XXX

Chapter 30
#WWSwp

Hinatid ko na lang si Rider hanggang gate, wala naman 'to sa plano pero sumunod na lang ako kasi ayoko rin naman mag-tantrums ngayon dahil mas lalo lang mahihirapan si Rider. Kailangan ko magpakabait kasi nga kinukuha nga namin loob ni Mama.

"Uy, okay lang talaga ah," paninigurado ko pa ulit kay Rider. Tumango siya at nginitian ako. Guguluhin niya sana ang buhok ko pero pinigilan niya ang sarili niya at hinaplos na lang bahagya ang pisngi ko.

"Ingat ka, text mo ako kapag nakauwi ka na, ay hindi, tawagan mo pala ako." Natawa siya pero tumango rin naman siya bago siya sumakay na sa sasakyan niya kaya kumaway na lang ako hanggang sa mawala ang sasakyan niya sa paningin ko.

Okay lang naman sa akin na dito muna ako sa bahay, wala naman akong pasok bukas tsaka may mga gamit din naman ako dito pero medyo kinakabahan talaga ako at napapaisip kung ano ba talaga pinag-usapan ni Rider at Mama.

Pagpasok ko nasa sala si Mama hawak ang tablet niya. Kinuha ko ulit ang bag ko at akmang aakyat na sa kwarto ko nang pigilan ako ni Mama.

"Umupo ka dito," utos niya. Ah okay so turn ko naman ngayon na kausapin niya, kaya pinag-stay niya ako rito?

Sumunod naman ako sa kaniya at umupo sa kaharap na sofa. Sumulyap siya sa akin pero binalik din agad ang tingin sa tablet niya. "Kailan pa siya nanliligaw sa 'yo?" Teka, hindi ko rin alam kasi hindi ko naman alam na nanliligaw pala siya. Kanina ko lang nalaman! Hindi ba niya tinanong si Rider niyan? 'Di ako prepared, Ma.

"Mga buwan na rin yata," sagot ko. Inisip ko na lang na nag-umpisa siyang nanligaw no'ng first time ko manood ng laro niya this season.

"Sa Puerto Galera daw kayo nagkakilala." Hindi ko mawari ang tono ni Mama pero bahala na, sasagutin ko na lang nang totoo anuman ang itanong niya since 'yon naman ang goal e, 'yung hindi ito itago kay Mama.

"Opo." Hindi ko alam kung matutuwa siya doon dahil nagkakilala kami ni Rider no'ng sinuway ko siya. Parang it feels so wrong yet so right, kaloka!

"Matagal na pala, ba't ngayon ka lang nagsasabi?" Hindi naman pagalit ang pagkakasabi ni Mama pero ang seryoso kaya medyo kinakabahan na ako.

"Siyempre, tinignan ko muna kung worth it ba sabihin sa 'yo," pag-amin ko. Napasulyap naman si Mama sa naging sagot ko pero hindi siya nagsalita parang inaantay niya pang i-expound ko ang sinasabi ko.

Huminga ako nang malalim at pinag-isipan mabuti kung magiging 100% honest na ba ako kay Mama. Pero naisip ko dapat lang, para talagang clean slate kami ni Rider. Nagawa na ni Rider part niya, kailangan may ambag din naman ako.

"Sa totoo lang Ma, hindi naman si Rider ang unang lalaki sa buhay ko," panimula ko. Hindi ako makatingin nang deretso kay Mama, pinaglalaruan ko lang ang kamay ko.

"Pero hindi ko sinabi sa 'yo kasi parang hindi sila worth it sabihin sa 'yo, baka kapag dinala ko sila sa 'yo maisip mo na hindi pa talaga ako matured na pwedeng mag-isa."

"Like nakita ko 'yung signs na hindi sila maganda para sa akin pero tinuloy ko pa rin, nagbulag-bulagan pa rin ako." Overwhelmed ako no'n na magkaboyfriend, na makafeel ng kilig, maging in a relationship, first kiss, first love, first holding hands, first date, lahat gusto ko ma-try.

"Pero natuto na ako, 'yun naman kasi ang point ng mga pagkakamali, 'yung matuto ka sa mga pinaggagagawa mo, 'yun 'yong gusto ko maintindihan mo, Ma." Ito yata ang pinakamahinahon ko sa lahat ng times na ginusto kong maintindihan ako ng Mama ko. Lagi kasing nauuwi sa away e.

Gusto ko na talaga makipagbati kay Mama. Hindi lang para kay Rider, para sa akin din siyempre parang magandang opportunity na rin 'to para gawin iyon.

