W A 06

[W E E K S  A F T E R  VI]

"Okay ka na ba?"

Bahagya akong tumango. Kahit papaano naman ay umayos na ako. Sumi-sink in na sa akin ang ginawa ko at unti-unti ko na 'yung natatanggap. I smiled at him to make him believe that I am fine.

"Should we continue our journey, then?" I asked him and jumped from the car's head. Nakasandal lang siya sa pintuan habang ino-obserbahan ako. "Hindi tayo pwedeng abutan ng gabi. Mas delikado ang daan."

Umuna na akong sumakay sa kotse nang tumango siya. Ilang oras lang kaming nanatili sa gasolinahan. Ngayon, nakakasilaw na ang init sa lugar. Sa palagay ko, alas dos na ng hapon nang lisanin namin ang lugar.

For the last time, I looked at the person I killed. I felt nothing now. I closed my eyes and looked away. I gulped as I released a sigh.

Nakatulala lang ako buong biyahe, iniisip kung saan nagsimula ang lahat. I never expected to wake up in the midst of zombie apocalypse, neither dreamt.

Napabuntong-hininga ako at napatingin sa labas. Napahigpit ang kapit ko sa upuan nang makakita ng dalawang zombie na nakabigti sa flyover. Gumagalaw pa ang mga ito, para kaming inaabot.

Umiwas na lang ako ng tingin at bumaling sa harap. Panay ang iwas ni Rehan sa mga nakataob na sasakyan. 'Yung iba, umuusok na lang habang 'yung iba naman ay patuloy na tinutupok ng apoy.

Mabilis ang pagmamaneho niya pero parang ang tagal na naming nasa biyahe, wala pa rin kaming nararating. Sure ba siya sa lugar na pupuntahan namin?

"May zombie." I pointed the zombie that blocks our way. Isa lang naman 'yun, pwedeng-pwede niyang banggain.

I rested myself on the backrest and close my eyes when he hit the infected. Napangisi ako nang maramdaman ang bahagyang pag-uga ng sasakyan.

Nasanay na siguro ako sa gan'ong feeling kaya wala na sa'kin 'yun. Muli kong iminulat ang mata ko at nakitang nililinis ng wiper ang salamin na may dugo.

Ilang kilometro na rin siguro ang tinahak namin pero hindi ako nagsalita. Sa tingin ko naman ay pareho naming kailangan ng katahimikan.

"What the fuck..."

Kumunot ang noo ko nang huminto ang sasakyan. I looked at him, brows furrowed, asking an explanation. I saw him licked his lower lip while staring at front.

Dahil sa pagtataka, napatingin din ako do'n. My mouth went agape of the scenery. Ilang metro mula sa distansiya namin, may nakaharang na mga sasakyan.

Nagkarambola ang mga sasakyan sa tulay at wala kaming ibang madaanan!

"Wait here, titingnan ko lang." Hindi niya na ako hinintay na sumagot at basta na lang lumabas. Hindi ko sinunod ang sinabi niya at lumabas na lang din ng basta.

Kitang-kita ko kung paanong ang tulay na malawak ay mapuno ng mga sira-sirang sasakyan. Hindi kami makakadaan, hindi kami makakarating kung saan man kami pumunta.

"Wala ka bang alam na iba pang daan?" Mayamaya'y nagsalita ako, nasa harap pa din ang paningin.

"Wala na. Itong tulay lang na 'to ang tanging daan na pwede nating daanan." Frustration is drawn all over his face. I heave a sigh, hope is starting to leave me.

The sun is almost setting, at kapag wala kaming ginawa, baka dito na kami abutin ng gabi. Or worst, baka dito na kami abutin ng kamatayan.

"Can you walk?" Napabalik ang tingin ko sa kanya nang muli siyang magsalita. Lumingon din siya sa'kin pero agad na bumalik ang atensiyon sa harap. "We have to walk. Kung hindi, hindi tayo makakarating sa---,"

"Kaya ko." I said without hesitation. Muli akong lumingon sa harap at nagpakawala ng hangin. "Tara na, bago pa tayo abutan ng dilim."

And that's what we do. Bumalik kami sa kotse at kinuha ang mahahalagang gamit, kasama ang pagkain. Kinailangan pa namin 'yung bawasan dahil mabigat.

Nakasuot na lang siya ngayon ng sando at pantalon. Hawak niya sa kabilang kamay ang bat habang sukbit-sukbit niya naman sa balikat ang duffel bag na naglalaman ng ibang gamit.

While me, hinubad ko na din ang blouse ko, kaya 'yung panloob ko na lang na damit ang suot ko sa taas. Samantalang 'yung skirt pa din ang sa pangbaba, pinatungan ko na lang ng jacket na binigay niya sa'kin. Hawak-hawak ko ang metal pipe habang nakasukbit din ang bag sa balikat ko.

