W H A 17

"You have to keep going..."

I heard my inner self talked. Napabalik ako sa sarili ko nang dahil do'n at gano'n na lang ang panlalaki ng mata ko nang muli akong humarap sa mga zombie. Muntikan na akong maabot ng isa!

Kaagad kong hinampas ang kamay niya at dali-daling tumakbo. Nakakakilabot ang mga tunog na ginagawa nilang ingay na kumukulob sa buong siyudad.

Droplets of sweat is making its way all over my face as I run faster. I knew they are so close to me, and with their speed, the certainty of them, catching me, is not impossible.

Hindi ko alam pero natutuwa akong nakakaramdam pa din ako ng pagod at pagkahingal dahil ibig sabihin, tao pa ako.

May pag-asa pa.

Hinanda ko ang hawak kong bakal nang makitang may papasalubong sa'kin na zombie. I gripped on it tightly and put all the force that is left on me when I got the chance to hit him.

Kaagad na nawasak ang ulo nito sanhi nang pagtalsik ng dugo nito sa katawan at mukha ko pero hindi ko na 'yun inintindi. Nagpatuloy ako sa pagtakbo papalayo sa mga zombie na noon ay patuloy pa din sa pag-abot sa'kin.

Nang makakita ng pagkakataon, sumingit ako sa isang eskinita na nakita ko. Medyo may mga gusali na kasi sa banda dito pagkatapos ng gubat kaya madali lang akong nakahanap ng eskinita.

Naramdaman ko pa ring nakasunod ang mga ito sa akin kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko hanggang sa makakuha ng tiyansa na magtago sa pagitan ng dalawang halos magkadikit na building.

Napapikit ako nang dumaan silang lahat sa gilid ko. I held my breath for me to prevent creating any noise. Ramdam na ramdam ko ang pag-uga ng lupa habang dumadaan sila.

So, they are really that numerous.

I sighed when I felt the stampede cool down. Binuksan ko ang mata ko at kinalma ang sarili. Hinigpitan kong muli ang kapit ko sa bakal nang sumilip ako sa daan na tinahak ng mga zombie.

Napabuga ako ng hangin nang makita ang huling mob na lumiko at tuluyang mawala sa paningin ko. Lumunok ako ng laway at bahagyang umiling, natatawa ng mahina.

"Ahh!"

Gan'on na lang ang gulat ko nang pagharap ko'y may zombie na sumalubong sa'kin!

Nanlaki ang mata nitong nanlilisik at kaagad na bumuka ang bibig kasabay ng paglabas ng tentacles nito sa bunganga. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at kaagad na pinalo ang ulo nito.

Tumumba naman ito sa lupa pero patuloy pa rin sa paggawa ng ingay na parang tumatawag pa ng mga kasamahan niya. Hindi ko tinantanan ang paghampas sa kaniya hanggang sa tuluyang mawasak ang bungo nito at lumabas ang utak niya.

I kicked his dead body for me to have my way back to the street where I supposedly walk for me to reach the end of Safe. Ang daming obstacle naman ang kailangan kong kaharapin bago ako makarating sa labas!

Nando'n na kaya sila Azi? Anong meron sa labas? Makikita na ba namin ang Nyasaaa? Makikita ko na ba ang mga tao sa likod nito?

Paano kung isa na namang patibong ang naghihintay sa akin sa labas ng Safe?

Nakaligtas ba sila Rehan sa mga Kieran? Sana oo. Ayokong haraping mag-isa ang laban na 'to. Baka hindi ko kayanin, lalo na't magiging zombie na ako anumang oras.

Magiging zombie na ako...

Nakakatawang isipin. Ang laughtrip.

Why am I even fighting, if at the end, I'll be one of those who'll end the world?

Anyways, that is not important right now. What I have to do is keep running, and keep myself alive until the virus completely devoured my body and system.

"Shit, bakit parang ang layo-layo naman lagi ng exit na 'yun?" Kanina pa ako tumatakbo! Nothing is happening! I feel like I was just running in thread mill!

