya nito. Lalo na't kitang-kita niya kung paano pilit nitong pinipigilan ang sariling ngumiti. Gusto niyang malaman kung ano ang iniisip ni Wish.
"Bakit nga?" pamimilit niya.
Napahinga naman ito nang malalim dahilan para mapakunot ang kaniyang noo. Doon lang siya natigilan nang marinig ang mga katagang binitiwan nito.
"Kasi ramdam ko ang galit mo."
NAKATINGALA si Ana sa higanteng gate ng Blaitheria. Dumating na rin ang araw ng paligsahan. Ito ang pangalawang beses na makakapasok siya rito. Kasama niya ang ibang mga kalahok sa paligsahan na naghihintay kagaya niya na mabuksan ang gate. Sina Fenrys at Wish ay nauna nang pumasok sa loob. Habang silang mga kalahok na galing sa Raeon ay nasa labas pa rin.
Hindi niya rin alam kung bakit. Baka kailangan nilang mag-grand entrance.
"Ana." May tumapik sa braso niya.
Napataas ang kilay niya nang makita si Erienna. "Oh? Sasali ka rin?"
Ngumiti naman ito sa kaniya. "Hindi, manonood lang. Galingan mo, ah? Good luck!"
"Yeah, yeah. Alis na," sagot niya at mahina itong tinulak. Baka tumilapon kapag nilakasan niya, malintekan pa siya ni Uno.
Kumaway pa ito sa kaniya bago tuluyang pumasok sa dumaan sa maliit na gate.
Nakapamaywang siyang nakatayo dahil nababagot na siya sa kakahintay. Ang tagal naman nilang papasukin. Tiningnan niya ang ibang mga kalahok at inobserbahan ito. May nakatunganga, inaantok at 'yong iba ay abalang mag-ensayo. Napailing siya at inayos na lang ang kaniyang kasuotan. Isang black long sleeve na gawa sa wool at pants ang suot niya dahil kamakailan lang ay nakaramdan siya ng lamig. Palaging mataas ang temperatura niya kaya nakakapagtatakang nilalamig siya ngayon.
She was busy fixing herself when she felt a pair of eyes watching her. She looked around only to find herself getting caught by the shouts of the contestants. Nawala ang tinitingnan niya nang matakpan ang kaniyang bisyon dahil sa mga nagkumpulang kalahok sa harapan niya.
Dahan-dahan nang binubuksan ang gate dahilan upang makaramdam siya at ang iba ng kakaibang sabik. Nakangiti siyang nagpatangay sa maraming tao nang tuluyan na itong bumukas.
She gasped at the back of her head when she saw the place. Hindi na kagaya ng dati ang Blaitheria. No'ng nakapasok siya kasama si Erienna, wala siyang ibang masabi kundi ang pangit. But now, the towers were decorated in a variety of colors. Lalo lang tumingkad ang lugar sa kaniyang paningin nang salubungin sila ng mga nakahilirang Havoc sa gilid ng daan. Punong-puno ng saya ang mga mukha nila dahilan upang 'di niya rin mapigilan ang sariling ngumiti.
"Galingan niyo!"
"Show them what we women are made of!"
"Whoa!"
Rauis changed this place in such a short amount of time. He was indeed great.
Cute rin.
Napangisi naman siya sa kaniyang naisip. Totoo naman kasi. Ang amo-amo ng mukha, parang 'di marunong magalit.
Nagpalinga-linga siya upang hanapin sina Fenrys at Wish ngunit wala ang dalawa sa paligid. Hula niya ay nasa loob ng palasyo ang mga ito. Si Fenrys pa, makapal ang mukha at ito namang si Wish ang daling magpadala.
Papunta sila ngayon sa likuran ng palasyo kung saan naroroon ang Eria forest. Dito gaganapin ang unang round ng paligsahan.
"Attention." Napunta ang atensyon ni Ana at ang iba pang mga kalahok nang may magsalita. Nasa halos isang libo ang mga sumali at kasama na roon ang mga Havoc. Tumiyad pa siya para makita ang hari na nasa unahan. Buti na lang tumuntong ito sa isang plataporma kaya kitang-kita niya ang kakisigan nito.
"Ahm." Bahagya itong ngumiti sa kanila. The white coat he was wearing complemented his pale skin. Idagdag pa ang gulo-gulong buhok na para bang kagigising lang nito.
"Greetings, Havocs and wolves from Raeon. We have gathered here again for our annual Feli Festival, to celebrate and empower women's strength. I would like to thank Raeon for celebrating this with us. And since Raeon wolves are here with us, we made some changes with the rewards." Rauis smiled. Nanatili lang tahimik ang mga kalahok ngunit nakatuon lahat ang atensyon sa kaniya. "Those who will proceed to the final round will be given a privilege to stand as a captain in our army. As for the wolves of Raeon, they will have the choice to join the Knights. On top of that, the champion will receive a royal jewel."
Nagsigawan naman ang mga kalahok. Hindi alam ni Ana kung para saan ang royal jewel dahil wala naman siyang pakialam. She joined because she wanted to prove her strength.
"Ang guwapo talaga." Nilingon ni Ana ang kaniyang katabi nang magsalita ito. Abot sa tainga ang mga ngiti nito habang nakikinig kay Rauis. Sinilip niya rin ang iba at ganoon din ang reaksyon nila.
Alam na.
Well, Rauis was indeed attractive. Hindi na siya magugulat kung maraming mga babae ang nababaliw rito. Hindi na siya magtataka kung sumali lang ang ibang kalahok upang magpapapansin sa hari.
