A E 08

"Finally."

Matapos gilitan ni Kimberley ng leeg ang isang zombie, napaupo siya sa sahig. Tiningnan niya ang dinaanan niyang ngayon ay puno na ng mga bangkay ng zombie. Nagkalat ang dugo sa sahig, ang ilang ulo ng mga bangkay ay gumugulong pa.

Naghalo ang dugo at pawis niya sa kaniyang katawan at damit. Ang kaninang puting-puti na kasuotan ay nadungisan na ng pulang likido. Maging ang kaniyang kamay at mukha ay natalsikan ng dugo.

Hinihingal niyang ipinunas ang kaniyang duguan na kamay sa telang suot niya saka pinunasan ang pawis na tumutulo sa baba at noo niya.

Paano siya nakarating dito?

Habang nag-aaway ang dalawa, sina Katarina at Azi, narinig niya na naman ang boses sa isip niya na sinasabing sa kanan siya dumaan. Maging siya, sa kanan din ang gustong tahakin na lugar kahit pa dinig na dinig niya ang sigaw ng kamatayan do'n.

Tiningnan niya muna ang dalawa bago tahimik na nilakad ang kaliwang pasilyo. Sana naman ay hindi siya mapansin para tahimik niyang maharap ang kung ano mang nasa pasilyong ito. She can sense that something is here, and that's what she's going to find out. That something.

On her way, kaagad niyang nasalubong ang bilang nga mga zombies. Nawalan ng ekspresyon ang mukha niya at naramdaman niya na lang ang pagdaloy ng kung ano sa katawan niya.

Her face turned dark and her eyes turned black. Lumabas din ang isang ngising demonyo nang hugutin niya ang kaniyang katana.

Sabay-sabay na sumugod ang mga zombie. Tama nga ang sinabi ni Katarina. Mas mabibilis sila kumpara sa mga normal na zombie na una nilang nakalaban sa labas ng organization.

They can even punch, or avoid your attacks. Their smell is a lot awful, too. But she show no fear at all. It's as if her enemy was nothing.

Well, at least, compared to her.

Hiniwa niya ang katawan ng babaeng zombie na sumugod sa kaniya kaya nahati ito sa dalawa, saka niya sinipa ang ulo ng isa pang zombie na kaagad namang humiwalay sa katawan nito.

Hinuli niya ang leeg ng isa pang zombie saka niya dinukot gamit ang kamay ang dibdib nito na tumagos naman sa isa pang zombie. Wasak ang dibdib ng dalawa nang bitawan niya.

Gamit ang katana niya, hiniwa niya ang leeg ng tatlong zombie na dapat sana'y aatakihin siya. Kasunod no'n ay ang pagtusok niya ng katana sa noo ng isa pang zombie.

Tumalsik ang mga dugo sa kaniya at sa sahig, ngunit natutuwa siyang makita kung paano sumirit ang mga likidong ito mula sa katawan ng mga bangkay.

Nagpatuloy ang pagdanak ng dugo sa pasilyong 'yun. Mabilis ang mga kilos ni Kimberley kaya wala man lang nakakalapit na zombie sa kaniya. Parang bihasang-bihasa na siya sa ginagawa niya.

"Fucking bitch." Dinakot niya ang ulo ng isang zombie at habang pumapalag pa ito at pilit siyang inaabot, inumpog niya ito sa pader nang ilang beses hanggang sa madurog maging ang bungo nito.

Hindi pa siya nakuntento at habang hawak niya pa ang buhok, inangat niya ito sa ere at kaagad pinutol ang ulo. The zombie's body fell on the ground while Kimberley is still holding its head.

Binato niya ang ulo nito sa isa pang zombie na susugod na dapat. She executed almost half of the zombies' number in this area.

Umangat ang tingin niya sa iba pang pasugod na zombie. Kaagad niyang inihagis ang kaniyang katana papunta sa mga ito kaya kaagad naputulan ng ulo ang iilan sa kanila.

Tumakbo siya sa pader at dumaan din siya sa kisame kaya nasa ilalim niya ang mga zombie habang inaabot siya. Hinugot ang kaniyang katana sa noo ng isang bangkay saka siya bumagsak sa lupa.

Ngayon, nasa gitna na siya ng kumpol ng mga zombie. Tumayo siya at nagsimulang hiwain lahat ng lumalapit sa kaniya kaya mas lalong dumami ang sirit ng dugo na napupunta sa kaniya. Para na siyang naliligo ng dugo dahil sa kalagayan niya ngayon, pero imbes na matakot, mas lalo pa siyang ginanahan.

Hiwa lang siya nang hiwa sa mga laman at ulo ng mga ito. Nakikita niya kung paano unti-unting nagtutumbahan ang mga kalaban sa harap niya. With her speed, the katana seems like an invisible blade who penetrates anyone who crosses to it.

And that's how she managed to survive the waves of Voodoos.

Bumuntong-hininga siya saka napagdesisyunang tumayo. Bumalik na sa normal ang mata niyang kanina lang ay puro itim.

Kailangan niya nang magpatuloy para mabilis siyang makarating sa gitna ng Nyasaaa. Hindi na siya makapaghintay na makaharap ang mga nagsimula ng lahat, at nagtapos ng lahat.

She can't wait to see the people behind her mother's death.

Nagsimula na siyang muling maglakad habang pinapadausdos ang tulis ng katana sa sahig, sanhi ng isang tunog na masakit sa tainga.

—— — ——— — ——

"Hindi siya sumunod sa'tin."

Napakamot sa kilay si Azi sa sobrang inis. Gusto niyang sumigaw ngunit pinigilan niya ang kaniyang sarili.

"Kahit kailan talaga..." Napakatigas ng ulo ng batang 'yun. Ginagawa niya lang kung anong gusto niya.

Saan naman nila hahanapin 'yun ngayon?

"Saan ka pupunta?" Tumaas ang kilay ni Katarina nang maglakad si Azi papunta sa direksyon kung saan siya nanggaling. "Babalikan mo si Kimberley?" Nakakaasar pa siyang tumawa.

"Baka kung mapaano 'yun, hindi ko siya puwedeng pabayaan." Tumalikod si Azi ngunit napatigil din nang dugtungan ni Katarina ang kaniyang sinabi.

"At paano ang pamilya mo?" Agad siyang humarap kay Katarina at sinamaan ito ng tingin, ngunit ang babae ay nagpanggap na hindi nakita ang reaksyon niya. "Pa'no kung may mangyari sa'yo habang hinahanap mo siya? Paano na ang pamilya mo?"

Sumandal si Katarina sa pader saka sumipol na siyang ikinainis ni Azi. Tama siya. Kailangan din siya ng pamilya niya, pero paano naman si Kimberley? Ilang beses niya nang iniwan ang kaibigan niya.

"Okay lang naman kung gusto mong iligtas si Kimberley." Humarap ulit siya kay Azi saka siya binigyan ng seryosong tingin. "Pero walang iiyak... kapag nakita niya ang sarili niyang pamilya na wala ng buhay at kontrolado na din ng mga Alaric."

Napatigil siya dahil sa huling sinabi ni Katarina. He turned his fist into ball. When Katarina saw his reaction, she smirked.

Nakita niya kung paanong ang mata ni Azi ay maging itim.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top