A E 20
Biembeh: medyo pinahaba ng fight scenes 'yung last chapter huhu, pero 'yun na nga beh! last chapter na mga acclaaa! see you sa epilogue! mwaps!
T H E F I N A L C H A P T E R
A f t e r E v e r y t h i n g...
"Welcome to the eye..."
Sabay na naglakad palapit ang dalawa sa apat na lalaking nakatayo. All of their hands are on their back, and they are wearing a welcoming smile.
Nakakunot ang noo ni Kimberley habang pinagmamasdan ang apat samantalang wala pa ring ekspresyon si Nate at pinaglalaruan lang ang kadena sa kaniyang braso.
Nakatayo ang apat sa parang bilog na platform na hindi naman gan'on kataas habang pare-parehong nakalagay ang mga braso sa kanilang mga dibdib.
"Dalawa na lang kayo?"
"Stop playing stupid, I know you released those zombies to make us divide." Kimberley gritted her teeth in anger. "Naduduwag na ba kayong kalabanin ang mga halimaw na nilikha niyo?"
Pareho sila ng sinabi ni Katarina kaya natawa si Gunner. Kung hindi lang niya kilala si Katarina, aakalain niyang may koneksyon ang dalawang ito, maliban sa magkaklase sila, katulad na rin ng plano ng Nyasaaa.
"Oh, Nate. May sorpresa ako sa'yo." Nakaramdam nang kakaiba si Nate dahil sa sinabi ni Jasper, ang isa pa sa apat. Kumunot ang noo niya at hinamon na ipakita kung ano man 'to. Mas lumawak ang ngisi ng lalaki saka siya pumitik sa hangin.
Nanlaki ang mga mata nina Kimberley at Nate nang lumabas ang isang babae mula sa kanilang likuran. Nakagapos ang mga kamay niya at may busal ang kaniyang bibig. Nakapikit din ang mga mata na mukhang pinatulog pa. Nakalagay lang ito sa isang upuan na may gulong.
"Surprise!"
"A-Ate..."
"Laelyn..."
Nate formed his fist into ball and was about to attack when Kimberley stopped him. Hindi naman siya pumalag at sinamaan lang ng tingin ang apat.
Samuel, one of them, made its way to the poor Laelyn. Naglabas ito ng kutsilyo kaya mas lalo lang nagsilab ang galit sa loob nina Nate at Kimberley.
"Watch this."
Napasigaw si Nate nang bigla na lang hiwain ng lalaki ang pisngi ni Laelyn. Narinig nila pareho ang mahinang pag-ungot ng babae.
Ngayon, hindi na pinigilan ni Kimberley si Nate na sumugod. Magkasabay silang umatake sa apat na noon ay nakatayo lang sa platform.
Nang makalapit, kaagad sinubukang espadahin ni Kimberley si Isaiah ngunit mabilis lang ding nahawakan ng lalaki ang kaniyang braso. Tiningnan ni Kimberley ang braso niyang hawak-hawak ng lalaki kaya nagkaroon ng pagkakataon si Isaiah para suntukin ang kaniyang tiyan. Tumalsik ang babae dahil sa tama ng suntok.
Nate on the other hand is trying to fight Gunner. Hinahampas niya ito ngunit patuloy pa ring naiiwasan ng lalaki. Galit na galit ang mga mata niyang mas madilim pa sa kalawakan, samantalang parang wala lang kay Gunner ang kaniyang mga atake.
"Ah!" Bumagsak sa sahig si Nate nang bigla siyang sipain ni Samuel sa kaniyang likod. Nauna ang kaniyang mukha kaya naramdaman niya ang pagdaloy ng dugo sa kaniyang ilong.
Napakapit siya nang mahigpit sa sahig saka pinilit ang sarili na bumangon. Nanginginig ang mga ito pero nagawa niya pa ding tumihaya sa lupa at pagmasdan ang dalawang lalaki na nakatayo sa harap niya.
Samantala, muli namang bumangon si Kimberley mula sa pagkakatalsik. Dahan-dahan siyang tumayo habang nakayuko pa rin ang kaniyang mga ulo. Dinampot niya ang kaniyang katana saka inangat ang paningin sa dalawang tao na nasa harap niya.
