A E 06

"You're also here. I thought..."

Azi feels bad about thinking of Kimberley being dead so he didn't continue what he's about to say. What important is, they saw each other!

Isa pala siya do'n sa mga taong nakatakas.

"Nagtagumpay pala kayong makaiwas sa mga zombies. Mabuti naman." Maliit na ngumiti si Kimberley at tiningnan ang likuran ni Azi, tila may hinahanap. "Nasaan ang iba?"

Doon na natahimik si Azi. Ang kaninang nakangiti niyang mukha ay napalitan ng malungkot na mga mata. Umiwas siya ng tingin sa babae at bahagyang tumawa pero hindi bakas ang tuwa do'n.

"No'ng malapit na kami sa labasan ng Safe, may nakasalubong kaming mga tao."

He started reminiscing what happened that day before they get here.

"Kailangan kong balikan si Kimberley. Pagkarating natin sa dulo ng Safe, maghanap kayo ng matataguan hanggang sa may dumating na saklolo, okay?"

Habang tumatabakbo, nagsalita si Azi. Sinundan ito ng pag-angal ng mga kasamahan niya. Halata sa mukha ng mga ito ang hindi pagsang-ayon sa plano ni Azi.

"Nawala ka na ba sa katinuan mo? Paano ka nakasisigurado na buhay pa si Kimberley? Madaming zombie ang sumunod sa kaniya!" Riggs got his point when he said that.

Nakita niya mismo sa sarili niyang mga mata kung gaano kadami ang zombie na nasa likod ni Kimberley no'ng mga oras na 'yun. Maaaring makalayo siya ngunit makaligtas? Walang kasiguraduhan.

"Shit..."

Naiinis siya. Nag-guilty siya.

Habang tumatakbo sila papalayo sa kamatayan, ang isang kaibigan naman nila ang tumatakbo papunta sa kamatayan para lang makaligtas sila.

"Sorry, pero gusto ko lang sabihin sa'yo na hindi mo maililigtas ang lahat, Azi." Hinawakan ni Beal ang kaniyang balikat kaya napatingin siya do'n. "Sa panahon ngayon, kailangan na nating tanggapin na may mga tao talagang kailangang magsakripisyo para may mailigtas."

Napabuntong-hininga na lang siya at tumango. He silently say sorry to Kimberley, and wished that she can somehow survive.

Sana muli silang magkita.

Nagpatuloy sa pagtakbo ang pamilya hanggang sa matanaw nila hindi kalayuan ang malaking parang tunnel. May mga nagkalat din na kotse sa harapan nito at medyo mahamog pa.

"I think we already reached the Safe's end." Nangibabaw ang boses ni Finlay. Ramdam na ramdam na ang pagod sa kanilang lahat pero bakas pa rin ang saya nila dahil pagkatapos ng lahat, makalalabas na din sila sa loob ng impyernong ito. 

Binilisan pa lalo nila ang kanilang takbo. Habang palapit sila nang palapit, may nakikita silang iilang anino na nakatayo sa duluhan.

Kumabog ang dibdib ni Azi sa hindi malamang dahilan. Basta, masama ang pakiramdam niya sa mga ito. Medyo bumagal ang pagtakbo niya pero hindi naman ito napansin ng mga kasamahan niya.

"May mga tao!" Sumigaw si Beal sa sobrang tuwa nang makitang may nag-aabang na mga tao sa dulo ng Safe. "Tulong! May mga survivors dito!"

Mukhang natunugan ng mga taong 'yun na may padating kaya umayos sila ng tayo. Nag-usap pa silang dalawa gamit ang kanilang mata. Nang tumango ang isang lalaki, naging signal na 'yun sa isa pa para kunin ang kaniyang walkie-talkie para ipaalam sa mga nasa itaas.

"Four people. A woman and three men."

"Check them."

Nakalapit na sila sa mga taong nasa dulo ng Safe. All of them are wearing completed personal protective equipment. May mga hawak din silang baril na kasinghaba ng mga braso nila.

Agad silang dinaluhan ng ibang mga sundalo at kaagad silang binigyan ng inumin habang chine-check ang temperature ng katawan nila. Tinutok sa noo nila ang thermometer.

Pagkatapos no'n ay tumango sila at mukhang naintindihan naman ng leader nila. Ngunit may isang nanahimik habang nakatingin pa rin sa thermometer.

Ang taong nasa harap ni Azi.

"What's happening?" Another man approached him. Tumingin sa kaniya ang lalaki at pinakita ang thermometer.

"I think, mine is not functioning well."

Walang lumalabas na temperature sa thermometer na ginamit kay Azi. Napansin ni Azi na may mali kaya lumapit siya sa dalawang sundalo na noon ay napatingin din sa kaniya.

"Is there any problem? Come on, we have to get out of here immediately." Azi complained. He's just holding to the thin piece of patience inside him to stop his self from doing anything.

"I'm sorry for the trouble, but can we repeat the temperature checking?" Azi made a mental note not to lash out because of what he heard. He pursed his lips and put his hands on his waits before nodding.

"Sure. No problem." He released a sigh before he watch the man get another thermal gun.

Lumapit naman si Beal kay Azi nang mapansin ang hitsura nito. Tinapik niya ang balikat nito at binigyan ng nagtatanong na mata ang lalaki.

"Anong nangyayari, Azi?"

"Sira daw ata ang thermal gun na nagamit sa'kin. They have to repeat. Don't worry, it'll be fine."

Mayamaya lang din ay bumalik na ang lalaki bitbit ang bagong thermal gun. Tinutok niya ito sa noo ni Azi at sandali pa silang naghintay.

Pinanood niya ang reaksyon ng lalaki habang tinitingnan niya ang resulta. Kumunot ang noo niya nang makita ang pagkabahala sa mukha ng lalaki.

"What now?"

"Uh, nothing. Clear! Flat 37 degrees!"

Umalis ang lalaki sa harap niya ngunit nanatili ang tingin ni Azi do'n. He narrowed his eyes because of what he's acting. Naputol lang 'yun nang kalabitin siya ni Finlay at ituro ang isang chopper na hindi man lang niya naramdamang lumapag.

"Kailangan na daw nating sumakay bago pa dumating ang iilang zombie." Tumango siya sa bata saka inalis ang pagkakakrus ng braso niya. Maglalakad na sana siya paalis nang muling magtama ang paningin nila ng taong kumuha ng temperature niya.

He seems worried at the same time, confused. Hindi niya na lang pinansin ang kakaibang ikinikilos ng lalaki dahil tinatawag na siya ni Beal.

Inalalayan sila ng dalawang tao para makasakay sila sa chopper. Malakas ang hangin at nakabibingi ang tunog ng elisi kaya hindi niya marinig kung anong sinasabi ng dalawang taong nag-uusap. Ang driver at ang leader ng troop sa Safe.

Minsan pa ay tinuturo nito sila at ang ginagawa lang ng driver ay tumango nang tumango. Iniwas niya na lang ang kaniyang paningin dahil medyo nakakaramdam siya ng hilo.

Nang tingnan niya ang kaniyang mga kasamahan ay pare-pareho na silang tulog. Napalunok siya ngunit wala siyang magawa dahil nanghihina ang kaniyang katawan.

Ngunit bago pa man siya tuluyang lisanin ng malay, nakita niya ang isang larawan na magdadala ng takot sa kaniya.

Isang bungo na may pulang mga mata at may nakasulat na 'N' sa bandang noo.

Nyasaaa Corporation.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top