Chapter 2 - Ghost of her Past
Chapter 2 - Ghost of her Past
Devyn
I can feel it again. This is also the reason why I don't want to come home. Sana kasi tinanggap ko na lang ang alok ni Tita Trinity na sa Mansion tumira. Nahihiya na kasi ako sakanya, eh. Ang dami ng ginawa para sa akin ng pamilya ni Duane kaya minsan nahihiya na rin ako.
I heard a loud crash sa basement at sigaw ng dalawang babae. Those sickly bastards are doing it again. Umakyat ako sa kwarto ko at ni-lock ang pinto. But it's not enough. Rinig ko pa rin ang mga nagmamakaawang boses. Naamoy ko pa rin ang sariwang dugo.
Pumikit ako ng mariin para pigilan ang nakaka-akit na gumuguhit sa ilong ko. Ilang taon na akong may control sa sarili ko. The Queen told me to think of happy thoughts when blood lust lingers through me. But how can I do that when I don't even have happy thoughts?
But I have my friends. They're my constant reminder that I can live my life normally.
I was concentrating when I heard a loud know on my door. Ayaw ko sanang pagbuksan pero palakas nang palakas ang katok nito kaya napilitan akong buksan 'to. Kesa naman sa sirain nila ang pintuan ko.
"What do you want?!" iritado kong sabi.
"Dinner is served," nakangising sabi ng kapatid ng Papa ko.
"I'm not hungry," malamig kong sabi.
"It's fresh," pinakita niya sa akin ang kanyang kamay na may mga dugo at dinilaan niya 'to. Disgusting monster!
"I said I'm not hungry!" I angrily shout at him. I was about to close the door when he stopped it using his foot.
"Matapang ka na?" nanlilisik na sabi nito.
"Leave me with peace!" I warned him.
"Ah gano'n-"
"Leave her alone, Sheldon!" said a stern voice. Napalingon ako sakanya. Bihira niya lang akong ipagtanggol sakanyang kapatid pero nagpapasalamat akong ginawa niya 'yon. Baka mamaya makapatay pa ako. At wala akong pakialam kung kamag-anak ko pa siya.
"Pero Kuya-"
"Ayaw ng anak ko ng dugo at huwag mo siyang pipilitin," sabi ni Papa.
"Bababa na ako," sabi niya lang. Tiningnan muna niya ako ng masama bago umalis. Tiningnan ko naman si Papa at walang emosyon sa mukha niya.
"They are changing you," sabi ni Papa at alam ko kung sino ang tinutukoy niya.
"Tinanggap tayo ng mga elders sa Vampire City kahit alam nilang kakaiba tayo. At gusto ko lang patunayan na hindi tayo kagaya ng iniisip nila," I said to him.
"You don't have to change yourself para lang tanggapin ka nila," sagot naman sa akin ni Papa.
"I know. Pero ito ang gusto ko. Can't you see, Pa? Ang pamilya na lang natin ang namumuhay ng ganito. Ni ayaw niyong magpasakop sa pamumuno ni Tita Trinity. Ang ayaw ko lang ay patunayan na tama sila, sa mga nanghuhusga pa rin sa atin hanggang ngayon. I want them to see that Sanguinarians can be good, too,"
Hindi siya umimik pero nakipagtitigan siya sa akin.
"We are the descendants of Drian, Devyn. Don't you dare forget that!" ang tanging na sabi ni Papa.
Oh how can I forget that when I am Devyn Drian? But Tita Trinity told me that not all Drians are bad. In our history, Drake Drian, was a good Sanguinarian though he is part Damphyr. He sacrificed his self to save the Royal family.
--
It was late afternoon when I received a text from Phoena. Gusto niya akong papuntahin sa Clubhouse. Nagtext din sa akin si Duane na sabay na lang kaming pumunta roon kaya susunduin niya ako. Siguro tungkol na naman 'to sa napag-usapan namin kanina noong nasa classroom kami.
Pababa na sana ako nang marinig ko sila Papa at Tito Sheldon. Papaalis sila at lalabas muling portal. Nang tuluyan na silang makaalis ay saka naman ako bumaba. Maya-maya lang darating na 'yon si Duane.
"Help! Please, someone help me!"
Napatuwid ako sa kinatatayuan ko. Boses ng isang batang babae. I cannot believe they victimized a kid.
Agad akong bumaba sa basement at binuksan ang bakal na pinto. I was welcomed by a wonderful scent of fresh blood. Malaki ang basement at napupuno ito ng patalim na ginagamit pang torture ng tao na nabibiktima nila. Sa pinakadulo ay may dalawang babae. Nakagapos ang mga kamay nila at nakabitin ng patiwarik. Their blood was dripping on a basin. Parehong wala ng buhay.
"M-Miss! T-tulungan mo ako!" napalingon ako sa gilid ko. Isang batang babae. I bet she's just 12 years old. Nakagapos siya sa upuan na bakal. Naka-plaster ang bibig niya but in some ways ay natanggal niya 'yon dahil manipis lang naman 'to.
