W A 10

[W E E K S  A F T E R  X]

"Nalibot na namin ang buong paligid. Mukha naman siyang ligtas."

Katulad ng napag-usapan, nagkita-kita kaming muli sa unang palapag. May dala-dala ng chocolate si Nate nang bumalik, kumakain. Inalok niya pa ako kaya maligaya ko naman itong tinanggap. Nakita kong sinundan 'yun ni Rehan ng tingin pero agad ding umiwas.

"Okay. Ano na'ng plano ngayon? Dito na lang ba tayo habang buhay?" tanong ko sa dalawang mas matanda sa'min.

"Probably not. We're not sure, baka mamaya, o bukas lang, may zombie na naman dito." Hinampas ko si Nate dahil sa pinagsasabi niya. Parang tanga lang, nakakainis. How can he talk like zombie wasn't a big deal? Duh! Sampalin ko kaya siya?

"Sa ngayon, dito na muna tayo tutuloy. Susubukan kong maghanap ng iba pang ligtas na lugar." Tumango lang ako sa sinabi ni Rehan.

"Sasama ako! Wala din naman akong gagawin dito kung sakali." Pinangunutan niya ako ng noo kaya tinaasan ko siya ng kilay. "I'll help you find safer place, don't worry. And, I promise I won't be a burden."

"You should stay here. Kids are not allowed to roam at this kind of times." I scoffed when he said the word 'kid'. I'm eighteen! What the fuck ba siya?

"But----!"

"You'll come with me, Kimberley."

Napatingin ako kay Laelyn nang magsalita ito. Agad namang kuminang ang mata ko dahil finally! Hindi ako maiiwan dito! It's boring.

"Susubukan nating maghanap ng pagkain dahil kung gusto nating magtagal, mas kailangan natin no'n kaysa tutuluyan," she added.

"Yes yes! Kailan tayo aalis?" I look excited but bitch, I am quite nervous. She's scary! But I had no other choice.

"Bukas. Kasabay nila." Tumingin siya kay Rehan na noon ay tumango lang. "Nate, okay lang ba sa'yo na maiwan dito mag-isa?"

"Oh----,"

"Isasama ko na lang siya." Tumingin naman ako kay Rehan nang dahil sa sinabi nito. Kapag ako, ayaw isama, kapag si Nate, okay lang. FYI! Mas marami akong natulong sa kaniya.

Like....

Like Ohh Ahh, Ohh Ahh. Chos. TWICE pa nga.

Wala pala akong natulong, hehe.

"Okay." Sumimangot ako at hindi sila pinansin. Magsama sila. Pareho naman silang pangit. "Mag-ingat na lang kayo. Kapag nakahanap kayo, 'wag niyo na kaming hanapin. Bumalik na kaagad kayo dito. Gan'on din kami."

Mula sa ikalawang gusali, pinagmasdan ko kung paanong lumubog ang araw. Isang araw na naman ang nakalipas, at sa tingin ko'y dapat kong ipagpasalamat sa kanila na hanggang ngayon, buhay pa rin ako. Na hanggang ngayon, nagagawa ko pa ring humagikgik.

Isang araw na naman ng pakikipagsapalaran sa mga zombies. Isang araw ang nasayang na wala man lang kaming nahanap na mas ligtas na lugar kasama ang iilang survivors. Kung meron pa man.

"Gusto mo?"

Napatingin ako sa likuran ko nang may marinig na nagsalita. Si Nate lang pala, may hawak na naman na pagkain.

Seryoso. Puro na lang siya pagkain. Buti hindi siya tumataba sa kaadikan niya. He offered me a chip which I accepted.

"Kapag magkasama kayo ni Laelyn bukas, try to distance yourself. She didn't want someone to be near her. Mabilis siyang mainis."

After a minute of silence, he talked. I looked at him with what he said. Looking at Laelyn, I already knew that she has anger issues. The way she talked, the way she stare, alam mong mataas ang anger issue niya. Mas mataas pa sa grades ko.

"But don't worry. If something happened, I know she'll protect you. Just, don't bother her too much."

"You seemed to know her too much. What's your relationship with her?" I asked him. He didn't even look shocked with my question, instead, he chuckle.

"We're step siblings." I nodded my head. Kaya pala parang ang dami niyang alam sa babae. "She actually don't like me because my father is...an ex-convict. Akala niya ata kriminal din ako."

I went speechless with the sudden mention of his family. I thought, they are sharing something intimate. I feel bad for thinking that way.

"'Yun lang. I just told you the things that might help you save your life." He even smirk and pinched my cheek. "Mag-iingat kayo. And, hanapan mo 'ko ng chocolate."

I just guffawed before deciding to follow him. Binunggo ko pa ang balikat niya kaya tumawa din siya saka ako hinabol. Naghabulan lang kami hanggang sa makababa.

