XXVI

Chapter 26
#WWSwp

Kanina pa ako lutang sa klase, buti na lang nakailang practice din ako sa bahay ng activity namin kaya kahit lutang ako nagawa ko naman nang maayos ang activity namin sa lab kaya hindi ako napagalitan. Madalas kasing may napapagalitan sa amin, hindi naman ako exempted doon. Nasabihan na ako na paano daw ako umabot ng 4th year kung pagca-carve lang e hindi pa maayos.

Tingin ako nang tingin sa oras tapos kinakabahan pa ako. Siguro start na ng game ngayon. Hindi kasi ako nakapanood nang live o kahit man lang sa TV dahil nga may pasok ako. Wala pa akong karamay dahil wala si Zoe at nasa training.

Ano na kayang nangyayari? Gusto ko na sumilip sa phone ko kaso baka pagalitan ako ng prof namin. Hindi pa naman magandang timing ngayon na mapagalitan.

Matindi naman ang tiwala ko sa RVU pero mas nakakakaba pala kapag hindi ko alam kung ano na ang nangyayari, very crucial pa naman ng laro ngayon kasi 3rd game.

Kung sino man ang mananalo sa game na 'yon, pasok na sa finals.

Sana talaga makuha nila 'yon. Sobrang magiging masaya si Rider kapag nakapasok sila kasi 'yun 'yong first time na makakapasok sila ng finals sa playing years niya.

Natapos na ang klase namin pero may next class na agad pero hindi naman na laboratory kaya pwede akong sumilip sa phone ko.

Tinanggal ko na ang labgown ko at kung anu-ano pang suot ko na pang laboratory lang. Inayos ko na rin ang mga gamit ko at dali-daling lumabas para lumipat ng room.

Nagtingin agad ako ng live sa facebook at nanood. Nasa second set na pala. Ang bilis naman! Akala ko kauumpisa pa lang.

Kuha ng EIU 'yung first set pero lamang ang RVU ng second set. Grabe!bakit naman lagi na lang nakakakaba ang mga laro? Kailangan laging intense? Hindi ba pwedeng 'yung sure win naman?

Sabagay, lahat naman ng mga iyan, kahit ano pang school e matindi talaga ang training. Tapos 'yung training pa everyday kahit na wala pang PCAA season talagang puspusan talaga ang paghahanda.

Paano ba nila nagagawa 'yan?

Ako nga pagod na ako sa pag-aaral e tapos hindi pa ako araw-araw nag-aaral!

Tina-try ko mahanap si Rider kaso ang likot no'ng cameraman. Wala ba silang fan cam dito? Parang sa mga kpop lang para naman makita ko si Rider. Kaso if ever na may ganoon sa mga larong ganito kawawa naman ang mga cameraman sa likot ng mga athlete. Paano pa kaya kapag basketball player? Takbo nang takbo. Baka wala pa silang nakukuhang magandang nangyari ay hinihingal na sila.

Pinipigilan ko mapatili dahil nasa classroom na ako, baka sabihin pa nila nabubuang na ako o 'di kaya mabwisit sila sa akin kasi ang ingay ko, ang iba pa naman sa kanila ay nag-aaral. How I wish na parte ako ng mga taong 'yon pero hindi e.

Pinagdikit ko talaga nang matindi ang mga labi ko para hindi mapatili nang makapuntos ang RVU. At sa wakas naifocus din ang camera kay Rider.

May tinitignan siya sa bandang taas habang nakapamewang siya at medyo nakalabas pa ang dila niya habang hinihingal.

Grabeng pagsubok naman 'to sa akin, buti na lang wala ako mismo sa venue dahil hindi ko alam ang mararamdaman ko kapag nakita ko 'yan nang live.

Pinakita siya ulit ng camera habang may pinag-uusapan sila ni Teigan tapos sumesenyas-senyas pa sila.

Tutok na tutok pa ako sa cellphone ko nang halos mapatayo ako sa upuan ko nang makuha ng RVU ang 2nd set. Thank you Lord, sagarin niyo na po sana hanggang 3rd set.

Ang saya pa ng panonood ko kaya lang dumating na ang next na professor namin. Siguro, konting konti na lang, malapit ko na i-cut 'to para manood ng laban pero alam ko naman na hindi rin naman magugustuhan ni Rider kung hindi ako papasok para lang mapanood siya at ayoko rin naman gawin 'yon.

Lagi kong iniisip na estudyante muna ako bago ang kahit na ano. Pagiging dentistry strudent na nga lang ang pwede ko ipagmalaki tungkol sa sarili ko e tapos mag-cu-cut classes pa ako, aba hindi naman yata nakakaganda 'yon.

Kaya ang masasabi ko lang sa mga kabataan ngayon, magsipasok kayo sa mga klase niyo.

