W A 08

[W E E K S  A F T E R  VIII]

"Ano nang gagawin natin?"

Umiwas ako ng tingin sa harap at bumaling sa kaniya. I tried to compose myself again. Panic won't do anything. Napatingin din siya sa'kin sandali pero binalik din agad sa harap.

He looked like he's in a deep thought and I don't want to disturb him.

Bumalik ako sa pwesto ko kanina at kinuha ang duffel bag. I checked inside if I can get anything useful. To my disappointment, I find nothing.

Nagsimula naman akong maglibot sa silid, umaasang may makita. I even checked the other room, hoping to find some exit point.

I almost shout in frustration when I found still nothing, but I stopped myself.

Malabong salamin lang ang tanging nagtatago sa'min. With their numbers, it would only take seconds before they will be able to break it. A simple noise can put our life to its end.

I bit my lower lip while staring at the door. They were moving slowly, as if they are waiting for us to make a noise.

Nagsimulang gumalaw si Rehan, naglilibot-libot na din siya. He's even checking the ceiling, and I can't help but to look at it too.

And there! I saw a metal trapdoor!

"Maybe we can use that door." Alam ko namang naisip niya 'yun at hindi ko maintindihan kung bakit parang nagdadalawang isip pa siya. We're basically in the midst of life and death situation!

"We don't know where it leads. Baka mas lalo lang tayong mapahamak." Kumunot ang noo ko.

"What if 'yun naman pala ang daan? We should try." Yes, we have to fucking try all the opportunities given to us. We have to risk. "I'll go, and babalik ako kapag okay."

"What? Are you insane?" He looked at me as if I am the craziest person he'd ever met. "No, you will not go. You'll stay here until we find other way."

"Ah, oo. Maghihintay tayo ng oras para sumama sa liwanag. Sige." Sarcasm is visible in my voice as I uttered those words. "Just let me, okay? Kahit ngayon lang."

Hesitation is still visible in his face but then, he knew that he couldn't do anything. Kahit na tumanggi pa siya, tutuloy pa rin ako. If we didn't take risk at all, we will end up dying here. I smiled when he looked away, sighing.

"Make sure to be safe. Bumalik ka kapag ligtas ang daan, at bumalik ka kapag hindi." He's eyeing me carefully.

"Okay, okay."

Lumuhod siya sa sahig. Pinagpapasalamat ko na lang na hindi gan'on kataas ang kisame dahil hindi na ako mahihirapang abutin 'yun. Pumatong ako sa balikat niya. I tried to maintain my balance as I tried to reach the metal trapdoor.

Napahinga ako ng maluwag nang bumukas ito. Sumuot ako do'n at bumungad sa akin ang makipot na tunnel. I winced as I started to crawl.

Beads of sweat is forming in my forehead as I made my way in the narrow tunnel. Nararamdaman ko pa ang pagbaliktad ng sikmura ko dahil sa kaba na nararamdaman.

I tried to dismiss all the thoughts that is invading my system.

Kimberly, calm down. He's waiting for you to come back. You have to.

Gumapang lang ako nang gumapang hanggang sa unti-unti, may nakita akong liwanag. I flashed a success smile as I doubled my pace.

I just hope that everything outside that damn exit point is fine! I am too tired running away and thinking of ways.

"Yes..." I smiled in satisfaction when I saw nothing but clear grass ground when I peek. Muli kong sinara ang trapdoor at bumalik.

"How was it?"

Nang makabalik ako, nakita kong dali-daling tumayo si Rehan. Para siyang nakahinga ng maluwag nang makita akong muli. I just gave him a smile and a thumbs up. I even saw how his eyes glistened with happiness.

Inabot niya sa'kin ang dalawang bag, pati na din ang armas na ginagamit namin. Umalis siya saglit para kumuha ng upuan. Pumatong siya dito at umakyat.

But shit really happens.

Nalaglag ang isang lata na walang laman mula sa bag. Sandali siyang napatigil sa pag-akyat, parehong nanlalaki ang mata namin.

"Shit, akyat, bilis!"