I stopped for the meantime and catch my breath. I am going to die with exhaustion, really. Ilang metro na lang ang layo sa'kin ng pader kaya naman sigurado akong anumang oras may makakarating na ako sa labas.

From here, I can already see the high wall that is blocking the view outside. Ayos pa ang isang 'to, hindi katulad ng nasa unahan na wasak-wasak na dahil sa pagpasok ng higanteng zombie.

May mga matataas pa din na building ang nakatayo dito sa parteng ito ng bayan na katulad no'ng mga gusali sa harapang bahagi. Napansin ko din na parehong-pareho ang layout ng parteng ito sa harapan ng bayan.

The placement of the buildings, the kind of trees planted on the exact spot. Kung sira din sana ang malaking sementong bakod dito, baka mapagkamalan kong bumalik lang ako sa pinanggalingan ko.

Naging aktibo ang tainga ko nang makarinig ng iilang mga tunog kaya muling humigpit ang hawak ko sa bakal. I sneakily roamed my eyes around, trying to find where probably that sound is coming.

Dahan-dahan akong nagsimulang maglakad ulit habang patuloy pa din sa paglikot ang mata. The surrounding is dead, giving me an eerie vibes. Para akong nasa horror movie at anytime, basta na lang may lalabas na zombie sa harap ko.

My heartbeat started to race faster as the sound gets closer and closer. I can feel my body trembling with fear and cold sweats are forming on my forehead.

Things are uncertain. Who knows what that sound might be. It can be anything you feared the most.

"Ano..."

Nanlalaki ang mga mata kong lumingon sa likuran ko dahil nakarinig ako ng tunog ng makina. My mouth went agape because of what I saw.

May dalawang sundalo na nakasakay sa isang monster truck at papalapit sila sa'kin!

Tinaas ko kaagad ang dalawa kong kamay nang tutukan ako ng baril ng babaeng militar. Kahit na medyo malayo pa sila, nakikita ko na agad ang mga hitsura nila at alam kong alam nilang isa akong survivor.

Hindi naman siguro sila tanga para isipin na magtataas ng kamay ang isang zombie kapag tinutukan ng baril, 'di ba?

"Survivor ako! Please, tulong!" I shouted, careless if a zombie will hear me. I've been striving for days, and now that help is coming, I shouldn't waste the moment.

Ibinaba ng babae ang baril niya't pinaningkitan ako ng mata. She whispered something on his comrade before gazing back at me. Kinuha niya ang radyo at may kung anong sinabi do'n.

Napalunok ako ng laway kasabay ng pagtango niya, hindi pa rin iniiwas ang tingin sa akin.

I put my arms down when they finally reached my spot. Tumalon ang babae sa sasakyan habang ang lalaki naman ay sumunod sa kaniya. They are both wearing a brown military outfit.

"What's your na----oh shit, you're infected!"

Napaatras ako ng tutukan naman ako ng lalaki ng revolver na hawak niya. Pabalik-balik ang tingin niya sa'kin at sa braso ko kaya naman napatingin din ako do'n.

That part of my arm is starting to decompose already which made me tear up a little. Para 'yung nalapnos dahil sa hitsura niya. Kaya pala parang hindi ko na rin masyadong maramdaman.

"Miss, I'm sorry but we have to... eliminate you. We can't let infected pe---,"

"I'm still a human!" Tao pa rin naman ako, ah! I am not showing any aggressiveness. I am not even doing anything. "I'm still...a survivor. Why can't you help me..."

"You have to understand that we are doing this for humankind. We have to erase all the traces of virus," she looked at me apologetically. "And sadly, you are one of those. You are one of those traces."

Ang unfair.

Nilaban ko 'to, 'e.

Nilaban ko para sa wala.

Nilaban ko para matapos din.

Yumuko ako at bumuntong-hininga. I tapped my foot on the ground as I felt the veins crawling again.

My jaw tightened and the least I could do is to turn my fist into ball. Nakita ko naman mula sa anino nila ang bahagya nilang pag-atras.

"Sorry but we really have to---,"

"Ahhhh!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top