Pinilit ko makinig sa prof namin dahil hindi lang ako nakikinig para sa sarili ko, nakikinig din ako para sa frenny kong si Zoe. Nagsusulat din ako ng notes para naman may magawa akong maganda sa buhay ko at sa buhay niya. Hindi naman ako inutusan ni Zoe pero nakasanayan ko na rin kasi, alam ko naman kasi na kahit mahal niya ang volleyball, may mga times talaga na nahihirapan siyang isabay iyon sa pag-aaral niya. Kaya kung saan man ako pwedeng makatulong sa kaniya, ginagawa ko para kahit papaano mas mapadali siya.

After ng klase namin na 'yon, bumili muna ako ng kape kasi antok na antok ako sa buhay ko. Hindi ko pa chineck ang ganap sa laro dahil kinakabahan pa ako. Mas lalo akong kakabahan sa kape pero kailangan ko talaga dahil may susunod pa ulit akong klase.

Sa vending machine lang naman ako bumili ng kape, nag-charge na rin ako ng phone ko. May halong nginig pa bago ko tinignan ang twitter hashtag. Hindi na ako manonood ng live dahil lowbatt na nga ako.

Uulitin ko na lang sa bahay ang buong laro mamaya pag-uwi ko.

Kalahating pikit at kalahating mulat ang mata ko ng pindutin ko ang hashtag tungkol sa laro ngayon.

Congrats, RVU!

RVU VS WEST HILL FOR FINALS

Galing RVU!!!

Let's go RVU

Sa wakas RVU for Finals na ulit!

Hindi ko na napigilan ang mapatalon nang makita ko ang mga tweets. May mga dumadaan pa namang mga estudyante habang andito ako sa charging station. Na-we-weirduhan na siguro sila sa akin, pero okay lang 'yan kasi hindi naman nila ako kilala.

Nagtext agad ako kay Rider siyempre tsaka sa mga kapitbahay ko.

To: Rider
I TOLD YOU! CONGRATULATIONS SA INYO 💙💙💙

Fr: Rider
Congratulations sa atin, Qiana 💙

***

Sobrang gaan na ng pakiramdam ko sa mga sumunod na classes ko. Sobrang motivated ko rin na para bang hindi lang 'yung phone ko ang na-charge, kung hindi pati ako na rin.

Tuwang-tuwa din si Zoella kahit na nasa kalagitnaan pa yata 'yon ng training at nag-break lang sila sandali.

For sure sobrang saya rin talaga ng buong RVU community kasi matagal na talaga ever since umabot sila ng finals kaya talagang iba 'yung pakiramdam ngayon na nakaabot sila to think na umabot pa ng 3rd game bago sila nakapasok ng finals.

Magkatext lang kami ni Rider habang naglalakad ako palabas ng campus. Medyo late na natapos ang class ko kaya padilim na rin.

Nagugutom na rin ako kaya napapaisip na rin ako kung ano bang masarap kainin ng dinner. Medyo feel ko gumastos dahil feeling ko deserve ko kahit wala naman akong ginawa, sila Rider naman ang nanalo, hindi naman ako pero dahil feeling ko 'yung success niya ay success ko na rin, feeling ko deserve ko ng reward.

Speaking of reward.

Bakit may reward na agad na nakaabang sa akin sa may gate?

Nanliwanag talaga ang mukha ko at hindi ko na napigilan tumakbo para yakapin siya na akala mo naman magjowa kaming LDR na ngayon na lang nagkita.

Agad din naman niyang nilaglag ang duffel bag niya at sinalubong ang yakap ko. Binuhat niya pa ako nang bahagya.

Naramdaman ko ang tingin ng mga estudyante na kumakain sa may mga tusok tusok na nakacart sa may tabi pero wala kaming pakielam.

Nang bumitaw kami sa yakap ang lawak ng ngiti niya habang hawak niya ang dalawang kamay ko pero nangunot ang noo ko.

"Bakit naka-jersey ka pa?" tanong ko. Naka-jersey pa kasi siya, as in 'yung attire niya pa yata 'yan kanina. E kanina pa 'yung game, gano'n ba katagal ang meeting nila kanina?

"Sinadya ko," sagot niya. Agad akong napairap. Ang hirap talaga kapag na-e-expose ang kahinaan ko sa kaniya, masyadong ginagamit aganist me.

"Ah gano'n?"

Natawa naman siya. "Bago 'to, nakaligo na ako," depensa niya sa sarili niya. Kaya pala ang bango-bango niya no'ng magkayakap kami, muntik na ako mapaisip kung shower gel ba ang pawis niya kasi ang bango kahit hindi pa siya nakakapagbihis pero nakaligo naman na pala.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa para naman hindi sayang ang pananadiya niya na puntahan ako nang nakajersey pa 'di ba?

"Okay, pasado," sabi ko pa pagkatapos ko siya tignan. Nagstart na kami maglakad sa kahabaan ng West Ave para maghanap ng kakainan dahil mabait ako, ililibre ko siya dahil ang galing niya.

"May gayuma ba 'yang jersey niyo?" biro ko habang nagdadaldalan kami at naglalakad sa kahabaan ng West Avenue.

"Mayroon, umeffect na ba sa 'yo?" tanong niya pa.

"Tagal na," sagot ko naman kaya napahinto siya sa paglalakad. Napatingin ako sa kaniya at parang gulat pa ang itsura niya.

