A E 18

"A-Ano 'yan..."

Dumadagundong ang lupa habang patuloy pa rin sa paghakbang ang malaking halimaw. The four is looking at it with their wide gazes.

Tumataas ang balahibo nila sa katawan habang pinagmamasdan ang halimaw. Dumagdag pa sa kilabot na dala nito ang palakol na kaniya pang isinasayad sa lupa kaya gumawa ito ng matinis na tunog.

Azi used that opportunity to kick Rehan's stomach. Dahil abala ang atensiyon ng lalaki sa halimaw, nagawa siyang patalsikin ni Azi sa malayo. Dali-dali siyang bumangon at tumakbo palapit kay Kimberley.

Hinihingal na tumabi ang lalaki sa babae na noo'y abala din sa pagmasid sa naglalakad na higante. He watched her watch that entity but immediately avoided when Kimberley looked at him.

"Wala akong ideya kung ano ang bagay na 'yan ngunit sigurado akong mahihirapan tayong talunin 'yan..." Kimberley then looked at Nate who's busy watching the monster too. "habang kinakalaban rin natin ang mga 'to."

Agad na bumangon si Rehan mula sa pagkakatalsik at sinamaan ng tingin si Azi na noon ay wala na ang paningin sa kaniya. Nakita niyang tumawa pa ito kaya kumunot ang kaniyang noo bago niya pinulot ang bakal niyang humiwalay sa kaniya at umayos ng tayo.

Nate then stared at Kimberley. He smirked when he saw how serious the girl is while staring and studying the entity they are about to face. He'd seen her being serious numerous times but her face is a lot better when she's with those dark eyes.

Oo nga't may nakasalamuha na si Kimberley at Azi na higanteng zombie dati ngunit iba ang isang 'to. Matutulis ang kaniyang ngipin. Mataba din ang isang 'to, at medyo kulay berde. May kadena ding nakapulupot sa kaniyang leeg. The size is twice theirs, which means it will be really hard for them to defeat it.

"Nape will always be their weakness, let's try to target and focus on that anatomy." Kimberley was ready to say her plan but Rehan interrupted her.

"Ang kahinaan niyan ay ang kaniyang pusod." Kimberley's brows raised when she heard his voice. Nilingon niya ito habang nagtatanong ang mga mata.

"Why would I believe you?" Kimberley asked him.

"Dahil sa ating lahat, ako ang pinakamatagal nang nandito. Between us, I know more." Umirap lamang ang babae sa kaniyang narinig. She still can't accept it that Rehan is part of Nyasaaa, but she cannot do anything anymore. The choices was given to Rehan and he chose to be the bad guy.

"Attack the navel and I'll go with the nape."

Rehan released a 'tsk' because of what he heard from the girl. Wala na siyang nagawa nang makita niyang pulutin ng babae ang kaniyang katana at paglaruan ito sa kamay nang ilang segundo.

"Paano ka makakaakyat sa batok niya?" Azi curiously asked Kimberley. Nilingon siya ng babae pero kaagad ding umiwas ng tingin.

"Hindi ko alam. Dadaan siguro ako sa likod. Basta, malaman mamaya." Kimberley started walking towards the monster's direction.

Nang makita ni Rehan si Kimberley na kumilos, nagsimula na din siyang maglakad. Tumayo iilang metro ang babae sa halimaw ngunit kumunot ang noo nito nang maramdaman niya ang pagtayo din ni Rehan sa tabi niya.

Matapos ako nitong bugbug-bugbugin, may kapal pa talaga siya ng mukha na lumapit sa'kin? Kimberley didn't say it out loud.

Rehan is throwing glances at her old-friend but her attention is at the monster. He sighed before looking back at the giant who already stopped walking. Pinatong nito ang bitbit niyang palakol sa kaniyang balikat saka tiningnan ang dalawa na nasa harap niya.

He growled loudly again and stepped back before running towards their direction. That was the two's signal to do their plans individually.

Pumunta si Kimberley sa kanan na bahagi ng halimaw habang nasa kaliwa naman si Rehan. The monster's axe targeted Kimberley but the girl were fast to avoid it.

Nang lumubog sa semento ang palakol, tumalon si Kimberley sa hawakan nito at ginawa itong tulay upang makaakyat sa kaniyang braso. Sinaksak niya ang braso nito at hiniwa habang tumatakbo siya paitaas.

