Chapter 1 - Sweet Phoena
Chapter 1 - Sweet Phoena
Phoena
"Where's Mommy?" I asked nang makababa ako galing kwarto. Naabutan ko ang aming mga maid na naglilinis ng mansion.
"Kasama po ni Lady Que ang inyong Ate. Pupunta raw po silang mall," sabi sa akin ng maid.
"Gano'n ba? Okay," lumabas akong bahay. Pag-sara ko ng gate ay ramdam kong may nakamasid sa akin. I alerted my gaze at matulin na naglakad.
I can feel his presence and abruptly, I turn around to face him.
"Why are you following me?"
"I am not following you, Phoena. It' just so happen na magkapareho tayo ng pupuntahan,"
"Gavin..." I said reprimanding.
"Okay, okay. Hinihintay talaga kitang lumabas. Hindi mo man lang ako napansin na nakatayo sa gilid ng gate niyo," nakanguso niyang sabi kaya napangiti ako. Ang cute niya kasi kapag ginagawa niya 'yan. Kaya hindi na ako nagtataka na maraming babae ang nahuhumaling sakanya. Kami lang ata talaga ni Devyn ang immune sa charisma niya.
"Pupunta akong clubhouse. Duane and Devyn are waiting for me, sama ka?" I asked.
"Syempre. Tinatanong pa ba 'yan?" sabi niyang natatawa.
"Wala ka bang date ngayon?" tanong ko sakanya habang naglalakad kami papuntang clubhouse.
"Wala. Day off ko," he said grinning. Napailing lang ako sakanya.
The clubhouse I'm talking about is located at the back of Scarlet Moon hotel. Private tambayan namin 'yong magkakaibigan. Pinagawa 'yon ng sister ni Duane para sa amin noong mga bata pa kami. Dati mukha siyang playland pero noong lumaki na kami, naging clubhouse na lang siya.
Pagpasok namin sa loob ay agad kong natanaw ang dalawa. Duane was playing XBOX and Devyn was sitting in the billiard pool while drinking her blood beer.
"Hey," I greeted smiling.
"Yo, guys!" bati naman ni Gavin.
"Kanina pa kami rito," walang emosyon na sabi ni Duane.
"Hi to you, too, Duane," I said sweetly and hoping he sense my sarcasm.
"What on earth are you doing here?" inis na sabi ni Devyn kay Gavin. Napailing ako sa dalawa. Another ego battle na naman 'to. They will hurt each other with words at kapag napikon ang isa, magwa-walk out na. Ganoon silang dalawa, but they call each other friends. Weird.
Lumayo ako sa dalawa at lumapit kay Duane na pumipili ng game na lalaruin. Dito siya addict. Minsan, hindi mo siya makakausap lalo na kung consumed na siya ng kanyang nilalaro. Siya 'yong tipo na puwede mong iwan sa gilid basta naglalaro siya ng games.
"Duane," hindi siya umimik. Sanay na naman ako sakanya, eh. "Hindi mo ba pipigilan ang dalawa?"
"No,"
"Pero pinsan mo si Devyn. Hindi mo ba siya ipagtatanggol kay Gavin?" I asked.
"Gavin's my friend," simple niyang sagot. Man of few words talaga 'tong vampirang 'to. Pero kahit ganoon siya, marami ring nagkakagusto sakanya. Kahit may dark aura siya dahil sa pagiging Sanguinarian niya, gusto pa rin siya ng mga babae. Parang his presence made you draw to him.
"Hindi ko maintindihan kung bakit hindi sila nagsasawang magbangayan. Since childhood, no?" I said to him. Trying to get his attention. Hay nakung mga kaibigan kong 'to.
"Old habits hard to die," he simply said.
"Sabagay," I agreed.
Nagulat na lang kami pareho ni Duane nang may nabasag kaya napalingon kami kina Gavin at Devyn. They're both glaring at each other as if they wanted to kill each other. Okay, time to be the mediator.
"Go to hell, you philanderer!"
"I'm already in hell when I'm with you," he said mocking Devyn. She threw the bottle of beer to Gavin pero nasagi niya 'to at aksidenteng naibato sa braso ko.
"Oh, shit! Phoena, I'm sorry!" nag-aalalang sabi ni Devyn at pareho silang tumakbo ni Gavin papunta sa akin.