Hindi ko alam ang gagawin ko. My blood thirst is overwhelming me. Parang gusto kong tumakbo doon sa dalawang babae na wala ng malay at inumin ang dugo nila. Ipinikit ko ang mga mata ko para labanan ang nararamdaman ko.
My mind was disoriented at hindi na ako makapag-isip ng matino. Pakiramdam ko nalulunod ako
Nagulat na lang ako nang biglang bumukas ang pinto. It was Duane.
"Help her, Duane," I said almost audible.
Hindi ko na alam ang sunod na nangyari. Basta naramdaman ko na lang na binuhat niya ako at nagteleport kami. Naamoy ko pa rin ang dugo. Para akong mababaliw.
Dinala niya ako sa Mansion. Sinalubong ako ng mga taga pagsilbi nila at dinala naman ang batang babae sa kung saan.
"Here, drink this," inabot niya sa akin ang baso na may lamang dugo na galing sa blood bank. Nang mapawi ang uhaw na nararamdaman ko ay medyo natauhan ako.
I am so weak. At parang ayaw kong makita ako ngayon nil Phoena at Gavin. They see me as a strong vampirette na masasandalan nila anytime. Ayaw kong maging weakling sa paningin nila.
"Okay ka na?" tanong niya.
"Salamat," tipid kong sabi.
"I texted Phoena and Gavin na hindi muna tayo makakapuntang clubhouse,"
"I want to see them. I'm okay now," sabi ko. Tiningnan niya lang ako at parang sinusuri kung nagsasabi ba ako ng totoo.
"Sige," sabi niya lang.
"Please don't tell them what happened," pakiusap ko. Sa aming apat, si Duane ang nakakaalam ng lahat tungkol sa amin. Phoena and Gavin knows about my childhood past pero hindi na nila alam na hanggang ngayon ay nangyayari pa rin 'yon sa akin. I don't want them to worry lalo na si Phoena. Ayaw kong dagdagan ang problema nila sa parents nila.
"I won't, don't worry," Duane said reassuring me kaya nginitian ko siya ng tipid.
--
Nakarating kaming Clubhouse. Nag-aalalang sinalubong kami ni Phoena. Si Gavin naman naka-ngisi lang. Sarap bangasan ng pagmumukha niya sa totoo lang. Akala mo gwapo, eh, hindi naman.
"What took you so long, guys? Nag-alala tuloy kami ni Gavin," sabi ni Phoena.
"Ikaw lang naman, ah," depensang sabi ni Gavin.
"Tumigil ka nga. Kanina mo pa ako kinukulit kung bakit hindi sila makakapunta," Phoena said scowling at him.
"Only because I have a date. Sayang ng oras," he said. Napairap lang ako. Of course. He's such a manwhore!
"Phoena, can I have a favor?" biglang sabi ni Duane. Nagulat kaming lahat. Duane can ask favor to me or to Gavin but never to Phoena. Hindi ko alam kung ego niya ang dahilan kung bakit hindi niya mahingan ng pabor noon si Phoena.
"Sure, anything," nakangiting sabi ni Phoena. She's so sweet and innocent. Kaya alam kong natutuwa siya na ina-acknowledge siya ngayon ni Duane.
"Puwede bang sa inyo muna tumuloy ngayon si Devyn?" he said that made my eyes widened.
"Oo naman, no problem!" sabi niya tapos nag thumbs-up pa. Tiningnan ko naman si Duane but his face was void of any emotion. Poker faced. Alam kong gusto niya akong ilayo ngayon sa pamilya ko.
"Pero wala akong gamit," sabi kong nakatingin kay Duane.
"Pahihiramin kita, Devs. OMG! This is going to be fun!" she said giggling. Halos mapangiwi lang ako dahil sa sinabi niya. Hindi kami magkapareho ng taste sa damit ni Phoena. I'm more on a dark shade while she loves pastel colors. And I don't do pastel!
"Eh ikaw, Du? Hindi ka ba makikituloy sa akin?" nakangising sabi naman ni Gavin. Napaka-ingetero talaga ng vampirang 'to.
"I have important things to do," sabi lang ni Duane. Alam kong kukumprontahin niya sina Papa at Tito Sheldon. Ilang beses ng winarningan nila Tita Trinity sila Papa na itigil na ang pangbibiktima ng mga tao pero hindi sila nakikinig.
Tita Trinity and my father are first cousins. Mga parehong descendants ng Drians. Lahat ng mga Sanguinarians ay kontrolado na sa pamumuno ni Tita Trinity, ang Nanay ni Duane. Tanging sina Papa na lang ang hindi.
"At kapag may mga bagay na hindi ko maayos," said Duane then trails off looking at me. "I want you to go to Italy, too. Kung matutuloy na talaga sina Phoena at Gavin, gusto kong sumama ka, Devyn," seryosong sabi ni Duane.
"But-"
"I will shoulder the expenses, Devyn," sabi pa niya.
"Paano ka, Duane? Iiwan ka namin dito?" sabi naman ni Phoena. Ramdam kong malungkot siya. Isa sa dahilan kung bakit ayaw niyang matuloy ay dahil ayaw niyang magkahiwa-hiwalay kami.