Her mouth released a blood which she soon spits. She hold her katana tight and positioned it, ready for giving another attack.
Nang sumugod siya, napangisi ang dalawang lalaki at hinintay siyang makalapit. Kimberley started hitting them aimlessly but Jasper was fast to grab her arms and kick her stomach.
Napaubo siya ng dugo ngunit hindi pa man nakababawi, kaagad naman siyang sinipa ni Isaiah sa baba dahilan ng pagtalsik niya.
Kaagad na gumulong si Nate nang aapakan sana siya ni Gunner. Dali-dali siyang tumayo at hinila ang kaniyang kadena. Hinampas niya kaagad 'yun ngunit nahuli lang ito ng kamay ni Samuel.
Napalunok si Nate ng laway at hinintay ang gagawin ni Samuel. He was right. These four is skilled enough, that even them, mutated creatures cannot fight well. Sa sobrang daming experiments na ginawa nila, imposibleng ni-isang beses, hindi nila ito sinubukan sa kanilang mga sarili.
Posibleng katulad nila, may microorganism din silang ipinasok sa kanilang katawan kaya nagkaroon sila ng taglay na lakas. Their ability is out of this world, and their speed is no compare to them.
Hinampas ni Samuel ang kadena kaya tumama ito kay Nate mismo. Nanlaki ang kaniyang mata saka niya naramdaman ang pagtama ng bakal sa kaniyang katawan. Napaatras siya dahil sa impact no'n.
Tumalsik sa kaniyang tabi si Kimberley. Nagulat pa siya nang makita ang itsura nito. Tumutulo ang dugo niya sa kaniyang ilong at bibig. Hindi niya na tinanong kung okay lang ba ang babae dahil obvious namang hindi.
Tinulungan nila ang kanilang sarili na makatayo. Nagtabi silang dalawa habang napapalibutan naman sila ng apat.
Wala na silang armas at tanging mga kamay at paa na lamang nila ang maaari nilang magamit. Sabay silang napalunok ng babae dahil alam nilang malaki ang tsansang matalo at tuluyan na talaga silang mamatay dito.
Shit, nasaan na ba sila?
Kimberley silently prayed for Rehan and Azi to come already. She hoped the two didn't get a hard time surviving the zombies.
"Do what she's doing, Nate. Pray for your lives."
Nate formed his fist into ball when the four laughed at them. Para silang mga daga sa kampo ng mga pusa dahil wala silang laban na dalawa.
"Gan'on naman ang ginagawa ng mga tao, hindi ba? Ang kakapal ng mukha na gumawa ng kasalanan pagkatapos aasa silang tutulungan sila ng kanilang diyos?"
That's the truth humans must faced. Magaling lang talaga sila kapag may kailangan. Because what? God is merciful and he forgives everyone who repents, and gave everyone who is in need.
He must be now regretful for creating humankind. They only remember him three times. First is when they got born, second is when they are in danger, and third is when they are dying.
So, the Nyasaaa did Him a favor. Cleansing the world and getting rid of humankind is one of the God's will.
Yes, the freedom is theirs.
The freedom to follow what God planned. And The End were one of those.
Biglang nagbago ang ekspresyon ng apat nang maamoy nila ang mabahong amoy ng patay. Nagsimulang mabahala ang kanilang mukha at nilibot ang kanilang mga mata sa paligid.
Dinig na dinig nina Nate at Kimberley ang pagbabago sa tibok ng puso ng apat kaya nagkatitigan silang dalawa. Unlike them, these four still has their lives. Sila kasi, wala ng buhay at umaasa na lang sa RF waves na natatanggap mula sa loob ng Nyasaaa.
Kapag nawala ang waves na 'yun, maaaring mabura na ang existence ng lahat ng produkto ng Amdis. Ang mga zombie, ang mga mutants, at ang mga Triclops.
Sinilip ni Kimberley ang kalawakan. Malaya niya itong nakikita dahil salamin ang bubong nga mata ng Nyasaaa. Madilim, katulad ng kanilang mga mata, ngunit may buhay ito. May mga bituin, ngunit walang buwan.