"I'm okay guys," I said. It doesn't even hurt pero natapon ang blood beer sa damit ko.
"Look you fools. Can you act your age? Nandadamay kayo ng sibilyan!" iritableng sabi ni Duane. It would mean the world to me kung concern man lang siya sa akin pero parang wala man lang siyang pakialam. Bakit ko ba naging kaibigan 'tong lalaking 'to?
"Kasalanan ko, nasagi ko papunta sa'yo ang bote. Sorry, Phoena," Gavin said very apologetic.
"I'm fine, really," is said. Inabutan ako ni Devyn ng pamunas.
"This is your fault, dog-bitch!" Devyn said to Gavin.
"You started it!"
"You provoked me!"
"Hey, hey! Tama na nga kayo," saway ko sakanilang dalawa.
Every day with them is always like this. But I love them all. Sila ang breather ko kapag wala ako sa bahay. Kung nakakasakal sa bahay, dito, nagagawa ko ang lahat ng gusto ko.
--
It was night time and I was ready to go to school. I just get my bag saka ako bumabang kwarto. Naabutan ko si Mommy at Daddy na nag-uusap sa living room. Pinapagalitan nila ang bunso kong kapatid.
"You're a great disappointment, Phoenix! Why can't you be like your sisters, Phoebe and Phoena? Paano ka maipapadala namin sa Italy para mag-aral kung puro ka bad records?" sabi ni Mommy. Her perfectly combed hair was up-do. Her unwrinkled face looks a little older.
Geez, late na ako. Ayaw na ayaw ko pa naman na nagpapakita sakanila kapag ganito. Mas lalong masesermunan ang kapatid ko.
"Fix this, Phoenix. I don't want you dragging my family name to this mess. You're a disgrace to the Valdroux," Daddy said sternly. My Dad is the head of the Ministry of Vampires kaya halos takot kami sakanya. His position was passed on by the Valdroux from generation to generation. Kaya noong nagkaanak siya ng lalaki, sobra niyang tuwa dahil may mapapasahan siya. But seeing my brother now, I know how disappointed my Dad is.
Nagulat ako nang may tumapik sa balikat ko. Napalingon ako at nakita ko si Ate. Like me, aalis din siya. She's working as a Lady Magistrate in the Palace.
"Sabay na tayo?" she asked.
"Pinapagalitan pa si Nic, eh," sabi ko naman.
"Sa back door na lang tayo dumaan," sabi niya kaya napatango ako.
Mataas ang expectation nila Mommy at Daddy kay Ate at noong nag graduate siya with honors, sa akin naipasa ang pressure. 2nd year college pa lang ako pero nag-e-expect na sila Mommy na maging kagaya ako ni Ate.
Palabas na sana kaming back door nang marinig ko ang tawag ni Daddy. Halos mapapikit ako ng mariin. Napatingin ako kay Ate at tiningnan niya lang ako ng sige-punta-ka-na-doon look. Maging siya kasi ay takot din kay Daddy.
"Bakit po?" I asked.
"After your class, I want you to come to my office,"
"Bakit po?" magalang kong tanong.
"Next school year, I'll send you to Italy just like your sister. I want you to fill up the form," sabi niya.
Gusto kong umalma. Ayaw kong mag-aral sa Italy. Ayaw kong iwan ang mga kaibigan ko. Ayaw kong malayo rito.
"Bring with you your friend Gavin. Grego wanted to send his son in Italy as well. Mabuti na 'yong may kasama ka," sabi pa ni Daddy.
Mas lalo akong hindi nakaimik. Tiningnan ko ang kapatid kong lalaki at parang nababasa niya ang iniisip ko. He's pity me dahil hindi ako makapagsalita kay Daddy. And I envy him kasi nagagawa niya 'yon kay Daddy. Bakit ba ganito ang mga parents namin? I know hindi gugustuhin ni Gavin na pumuntang Italy. But Tito Grego is like my Dad. After all, they were bestfriends.
"Dad, did you even asked Ate if she wants to go to Italy?" nagtaas boses na sabi ng kapatid kong lalaki. Hindi ko alam kung saan niya nakukuha ang lakas ng loob na sagot-sagutin ang Daddy.