That made the monster growled in pain. Kaagad niyang hinugot ang palakol saka inuga ang kaniyang braso, dahilan nang pagtalsik ni Kimberley. Pinanood ni Rehan na lumipad palayo ang babae saka siya napamura.

Siya naman ang sumubok na makalapit sa halimaw. Iniiwasan niya ang palakol nito na dapat ay tatama sa kaniya. No matter how gigantic this monster is, its speed is unbelievable. Isang maling galaw mo lang, maaari ka nang mahiwa sa dalawa. Kumikinang pa kasi ang blade ng kaniyang axe.

Kimberley hit a car when she fall. Tumama ang kaniyang likod sa bubong ng sasakyan kaya medyo napasigaw siya pero kaagad din namang tumayo. She jumped off the car and started running towards the monster again.

"Punyeta."

She even saw Azi and Nate starting to help Rehan too. Wow, parang wala lang nangyari laban sa pagitan nilang apat kanina.

Nate threw the chain he's holding and it immediately entwined on the axe, making the monster have a hard time axing the two men who's about to come. Malakas man si Nate, hindi rin maipagkakaila ang lakas na taglay ng higante kaya nahirapan siyang hilahin pababa ang palakol.

Nanlaki ang mata ni Nate nang bigla na lang may tumalon sa kadenang hinihila niya. His mouth went agape when Kimberley effortlessly made her way from the chain to the monster's arm again. She balanced herself well and her speed helped her do that.

"Tumalon ka sa balikat ko saka mo hiwain ang pusod ng halimaw." Rehan bended his knees when both of them found an opportunity. Tiningnan sandali ni Azi si Kimberley na tumutulay sa kadena saka siya tumango.

Tumakbo siya nang mabilis at kaagad na pumatong sa balikat ni Rehan, at nang makapatong, kaagad siyang tumalon nang mataas hanggang sa maging ka-level niya na ang pusod ng halimaw.

Nang makita niyang nakatawid na si Kimberley, hindi na siya nag-aksaya ng oras at kaagad hiniwa ang pusod ng halimaw. He sliced its navel in a cross way, earning a loud growl from the monster.

Nanlaki ang mata ni Kimberley nang sumigaw ang halimaw. She then jumped from the monster's arm and flipped until she landed on its head. Napangisi siya saka umupo sa ulo nito.

Sinaksak niya ang ulo nito kaya mas lalong umingay ang halimaw. Pumalag-palag na ito kaya wala nang nagawa si Kimberley kundi ang magpadulas. Mas lalo pang lumakas ang atungal ng halimaw habang dumadausdos si Kimberley pababa habang nakasaksak pa rin ang katana sa katawan ng halimaw kaya gumawa ito ng malaking hiwa.

Kimberley landed on one bended knee. Tumutulo ang dugo ng halimaw sa kaniyang katana. Tumingala siya sa halimaw at nakitang unti-unti na itong bumabagsak.

Dali-dali siyang tumayo at dumaan sa paa nito. Umikot siya saka hiniwa ang pareho nitong paa pagkatapos ay tumakbo palayo.

Tagumpay siyang ngumiti nang marinig niya ang pagbagsak ng katawan nito sa lupa. They defeated the monster. It didn't even took them time.

The three are waiting for her to come. Si Rehan na pinapagpagan ang kaniyang balikat, si Nate na inaayos ang kaniyang kadena at si Azi na nakahawak sa kaniyang tuhod.

Nang makarating si Kimberley, pinasadahan niya lang ng tingin sina Nate at Rehan pero kaagad naman siyang dumeretso kay Azi at tinanong ang kalagayan nito.

"Namali lang ng pagbagsak." Azi even chuckled to make her believe that he's alright.

"Patay ka na, pero nasasaktan ka pa din pala." Azi smirked at her.

"Sinong nagsabing nasaktan ako? Ayoko lang magalusan ang balat ko kaya ko tinitingnan kung ayos lang." Kimberley shook her head. Both Nate and Rehan are watching them but stopped when a bright light touches their skin.

Lahat sila ay napatingin sa harapan kung saan nanggaling ang maliwanag na ilaw. Naglakad sila papalapit habang ang kanilang mga kamay ay nasa kanilang mga noo para hindi gaanong masilaw.

