A E 05
"Wow, where did you get that outfit?"
Nang lumabas si Kimberley, nagulat pa si Katarina nang makitang iba na ang suot niya. She's now wearing a white top and white under-gears. Lumalabas lang ang maliit na bahagi ng puson at bewang niya. Her hair is wet too, para siyang naligo sa loob ng banyo!
"Meron diyan sa loob, kuha ka." Tinuro ni Kimberley ang banyo kung saan siya nanggaling. Pagkapasok niya sa banyo kanina, kaagad napukaw ng closet na 'yun ang atensiyon niya.
She chooses white because black is cliché.
Inayos niya ang buhok niyang nakalugay. Nakakapanibago pa rin ang maikli niyang buhok. She'll sue the who one cut her hair.
Pinanood niyang pumasok sa loob si Katarina. Sinandal niya ang likuran sa puting pader at nilibot ang paningin sa paligid. Sobrang liwanag sa paligid, at puro puti. Tiningnan niya din ang mga sulok-sulok para tingnan kung may mga camera ba na nandito.
A smile was plastered on her lips when she saw one. Kung ordinaryong mata lang ang titingin, hindi ito kaagad mapapansin dahil limitado ang kulay na kayang makita ng mga tao.
The color of their camera is tricky. Nakakamangha ang nararating ng mga tao sa teknolohiya at siyensiya. Pinakatitigan niya ang camera habang may ngisi pa rin sa labi.
On the other hand, the man who monitors every move at the Nyasaaa noticed her. Nakilala niya ang babaeng nasa tapat ng camera sa Sanitizing Area.
She's one of those defiers.
He turned his fist into ball when the girl wave her hand as if teasing them. Ang mata ng babae ay sandaling nabalot ng itim habang hindi pa rin naaalis ang ngisi niya.
The monster is her.
Mas lalo pang kumuyom ang kamao niya nang bumaba ang kamay ni Kimberley. She then looked back with the other girl she's with. Nagsasalita ito pero halata namang hindi nakikinig si Kimberley.
Pasimple ulit siyang sumilip sa camera. Nagsimulang mabahala ang nagmamasid nang bumuka ang bibig nito na para bang may sinasabi siya.
"What the fuck is she saying." He turned the mic on the exact area for him to hear their conversation.
"We have to leave before it's too late. Sure by now that Kieran are on their way here." That's what he heard from Kimberley.
Parang nag-iba ang katauhan niya habang kaharap ang kasama niyang babae. Napasandal siya sa swivel chair niya at napahawak sa baba habang inoobserbahan ang dalawa. Pinanood niya kung paano tumakbo ang dalawa hanggang sa tuluyan silang mawala sa monitor.
Sigurado siyang may mali.
Her behavior is suspicious.
Tumayo siya sa upuan niya habang may tanong pa ring umiikot sa isip. Nakakunot ang noo niya at pinipilitik ang mga daliri habang nakatingin sa malayo.
Napailing na lang siya bago tuluyang nilisan ang silid kung nasaan ang mga monitor.
"Release the Voodoo." He ordered the man on the other line. "Make sure to put them near the Weapon Area. They're on their way there."
"Copy."
- - - - - - - -
"Err, which way..."
Napahinto ang lalaki mula sa pagtakbo nang makita ang dalawang magkaibang daan na nasa harap niya. Parehong maliwanag ang daan kaya hindi niya maaninag kung nasaan ang ligtas at nasaan ang kapahamakan.
Napahawak siya sa strap ng bag niya sa balikat saka napalunok ng laway habang pinag-aaralan at sinusukat ang mga posibilidad. Pinunasan niya din ang iilang butil ng pawis na namuo sa noo niya. Naghahabol pa siya ng hininga dahil malayo-layo din ang tinakbo niya.
Sa kaliwa...
He flinched when he heard a tiny voice. It was his own voice that he heard. But he didn't talk! He didn't even thought of going to the left.
He roamed his eyes around thinking that he's just being paranoid. Well, sinong hindi mapa-paranoid kung ganito na ang kalagayan ng mundo, hindi ba.
They are coming...