Naabutan namin sina Rehan at Laelyn na nakaupo sa harapan ng apoy at kaagad nagtama ang mata namin. Mukhang nagtataka pa si Rehan kung bakit kami tumatawa pero hindi ko na siya pinansin at naupo sa tabi ni Laelyn na noon ay tahimik na kumakain.

"Anong oras tayo aalis bukas?"

Sinubukan kong magbukas ng usapan para naman hindi lang kami tahimik dito. Para kasi kaming tanga dahil ang tahimik. Para kaming nagriritwal, sa totoo lang.

"Mas maaga, mas maganda. Saktong paglampas ng araw sa bundok." Kung tatantiyahin ko ang sinasabi niya, siguro mga 6:30 am 'yun. Tumango na lang ako at hindi na ulit nagtanong.

Maaga akong natulog no'n para may lakas ako bukas. Pare-pareho kami ng silid na apat para kung may mangyari kahit ano ay hindi na kami mahirapan hagilapin ang isa't isa.

Nagising lang ako nang maramdaman kong gising na din silang lahat. Puro yabag ang naririnig ko, 'e, kaya minulat ko ang mata ko. Maaga pa lang at wala pang araw pero kumikilos na naman sila.

Bumangon ako at pinulupot ang jacket na nakasaklob sa akin. Hindi ko alam kung kanino pero wala na akong pake. Ang lamig!

"Matulog ka pa." Napatingin ako kay Rehan nang magsalita ito. Wow, matapos nilang mag-ingay, may audacity pa siya na sabihan ako niyan?

Hindi naman siya Itzy pero Not Shy din siya.

Walang hiya.

"Hindi na. Nagising na din naman ako." Tumayo ako at dumeretso sa pansamantalang CR para tingnan ang sarili ko.

Ang papatay-patay na ilaw ay nagbigay sa'kin ng kilabot pero nagawa ko pa ding makapasok. Pinagpapasalamat ko na lang na may tubig pa rin dumadaloy sa gripo.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin pagkatapos kong basain ang mukha ko. Magulo pa ang buhok ko at halatang-halata ang pagbabago sa katawan ko. Pumayat na ako, nakakainis.

Mukha akong patay dahil sa itsura ko! Maputla ang balat pati ang labi ko na ngayon ay light pink na lang na dati ay rose pink.

Should I get make up?

At bakit? Aawrahan ko ba ang mga zombielat?

Saka saan ako kukuha ng make up? Minsan, hindi din ako nag-iisip, 'e.

Pero hindi na ako magtataka kung hindi na ako susugurin ng mga zombie dahil akala nila, kauri nila ako.

Naghilamos na lang ako at nagpalit ng puting sando. Hindi ko na tinanggal ang bra ko dahil wala akong ibang bra. Buti nga at may sando akong dala. 'Yung itim naman na leggings ko, nakita ko lang sa cr. Mukha naman siyang malinis kaya ginamit ko na.

Pinuyod ko na lang 'yung buhok. High pony tail para hindi ako maabala kung sakali mang may makaharap kami ni Laelyn na kapahamakan.

Pagkalabas ko ng silid, nakita kong nakagayak na din sina Rehan at Nate. Si Rehan ay nakasuot ng black leather jacket at puti ang panloob, saka black jeans. Para lang siyang action star sa dating niya. Pinaglalaruan niya ang susi sa daliri niya habang nakasandal sa hamba ng pintuan.

Nate, on the other hand, is with his gray hoodies and black shorts, partnered with black rubber shoes, and black cap.

Seriously, their outfit is like it's as if they are going to a photoshoot than a dangerous place. Para pa silang namatayan kasi, puro itim talaga?

Si Laelyn din kasi ay nakaitim din na sando. Actually, pareho kami ng outfit, kaso white sando ang akin. Para silang pamilya ng mga bampira, jusko. 'Yung maikli at bagsak niyang buhok ay mas nakadagdag sa pagiging misteryoso niya. Pati 'yung bangs niyang tinatakpan ang mata niya.

"Ang tagal mo sa banyo." Nate walks toward me, giggling. I just rolled my eyes before sauntering to the bed.

"You should at least wore jacket." I looked at Rehan who spoke. He's not looking at me and I even saw him swallowed. I raised my brow but manage not to answer with sarcasm. "Malamig sa labas."

"Mainit naman kami aalis. Maiirita lang ako sa init." Hinanap ko kung saan 'yung bakal na ginagamit ko at nakita ko 'yun sa ilalim ng higaan.

"Aalis na kami."

Nasa labas kaming apat ngayon. Pasikat pa lang ang araw pero aalis na kaagad sila, katulad ng napag-usapan namin kagabi.