Para kaming susugod sa digmaan dahil sa postura namin. Tumingin ako sa kanya atsaka tumango, sign na ready na ako. Again, I heaved a sigh, composing myself.

Bago tuluyang lisanin ng araw ang kalangitan, nagsimula na kaming maglakad, hindi alintana ang mga bagay na maaari naming makasalubong sa paglakakad.

"Tingnan mo 'yung dinadaanan mo, baka may maapakan kang debris, mahirap na." Tumango lang ako sa paalala niya.

Malakas ang kabog ng dibdib ko habang pinapakiramdaman ang paligid. Walang bakas ng panganib, at wala ding bakas ng kaligtasan. There's nothing but darkness and silence.

Napalayo ako sa isang sasakyan nang maramdaman kong may lumagabog mula sa loob 'nun. Then I heard soft groans, indication that there is an infected inside.

Sa sumunod namang kotse, basag ang front glass kaya kitang-kita ko ang isang walang buhay na tao. Napangiwi na lang ako nang makitang may nakatusok na steel bar sa gitna mismo ng noo niya, habang nakamulat.

Parang nasasanay na ang utak ko sa gan'ong tanawin kaya hindi na masyadong nagr-react.

"Tang---!"

Nahampas ko ang isang kamay nang subukan nitong abutin ako. Dahil na rin siguro sa pagkabulok, agad itong natanggal sa katawan niya. Ngayon, kitang-kita ko na ang buto na naiwan.

My breath became harder as I continue walking.

Pinigilan ko na lang na masuka dahil sa sari-saring amoy na nabubulok. If I know, sana nagbaon na lang ako ng face mask.

Dumagdag pa sa kilabot na nararamdaman ko ang malamig na simoy ng hangin. Maliwanag ang sinag ng buwan kaya kahit madilim, natatanaw ko ang hitsura ng mga infected.

Sa kada hakbang na ginagawa ko, unti-unting umuusbong ang pag-asa sa dibdib ko na makakalampas kami dito ng buhay.

"Puta!"

We shouted in horror when one car's light lit. Nagkatinginan kami. Kasabay ng sunod-sunod na busina, sunod-sunod ding gumawa ng ingay ang mga zombies.

Napatingin ako kay Rehan at narinig ko ang sunod-sunod niyang pagmura. Nagsisimula nang mag-ingay ang lahat ng zombies, at natatakot akong hindi kami makakalabas dito.

"Tatakbo tayo. Bibilang ako ng tatlo---,"

"Sandali, pa'no kapag mas marami ang sum---,"

"Basta, hangga't kaya mo, patumbahin mo." Tumango na lang ako dahil wala na kaming ibang pagpipilian. "Isa, dalawa," Napapikit ako't pilit na kinakalma ang sarili. Okay, I can do this. "Tatlo!"

As if on a cue, we ran. Para kaming nagp-parkour dahil sa pagtalon namin sa bubong ng mga sasakyan. Lahat ng mga zombie na humaharang sa daan ko, hinahampas ko ng bakal sa ulo dahilan para tumumba sila.

Pinapanalangin ko na lang na 'wag sana akong matipalok habang tumatakbo.

Nakatanggap ng malakas na hampas sa ulo sa'kin ang isang infected nang basta na lang itong bumulaga sa harapan ko. Hindi pa nakuntento, tinusok ko ang ulo nito ng matulis na parte ng bakal.

Hindi ko man tingnan ang likuran ko, alam kong madami ang humahabol sa'min. Nasa harapan ko si Rehan at malaki na ang distansiya namin sa isa't isa.

"Tangina ka!" Hinampas ko ng bag ang isang zombie na humawak sa bakal ko kaya tumalsik ito sa baba.

I don't fucking know where they came! Basta na lang sila dumami!

"Kim, dalian mo!"

And I saw Rehan riding a motorcycle. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo, ramdam na ramdam ko na ang pangangalay sa paa ko pero hindi ko na pinansin 'yun.

Dinig na dinig ko pa din ang malakas na atungal ng mga ito habang pilit akong hinahabol. Mga deputa!

Agad akong sumakay sa likurang bahagi ng motor nang maabot ko siya. Rehan, on the other side, immediately drove away.

"Isa ka pang bobo ka!" Pinagtutusok ko ang ulo ng isang zombie na kumapit sa bakal na bahagi ng sasakyan.

Catching my breath, I closed my eyes. I just felt the tears flowing on my cheeks. Dahil sa takot? Hindi ko na alam kung bakit pa ako umiiyak.

"Ayos ka lang ba?" Naramdaman ko ang pag-aalala sa tinig ni Rehan. Kahit papaano, napakalma ako no'n.

"Oo." Sa ngayon.

I don't want to spread negativity but I doubt that I can make it until the end. I doubt that we can make it.

Hundred thousands of zombies are about to chase us. And I am afraid to admit that our survival isn't on our hands now.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top