"The main event of this festival is the
Feli Combat which you all are participating in. The first round--Chase-- will be held here." Rauis gestured his hand. Bahagya itong tumalikod upang ituro ang gubat na nasa likuran nito. "This round will only last for thirty minutes. Each of you will need to bring down seven participants using your human form in that circle of time in order to proceed to the second and final round. Fight until your enemy becomes unconscious but do not kill them."
"Excuse me, Your Highness." A girl from Raeon raised her hand. "Are we allowed to use our ability? And what if hindi po nakaabot sa allotted time ang number of participants na itutumba namin and we are still conscious? Are we still going to proceed to the final round?"
"Yes and no. Yes, you are free to use your ability but using weapons is prohibited. No, that's why avoiding each other is not an option. If you want to win, you have to fight. Are we all clear?" Rauis said.
"Understood, your Highness," they all said in unison.
"Good luck. Let's begin."
They heard a loud howl, indicating a go signal. All of them immediately ran inside the forest.
Pagkapasok ni Ana sa kagubatan, sumandal muna siya sa isang matayog na puno. Madilim ang loob ng gubat dahil natatabunan ng mga dahon ang sinag ng araw. Pero hindi naman 'yon problema sa kaniya. She could see just fine.
Pumikit siya at pinakiramdaman niya muna ang buong paligid. Mas dumoble ang lamig na nararamdaman niya. Kumakaloskos sa kaniyang tainga ang mga yabag ng ibang kalahok. Ang iba naman ay nagsisimula nang makipaglaban.
She needed to move too.
Napabukas ang kaniyang mga mata nang may marinig siyang mabigat na tunog. Papunta ito sa direksyon niya. Napalingon siya sa kaniyang likuran. Napamulagat siya nang sumalubong sa kaniya ang pares ng mga paa. With her improved reflexes, she was able to dodge the attack, but not completely. She hissed when she felt the cut on her cheeks.
"Oh man. That was so close." She looked at the girl in front of her.
A Havoc.
She had the same height as her, but her body were more toned. Halatang sanay itong makipaglaban. Walang sapin ang mga paa nito. She was wearing a short and loose shirt.
Hindi na nito hinintay pang makasagot siya at muling umatake. The Havoc threw a left punch which she easily dodged. A right and then left. Another right and left punch.
Madali lang naman niya itong naiilagan at wala ni isang mga suntok nito ang tumama sa mukha niya.
"Anong ginagawa mo? Shadow boxing?" She tried to tease her but the girl just smirked.
Napasinghap siya nang bumangga ang kaniyang likuran sa puno.
"Gotcha!" The girl said and released a hard blow on her stomach.
Napaubo siya. Napahawak siya sa kaniyang tiyan. Kainis! Bakit hindi siya kaagad nakailag? Kahit na na-corner siya nito, nakita naman niya ang gagawin ng babae. Kitang-kita niya kung saan papunta ang suntok subalit hindi niya naiwasan.
Bakit?
Sinipa siya nito sa mukha dahilan para tumama ang kaniyang ulo sa katawan ng puno.
Masakit iyon. Gago!
Binuksan niya ang mga mata. Her vision was starting to blur. Kaagad siyang napailing. It was too soon for her to give up.
"Focus, Ana!"
"Alam ko," sagot naman niya nang maalala ang paulit-ulit na sinasabi sa kaniya ni Fenrys.
She looked at her opponent, and it was aiming to punch her face. Iilag na sana siya ngunit 'di niya magalaw ang kaniyang katawan.
Huh?
Nalasahan niya ang dugo sa putok niyang labi nang tumama ang kamao nito sa kaniyang mukha. Hindi niya inintindi ang sakit at pilit na inisip ang nangyari kani-kanina lang.
Hindi pa naman siya pagod kaya bakit hindi siya makagalaw? Was this the havoc's ability?
The girl was throwing another punch and again, she attempted to dodge but her body wouldn't move. When she received another punch, she realized something.
She wasn't totally impaired. She could move but . . . it was too slow. It was like her body was in slow motion.
The girl's ability could be slowing down her opponent's movement.
Ana smiled at the back of her head when she figured out something. She thought of a way to defeat this woman in one blow. She may be inexperienced but she had a few tricks up her sleeves.
Thanks to Fenrys she was able to endure her punches.
"Hoy! Umamin ka nga, anong ginawa mo sa 'kin?" pagkukunwari niya. Inangat niya ang kaniyang tingin.
Ngumisi naman ito sa kaniya. "Why don't you figure it out?"
"Eh, sa hindi ko alam!" Pilit niyang sinasalubong ang mga tingin nito.
Sige, ganiyan nga. Tumingin ka sa mga mata ko.
Ana tried to move her feet. Kung tama ang hinala niya, gumagana lang ang abilidad nito kapag nag-amba itong susuntukin siya.
"Then better sleep," sagot nito at ikinuyom ang kanang kamao.
There it is!
She looked at her eyes. Nang malapit na ito sa kaniya, kaagad niyang ginamit ang sariling abilidad.
"Ah!" Napapikit ito nang maramdaman ang hapdi sa mga mata.
Now was her chance.
Mabilis niyang hinawakan ang kanang braso nito at hinila palapit sa kaniya. Gathering her strength, she raised her left elbow and landed a blow on the girl's nape, causing it to lose consciousness.
Bumagsak ito sa lupa.
Nakangiti niyang tinitigan ang walang malay nitong katawan habang hinihingal. "I won."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top