Kabanata 1

SINUBSOB ni Fenrys ang mukha sa unan at pilit na binabalewala ang sigaw na kanina pa nagpaulit-ulit sa tainga niya.

"Ano ba! Babangon ka o iyang kama mo ang ibabangon ko?"

Napairap si Fenrys habang nakapikit. Kay aga-aga binubuwisit na kaagad siya. Ba't 'di na lang siya hayaan nito? 'Di naman siya mamamatay kung 'di siya babangon sa kama.

"Gising sabi!" Nakarinig siya ng mga yabag. Bago pa niya maimulat ang mga mata, may humila na sa unan na yakap niya at isang mabigat na bagay ang sumalubong sa kaniyang mukha.

Kaagad siyang napabangon at sinamaan ng tingin si Ana. Nakita niya itong may dala-dalang sanga ng kahoy sa kamay.

"Ano bang problema? Kay aga-aga nambubwisit ka!" singhal niya habang nakahawak sa namumula niyang pisngi. "And for my face's sake, put away that branch and let me sleep! Saan mo naman  'yan nakuha?"

"Tanghali na."

"Tanghali?" 'di makapaniwalang sigaw niya. Padabog siyang nagtungo sa bintana ng kuwarto at binuksan ito. "Tanghali 'yan? My god, Ana. Madaling araw pa lang." Turo niya sa labas habang hinihilot ng isang kamay ang kaniyang sintido.

Hindi na nga siya pinatulog kagabi sa kaingayan nito tapos ngayon naman, sinusunggaban na kaagad siya. Ano bang nagawa niya sa buhay at binigyan siya ng isang kagaya ni Ana?

He brushed his hair in annoyance while laying again in bed. Now she ruined his handsome rest. He glanced at the ring on his finger before closing his eyes.

She's so different from you.

"Wow, so matutulog ka ulit?"

"Wala naman akong gagawin."

"May gagawin ka!" singhal nito at lumapit sa kaniya.

Nilingon naman niya ito at sinalubong ang mala-niyebeng mga mata. Kaagad din siyang umiwas dahil pakiramdam niya'y malulunod siya.

When they first met, he thought Ana was some kind of a cold person, but nah, she was the total opposite.

Maingay. Masungit. Palaging galit at higit sa lahat . . . ibang-iba sa babaeng 'di niya malimut-limutan hanggang ngayon.

"What?" mahina niyang sabi.

"Sasamahan mo akong manguha ng--"

"Fine, fine. Just let me sleep for a minute," putol niya sa sasabihin nito bago muling idinutdot ang mukha sa unan.

"Sige. Isang minuto."

"Don't be too harsh on me!" He groaned and glared at her.

Napangisi naman ito bago umupo sa kaniyang tabi. Gulong-gulo pa nga ang buhok nito tapos makagising sa kaniya parang handang-handa nang umalis.

"Oh? Hindi ba ikaw may sabi? Just for a minute?" panunukso nito. Napabuntonghininga na lang siya. Kahit kailan talaga, 'di siya mananalo rito. Kahit na ubod ang kaguwapuhan niya, 'di niya pa rin mapapatahimik ang babaeng 'to.

But he knew one way.

Napangisi siya sa naisip.

Sinulyapan niya ito. "Ana."

"Oh?"

Ngumiti siya nang nakakaloko. "If you want to sleep beside me, just tell me. Hindi 'yong marami ka pang sinasabi."

Nanlaki naman ang mga mata nito. "Ano? Ang kapal naman--"

"Oh, come on. Don't deny it." With his long arms, he pulled her neck towards him. Ngayon ay magkalapit na ang mukha nila sa isa't isa. Kita niya ang gulat sa mga mata nito at pamumula ng mga pisngi.

Cute.

He then flashed his sweetest smile and kissed the tip of her nose. "I'm perfectly aware how handsome I am. I know you can't resist me."

"Gago!"

Napapikit siya at napabitiw kay Ana nang gamitin nito ang abilidad. Napadaing siya. Hindi niya maimulat ang mga mata dahil sa hapdi. Pakiramdam niya'y tinusok ng isang daang karayom ang mga ugat niya ss mata.

