A E 12
"Welcome to Nyasaaa Corporation."
As he stepped his feet on the ground of Nyasaaa Corporation, Rehan roamed his eyes around. The sound of the chopper, the warm wind; he feels new. The environment made him smile.
Hindi katulad ng inaasahan niya, dalawang palapag na building lamang ang tumambad sa kaniya. Ngunit malawak ang lugar na ito. Nasa gitna ng dalawang matataas na bundok ang Nyasaaa.
"Follow us so we can show you how our company works." Tumango siya saka sumunod sa babae. Ang mga lalaking nakaitim ay nakatayo lang sa gilid. Yumuko ang mga ito nang dumaan ang doktora.
Kusang bumukas ang salamin na pintuan kaya bumungad sa kanila ang iilang mga nagta-trabaho dito. Halos lahat ay busy sa computers. Nakapagtataka lang dahil mga receptionist ang kadalasang makikita sa first floor pero dito, hindi. Hindi naman sila mukhang receptionist.
Habang nililibot niya pa rin ang paningin niya, hindi niya napansin na pumasok na pala sa loob ng salamin na elevator ang doktora at iilang mga tauhan nito.
Dali-dali siyang sumunod at mapagpaumanhin na tumingin sa babae, ngunit nginitian lamang siya nito. Inilagay niya ang kaniyang kamay sa harapan niya at pinanood kung paano pindot-pindutin ng isa sa mga lalaking nakaitim ang mga buttons.
Hindi nagtagal ay nagsimula na ring gumalaw ang elevator. Tiningnan niya lang ang paligid habang kinakalma pa rin ang sarili. Pababa ang elevator kaya nagtaka siya.
So, underground pala ang Nyasaaa? He thought of himself.
Mula sa mga salaming humaharang, kaagad niyang nakita ang iilang mga glass tube sa palapag na nasa ilalim lang ng palapag na pinanggalingan nila. May mga tauhan rin na nakasuot ng puti ang kumikilos do'n. He can even see some human inside the tube which sends waves of fear inside him.
"Don't be afraid, Rehan. They are safe, and alive." Napalingon naman siya sa babae dahil sa sinabi nito. Bahagya siyang napanatag dahil mukha namang hindi nagsisinungaling ang babae. "Well, at least for now..."
Sa sumunod namang palapag, madilim lang. Pero nakikita niya ang dalawang kahon na salamin. May taong nakakulong sa bawat box na 'yun. Hindi niya mapigilang kabahan nang magtama ang paningin nila ng isa.
Bahagya pa siyang napaatras nang tumayo ito at bumuka ang mga bibig saka hinampas ang sarili sa salamin. Gan'on din ang ginawa ng isa pang tao kaya kumunot ang kaniyang noo.
"Don't mind them. They are one of our patients who is sick mentally. We're still trying to know their sickness that's why we locked them there for observation." Doctor Layla explained.
Sa kasunod namang palapag ay isang silid muli na parang laboratoryo. May mga makina, may mga test tubes at iilang substances ang nakikita niya. Maliwanag sa silid na ito at may iilang trabahador na kinawayan pa sila.
"This is our laboratory. This is where we experiment different things, from microbiological creature, to the future medicines." Muling nagsalita ang doktor. "And they are the scientist. They help us in concluding our theories."
Hindi umimik si Rehan at pinanood lang ang mga likido na nakalagay sa Erlenmeyer. Merong pula, berde, asul, at kung ano-anong kulay, depende sa kung anong substance. This room looks so clean and untouched.
The next floors were just black, nothing but darkness. Hindi na ipinaliwanag ng doktor kung ano ang makikita dito dahil mukhang isa lang naman itong vacuum. Isang lugar na walang kahit anong matter. Parang outer space.
Hanggang sa tumigil ang elevator. Ang tunog ng pagbukas ng salamin ay maganda sa kaniyang pandinig. Bahagya siyang nangiti saka sumunod sa mga tao na lumabas.
"We are 120 feet below the ground, if you're ever wondering." The doctor looked at him and smiled when she saw how amazed he was.
Wow, para kaming nilibing nang buhay. He said in the back of his mind.
