A E 09
"Now, let's just go and continue our way. Nyasaaa wasn't that big, and if ever Kimberley is still alive, she or we, will find each other quickly."
Ilang segundo lamang nagtagal ang kakaibang mata ni Azi. Ang mga ugat na dumaloy sa kaniyang braso ay nawala din. He's back to his normal again.
Well, at least, for now.
Hindi nagsalita si Azi at kaagad na sumunod sa babae. Iniisip niya pa din ang kalagayan ni Kimberley pero mas lamang sa kaniya ang kaligtasan ng pamilya niya. Maybe Katarina is right. They will still find each other if ever Kimberley is still alive. She must be.
"Malapit na tayo sa gitna ng Nyasaaa. Kailangan mong ihanda ang sarili mo sa kung ano man ang puwedeng mangyari."
She's talking as if the center of the Nyasaaa will be their death. Hindi papayag si Azi na mamatay siya nang gan'on-gan'on lang nang hindi nakikita ang pamilya niya na ligtas.
"Ano bang meron do'n at parang takot na takot ka?" Napatigil sandali si Katarina sa tanong ni Azi pero sa huli ay tumawa din.
"Consider it hell, boy. Or think of anything that is more worst than hell, and consider it as the center of Nyasaaa." She's playing with words. It feels like she's giving him an answer but he can't consider as an answer.
What the hell. He didn't know that this girl is some sort of puzzle. Gustong-gusto niya bang makita ang mga kasama niya na mabaliw kaiisip?
"Do you know na nasa ilalim tayo ng lupa?" Mayamaya ay nagsalita na naman si Katarina. Nagulat man, hindi nagpakita si Azi ng kahit anong reaksiyon. "Hindi, 'di ba? Pero, oo. Nasa ilalim ng lupa ang Nyasaaa."
"Then, how are we going to get the fuck out here?" Umirap siya na siya namang ikinahalakhak ni Katarina.
"Well, the way is on the Nyasaaa's main building, or the center. Sa building na 'yun, merong 10 floors paakyat bago mo matatanaw ang kalupaan." Namangha pa si Azi sa sinasabi ni Katarina kaya napangiti siya. "Kada floor ng building, merong isang teknolohiya na liligawin tayo."
"Paanong ililigaw?"
"Halimbawa, gagawin nilang isang lugar sa Paris ang second floor. Ang kailangan mong gawin ay hanapin ang daan palabas do'n para makaakyat ka sa panibagong floor."
"What the heck, ang hirap naman no'n!"
"True, kaya kahit makatakas ka sa bases, maliit pa rin ang chance na makatakas ka sa Nyasaaa." Ngumiti nang nakakaasar si Katarina.
"You better be kidding me."
"I wish I am just kidding." Katarina rolled her eyes. "Anyways, sa unang floor naman ay walang gan'on na technology kaya kaya nating malusutan ang parteng 'yun ng gusali."
"Pagkatapos?"
"Pagkatapos, huhulaan natin kung nasaang base ang pamilya mo." Azi gave Katarina an unbelievable look but the girl's eyes are telling him that she's serious. "Merong apat na base ang Nyasaaa, or ang kanilang sister building. Do'n dinadala ang mga survivors na nar-rescue nila para pag-eksperimentuhan."
Oh, god.
"Nanggaling ka sa Base 1, kami naman ni Kimberley, nanggaling sa Base 2. Ngayon, saang base sa tingin mo napunta ang pamilya mo?"
Azi is clueless. Wala siyang matandaan na kahit ano na puwedeng makapagturo kung nasaan ang pamilya niya. He frustratedly bit his lips as if with that, he'll get an idea.
"Pupuntahan ko ang dalawang base." Bravely, Azi spoke which earns a clap from Katarina, which is obviously fake.
"Wow, brilliant!" She exclaimed and laughed. Seriously, Azi thinks that this woman he's with now is crazy. "Sa tingin mo ba, nasa iyo ang oras, Azi? Alam na nilang tumakas ka, maaaring maaapektuhan nito ang pamilya mo, kaya hindi puwedeng pabagal-bagal ka. Sige, baka bigla nilang patay----,"
"Hindi mamamatay ang kahit sino sa pamilya ko!" Muling umitim ang mata niya saka niya sinakal si Katarina. Hinawakan ng babae ang braso ni Azi para patigilin siya pero wala namang plano ang lalaki para tigilan siya.
"H-Hindi ako m-makahinga!"
"Hindi ka talaga makakahinga pa kapag inulit mo pa 'yang sinasabi mo." Binitawan niya si Katarina at pinanood niyang maghabol ito ng hininga habang nakaupo. Lumuhod siya sa harap nito at lumapit sa tainga niya. "Ngayon, tutulungan mo 'kong iligtas ang pamilya ko, o babaliin ko ang mga buto mo sa katawan."