Again, the little voice lingered. Hindi nagtagal ay nakarinig siya ng iilang yabag. Mabibigat na yabag kaya nasisigurado niyang malapit lang ang mga ito.
Wala siyang nagawa kung hindi ang takbuhin ang kaliwang daan, katulad na rin ng sinabi ng maliit na boses sa isip niya.
Tumakbo siya nang tahimik habang nililingon pa din ang likuran niya. Kahit na malayo na siya, naririnig niya pa din ang yabag nila. Nakapagtataka dahil wala namang nakasunod sa kaniya pero ang tunog ay malapit lang.
'Wag kang titigil...
Nagpatuloy siya at sinunod lang ang sinasabi ng munting tinig sa isip niya. Sa ngayon, ang kailangan niyang gawin ay makalayo sa mga taong humahabol sa kaniya. Kung tao man sila.
Hindi nagtagal ay nakapasok siya sa isang malawak na silid. Maliwanag din dito katulad ng nasa labas pero mas tahimik. Wala kang maririnig na kahit na anong tunog.
Inayos niya muna ang strap ng bag na bitbit niya habang nililibot ang paningin sa paligid. Kailangan niyang makasigurado na ligtas nga ang lugar na ito para sa kaniya.
Weapon Area.
Kung hindi siya nagkakamali, ito ang lugar na 'yun. Medyo matagal na din kasi siya sa lugar na 'to kaya may alam na din siya sa pasikot-sikot. Ilang beses na nga niyang sinubukang tumakas pero walang nangyayari.
Sinusubukan niya ding hanapin ang pamilya niyang nakulong dito sa loob kaya siya tumakas. Kailangan niyang makita at mailigtas ang pamilya niya.
Naglakad lang siya paikot habang pinapakiramdaman pa rin ang paligid. Pabilog ang silid na ito at may iilang divider at shelves ang nandidito kung saan nakalagay ang mga iba't ibang uri ng baril at espada.
Matataas na kalidad ng baril ang nandirito. Mula sa pinakamaliliit, hanggang sa pinakamalalaking baril. Kinuha niya ang isang handgun at nilagay ito sa bewang sakali mang may mangyari.
Sunod naman niyang kinuha ang isang hand riffle. Dalawa ang kinuha niya para mas malaki ang chance na ma-protektahan niya ang kaniyang sarili.
Napatigil lang siya nang makarinig ng iilang yabag ng tao. Malakas ang mga ito. Apat na paa, kung hindi siya nagkakamali. Humarap siya sa pinto dahil doon banda nanggagaling ang tunog.
"Shit..."
Itinago niya ang sarili sa likod ng isang divider at hinintay na pumasok ang may-ari ng mga yabag na 'yun. Nanlalamig ang kaniyang kamay dahil sa kaba.
Dalawa ang may-ari ng mga yabag. Ngunit nakapagtataka.
Iisa lang ang naririnig niyang tibok ng puso.
Dapat dalawa din ang tibok ng puso na naririnig niya kung dalawang tao nga ang papalapit dito. Sinubukan niyang pakinggan ulit ang paligid ngunit gano'n pa din.
Dalawang naglalakad, ngunit isa lang ang buhay.
"Dito, dito. May pinto."
Nadinig niya ang boses ng hindi pamilyar na boses ng babae. Kasunod no'n ay ang pagbukas ng pintuan sa silid kung saan siya nagtatago.
Nang sumarado, ilang segundo pa siyang nakiramdam bago siya dahan-dahang tumayo at lumabas. Itinutok niya ang baril sa dalawang babae na noon ay nagulat sa presensiya niya.
"What the..."
Nagtama ang mata nila ng isang babae. Kilala niya ang isang 'to! Bumuka ang bibig nila pareho dahil sa hindi inaasahang pagkikita.
"Kimberley... Buhay ka."
Malawak na ngumiti ang lalaki at ibinababa ang baril na hawak niya. Sumalamin naman ang ekspresyon niya sa ekspresyon ni Kimberley.
They smiled at each other. Who would've thought.
"Azi..."
——————————
A/N: update ako kapag naka-5 chaps ulit! mwah! love you all!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top