"No'ng nakilala ko si Rider sa Puerto Galera, tinakbuhan ko 'yon, iniwasan ko siya hanggang dito sa Manila kasi nga ayoko na maulit 'yung mga mali ko dati." Napasulyap ako kay Mama pero hindi naman siya nakatingin, hawak na niya ngayon ang tea cup niya at pinaglalaruan ang tea bag no'n pero pakiramdam ko naman nakikinig talaga siya sa akin.

"Pero na-realize ko, iba naman siya sa mga nakaraan ko na at hindi lang naman panahon ang nagbago, pati rin naman ako nagbago."

"Ma, bigyan mo 'ko ng chance para patunayan na hindi ko naman sisirain buhay ko once payagan mo ako mag-decide para sa sarili ko, nagsasawa na rin kasi ako na magkaaway tayo e."

"Gusto ko lang normal tayo," dugtong ko pa.

"Si Rider, dinala ko siya dito kasi worth it siyang ipakilala sa 'yo kahit kinakabahan kami pareho alam kong hindi ka makakaramdam ng masama sa kaniya, gano'n ako ka-sure sa kaniya. Worth it siya Ma, feeling ko nga ako 'yung hindi deserving para sa kaniya." Napatingin si Mama nang sabihin ko 'yon tapos nangunot pa ang noo niya.

"Pero ginagawa ko naman 'yung best ko para maging deserving," pahabol ko pa. Madalas napapaisip din talaga ako kung ano bang nagustuhan ni Rider sa akin. Wala namang kakaiba sa akin, normal lang naman ako samantalang siya wala akong maipintas sa kaniya.

"Anong sinasabi mo diyan? Ikaw lang nag-iisip niyan. Tignan mo kaya sarili mo, Qiana," pagalit ang boses ni Mama pero para akong maiiyak.

Compliment ba 'yon?

"Aba dapat lang ligawan ka no'n," pahabol pa ni Mama.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mama. "Payag ka na?" Usapan kasi kailangan ko muna grumaduate, e feeling ko nabudol ako kasi 6 years ang dentistry, ibig sabihin matagal pa bago ako grumaduate so matagal pa bago ako pwede mag-boyfriend kaya talagang nakakakaba para sa akin 'to.

Pero wala e, lakas ni Rider sa akin.

"Tignan natin, pero ang sabi ko dapat dito ka liligawan," nangunot ang noo ko.

"Ma, hindi naman ako dito nakatira ngayon," sagot ko.

"Edi dito ka tumira," masungit na sagot ni Mama pero hindi ko na pinansin kasi masungit na talaga siya at wala na akong magagawa doon, ang mahalaga payag na siya.

"Ang layo," reklamo ko.

"Ikaw na lang doon sa apartment," alok ko pa kay Mama kaya noo naman niya ngayon ang nangunot.

"Wala ka namang kasama dito e, may amiga ka namang malapit doon." Hindi nakapagsalita si Mama. Feeling ko nabigla siya kasi inaya ko siya sa apartment ko e kaya nga ako nag-apartment para makalaya sa kahigpitan niya.

Pero desidido na rin ako na ayusin ang relasyon namin ni Mama. Ayoko 'yung thought na ganito na lang kami habang buhay.

"Gagawin mo lang akong taga-linis ng madumi mong apartment," inis na sagot niya. May lahi nga yata talaga kaming OA kasi hindi naman madumi sa apartment ko, aba kung madumi doon hindi ko papauntahin si Rider doon no!

"Medyo lang e," biro ko kay Mama. Tumawa pa ako nang kaunti na agad kong pinigilan kasi baka magalit siya pero nang makita kong sumilay ang ngiti sa Mama ko, tuluyan na akong umiyak.

***

Sa apartment ko talaga nag-s-stay si Mama ngayon, evicted tuloy ako sa sarili kong kama dahil sa sahig ako natutulog.

Medyo okay na kami ni Mama ngayon, sakto lang. Hindi naman kasi overnight magiging iba lahat, hindi pa kami umaabot aa closeness na tabi kami sa kama kaya ayan, sa sahig ako ngayon. Hindi pa rin kami laging nag-uusap ni Mama pero tina-try ko na tanong-tanungin siya sa kahit ano lang para makapag-usap kami. Awkward pa rin kasi minsan.

Ang mahalaga, pareho naman kaming nag-ta-try. Hindi ko alam anong pinag-usapan nila ni Rider pero kung anuman 'yon thankful ako kasi feeling ko nakaapekto rin 'yon kay Mama.

Si Rider, nanliligaw sa apartment. As in 'yung traditional ligaw na pupunta siya sa bahay may dalang bulaklak at kung anu-anong pagkain kahit hindi naman kailangan. Kapag aalis kami, nagpapaalam pa siya kay Mama.

