W A 09

[W E E K S  A F T E R  IX]

"Don't you really want to treat your wounds?"

I grimace when Nate asked again. He fucking asked that for like 10 times. Pinigilan ko na lang ang umirap. Napatingin naman ako sa sugat ko. Tumigil na ang pagdugo no'n, pero nararamdaman ko pa din ang hapdi.

Punyeta talaga.

"May alcohol ka?" He immediately handed me the alcohol. I thanked him before opening it. Basta ko na lang binuhusan ang sugat ko. I flinched because it hurts! "Ayan, salamat." I am wincing all the time because of the pain but I was able to handle it.

Aksidente namang nagtama ang paningin namin ni Rehan mula sa side mirror. Nakasakay siya sa shotgun seat habang ako naman ay nasa passenger. He's looking at me with worry in his eyes, but I smiled and gives him a thumbs up to let him know that I am fine.

"Napakatarantado kung sino man ang nagpadala ng mensahe na 'yun sa'kin." Came from the emo girl. My forehead knotted. That means, we both received a message, and it states something that both of us lead to that place. "Hindi na lang siya mamatay."

"Nakatanggap ka din ng mensahe?" Rehan is looking at her with confusion. Tumaas naman ang kilay ni emo girl. Sa rear view mirror ko pinapanood ang reaksyon nila.

"Paulit-ulit?" I even saw her rolled her eyes, earning a chuckle from me.

Thinking of that thing, an idea popped in my mind. My eyes squinted as realization hit me. A sarcastic smirk plastered on my face.

Malaki ang posibilidad na naunahan kami ng zombie sa safe place, pero hindi din imposibleng sinet-up kami.

And whoever did that, I know that they also did something on what's happening on Earth.

The whole time, we were all silent. Nasa labas lang ang paningin ko, iniisip ang posibilidad na ang taong pinanggalingan ng message ay may koneksyon sa mga kaganapan.

Mukhang may idea na din na tumatakbo sa isip ni Rehan dahil mas naging tahimik siya. Nate, on the other side is sleeping while the emo girl is driving. I still don't know what her name is.

"'Te, anong pangalan mo?" I don't know where I got the courage to ask her. From the mirror, I saw her glanced at me for seconds. "Ask lang, bago mamatay." Mahina pa akong tumawa pero mukhang ako lang ang nakakuha ng humor. Rehan is frowning at me while emo girl remained her emotionless expression.

"Laelyn." Minutes later, she talked. Napatango naman ako. I really don't expect answer from her but I guess, it's my lucky day.

Hindi ko na alam kung saang daan na ang binabagtas namin pero ma-puno na banda dito. Natatakot akong baka bigla na lang may lumabas na mga infected mula sa gubat at harangin kami.

Mayamaya lang naririnig ko ang pag-hum ni Laelyn. The two boys were sleeping and I think, she also think I am kaya malaya siyang nakaka-kanta.

Her voice is soft, contrasting her physical appearance. Her lips had darker shades, and her skin tone is paler. Her hair is charcoal black, and her eyes is also dark-deep. Para talagang siyang si Winter sa aespa don' sa Savage, mas mahaba lang ang

Umiwas ako ng tingin nang bumaling siya sa'kin. Ang talas talaga ng niya makatingin. Siya 'yung para kang kakatayin kahit sa tingin.

"Hindi ka matutulog? Kailangan mo ng lakas." Mayamaya lang ay nagsalita siya. Muli akong tumingin sa kan'ya ngunit hindi na siya nakatingin sa'kin.

"Hindi ako inaantok." At ayaw kong pilitin ang sarili kong matulog.

Ilang oras pa ang nakalipas nang maramdaman kong nagising ang katabi ko. Saglit akong tumingin sa kaniya kaya nakita kong kumakamot pa siya ng mata niya. Para siyang bata dahil sa hitsura niya.

Anyways, bata pa naman talaga siya dahil ahead lang ata siya ng one year sa'kin. Baka nga magkasing-edad lang kami.

"Nandito na tayo." Mayamaya'y huminto ang sasakyan, tanda na nakarating na kami sa aming patutunguhan.

Nauna silang bumaba at agad naman akong sumunod. Nililipad ang buhok ko habang nakatingin sa abandonadong building kaya inipit ko ito sa tainga ko. Ang lakas ng hangin!

Walang pintura ang building na ito, at sa tingin ko ay dalawang palapag lang. Kulay dilaw ang mga damo at nagkalat ang plastic sa paligid. Ang mga puno ay patay na din.

Ang creepy ng histura ng lugar na 'to, sigurado silang walang multo dito?