"The Nyasaaa's eye." Rehan uttered. Narinig nilang tatlo ang sinabi ng lalaki ngunit walang nag-abalang magtanong kung ano 'yun. "The Alaric are now waiting for the four of us to come."

Kumunot ang noo ni Nate. "That's odd. They are letting no one to ever enter the eye."

"Maybe it was a trap." Azi talked also. "They wanted us to enter that for they thought, we were dumb enough to think that thing as the exit."

A trap?

Kimberley smirked. I think not.

"Saan ka pupunta?"

"Papasok. Kailangan kong makita ang nasa loob." Pinigilan ni Kimberley ang tangkang pagpigil sa kaniya ni Azi. Nang tingnan niya ang dalawa pa, nakatingin din ang mga ito sa kaniya. "You can stay here if you wan----,"

Kaagad niyang ibinato sa direksyon ni Nate ang kaniyang katana kahit hindi pa natatapos ang kaniyang sasabihin.

"Fuck!" It's good that Nate was also fast to avoid her move. He glared at Kimberley who's just frowning.

When he was about to lash out, Kimberley passed them and made her way to Nate's back. Doon, hinugot niya ang kaniyang katana na bumaon sa noo ng isang zombie na dapat ay aatakihin si Nate.

Lumuhod siya at tiningnan ang bangkay. Kumunot ang kaniyang noo nang may marinig na mga tunog hindi kalayuan sa kaniya. Her eyes then widen when she looked up.

Dali-dali siyang tumayo at tumakbo pabalik sa puwesto ng tatlo. Everything seems to be in slow motion when she shouted, "Run!"

Pagkatapos ng sigaw na 'yun, sunod-sunod na lumabas ang mga zombie mula sa dilim. They are numerous!

Nanlaki din ang mata ng tatlo saka tumalikod at tumakbo papunta sa malaking tarangkahan kung saan nagmumula ang liwanag.

The zombies are running towards them. Nakabuka ang mga bibig nito at malalakas na ingay ang pinapakawalan ng kanilang mga bunganga.

Pumosisyon sina Rehan at Azi sa harap samantalang si Nate naman ay hinintay si Kimberley na makapasok sa loob. Hinagis niya ang kaniyang kadena papunta sa zombie na dapat ay maaabutan na si Kimberley.

Nang makaapak si Kimberley sa liwanag, sunod-sunod naman ang pagdating ng mga zombie kasunod. Rehan and Azi was able to hit some of them.

Hiniwa ni Kimberley ang ulo ng isang nakalusot sa dalawa. Si Nate naman ay hahampasin ng kadena ang mga zombie o kaya'y pupuluputan ng kadena sa leeg saka ihahampas sa pader. Gamit naman ang kani-kanilang bakal, pinaghahampas nina Rehan at Azi ang ulo ng mga zombies.

"Kimberley!"

The girl keeps slicing the zombies but she was able to hear Rehan's voice. Lumingon siya dito at nakitang mabilis nitong pinapatay ang mga zombie.

"Tumakbo na kayo ni Nate sa loob! Kailangan niyong harapin ang mga Alaric!"

"How about---," Pinutol ng babae ang ulo ng isang zombie saka muling nagsalita. "---you? We can't leave you here!"

"Kaya na namin 'to! Kailangang may humarap sa mga Alaric kung hindi, patuloy lang nila tayong paglalaruan!" Umikot si Rehan saka tinusok ang dibdib ng zombie na lalapit pa lang sana sa kaniya.

"Rehan's right! Iikot at iikot lang tayo dito kung walang haharap sa kanila, so please! End this with Nate!" Azi talked then slammed a zombie to the wall. Sumirit ang dugo nito.

Kimberley frustratingly grabbed one zombie's neck and break it. Dinampot niyang muli ang kaniyang katana saka nilingon si Nate na noon ay nakatingin na din sa kaniya. Sandali pang inihampas ni Nate ang zombie na lumapit sa kaniya sa pader saka niya tinanguan si Kimberley.

When the girl also nodded her head, they both looked back on the two who are still busy with defending their selves.

Hindi na sila nagsayang ng oras at kaagad na pumasok sa loob ng mata ng Nyasaaa kung saan naghihintay ang posibleng kamatayan, at kaligtasan para sa lahat.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top