Minsan ang date namin sa apartment lang din, kasi pareho kaming may ginagawa.

Okay din 'yon kay Mama, 'yung kapag nag-aaral lang kami ng sabay. 'Yung magkasama lang kami pero may kaniya-kaniya kaming school requirements. Nakikita niya kasi ma hindi talaga sagabal na nagliligawan kami sa pag-aaral ko.

Nagtatanong pa rin si Mama about grades ko, napapansin niya pa rin kapag may mga bumaba pero ang napansin ko, pinapansin niya na rin ang mga tumaas. Dati kasi puro pintas lang talaga siya sa mga subject na bumaba.

Improvement din 'yon.

Nagulat pa nga si Kuya one time nang pumunta siya dito nang walang pasabi na si Mama ang nagbukas ng pinto para sa kaniya. Hindi tuloy siya nakatakas sa sermon ni Mama dahil hindi na talaga umuuwi si Kuya sa bahay nang magkatrabaho, gets naman kasi may trabaho na nga siya and may jowa pa.

Baka nga sooner or later mag-asawa na 'yan bigla e. Kaya sabi ko rin sa kaniya kapag magpagdesisyunan niya na mag-aasawa na siya, dalasan na niya umuwi sa bahay.

"Ma, manonood kami ng laban nila Rider ngayon," paalam ko kay Mama. Finals na kasi ngayon kaya gusto ko manood ng live, hindi pwedeng sa TV lang ma-fu-frustrate ako!

"Sino kasama mo?" tanong niya agad.

"Si Zoe." Kilala niya na si Zoe, kasi isa pa 'yon na pumunta dito nang walang pasabi kaya ayan mga nagugulat. Kabado nga rin si Zoe kasi sobrang intimidating daw talaga ang aura ni Mama.

Wala naman akong narinig kay Mama about kay Zoe, siguro tina-try na niya talaga na magbago sa aspect na iyon o baka approve lang talaga si Zoe sa kaniya. Pero never naman kasi nagka-approve kay Mama na friend ko before kaya baka tina-try na niya talaga na 'wag na maging judgmental ngayon.

"Anong oras ka uuwi?"

"Hindi ko sure kung anong oras matatapos laro e, text kita. Hindi naman siguro kami gagabihin." Natahimik lang si Mama nang ilang segundo bago siya huminga nang malalim at tumango na lang.

Siguro dapat may sasabihin pa siya pero since tina-try nga naming ayusin ang relationship namin, pinag-iisipan na niya mabuti ang sasabihin sa akin. Gano'n din naman ako.

After ko magpaalam kay Mama ay pumunta na ako sa unit ni Zoe dahil sabay kaming pupunta.

"Pinayagan ka?" agad na tanong niya nang papasukin niya ako sa unit niya. Tumango naman ako.

"Grabe, naninibago ako ah," sagot niya. No'ng naging friends kami ni Zoe, hindi naman naging hadlang si Mama kasi nga nakabukod na ako ng tinarahan that time. So kapag napapagtripan namin kumain sa labas o mag-mall ay nakakasama naman ako palagi, minsan nga ako pa nag-aaya. Pero siyempre, nakukwento ko pa rin sa kaniya 'yung mga nangyari no'ng high school ako since feeling ko 'yon ang pinakamalala.

"Ako rin, pero masaya talaga ako." Pakiramdam ko kasi hindi na ako laging takas. This time free na talaga ako, hindi 'yong ako lang 'yong pumipilit na malaya ako kahit hindi naman talaga.

Wala na ring guilt sa sarili ko kapag aalis ako o ano. Hindi pa rin naman ako pinapayagan ni Mama sa lahat. Hindi pa ako pwede mag sleep over palagi, minsan lang dapat unless kay Zoe lang dahil napakalapit lang naman no'n.

Siyempre, bawal din ako gabihin sobra lalo na kung kasama ko si Rider at bawal ako maglasing tsaka manigarilyo. Uminom, oo pero malasing bawal. Gets ko 'yon kaya sinusunod ko talaga.

"Masaya rin ako para sa 'yo no! Ang tagal mo ring rant 'yan ah." Natawa ako dahil totoo 'yon. Kung hindi kayla Rylie ko binubuhos ang sama ng loob ko kay Mama noon, kay Zoe ko sinasabi.

Hindi ko pa rin naririnig ang salitang sorry kay Mama pero feeling ko malapit ko na marinig, siguro bumebwelo lang siya.

Okay lang one step at a time kaysa wala 'di ba.