May isang malaking poste ding semente ang nakatayo sa pinakagitna at sa taas no'n ay ang isang satellite na malamang ay nakakonekta sa satellites sa outer space. 'Yun ang source ng RF waves na ngayon ay kasalukuyang bumabalot sa mundo kaya laganap pa din at hindi nauubos ang mga zombie.
Kapag hindi pa nila sinira 'yun, matatapos na ang mundo. Ang mga taong nailigtas nila sa loob ng Nyasaaa ay hindi din maililigtas kung sakali.
"What the----!"
Agad na napabalik ang tingin nila Nate at Kimberley sa apat nang tumumba ang mga ito. Hope then enveloped them when Azi and Rehan appeared in front of them.
The familiar pale skin and dark eyes welcomed them, and the shadows which feels like their siblings are still there. The two Triclops are still alive.
They are back again.
"Are we late?"
Ngumisi si Azi saka tumabi kay Kimberley. Bahagya pa siyang natawa nang makita ang galos na natamo ng dalawa mula sa apat. Siniko lang siya ng babae kaya napa-aray siya kahit hindi naman talaga masakit.
Mula naman sa pagkakadapa, bumangon pa ang apat na lalaki at hinarap ang apat na Triclops na noon ay nakatayo lang sa kanilang harapan. Their eyes somehow send fear inside the Alaric.
"It's four versus four now."
Samuel shouted and attacked Kimberley. Kaagad namang sumunod ang kaniyang mga kasamahan. Kimberley and others then did their best to block the opponent's attack.
Sinalag ni Rehan ang pagsuntok ni Isaiah atsaka niya binaliko ang braso nito. But Isaiah was quick to pull another punch which immediately hit Rehan's face.
Napabaling sandali ang mukha ng lalaki ngunit ilang sandali lamang, gumanti ito ng suntok na kaagad namang tumama sa mukha ni Isaiah dahilan ng pagdugo ng ilong nito.
Si Nate naman ay patuloy na iniiwasan ang pagsuntok ni Samuel. He keeps using the left and right hook punch but Nate was able to avoid them all.
Nang makahanap ng pagkakataon, kaagad sinipa ni Nate ang paa ni Samuel kaya ito natumba sa lupa. Sinakyan niya ang tiyan nito saka sinapak-sapak.
Mabuti na lamang at naiwasan ni Kimberley ang muntikang sapak ni Gunner kung hindi, panibagong pasa na naman ang inabot niya. Mabilis niyang dinakma ang braso ng lalaki at tinuhod ang tiyan nito katulad ng ginawa sa kaniya kanina.
Napaatras si Gunner ngunit hindi do'n natigil si Kimberley. Tumalon siya at umikot saka niya pinatamaan ang mukha ni Gunner gamit ang kaniyang paa. Tumalsik muli ang lalaki na kaagad namang sinundan ni Kimberley.
"Fuck!"
Humagikgik si Azi nang tamaan niya ang dibdib ni Jasper habang ang lalaki naman ay inis na inis at hawak-hawak ang kaniyang dibdib. He just almost break his ribs!
Pinosisyon ni Azi ang kaniyang mga kamay na parang naghihintay siya sa mga atake na gagawin ng kaaway. Nang magsimulang sumapak si Jasper, iniwasan lang ito ni Azi habang malawak ang ngiti, nang-aasar.
"I wonder kung nakakaramdam ka ba ng sakit. Maybe hindi, kasi hindi ka naman nakakaramdam ng awa, 'e."
Kimberley walked towards Gunner's direction while talking. Nakahiga na ito sa sahig at dumudugo na din ang kaniyang bibig at umuubo-ubo pa.
Kimberley sat on the floor and watched how Gunner fight for his life. Tiningnan siya ng lalaki at nagawa pa nitong ngumisi.
"Kahit gaano ka pa katapang, Kimberley, mamamatay ka din. Katulad ng nanay mo." Gunner tried to grab the girl but she was quick to stop him. Nahawakan niya ang palapulsuhan ng lalaki.
"Baka nakakalimutan mo, patay na ako. Pinatay niyo na ako."