"I guess so," tipid na sagot ni Duane.
"No, Du," sabi naman ni Gavin. "Hindi ka maiiwan dito. Kung sasama sa amin si Devyn, dapat ganoon ka rin. You remember our goal right? Stick to each other," seryoso ring sabi ni Gavin.
Tahimik lang kaming lahat habang hinihintay ang sagot ni Duane. Gavin was right. No one should be left behind.
"I'll consider," sabi ni Duane kaya napangiti ang dalawa.
"We still have six months time. Malay mo magbago pa ang isip ng mga parents namin," nakangiting sabi ni Phoena. She was always the positive thinker. Maybe the reason why this friendship last is because of her perspective in life.
After ng night class ay dumeretso ako kina Phoena. Tita Que welcomed me but her father was very neutral. Kahit wala siyang sabihin, I can feel na ayaw niya sa akin dahil isa akong Sanguinarian. Pero dahil nasa batas na bawal ang discrimination ng race ay pinipigilan niya ang sarili niya.
Close rin ako sa older sister ni Phoena. Siya dati ang nagbabantay sa amin kapag naglalaro kami noong mga bata pa kami.
Phoena's house is like a mansion. Mga typical house of an aristocrat. Ramdam ko ang pressure kahit hindi naman ako member ng family. Pero mas gusto ko rito kesa sa bahay namin na hindi ka pa nga nakakapasok ay mararamdaman mo agad na masasamang vampira ang mga nakatira.
Sumunod ako kay Phoena na pumasok sa silid niya. Her room was big and so girly. It smells like vanilla and it soothe my nerves. Ang gusto ko rito kasi napaka-cozy.
"Feel at home, Devs. Matagal na rin noong huli kang nakapasok dito. Madalas na kasi tayo sa clubhouse, eh," sabi niya at pumasok sa walk-in closet niya.
Pinagmasdan ko ang kwarto niya. Wala naman gaanong nagbago. Naging minimalist lang ang design. Wala na 'yong mga giant teddy bears pati mga toys. Napatingin ako sa may bay window at may table doon. Lumapit ako at nakita ko ang masterpiece niya. She's very fond of clay molding. Minsan niya na kaming binigyan noong mga bata pa kami. Magaling din mag sculpt si Phoena. 'Yon ang alam kong gusto niyang gawin but her parents wants her to be someone she is not.
"Look oh, mga damit na gusto mo. Try it," sabi niya. May dala siyang mga naka-hanger na damit. It was her wardrobe only black.
"Okay lang ba?"
"Mga nabili ko 'yan noon pero hindi pala sa akin bagay ang mga ganito. Sa'yo talaga bagay ang mga dark colors," she said. "Don't worry, hindi ko pa 'yan nasusuot," she said then winked. Bumalik siya sa walk-in closet. Sumunod ako sakanya at halos malula ako sa laman nito. Ang daming damit, sapatos at bags.
"Ginagamit mo ba lahat 'to?" tanong ko sakanya.
"No. 'Yong iba diyan binili ko lang para may maipakita ako kay Mommy," sabi niya tapos tumawa. Oo nga naman. Iba talaga kapag anak ka ng aristocrats.
Habang pumipili ako ng sapatos ay naramdaman kong nakatitig siya sa akin. Alam kong may gusto siyang malaman at hindi ko alam kung sasabihin ko.
"Did they force you to do it again?" nag-aalala niyang sabi.
"No. I didn't kill anyone," sabi ko sakanya. I can see the relief in her face.
"Tell me what happened? Hindi naman ako papakiusapan ni Duane na dumito ka muna ng walang dahilan, eh," sabi niya.
I stared at her weighing whether I should tell her or not. Ayaw ko siyang nag-aalala sa akin. But then again, she's my bestfriend at maiintindihan niya ako.
"I almost lose control. Kanina, instead of saving the girl, pakiramdam ko ako ang nangangailangan ng saving at kung hindi pa dumating si Duane, hindi ko alam ang mangyayari. Baka patay na ngayon ang bata with cold drained blood," I said. I heard her gasped. I felt her hand caressing my back.
"You can stay here as long as you want, Devs. I won't let you go back to your monster family. No offense, ah. Maybe sinadya nilang iwan ang bata ng buhay para ma-trigger muli ang craving mo sa fresh human blood." She said. I can feel anger on her. Phoena is always calm at bihira siyang magalit. That's why everyone calls her sweet Phoena. Pero kapag pinag-uusapan namin ang nakaraan ko, nawawala ang composure siya.
"Sure ka ba talagang okay lang sa parents mo? I mean, kung mananatili ako rito ng matagal? You know, I can always rent a house and-"
"Devs, you know naman na hindi rin ako papayag na bumalik ka sa inyo, right? Kaya wala kang ibang tutuluyan kundi dito lang. Unless you want to stay with Gavin?" she said playfully. I gaped at her with disbelief.
"How could you say that? You know it's a terrible idea. Baka bigla na lang akong maging arson kung makakasama ko siya sa isang bahay," sabi ko dahilan para matawa siya.
*******
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top