I heard my Mom gasped in horror. Exagge lang talaga ang Mommy ko.
"Phoena will go to Italy because unlike you, she has bigger dreams!" galit na sabi ni Daddy.
"Dad, late na po si Phoena sa school," singit ni Ate. Tiningnan naman ako ni Daddy bago siya tumango.
"Basta pumunta ka sa office ko mamaya," sabi niya. Tumango lang ako saka tuluyang umalis.
Minsan pina-pangarap ko na sana isang ordinaryong vampira na lang ako. Minsan naiinggit din ako sa royal family kasi ang ganda ng trato sakanila ng parents nila. I am very much close to the royal family lalo na sa Reyna.
Queen Serenity is like my sister from other mother. Alam niya ang issues ko. Actually, alam niya ang issues naming apat na magkakaibigan at siya lang ang nakakaintindi sa amin. Kahit si Duane na walang puso, nakakausap niya ng masinsinan. Ganoon kabuti ang Reyna namin. Unlike my parents, sobra niyang mahal ang mga anak niya and expecting nothing in return. Maging si King Hunter na nire-respeto ng lahat ay mabait din sa mga anak niya. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ang Mommy at Daddy ko ay hindi kagaya nila.
Ano pa kaya kapag nalaman ng parents ko ang totoong course na gusto kong kunin. Baka itakwil nila ako.
"Pressured again?" biglang sabi ni Devyn habang nakaupo ako sa gilid ng corridor. Tiningnan ko siya. Kilala na nila ako. At alam din nila ang gusto ko. Ganoon din ako sakanila. Devyn is very beautiful at façade niya lang ang pagiging badass. I know her past was still haunting her. But I envy her. She's a strong vampirette.
"They want me to continue my studies in Italy," sabi ko. Hindi umimik si Devyn.
"Tell them the truth, Phoena. You're very smart kaya naipapasa mo ang mga exam mo. But the question is, do you like what you're doing? They expect you to be someone you are not." Tumabi siya sa akin. Marami ng studyante ang dumadaan pero sila ang umiiwas para hindi nila kami maapakan.
I was about to say something nang dumating si Gavin kasama si Duane. Nagtaka ako kasi masyadong seryoso ang mukha ng dalawa. Kay Duane, sanay na akong gano'n siya. Pero si Gavin?
"I don't want to study in Italy," sabi ni Gavin tapos tumabi sa akin. Napapagitnaan nila ako ni Devyn.
"Tito Gregor told you?" I said.
"Yeah. I bet you, too?"
"Yeah,"
"Ano'ng gagawin natin, Phoena?"
"Hindi ko alam," sagot ko.
"Follow me, guys," biglang sabi ni Duane. Nagtataka man ay sinunod namin siya. Sa aming apat, siya ang madalas magbigay ng advise. Siya ang parang Kuya though magkaka-edad lang kami. Siguro kasi siya ang susunod na leader ng Sanguinarian kaya ramdam mo ang leadership niya.
Sumunod kami kay Duane at pumasok kami sa isang bakanteng classroom. We waited for him to say something pero hindi agad siya nagsalita.
"My mother asked me to accept the throne. She wants me to rule my clan," he said calmly.
Everyone is aware that Duane is going to be the next leader of Sanguinarian clan/tribe. In the history of Vampire City, Duane is the first to enter in SMA to study as their kind is concerned. Next is Devyn hanggang sa sumunod na ang iba.
Siguro kaya siya rin ang nasusunod sa aming magkakaibigan kasi may dugo na talaga siya sa pagiging leader. Pero kahit ganoon, hindi lihim sa aming tatlo na ayaw niyang mamuno sa mga kauri niya. Hindi ko alam ang dahilan niya, pero minsan niya ng sinabi na gusto niyang maging katulad ng older sister niya.
Ate Delany is married to a very powerful and famous vampire, the only brother of King Hunter-Prince Ryder. She was suppose to be the next leader of their clan pero dahil nga sa napangasawa siya ni Prince Ryder ay pinagbawalan siya ng mga elders na maging leader kasi syempre hindi nila gugustuhin na ang anak ng isang Kang ay mamumuno sa mga Sanguinarians. That would be ironic especially their history from the past.