"O-Oo na! T-Tulungan na kita..." Hawak-hawak pa rin ang leeg niya, tiningnan ni Katarina si Azi. Ang mata nito ay nababalot pa din ng itim at may ugat din na nakapalibot sa mata niya. "T-Tulungan na kita..."
Bumalik sa dati ang mata niya. Nawala na din ang mga ugat niya sa katawan. Nginitian niya ang dalaga at pinatong niya ang palad niya sa ulo nito.
"Good."
—— — ——— — ——
"Nasaang parte na ba ako?"
Kimberley is still puzzled on where she is. Ang alam niya, parehong sa gitna ng Nyasaaa ang katapusan ng dalawang daan. Ngunit nang nasa dulo na siya ng kanan na parte, meron na namang dalawang daan. Sa harap niya ay pader, at meron ulit dalawang daan. Parang letter 'T' ang parteng ito.
"Buwis---,"
Napatigil siya sa pagmumura nang may marinig na naman siya. Merong umuubo sa bandang kaliwa ng pasilyo.
Kumunot ang kaniyang noo saka ito sinundan. Mahina lamang ang ubong ito ngunit sapat para makarating sa pandinig niya.
Hindi kalayuan, may nakita siyang isang bakal na pinto. Nasa duluhan ito ng corridor kaya madilim, tapos kulay itim pa ang kulay ng pinto.
Nilingon niya muna ang kaniyang likuran saka siya dahan-dahang lumapit nang masiguradong ligtas. May makapal na kadena ang nakalagay sa pintuan, para bang sinigurado ng kung sino man ang gumawa nito na walang makakapasok o makalalabas mula sa pintong ito.
Sinubukan niyang hatakin ang kadena kaya gumawa ito ng ingay. Umikot ang kaniyang mata bago puwersahan hinila ang kadena.
Like what she's expecting, it will be destroyed easily. Hinatak niya ang kadena saka ito ibinagsak sa sahig. Pinagpagan niya ang kaniyang kamay saka sinipa palayo ang kadena.
Hinawakan niya ang hawakan ng pintuan at dahan-dahan itong binuksan. Agad na lumabas ang iilang liwanag na nanggaling sa loob ng silid.
Nagtataka, tuluyan niya nang binuksan ang pinto kaya bumungad sa kaniya ang isang kuwarto na napupuno ng mga karton at kahon na gawa sa kahoy.
Ang manilaw-nilaw na ilaw ay sinisilaw siya ngunit nagawa niya pa ding ilibot ang paningin sa paligid.
"Sinong nandiyan?"
Napatigil siya nang marinig ang pamilyar na boses. Mula sa kaniyang kinatatayuan, naririnig niya ang mababa nitong paghinga at ang tibok ng puso nito.
Naglakad siya palapit sa direksyon na pinagmumulan ng pintig ng dibdib ng taong naririto. Naririnig niya din ang iilang daga na naglalakad sa paligid pero hindi niya na 'yun pinagtuunan ng pansin.
What's important for her now is to confirm her hunches.
Posible kaya 'yun? Na nakaligtas siya?
Ilang hakbang pa ang ginawa niya bago niya tuluyang makita ang isang babae na nakaluhod sa sahig habang nakatali ang mga kamay.
Bagamat nakayuko, kaagad niyang nakilala kung sino ito. Gumuhit ang ngiwi sa labi niya nang makita ang kalagayan ng babae. She's wet! Literally! Ang dami niya ding pasa!
What the hell happened to her? She thought by herself.
Humakbang pa nang ilang beses si Kimberley hanggang sa nakatayo na siya sa harapan ng babae. Ang laki na din nang pinayat niya.
"You know, whoever you are---,"
"This is me."
Nanlaki ang mata ng babae nang marinig niya ang boses na 'yun. Lumunok siya ng laway saka naglakas loob na mag-angat ng tingin.
Tinatakpan ng babaeng nasa harap niya ang ilaw kaya hindi niya malinaw na nakikita ang mukha nito. Hanggang sa ang babae na mismo ang lumuhod din para magpantay ang paningin nila.
The girl is smiling at her. Kahit na puno ng dugo ang mukha at buhok nito, nakilala niya pa din ang babae.
"Kimberley... buhay ka nga..."
Tumawa si Kimberley sa reaksyon ng babaeng kaharap niya. Lahat na lang ata ng kakilala niya, nagugulat na buhay siya.
Dapat ba akong mamatay kaya nagugulat silang buhay pa din ako hanggang ngayon?
"Alive and healthy," Ngumiti siya nang malapad. "Laelyn."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top