W A 04
[W E E K S A F T E R IV]
"Hindi pa ako gutom, pero salamat."
Isang araw na ang nakalipas.
Isang araw na ang makalipas matapos ang kahindik-hindik na pangyayari sa Pilipinas.
Gabi na pero hindi pa ako dinadalaw ng antok. I'm afraid that...that I will wake up as a zombie. Hindi ako sure! Pa'no kung atakihin kami habang nahihimbing?
I saw how he nodded his head and withdraw his hand. Nagpatuloy lang siya sa pagkain. Me, on the other side, stare at the fire, which is the only thing that provides light and heat to the both of us.
Unti-unti na itong namamatay. Nasa ilalim kami ng isang tulay. For now, this is the only safe place. Tago naman ito kaya maliit ang posibilidad na makita kami ng mga infected.
We're still looking for much safer place. Quarantine areas? Meron naman sigurong gan'on.
"Hindi ka pa ba matutulog? Malalim na ang gabi, masamang magpuyat. Hindi makakabuti sa'yo, lalo na't ganito ang panahon." Bumalik ang tingin ko sa kanya dahil sa sinabi niya. Nakasandal ito sa pader habang nakasubo ang sigarilyo sa bibig.
"Sasamahan na lang siguro kitang magbantay. Magsasabi na lang ako kapag inantok ako." Hindi na siya tumutol sa sinabi ko.
We were silent once again. Dinig na dinig ang tunog ng mga insekto. Umuugong na din sa tainga ko ang mga lamok.
Nakakakaba ang katahimikan ng paligid. Bahagya akong uminat nang makaramdam ng pangangalay. I adjusted my blanket when I felt cold.
Mabuti na lang at nakapagpalit na ako ng damit. Kung hindi, malamang pati ako mandidiri sa sarili ko. Si Rehan, naghugas lang ng katawan. Wala kasi siyang nahanap na damit na kakasya sa kaniya.
"Pa'no pala kapag naubusan ng gasolina 'yang sasakyan? Wala na tayong magagamit."
Naalala ko lang na hindi unlimited ang mga gamit namin. Lalong-lalo na ang gasolina. What if habang hinahabol kami ng mga zombie, biglang ma-out of fuel? Katapusan na namin.
He puffed the smoke before glancing at me. Binalik ko na lang sa apoy ang paningin ko at bahagyang pinaglaruan 'yun.
"Bukas..." Nagsalita siya. "Bukas, papakargahan ko 'yan, 'wag kang mag-alala." Tumango lang ako.
Ilang sandali lang, nakaramdam ako ng pagbigat ng talukap ng mata ko. Yeah, I'm already sleepy. Nagpaalam na lang ako na matutulog muna.
Kinabukasan, maaga akong nagising. Naabutan ko pa si Rehan na natutulog. Sumunod pala siya sa'kin sa kotse.
Tumingin ako sa labas, sinisiguradong ligtas. Nang makumpirma, lumabas ako.
Hindi katulad kahapon, mas maaliwalas ang araw ngayon. Naririnig ko pa ang paghuni ng mga ibon. Napangiti ako sa loob-loob ko dahil kahit papaano, nakaramdam ako ng kapayapaan.
Nangunot ang noo ko nang makarinig ng nagsasalita. Driven by curiosity, I just found myself dragging my feet towards the direction where I heard the sound.
"Wala na tayong magagawa, Iris. I'm sorry, please do it."
"Alam mong hindi ko kayang gawin 'yan."
Mas lumalim ang kunot ng noo ko dahil hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan ng dalawa. I can hear soft cries which pick the inner me to peek.
Nakita ko ang dalawang babae. They are wearing uniform so I assume they're students like me. Base naman sa paraan ng pag-uusap nila, para silang magkaibigan.
Nanlaki ang mata ko nang makitang naglabas ng kutsilyo ang babae habang umiiyak. They are both crying. Nakita ko pang ngumiti ang isang babae, 'yung nakasandal habang nakiki-usap sa isa pang babae.
Saka ko lang napagtanto ang nangyayari. Bumaba ang tingin ko sa braso ng babae. Her hands are trembling, and I see wounds, that I guess, she acquired from zombie bite.
"Bestfriend forever..." The girl who's infected closed her eyes and I witnessed how her fist turned into ball. "Forever and ever..."