Nasa likod lang ako ni Rehan habang naglalakad kami. Dinig na dinig ko ang pagtunog ng mga damo habang inaapakan namin na dumagdag pa sa eerie na nararamdaman ko.

Goosebumps is real.

Naglibot ang tingin ko sa paligid at masasabi kong medyo okay na 'to. Hindi naman gan'on kasangsang ang amoy, so I guess, pwede na 'to.

Pumasok kami sa loob ng building at bumungad sa'kin ang malawak na pathway. May mga drawing pa sa dingding. Napapangiwi na lang ako kapag may mga bastos na drawing akong nakikita.

Laelyn and Rehan inspect the second floor while Nate and I roamed on the ground floor. Dinig na dinig ko ang bawat yapak namin dahil sa katahimikan. May naririnig din akong parang patak ng tubig pero hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin.

"Sa tingin mo, hanggang ilang araw tayong ligtas dito?" Mayamaya'y nagsalita ang binata. Ume-echo ang boses niya sa buong silid.

"Hindi ko alam," tipid na sagot ko. Bumaling ako sa kaniya at nakitang minamata niya din ako. "Ang mahalaga..." Again, I roamed my eyes around. "Ligtas tayo. 'Wag mo na isipin 'yung mangyayari in the near future. Mai-stress ka lang."

"Yeah, right." He smiled. Umiwas ulit ako ng tingin at chineck ang iba pang silid. "Sa labas lang muna ako, magpapahangin. Call me when you need something."

"'Wag kang lalayo, wala akong oras para maghanap." He just nodded his head before I heard footsteps. I released a sigh and continue what I am doing.

Habang naglalakad, hindi ko maiwasang pumunta sa likod ng building. Hindi katulad ng nasa harapan, kakaunti lang ang kalat na nandito. Napangiwi pa ako nang may makitang patay na hayop. Nilalangaw pa ito kaya napatakip ako sa ilong ko dahil sa amoy. Aso ata 'yun. Buto na lang at kaunting laman ang nakikita ko, 'e.

I stopped myself from throwing up.

Aalis na sana ako nang may pumukaw sa atensiyon ko. Hindi ko alam kung anong tawag sa parang maliit na bahay na nilalagyan ng mga tools at implements, pero 'yun ang nakita ko. Nagsalubong ang kilay ko nang makarinig ng mahihinang kalabog do'n.

Puno ng kuryosidad ang isip, lumapit ako. Ngayon, may nadidinig na akong mahihinang ungol. Malamang ay may infected dito. I licked my lip before tightening my grip on the pipe, preparing myself from attacks.

Kaunting lakad pa at may nakita na akong bagay na nakatayo. Nakasuot ito ng puting damit at may kaunting bahid ng dugo. Nang humarap ito, nagulat ako sa itsura niya.

Maayos pa naman ang mukha niya maliban na lang sa mga bitak-bitak na balat. Ang maputla niyang balat at itim na labi ay nakakakilabot pagmasdan. Her white eyes are showing hunger and desire of flesh.

Napaatras ako nang dahan-dahan itong naglakad palapit sa'kin. Pero mukhang nakakadena ito kaya pilit niya lang akong inaabot. Mahina lang siya, at kung tutuusin, kayang-kaya ko siyang patayin ngayon.

Pero hindi ko magawa.

Kapag tinitingnan ko siya, pumapasok sa isip ko ang imahe ni Mama. Magkaiba silang tao pero pakiramdam ko, siya si Mama dahil sa pareho sila ng postura. Pareho din malamang sila ng edad.

Her soft growls lingered on my ears and as much as I wanted to cover them, I can't move even a single muscle. Images of my mother starts to flood my mind. Her smile, her frowning face, and strict face.

Kimberley, ibang tao 'yan. Hindi 'yan ang mama mo. Ang mama mo, nasa bahay niyo, hinihintay ka.

Muli akong nagmulat at bumungad sa'kin ang zombie na ito. Pinilit kong iwaksi ang imahe ni Mama sa isip ko, at hinigpitan lalo ang hawak sa pipe.

"I'm sorry...you should rest." I closed my eyes as I dug the sharp part of pipe to his head. Patuloy pa rin siya sa paggawa ng ingay kaya mas nilaliman ko pa. Nang humina ang huni, hinugot ko ito at inihampas sa ulo niya kaya naramdaman ko ang pagbagsak niya.

I gulped the lump in my throat as I stared at the dead woman in front of me. I smiled while tears started to form in my eyes.

I miss my mom that much. And everyday, I will always strive to survive for her.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top