He climbed fast as we heard the growls coming from the hungry zombies. Sunod naman naming narinig ay ang pagkabasag ng pintuan at mga salamin. They were fucking fast as they ran!

Mabuti na lang at agad naisara ni Rehan ang trapdoor kaya hindi kami naabot.

"Shit, move! We have to fucking move faster!" Ramdam na ramdam ko ang tensiyon na bumabalot sa dibdib ko habang nagmamadaling gumagapang. I didn't look back because I know he's following me.

Napapapikit na lang ako kapag naririnig ko ang kalampag ng trapdoor. Kapag hindi kami nagmadali, baka masundan nila kami. At 'yun ang ayaw kong mangyari!

Binagsak ko ang bag sa damuhan at walang pake-alam na tumalon. I cursed silently when I feel the pain in my knees when it hit the ground.

Mayamaya lang ay naramdaman kong bumagsak din si Rehan sa damuhan. Mabilis akong tumayo at sinuot ang bag at kinuha ang metal pipe.

We both looked at each other when we heard the loud growls coming from the infected. Nakakarindi ang boses nila! Parang basag na basag. And it gives me goosebumps.

"Takbo!"

Agad kaming tumakbo nang makita ang zombie na mabilis na lumalapit sa direksyon namin. Walang lingon-lingon akong tumakbo, katulad ng dati, walang pake sa direksyon.

And I wasn't really prepared when three zombies are approaching us. With my gritted teeth, my hold on the pipe tightened. Inipon ko ang lakas ko do'n at buong pwersang sinalubong ng palo ang ulo ng isang infected kaya natumba ito.

Sinaksak ko naman ang leeg ng isa kaya kita ko ang pagtagos ng bakal hanggang sa likod niya. I was quick to pull it out. Hindi ko na ito pinansin nang matumba ito.

Gusto ko na lang maiyak nang makakita pa ng maraming zombie na papasalubong sa'min. Agad akong nag-iba ng direksyon. The number of zombies chasing us doubled! And I was on the verge of losing my hope. Ramdam na ramdam ko na ang pangangalay ng tuhod ko.

Mabilis akong dumapa para makadaan sa sirang parte ng wire fence. Nakita ko ding lumusot si Rehan sa isa pang sira na parte. Muli kong dinampot ang bag at nagpatuloy sa pagtakbo.

"We have to fucking look for a car!" I heard him shout.

"How? We can't even escape these effin zombies!" I yelled, still running. Tumingin ako sa likod at napapikit dahil mas madami pa pala sa nai-imagine ko ang bilang nila.

Nakarating kami sa highway nang tumatakbo lang. Ramdam na ramdam ko na ang pag-agos ng pawis ko dahil sa pagod. Hanggang ngayon, nadidinig ko pa din ang sigaw ng mga zombie habang hinahabol kami.

"Sakay!"

Agad akong napatingin sa likuran ko nang may sumigaw. Naramdaman ko ang pagkabuhay ng dugo ko nang makitang may kotse na papunta sa'min.

They were the people we encountered on the grocery store!

"Bilisan niyo, tangina!" Agad akong sumakay sa sasakyan pero bago ko pa man masara ang pinto, may humawak na agad sa paa ko. I yelled because of that. Ramdam na ramdam ko ang pagbaon ng kuko niya.

Mabilis namang kumilos ang katabi ko at kaagad pinaputukan sa ulo ang humila sa'kin. I didn't know that tears flowed on my cheeks while I rest myself on the backrest.

Nararamdaman ko pa din ang pagdagundong ng dibdib ko. Ang bigat ng paghinga ko, marahil ay dahil sa pagtakbo namin kanina.

Minulat ko ang mata at tumingin sa likod. From here, I saw how the zombies' silhouette gradually faded. Muli akong nagpakawala ng buntong hininga.

"Ayos ka lang?"

Then my eyes landed on the guy sitting next to me. He's looking at me, inspecting if I am okay. Umiwas lang ako ng tingin at tumango.

Kung hindi dahil sa kanila, kasama na sana kami sa mga zombie na 'yun na natatakam sa lamang loob.

We survived...again.

* * *

A/N: cno wala update ha

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top