Nang makarating kami sa venue ay tinext ko agad si Rider na andito na ako. Iniwan ako ni Zoe dahil pinapapunta siya ni Teigan doon sa entrance nila, sinasama nga ako ni Zoe kaso umayaw ako kasi hindi naman ako dapat andoon, hindi naman ako player e.

Fr: Rider
Saan ka?

To: Rider
Andito pa sa may labas, bibili muna ako pagkain. Ang mahal kasi ng pagkain sa loob!

Bawal kasi magpasok ng pagkain sa loob dahil may sarili silang tinda kaso ang ginto naman! Napakatubong lugaw kaya kakain na ako ngayon para may energy na ako mamaya at hindi ako mapagastos ng malaki.

Fr: Rider
Wait mo ko diyan

To: Rider
Bakit? Baka pagkaguluhan ka pa

Wala naman sa akin kung maraming magpapicture sa kaniya kaso siyempre baka mapagod na siya kaagad, hindi pa nga start ang laro.

Fr: Rider
Need to see you before game

Sino nanamang tanga ang kinilig? Edi siyempre ako!

Hindi pa rin kami ni Rider dahil nga kaka-approve lang naman ni Mama sa kaniya kaya sabi niya liligawan niya daw muna ako pati ang Mama ko bago niya ako tanungin. Sabi niya hanggang end ng season lang naman daw tapos ihanda ko na raw ang sagot ko.

As if naman hindi niya pa alam 'di ba.

To: Rider
Sino ba naman ako para ipagkait yan hahahaha

Hinintay ko na lang siya sa may waiting area doon habang kumakain ako ng siomai. Ang daming nagkalat na mga tao kasi siyempre finals e.

RVU vs West Hill ang finals ngayon, marami pa lang nag-aabang ng laro na 'to?

Sabagay, ano bang alam ko e nanonood lang ako kapag may kakilala akong naglalaro. Tapos kapag nanonood pa ako hindi ko pa masyado pinapansin ang mga kalaban, doon lang ako sa player na sinusuportahan ko. Sorry naman.

Tina-try ko naman intindihin ang mga nangyayari kaya nga pinapakinggan ko kapag in-e-explain sa akin ni Zoe e. Medyo dedicated naman ako dito kahit hindi talaga ako marunong maglaro.

Sandali lang ang hinintay ko nang makita kong nag-jo-jog na si Rider papunta sa kung nasaan ako. Palinga-linga pa siya, may mga lumapit sa kaniya pero nginitian niya lang at pinagpatuloy ang paghahanap sa akin kaya tinaas ko ang kamay ko.

Ngiting-ngiti naman siya nang makita ako at timabihan ako sa kung saan ako nakaupo.

"Okay na? Nakita mo na ako," bungad ko sa kaniya. Tumango naman siyang parang bata.

Tinignan ko ang relo ko at medyo marami pang oras bago ang start ng laro kaya siguro may oras pa siya na puntahan ako.

Tumayo ako sa likod niya, tatayo na rin sana siya pero pinigilan ko. Kumuha ako ng itim na sanrio sa bag ko at binraid ang buhok niya.

Mahaba ang buhok niya pero hindi to the point na pangbabae siya, parang malago na hanggang batok gano'n lang pero tinry ko pa rin ang best ko na i-braid kahit 'yung gitna lang. Normal na tirintas lang naman iyon.

Pero pagtingin ko sa kaniya ay natawa ako kasi para siyang bata na may puno sa ulo.

Agad ko siyang pinicturan at nag-peace sign naman siya. Ang cute talaga.

Hindi niy tinanggal ang pagkaka-braid ko kahit nagmukha talaga siyang bata at nag-thank you pa siya.

Tumayo na rin siya after dahil babalik na daw siya doon dahil baka magalit coach nila kaya sabi ko papasok na rin ako sa loob.

Pabalik na siya nang tawagin ko siya ulit. Kaya napalingon pa siya sa akin.

"Good luck," sabi ko, muntik ko na kasing makalimutan.

Nag-wave na ako sa kaniya bago tumalikod.

"Qiana," pagtawag niya rin sa akin kaya natawa ako at lumingon rin sa kaniya. Hindi kami matatapos nito katatawag sa isa't isa.

Tinaasan ko siya ng kilay, ngumiti naman siya sa akin.

"I love you." Nangiti ako sa sinabi niya.

It's the first time.

My mom warned me about so much things but she never warned me about a 6'3 volleyball player, RVU's setter, and a 4th year MMA student named Rider.

But I'm not complaining because falling in love with Rider is something I'll never regret.

And that's for sure.

___

Up Next: Epilogue












Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top