How could she do this to him? The most handsome werewolf living in Raeon just kissed her. Tapos siya pa ang galit? She should be thankful.

Napailing na lang siya nang marinig niya ang mga yabag nito palabas sa kaniyang kuwarto.

Oh well, at least his plan succeeded. He pushed her away. He sighed in relief and hugged his pillow. Now he can sleep again, peacefully.

"DO you really have to get it all?" tanong niya habang pinagmamasdan si Ana na nasa ibabaw ng puno.

Ana's obsession toward beetles was too immense that she was willing to climb up the tree. Hindi niya nga alam kung paano ito nakaakyat.

"Do you need help?" he asked but of course, even if Ana would say yes, he would never climb up there and touch those beetles.

It was gross. Hindi bagay sa guwapo niyang pagmumukha. May pagkakataon pa nga na hinahayaan lang ni Ana na magpagapang-gapang ang mga ito sa loob ng bahay nila. What if it would crawl on his handsome face? He wanted to puke just by thinking of it.

"Hindi ko kailangan ng tulong mo!"

"Bakit sinama mo pa ako rito?" Gusto niya sanang sabihin kay Ana pero baka gamitin na naman nito ang abilidad at masira ang maganda niyang mga mata.

Napakibit-balikat na lang siya at umupo sa isa sa mga ugat ng puno. Sumandal siya habang pinatong ang siko sa kaniyang tuhod. Pinagmasdan niya ang buong paligid.

The place was an open field before, but now, it was surrounded by bushes. Malapit lang ang lugar na ito sa Ran.

Naalala niya pa dati. Dito sila palaging naglalaro nina Midnight at . . . Micaela.

He looked at his ring finger. It was ten years ago but his heart was still aching. It was still beating for the girl he loved and was still in love with up until now. It was looking for her. It was looking for Mica.

Napapikit siya at hinayaan ang sariling malunod sa mga masasayang alaala kasama si Micaela. Hanggang ngayon, naririnig pa rin niya ang mga tawa nito, naaalala niya pa rin kung gaano kaganda ito kapag ngumingiti.

She was and would always be the prettiest in his eyes.

Napabalik siya sa kaniyang diwa nang biglang may tunog ng nabaling sanga. Kasunod no'n ay ang pagbagsak ng isang pigura.

Napadaing si Ana at dahan-dahang tumayo. Sapu-sapo pa nito ang baywang.

Napansin ni Ana na nakatingin siya sa kaniyang singsing kaya agad siyang napaiwas ng tingin.

Tumikhim muna siya bago tumayo. "Uuwi na ba tayo?"

"Hindi pa," sagot nito at tinalikuran siya. Magrereklamo na sana siya nang muli itong magsalita. "Pumunta ka kung saan mo gustong pumunta, huwag mo na akong samahan."

Nagpalit ito ng anyo. Ang maputla nitong balat ay napalitan ng kayumangging mga balahibo. Unti-unting lumaki ang katawan hanggang sa tuluyang maging isang lobo.

Nilingon siya ni Ana. Hindi niya maipaliwanag kung ano ang ipinahihiwatig ng mga tingin nito. Kinagat nito ang nahulog na bag kung saan naroroon ang mga lagayan ng mga salagubang at tumakbo na paalis.

Napakamot na lang siya sa kaniyang ulo. He wanted to follow her but his heart felt heavy. Para bang pinipigilan siya nito. May iba itong sinasabi.

He teleported to a place where it wanted to go.

The cold wind greeted him as he entered the graveyard. A place where the wolves who died in the battle were buried, including Mica.

"It's been a while." A small smile crossed his lips while looking at Mica's grave.

Well, it really hadn't been a while because he just visited her yesterday. He always made a way to visit her. At hindi iyon alam ni Ana.

She didn't need to know.

"I miss you." He let out a deep sigh after saying those words. He turned around and looked away. He couldn't help but tear up everytime he remember his painful past.

