A E 02

"Tama ba 'tong daan natin?"

Habang naglalakad sila sa isang tahimik na pasilyo, hindi mapigilang magtanong ni Katarina sa kasamha. Nagpapatay-sindi ang pulang ilaw sa parteng ito ng lugar kaya medyo masakit para sa mata niya.

Huminto si Kimberley sa paglalakad para tingnan ang kasama. Pinangunutan niya ito ng noo na para bang may sinabi itong katangahan na siya namang ikinataas ng kilay ng isa.

"Kararating ko lang sa lugar na 'to, paano ko malalaman kung tama?" sabi niya saka nagpatuloy sa paglalakad habang pinapakiramdaman ang paligid.

"Wow, you can't really answer in a nice way."

"If you were less dumber, maybe I can answer you nicer."

As what they are expecting. The two of them, being with each other means chaos. They can't just be together.

Hindi na nila pinansin ang isa't isa at nagpatuloy na lang sa paghahanap ng maaring maging daan nila palabas sa organisasyong ito.

Samantala, lingid sa kaalaman ng dalawa, may pares ng mga mata ang kanina pa nagmamasid sa kanila. Mga pares ng paang tahimik na sumusunod sa kung saan man sila pupunta. Pinapanood kung paano sila magtalong dalawa.

Napangisi ito. Alam niyang kapag nagpatuloy ang dalawa, maaari silang mahuli ng mga Kieran. Pinaglaruan niya ang kutsilyo sa kamay saka nagsimulang tumalikod.

"These stupid rats will put their selves in danger. I would love to watch it."

The Kierans didn't stop looking for them. Alaric, or the one who's heading the organization are pissed. They can't let a patient escape. They might be a threat to everything.

Everything they started will be ruined if they didn't find that patient.

"Sir, Base 1 reported that another patient escaped too." Mas lalong uminit ang ulo ng lalaki sa ibinalita ng tauhan na 'to.

Sinilip niya ang monitor na nakatapat sa Base 1. From there, she saw the girl they just catch last day escaping with one more girl. Napahigpit ang kapit niya sa hawakan ng upuan niya saka pilit kinalma ang sarili.

Why does it have to be her? He thought. She is a total threat. She can't be outside especially the he is also out there. Nagsimulang dumagundong ang dibdib niya sa isipinh 'yun. If ever, they might end everything. Both of them will leave the plans wrecked.

"Do everything for them not to cross the red line."

- - - - -

"Tanga, mali 'yan. Nakita ko na sa mapa 'to, dead end na 'yan diyan."

Kimberley looked at Katarina because of what she said. This side is a bit darker so, it is safe for the both of them. Hindi sila makikita ng kahit na sino.

"Okay, saan tayo ngayon dadaan?"

"Hmm, wait, isipin ko lang."

Ume-echo ang boses nila habang nag-uusap. Para silang nasa loob ng isang tunnel na gawa sa bato. May tubig na din sa inaapakan nila kaya kapag naglalakad, gumagawa ito ng tunog na para silang lumulusong sa baha.

"Dumeretso lang tayo. Ang alam ko, pagkatapos ng bridge, makakarating tayo sa Base D2. Ang target natin ay ang red line."

Tumango siya. Nakuha niya na agad kung ano ang meron sa red line. Malamang, 'yun ang exit, kaya hindi na siya nagtanong.

Kung susukatin ang layo ng Base D hanggang red line, meron pa silang kalahating oras para maglakad. Hindi pa kasama do'n ang posibilidad na may makakalaban silang Kieran. It might took them hours for them to reach the exit.

Nagsimula na ulit silang maglakad. Hindi dapat sila nagsasayang ng oras lalo na't alam nilang anumang sandali, maaaring may magpaputok sa kanila ng baril.

"Stop right there."

Napatigil ang hakbang nila pareho nang lumutang ang isang malalim na boses. Kaagad na nilibot ng kanilang mga mata ang paligid at hinanda ang sarili sa anumang posibleng sumugod sa kanila.

"Wow, hindi ko naman inaasahan na ganito nila tayo kabilis matutunton."

"Tanga ka kasi, ang bagal mo."

They both rolled their eyes at each other. From the flickering lights, they saw a shadow of a man standing not too far from them. Nakatayo lang ito pero ramdam mo ang bigat sa presensiya nito kaya naman mabilis na nagbago ang ekspresyon ni Katarina. Samantala, nanatili namang walang reaksyon si Kimberley. Hindi man lang ito nagulat na may sasalubong sa kanila.