"Anyways, I'll show you your room first. You'll stay here for a while while we are still preparing you." Tumango siya at muling sumunod sa babae.
"Ano po bang ipapagawa niyo sa'kin? Maglilinis po ba ako ng laboratory? Mag-aayos ng mga sirang makina?"
Napatigil ang doktora sa sinabi ng binata at mayamaya lang ay bigla itong tumawa na siya namang ipinagtaka ni Rehan. Hindi siya nagbibiro kaya bakit ito tumatawa?
"No, dear. You won't do those thing anymore." Nabuhayan siya ng loob dahil sa wakas, hindi na maliit ang trabaho niya tulad ng dati. "Just think that what you're going to do is heroic."
Hindi niya alam pero may kung anong kumabog sa dibdib niya nang marinig ang salitang heroic. Parang hindi maganda ang kutob niya pero ipinagsawalang-bahala niya na lamang iyon. The money he'll get will give him the thing he wanted.
"How's my children?"
Dumating ang isang lalaking sa tingin ni Rehan ay nasa 50 na. Nakasuot pa ito ng mask at may gloves pa ang mga kamay nito habang nakasuot din ng hospital gown. If he is not wrong, this is also a doctor.
"Nate's state is getting better. All the test we've run to him is good." Tumango ang babae at napangiti mula sa narinig.
"And in Laelyn?"
"Her blood won't take the shots. Her body is also rejecting all the tests we've run to her. I am afraid that if we continue this experiment to her, her state will be fatal. Her life will be in danger."
Napahawak sa noo niya ang babae dahil sa narinig. Mukhang problemadong-problemado ito sa nangyayari.
"I think she is not compatible with CSQP4. Stop the experiment on her, and focus on Nate."
"What are we going to do with Laelyn?" The guy asked her.
"Try giving her another antidote, and make sure she's safe. Do your best."
Tumango ang lalaki bago bumaling ng tingin kay Rehan. He gave him a meaningful look before it disappears at his sight. Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng doktora.
"Anyways, follow me, Rehan. I'll show you your temporary room."
Days passed, Rehan missed his old life. Ilang araw na siyang nakakulong sa kuwartong ito. Kumpleto naman ang mga gamit niya ngunit hindi niya pa rin mapigilang makaramdam ng lungkot at pag-iisa. Bored na bored na siya; kailan ba magsisimula ang trabaho niya?
At para namang dininig ng langit ang mga katanungan niya dahil bumukas ang pintuan ng silid kung saan siya tumutuloy. Pumasok ang isang babaeng may hawak pang record book at may facemask pa, habang nakasuot naman ng nurse outfit.
"Ipinatatawag ka na ni Dra. Layla Perez."
Kinakabahan man, sumunod pa rin si Rehan sa nurse. He's wearing a white t-shirt and a pastel blue pajama. Ipinagsalikop niya ang kaniyang mga kamay at napansin niyang namamawis ang mga 'yun.
"Here he is, doctora." Itinuro siya ng nurse nang makapasok na sila sa isang silid.
Nang makita niya ang isang parang higaan na katulad ng makikita sa mga dental clinic, nakaramdam siya ng kakaiba. Bukod sa makinang nakaka-track ng heart rate, meron ding parang monitor sa tabi nito.
Kumabog ang dibdib niya nang makita din ang iilang syringe at mga gamit sa hospital na nakalagay sa tabi ng higaan.
Ooperahan ba ako nang buhay? Ibebenta ba nila ang lamang-loob ko kaya malaki ang ibabayad sa'kin?
"If you're thinking that we're going to sell your organs, drop it." Lumapit ang doktora sa kaniya habang natatawa. "This will be quick. All you have to do is to sleep, and let us do our jobs." Napalunok si Rehan saka muling tiningnan ang mga equipments na nakahanda na para sa kaniya. "But, if you decided to back out, it's okay. We are not forcing anyone to do experiments with----,"
"Do it. I'm willing." Rehan bravely said which earned applause from the doctor.
"Great! Now, get on that bed."
Agad naman siyang tumalima. Inihiga niya ang kaniyang sarili at ipinikit ang kaniyang mga mata. Naramdaman niyang nagsimula nang magsikilos ang mga tao doon.