Napasigaw sa sakit si Gunner nang pigain ni Kimberley ang kaniyang pulsuhan. Para siyang bulateng binuhusan ng asin dahil papalag-palag ito sa sahig.
With dark eyes, Kimberley smiled as she watch how Gunner shout in pain while she is breaking his bones.
"If the God's will is to end the world, then my will is to end everyone who started it."
Sa sobrang galit ni Kimberley, nabali niya nang tuluyan ang kamay ni Gunner kaya mas lalo pa itong napasigaw sa sakit. Halos humiwalay ang kaniyang pulso sa kaniyang braso dahil dito.
"Suffer to death, Alaric. See you in hell."
Napatulog na ni Nate si Samuel dahil sa sunod-sunod na sapak na inabot nito. The rage in his eyes never leave him as he remembered how this bastard sliced his sister's cheeks.
"You never worth the life you had, so let me take it. It's my will, not God's."
Tumayo si Nate mula sa pagkakaupo sa tiyan ni Samuel at kinuha ang katana ni Kimberley. Emotions leave him as he pointed the blade to Samuel's neck.
Segundo lamang ang lumipas, kaagad na humiwalay at gumulong ang ulo ni Samuel sa sahig kasabay ng pagdanak ng dugo nito.
"Masakit ba?"
Pinanood ni Rehan nang may ngisi sa labi kung paano pigilan ni Isaiah ang pagdugo ng kaniyang ilong dahil sa lakas ng suntok niya dito.
Hindi makapagsalita ang lalaki at sinamaan lang siya ng tingin kaya natawa siya. Lumuhod si Rehan at nakangising hinarap si Isaiah.
Isaiah.
Sinong mag-aakalang magkikita ulit sila nito.
"Dr. Isaiah." Mas lumawak ang ngisi ni Rehan nang banggitin 'yun samantalang gulong-gulo naman ang lalaki. "Way back 2018, a son lost his mother. Remember the guy who plead you to help them?"
Nabalot ng galit ang mga mata ni Rehan saka niya sinakal ang lalaki na noon ay naguguluhan pa din. Not until he remembered the guy who almost kneeled to him for help.
He can clearly remember how he turned his back and helped the town's mayor instead because he used to believed that low people doesn't worth the time.
They will die eventually.
"If you only helped me, my mother would have been in better state." Umangat sa lupa si Isaiah habang sinasakal siya ni Rehan.
Ang kamay niyang kanina'y nakatakip sa dumudugo niyang ilong ay nakahawak na sa braso ni Rehan. He cannot breathe anymore, and uttering even a single word seems impossible.
"My life would have been better!" He roared loudly. "Hindi sana ako magiging parte ng korporasyon niyo!"
Rehan didn't realize that he already killed Isaiah. Bumagsak ang braso nito habang nakamulat pa rin ang kaniyang mga nanlalaking mata. Ibinagsak niya ang lalaki sa sahig saka siya napaluhod din.
"Kung tinulungan mo sana ako noon, hindi ako mabubulag sa paghihiganti..."
Panay ang patama ni Azi sa dibdib ng kalaban niyang si Jasper. Ngayon, sumusuka na ng dugo ang lalaki dahil naapektuhan na ang kaniyang baga pero pilit pa rin siyang lumalaban.
"Matibay ka, ha. Ilang beses na kitang pinatamaan sa dibdib, hindi pa rin ba nababali ang ribs mo?"
Natawa si Jasper kaya tumalsik ang dugo nito sanhi ng pagngiwi ni Azi. Pinunasan ng lalaki ang sarili niyang bibig saka tumingin nang nakakaasar kay Azi.
"Sabihin na nating natalo niyo kami, pero kahit anong gawin niyo, mamamatay pa rin ang lahat. Nyasaaa might fall, but at least, the plan was successfully implanted." Pinaningkitan siya ni Azi ng mata. "The Amdis will never be cured, and the zombies will remain. You will never end the end."
Azi flashed a dazzling smirk before walking towards Jasper who's continuously stepping back.
"The only thing that will be left were the remains of God's biggest regret; the humanity. Everyone will soon turn from ashes... to ashes."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top