"And I'm not ready to be a leader. Damn! We're not even finished senior high!" he seriously said. Kahit hindi halata, alam kong nape-pressure rin siya kagaya namin. Mas magaling lang talaga siyang magdala.
"Then tell her, Du," kibit balikat na sabi ni Gavin. Nakita ko naman na tiningnan siya ng masama ni Devyn saka napapailing.
"Have you seen Tita Trinity? One wrong word and she'll slash your throat!" Devyn sneered at him.
Hindi pa namin nakikita ng personal ang mother ni Duane dahil hindi naman 'yon pumupunta rito sa downtown. But from what I have heard, napaka estrikta raw nito. Pero kahit ganoon daw siya, iba raw ang pananay nito unlike sa mga dating namuno ng Sanguinarian.
Weird lang din kasi ang father ni Devyn at mother ni Duane ay first cousins at pareho silang Drian pero hindi pinalitan ang apelyido ni Duane in honor sa surname ng father niya. Wala naman silang sinasabi tungkol do'n pero ang hula ko, ayaw lang nilang mawala ang nakakabit na last name sakanila because of course, Drians are still one powerful leaders.
"If you choose to be the leader of your clan, will you still study here in SMA?" I asked in small voice. Tiningnan niya ako at pakiramdam ko tatagos sa katawan ko ang mga titig niya. Ito talagang vampirang 'to, tinatanong lang ang talim agad makatingin.
"I'm afraid I'm not, Phoena. That's why I don't want to accept it, yet. I want to finish school and graduate. But if your parents are planning to send you to Italy, then I might consider it," he said. Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Devyn.
"Iiwan niyo ako rito?!" hindi makapaniwalang sabi ni Devyn. Oo nga naman. Kung aalis kami ni Gavin papuntang Italy, at titigil na si Duane sa pag-aaral dahil sa pamumuno niya, then maiiwan mag-isa rito si Devyn.
Narinig naman namin ang mahinang tawa ni Gavin kaya sakanya natuon ang attensyon namin.
"Why are you so scared, Devyn? Natatakot ka ba na kapag mag-isa ka na lang dito ay pagkakaisahan ka ng mga vampirette na binully mo?' then he laughed again. "You made a lot of enemies out there, sweetheart."
Tiningnan siya ng masama ni Devyn. Mabuti na lang at hindi sila nagpi-physical-an ngayon.
"Enemies I can handle, dog-bitch! And I'm glad na mababawasan ng isa!" Devyn deadpanned at hindi ko mapigilang matawa sa dalawa. Pero tama talaga si Gavin, marami nga talagang galit dito sa school kay Devs dahil sa pagiging badass niya. Lalo na mga babae. Kung minsan kasi, kapag may tinataguan na babae si Gavin, kaming dalawa ang kinukulit ng mga babae kung na saan daw 'to. Kaya ito namang mainitin kong kaibigan, binubully na lang ang mga babae.
"Stop it, you two!" Duane snapped kaya napatigil ang dalawa. Then an idea hit me.
"What if, sabay-sabay tayong mag-aral sa Italy? That would be very cool..." I said.
"And expensive," dagdag ni Devyn. "Alam niyo naman na si Tita Trinity ang nagpapa-aral sa akin, 'di ba?"
Natahimik naman ako. She was right. Kung ako nga naman, mahihiya akong mag-demand na papag-aralin sa ibang bansa dahil lang sa gusto kong sundan ang mga kaibigan ko.
"No!" napatingin kaming tatlo kay Gavin na biglang nag seryoso. Tumayo siya at parang determinado na nakatingin sa amin. "No one will be left behind. Wala sa atin ang mag-aaral sa Italy, at hindi ka mamumuno sa inyo nang hindi ka nakapagtatapos. This is a challenge to us. At gagawa tayo ng paraan para magkasama-sama pa rin tayo hanggang sa huli." Tiningnan niya kami isa-isa saka ngumiti. "We have a promise when we're still kids. And we should stick to it,"
Napangiti lang ako sa sinabi niya. Our childish promise is threatened and our instinct is to protect it. Pero naisip ko, paano kung hindi naman talaga 'yon ang dahilan kung bakit ayaw namin mahiwalay sa isa't-isa? Paano kung pare-pareho lang kaming takot na tanggapin na unti-unti ay may magbabago. Because change is inevitable.
*****
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top