Minutes after, he just felt something pricked in his arms. After that, he felt dizzy and sleepy. Bumigat ang ulo niya hanggang sa mawalan na siya ng malay.
The doctors immediately transfered him in a better equipment. Sa loob ng isang glass tube kung saan mas malinaw nilang makikita ang reaction ng ituturok sa kaniya.
The ZGRAGE must work on him. Sa ngayon, iisa pa lang ang Triclops na meron sila. The CSQP4.
ZGRAGE, NXBU1 and PVARM is still under expirement. If ever ZGRAGE works in Rehan, he'll be the second Triclops. Kapag naging successful ang bawat vaccine, maaari na nila itong ibenta pagkatapos ng Corona outbreak na ir-release nila sa taong 2019.
They only have 2 years to do experiments.
They must complete the Project Amdis before everything.
Nang maipasok na nila si Rehan sa loob ng malaking glass tube, sinimulan na nilang gawin ang ekspiremento. Doctora Layla pressed a button that's why a wire inside move.
Kaagad 'yung tumusok sa katawan ni Rehan kaya nagreact siya. Nanigas ang katawan nito at halata sa mukha ang sakit na dinadanas niya. Ilang mga wire pa ang tumusok sa kaniya bago ito natigil.
Mabibigat ang paghinga niya dahil sa sobrang sakit na naramdaman. Para siyang sinaksak sa iba't ibang parte ng kaniyang katawan.
But the suffering does not stop there.
Muling may pinindot ang doktora kaya nakita nila kung paano magmulat ng mata si Rehan. Nanlalaki ang mata nito at napabuka ang bibig.
Parang may dumaloy na kuryente sa buong katawan niya dahil sa nangyari. The ZGRAGE is entering his body now.
Napapalag si Rehan. Sumigaw ito nang sumigaw dahil sa sobrang sakit na kaniyang naramdaman. Nagsimula na ding lumabas ang mga ugat sa kaniyang braso, maging sa kaniyang litid.
"His heart rate is dropping, Madame." But the doctor pretended she hears nothing. Pinanood niya kung paano sumigaw sa sakit si Rehan nang may ngiti sa labi. "If we continue this, he'll di---,"
Hindi pa man natatapos ang sasabihin ng isa pang doktor, kaagad na tumunog nang matining ang makina, tanda na wala ng pulso ang binata. Nahinto na rin ang pagsigaw nito at nakapikit na ang mga mata niya.
Sunod-sunod na bumuntong-hininga ang mga tao sa loob. Isa na namang tao ang nasaksihan nilang mamatay, pero wala silang magagawa. They are just doing their jobs as worker in Nyasaaa.
"Experiment unsuccess---,"
Ngunit nagkamali sila ng inaakala. Dahil muling tumunog ang makina. Napaangat sila ng tingin at nakitang may pulso na ang binata! Gumuhit ang ngiti sa kanilang labi dahil do'n.
Nagmulat ng mga mata si Rehan habang hinahabol ang hininga. Sandaling nabalot ng itim ang buong mata niya at ng mga itim na ugat sa paligid nito.
He can hear his own heartbeat, sa sobrang bilis nito, para na itong kakawala sa kaniyang dibdib. Wala siyang maramdaman kundi ang pamamanhid ng kaniyang katawan at pagkahilo kaya muli siyang nakatulog.
"ZGRAGE is successful."
Ngumiti ang babaeng doktor saka tumayo. Tiningnan niya pa ang natutulog na si Rehan saka lumabas ng silid.
Finally, two more Triclops and they can start the biggest part of everything. Not long enough, the world will be theirs.
* * * * * *
mga satsat ng bubuyog:
i wrote a back story of Rehan on how he became a triclops para hindi kayo maguluhan kung paano, haha, baka sabihin niyo trip ko lang na gawin siyang kalaban. hindi 'no! nasa plot na 'yan kaya nga sabi ko, 'wag kayong ship nang ship dahil mad-disappoint lang kayo!
and I also mentioned here why Laelyn is not a triclops while she's one of the main character. ordinary person lang talaga si Laelyn, aside from anak siya ng isa sa mga scientist ng Nyasaaa
may questions ba kayo? try ko sagutin kaya drop lang!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top