Napapikit ako nang saksakin ng babae ang kaibigan niya. She's screaming while she repeatedly stab her friend. Nanginginig ang buong katawan ko habang naririnig kung paano bumaon ang kutsilyo sa dibdib niya.
Napamulat ako ng mata nang wala ng marinig. Muli akong sumilip. Nanikip ang dibdib ko habang pinapanood kung paano umiyak ang babae habang yakap-yakap ang walang buhay niyang kaibigan. She keeps mumbling words while caressing her friend's hair.
The view makes my heart break into pieces.
Ilang sandali pang nanatili sa gan'ong posisyon si Iris, base sa pangalan na nabanggit ng isang babae kanina. Nagtago ako nang dahan-dahan itong tumayo.
I am clueless with her plans. Hindi ko alam kung anong gagawin niya. I know that she feels terrible for killing her own friend.
I wiped the single tear that escaped my eye.
Lumabas ako sa pinagtataguan ko para sana kausapin siya. Agad na dinaga ang dibdib ko nang makitang wala siya. I glance at her friend's lifeless body, and there are no traces of her there anymore.
Where did she go?
Bago ko pa matapak ang paa ko palakad, nakarinig ako ng lagatok.
Like, something fell, and something cracked.
My mouth went agape when an idea popped in my mind. I shook my head, telling myself not to look back, but it was too late.
"What..."
I don't know what to react.
'Yung babae, tumalon siya sa tulay. I covered my mouth when blood started to scatter everywhere. I stepped back, that's why I stumbled in a trashcan.
Nakabibinging tunog ng lata ang umalingawngaw sa paligid.
And before I could even realize it, zombies are running towards my direction. Nanlalaki ang mata ko habang pinapanood silang mag-unahan.
They were faster...compared yesterday.
Kitang-kita ko kung paano sila magtakbuhan habang nakanganga ang bibig. Hindi ko alam kung paano pero nagawa kong makatayo bago pa nila ako maabutan.
I ran as fast as I can regardless of my direction. Hindi na ako bumalik sa loob ng tulay dahil alam kong mapapahamak lang si Rehan.
Dahil na rin siguro sa kaba na nararamdaman ko at takot, nagawa kong makagawa ng malaking distansiya sa pagitan namin.
Hindi ako lumingon pabalik. I will never look back whatever happens.
Nabuhayan ako ng loob nang makakita ng bisikleta. Napangisi ako sa loob-loob ko dahil kahit papaano, makakalayo ako sa kanila.
Without any hesitation, I grabbed the bicycle. Hindi ko na nasuot ang helmet dahil sa pagmamadali. Hindi ko lang maiwasang lumingon, and to my horror, nadagdagan sila!
"Tanginang buhay."
Agad akong sumakay sa bike at nag-pedal. I bit my lower lip while trying to give my very best to pedal the bike faster. Wala na akong pake kung anong mabunggo ko.
Without looking back, this time, I made sure that I will put a big gap between us. Thankfully, I did, but when I thought everything will go well, it didn't.
Napasigaw ako nang mawalan ng balanse. Sunod-sunod na mura ang lumabas sa bibig ko habang pinipilit ang sarili na tumayo. Paika-ika, pumasok ako sa isang maliit na eskinita saka nagtago.
Ramdam na ramdam ko ang magkahalong sakit at pagod. Ngayon lang ata bumalik sa'kin 'yun. Ang bilis ng tibok ng puso ko at para itong kakawala sa aking ribcage.
Napapikit ako nang maramdaman ang pag-uga ng lupa dahil sa sabay-sabay na pagdaan nila. Ang ingay na ginagawa nila ay nagdagdag ng kilabot sa'kin.
Dahan-dahan, napaupo na lang ako sa sahig habang nararamdaman ko ang pagtulo ng luha sa mata ko. Muntikan na akong mamatay kanina, mabuti na lang at nailigtas ko ang sarili ko.
It hit me hard. That, not everytime, someone will save me. That my life is no one's responsibility.
That I should survive...by myself. I shouldn't be a burden everytime.
Napatingin ako sa tuhod kong dumudugo. Wala akong maramdaman do'n. Kahit ang pisngi ko, may sugat din. But I feel numb.
All I feel now is crave.
I craved for survival.
I looked up in the sky, and I witnessed how it turned gray. Kusa akong napapikit nang maramdaman ang marahang pagpatak ng ulan.
From now on, I ought to fight for my own life.
Weeks after world faced the most cruel punishment, the bravery inside me was born.
I will survive...no matter what.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top