Nagsimulang humakbang papalapit ang anino sa kanila kaya bahagyang napaatras si Katarina. Matunog naman na ngumisi ang lalaki dahil sa nakitang reaksyon sa isang babae.

"You know, I am not just going to stand here forever and let you stop us," Kimberley uttered.

"Do something, then. Make me disappear." His smirk grew wider as he said those words. Satisfaction is written all over his face as he watch how the girl's expression turned harder.

Nagtagisan ng tingin ang dalawa kahit na hindi malinaw na nakikita ni Kimberley ang mukha ng lalaki. Pamilyar ang bulto nito at para bang nakita na niya ito dati pa. Hindi niya lang maalala kung nasaan.

Naputol lang ang titigan nila nang makarinig si Kimberley ng mga yapak. Mahihina lamang ang mga ito pero alam niyang malapit lang ito sa kanilang puwesto.

Ibig sabihin lang no'n ay mahuhuli na sila kung hindi pa sila makakaalis.

"Tumakbo ka na, magkita tayo mamaya."

"Paano ka?"

"Tantanan mo 'ko sa ka-plastik-an mo, alam kong magf-fiesta ka kapag napahamak ako dito."

"Masama ako, pero hindi ako demonyo." Umirap si Katarina sa kaniya. "Pero correct ka sa magpapa-fiesta ako if ever mapahamak ka."

She didn't listen to the girl's whatabouts and just pushed her. Napasigaw naman ang babae dahil sa biglaang pagtulak sa kaniya ni Kimberley pero wala na siyang nagawa kundi ang magpatuloy sa pagtakbo.

Kailangan may makaalis sa kanila dito para humanap ng maaaring hingian ng tulong.

Naiwan sina Kimberley at ang lalaki. Ngayon, magkaharap na silang dalawa. It looks like they are having a secret conversations through their senses.

"Ano nang gagawin mo ngayon? Mag-isa ka na naman." Nakakaasar ang malaki nitong boses. Imbes na matakot siya, mas lalo lang siyang naiirita.

"Just shut up, and fight me."

Hindi na nagsayang ng segundo si Kimberley at kaagad na sumugod sa lalaking noon ay nanatili lang na nakatayo. Tumatalsik ang mga tubig na tinatakbuhan ni Kimberley, na siyang gumagawa ng ingay sa loob ng tunnel.

Nang dadapo na sana ang kamao niya sa mukha ng lalaki, kaagad itong napigilan ng kamay niya. Naging matunog ang pagngisi nito saka unti-unting naramdaman ni Kimberley ang unti-unti nitong pagpiga sa kamao niya.

Napasigaw siya sa sakit pero kaagad niyang sinipa ang tuhod nito kaya nabitawan niya ang kamao niya. Napaatras si Kimberley at napahawak sa noon ay namumula niya ng kamao.

Sa lakas ng kalaban niya, kung hindi kaagad siya nakaalis, malamang madudurog ang buto niya. Bumalik ang tingin niya sa lalaki at nakitang inuunat nito ang binti niya.

At least, she caused him damage. Fair.

"Your kick is impressive. Pretty impressive."

Hindi niya na nasundan ang sumunod na nangyari. Masyadong mabilis ang mga bagay. Mabilis na kumilos ang lalaki, at mabilis itong nawala sa paningin niya.

Lumingon-lingon siya sa paligid. Ang tunog ng kilos na ginagawa nito ay kumakalat kaya hindi niya malaman kung saan eksaktong posisyon ito.

Before she realize it, she just felt a cold air touched her skin, and before she even knew it, a hard fist landed at her stomach, making her threw on the ground.

Hindi pa man siya nakakabawi, kaagad niyang naramdaman ang pagtama na naman ng mabigat na bagay sa kaniya kaya muli siyang tumalsik sa pader ng tunnel. May lumabas na dugo sa bibig niya at kaagad niya 'yung nalasahan.

Nahilo siya sa mga tamang natamo niya dahil ayaw niya mang sabihin, nasa ibang lebel ang lakas ng kalaban na 'to. He's not a human, and what he does is not humane.

Pagkamulat niya ng mata, bumungad sa kaniya ang lalaki na nakatayo sa harap niya. Hinihingal man, nagawa niyang mag-angat ng tingin ngunit ikinubli pa din ng dilim ang mukha nito.

"Fuck you..."

Nadinig niya ang pagtawa nito bago ito lumuhod sa harap niya. Napapikit siya nang sabunutan siya nito at tinagilid ang ulo. Pagkatapos, naramdaman niya ang malamig nitong hininga sa kaniyang leeg.

"Remember me, Kimberley. We've met before, and we will meet again and again, until you finally defeated me."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top