Masakit pa rin.

Hanggang ngayon, hindi pa rin niya kayang tanggapin ang nangyari.  Lumalalim at lumalala lang ang sugat sa puso niya. Hindi niya pa rin maintindihan kung bakit kailangang kunin sa kaniya si Mica.

Napapikit na lang siya.

If only he could change the past, he would definitely save her.

Apat na buwan na ang lumipas pagkatapos magkaayos ang Blaitheria at Raeon. Sa apat na buwan na iyon ay nagawa niya ring maglabas-pasok sa kaharian ng Blaitheria. Naging malapit na rin siya sa ibang mga Havoc. Nakita niya na hindi lahat ng mga Havoc ay masama. Alam niyang naging biktima lang din ang mga ito.

Pero . . .

"Mica, I'm not happy." He blurted out. Wala siyang maramdaman. He surrounded himself with his friends yet he still felt empty.

May kulang. At ang kakulangang iyon ay kahit kailan ay 'di na mapupunan.

"Tell me." Nilingon niya ang libingan nito. "May paraan ba para makasama ka ulit?"

Alam naman niyang wala, nagtanong pa siya.

Napaangat ang tingin ni Fenrys nang may malanghap siyang 'di pamilyar na amoy. Napakunot ang kaniyang noo dahil ngayon niya lang nasinghot ang ganitong amoy.

Napatingin siya sa kanlurang bahagi ng sementeryo. Nagtataasang mga puno ang naroroon at dahil nga malapit sa sementeryo, wala masiyadong nagpupunta sa bandang iyon.

Dahil sa kuryosidad, naglakad siya papunta roon at sinuot ang kagubatan. May kadiliman ang loob ng gubat dulot ng mga higanteng puno. Nainis pa siya sa mayayabong na damong dumidikit sa kaniyang mga paa. Dumidikit ito sa kaniyang maputing pantalon.

Hindi niya na lang iyon pinansin at patuloy na sinundan ang amoy. Kamuntikan nang masubsob ang iniingatan niyang mukha sa lupa nang matisod ang mga paa.

"Buwisit," inis niyang sabi ngunit agad ding napatingin sa bagay kung saan siya natisod.

Napaawang ang kaniyang mga labi. Isang lalaking walang malay ang nakahandusay sa lupa, sira-sira ang damit at sugatan ang mga paa. He immediately checked the guy's condition. He was still breathing. Sunod niyang tiningnan ang dumudugo nitong mga paa.

Kaagad na nagsalubong ang kaniyang mga kilay.

Hindi niya maisip kung saan ito nakuha ng lalaki. Bukas na bukas ang balat at kita niya kung paano maglabasan ang mga dugo mula roon. Tiningnan niya pa ang ibang parte ng katawan nito at may mga sugat din ito sa leeg at mga braso. Pero maliliit lamang ang mga ito at hindi kagaya sa sugat sa mga paang sobrang lalim.

"Oh, gross!" Tinakpan niya ang kaniyang ilong dahil hindi niya kayang tiisin ang matapang nitong amoy. Umatras muna siya bago silipin ang pagmumukha ng lalaki.

Hindi ito taga-Raeon. Hindi niya ito kilala at hindi niya rin ito nakita kahit ni isang beses. Malabo ring isa itong Havoc dahil kakaiba ang amoy nito at katulad niya, maputi ang mga buhok.

Where did he come from? At ano naman ang gagawin niya sa lalaking 'to? Hindi rin naman niya puwedeng iwan na lang ito rito.

Should he tell Midnight? Or brought this guy in his home first?

"Hey." Niyugyog niya ang balikat, sinusubukang gisingin ang lalaki ngunit hindi ito gumalaw. Kahit isang pitik man lang ay wala. It had no sign of waking up leaving him no choice but bring him to his house.

Dahan-dahan niyang binuhat ang lalaki. Napangiwi pa siya dahil dumikit na ang dugo sa maputi niyang damit.

"You better wash my shirt when you wake up," bulong niya at nagtungo na pauwi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top