Nakatingin lang kami ni Rehan sa isa't isa habang nag-uusap naman ang magkapatid. Mukhang naiinis na naman si Laelyn habang mataman namang nakikinig si Nate sa kaniya.

"Ingat kayo." Ngumiti pa ako sa kaniya. Makapag-paalam naman 'to, parang ilang buwan bago pa siya makakabalik. "Bumalik kayong ligtas pareho."

Girl, kailangan nilang bumalik, 'no! 'E di wala na kaming mahihingian ng tulong kung sakali. Though, alam ko namang kaya ni Laelyn ang sarili niya, pero ako? Iiyak ako.

"Babalik kami. Kayo din, mag-iingat."

Ilang oras lang matapos nilang umalis ay nagpasya na rin si Laelyn na umalis na. Sinuot ko na ang malaking backpack at sumunod sa kaniya.

Tumama ang sinag ng araw sa balat ko kaya napapikit ako ng bahagya at bumuntong-hininga. Hinigpitan ko ang hawak sa bakal saka nagpatuloy sa paglalakad.

Nakita kong inaayos ni Laelyn ang isang motor. Ang laki nito, at nagduda pa ako kung kaya niya bang drive-an 'yun nang hindi kami nasesemplang. Tiningnan niya kung gaano kadami ang gasolina at bahagya pa siyang ngumisi.

"Tara na?" Inayos ko ang pagkakasabit ng backpack sa balikat ko at hinintay siyang sumagot. Tiningnan ako nito saka tumango.

Sumakay ito ng motor at promise, ang angas niyang tingnan do'n! Para siyang napapanood ko sa mga action movie. Napabalik lang ako sa sarili nang magsalita siya, nagsisimula na namang mainis.

Nang makasakay, agad niyang pinaandar ang sasakyan kaya napakapit ako sa likurang bakal. Hindi man lang niya alam ang salitang dahan-dahan! Para nga siyang nakikipag-karera habang pinapatakbo ang motor.

Nililipad 'yung buhok ko at napapahigpit pa ang kapit ko kapag liliko siya dahil kaunti na lang, isasayad niya na sa lupa! Mukhang wala lang sa kaniya na sumisigaw ako dahil sa takot.

May mga nadadaanan kaming zombie na binabangga niya lang basta-basta na para bang nakikipag-bowling siya. Hindi man lang kami nahawakan ng mga zombie dahil nasasagasaan niya na bago pa man nila magawa.

Ilang minuto pa kaming nakipag-sapalaran sa daanan bago namin tuluyang narating ang isang grocery store. Nanginginig pa din ang kalamnan ko nang makakababa kaya pinangunutan niya ako ng noo.

"Bilisan mo, hindi ka hihintayin ng mga halimaw." Iniwan niya ako do'n na nanghihina pa din sa pinaggagawa niya.

Umirap lang ako saka sumunod sa kaniya. Kaya ayokong siya ang kasama, 'e! Parang anytime, mamamatay ako!

Binuksan ko ang salamin na pintuan at katulad ng inaasahan, gulong-gulo na ang loob nito. May mga dugo pa sa sahig at mukhang natuyo na lang. Nakita ko siyang tahimik na tumitingin sa mga aisle ng puwede pang mapakinabangan kaya naman ginaya ko na lang siya.

Hindi ako makapaniwalang sa loob lamang ng ilang araw, magagawa ng mga zombie na maghari sa buong mundo. Sa loob ng ilang araw, nagawa nilang sakupin ang mundo at ubusin ang sangkatauhan.

Nakakatakot ang mga nangyari, at mangyayari pa lang. Hindi ko alam kung makaka-survive ba kami hanggang sa wakas, o katulad ng iba, magiging halimaw din kami.

"What the..."

Unconsciously, nagtama ang paningin namin ni Laelyn.

Naramdaman din ba niya 'yun?

Umuuga ang lupa. At kung hindi ako nagkakamali, may naririnig akong ugong. Nagsimulang mamuo ang kung ano sa dibdib ko at dinalian ang pagkuha ng pagkain.

"Bilis!" Nalaglag pa ang isang de-lata na kinukuha ko pero hindi ko na 'yun dinampot, sa halip, tumakbo na kami palabas.

Gan'on na lang ang takot na namuo sa dibdib ko nang makita ang kumpol ng mga zombie na tumatakbo papunta sa'min!

Hindi ko alam kung ilan sila pero sa sobrang dami nila, tiyak kong hindi na namin hawak ang kaligtasan ngayon.

Ang basag na boses nila ay naglalaro pa din sa tainga ko habang pinapanood kung paano sila mag-unahan papunta sa'min. Mga hayok na hayok na halimaw.

Ang bibilis nila.

For the first time, I saw fear in her eyes as she stared at those dead human made their way.

"Tangina, sumakay ka na sa motor!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top