Seryoso ba siya?

Best in pahalata nga ako tapos hindi niya gets na may gusto ako sa kaniya? Ano 'yon kapag lowkey inaasar niya ako about sa feelings ko sa kaniya dinadaan niya lang 'yon sa lakas ng loob?

"Feel ko nga, wala sa jersey niyo 'yung gayuma kasi parang wala ka namang suot na pantaas no'ng nagayuma ako." Pinipigilan ko ang tawa ko dahil sa itsura niya. Nakaawang ang bibig niya at napapabilis ang pagkurap niya.

Parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya magawa.

"Kaya kita iniwasan no'ng sa Puerto Galera kasi natakot ako kasi nga na-fe-feel ko na na magkakagusto ako sa 'yo." This time seryosong sabi ko na sa kaniya.

Narealize ko kasi na hindi ko pa pala na-explain sa kaniya talaga 'yung nangyari sa Puerto Galera. Kung bakit iniwasan ko siya tapos tinakbuhan at tinaguan para lang hindi magtama ang landas namin dito sa Manila.

"Simula kasi bata ako, takot na ako magkamali. Tapos no'ng tumanda ako puro na lang mali nangyayari kaya natakot ako, parang gusto ko muna magpahinga sa mga palpak na choices ko sa life in general." Dinadaan daanan lang kami ng mga tao but I couldn't care less kasi 'yung titig ni Rider sa akin nakakalunod, hindi ko alam ano bang naiisip niya sa ngayon pero gusto kong sabihin sa kaniya habang andito na rin lang kami at nasimulan ko naman na.

"Pero ewan ko ba, pagdating sa 'yo pakiramdam ko sa wakas tumama na rin ako." Hindi ko naman in-e-expect na mapapaamin ako sa araw at oras na 'to at dito pa sa kalsada pero dapat naman din alam niya kung saan ba ako tungkol sa aming dalawa.

Rider's face softens as he caressed my cheeks and smiled at me while nodding na para bang sinasabi niya sa akin na he heard me, na naiintindihan niya at nakikinig siya.

"I was also scared." Napunta ang kamay niya galing sa pisngi ko hanggang pababa sa kamay ko.

We started walking again papunta sa hindi ko na rin alam kung saan. But I didn't know that walking along West Avenue could be this calming.

Extra maganda ba ang weather ngayon? Ano ba ang weather forecast for today?

Extra shiny din ba ang mga stars ngayon? Naagaw na ba nila ang spotlight sa polusyon na agaw eksena?

"It was scary for me that I constantly think about a woman I just met."

"That I'm attracted to a woman I barely know." 

"That I'm already scared of not seeing her again."

Hindi ako nakapagsalita kasi siraulo lang ang makakapagsalita after niyang sabihin 'yon. Obvious naman 'di ba na shookt ako malala sa sinabi niya.

Kaya naman pala no'ng nasa Puerto Galera kami, he keeps asking kung magkikita pa ba kami sa Manila. Ganiyan pala kasi iniisip niya.

Siyempre hindi naman ako aware that time, I was thinking about my own feelings no'ng mga panahon na 'yon.

"Bakit hindi ka nagmessage?" I asked.

"I just thought na tapos na e, baka hanggang doon lang talaga, panandaliang attraction lang." Tumango ako kasi ganoon din naman naisip ko na kapag bumalik na sa Manila, tapos na.

Iwan na lahat sa Puerto Galera ang nangyari, kahit na 'yung kung anuman ang mangyari sa aming dalawa that time.

"Naisip ko, attraction lang 'yon. Normal lang 'yon katulad ng pagkakaroon ng crush." Thinking about Rider Francisco Matias having a crush on me is very nakakaganda!

Dzai, kung pwede lang ipatarpaulin 'yon na parang kapag nakapasa ng board exam, gagawin ko.

"'Yung crush mong nakita mo sa mall na alam mong hindi mo na ulit makikita?" biro ko. Pero I swear may mga nagiging crush ako sa mall o kahit sa jeep nga lang na susulitin ko na lang ang pagtingin kasi alam kong hindi ko na siya makikita ulit at malabo na mangyari 'yon. Tapos sa mga sususnod na araw mayroon na ulit na bago na gano'n nanaman ang mangyayari.

"Oo gano'n," natatawang pag-sang ayon niya sa akin.

Huminto lang kami sa paglalakad nang makarating kami sa isang waiting shed. Medyo maraming tao na nag-aantay ng sasakyan. Rush hour na rin kasi.

"Alam mo noon 'di ba feeling ko palagi naman kaming talo, palagi naman akong talo kahit anong gawin ko," naramdaman ang paghaplos ng hinalalaki niya sa kamay ko habang doon siya nakatingin.

"Pero kapag sa 'yo ewan ko ba, feeling ko panalo ako." Umangat ang tingin niya sa mata ko nang sabihin niya iyon.

Napangiti ako kaya ngumiti din siya hanggang sa natawa na ako kasi na-realize ko na ginaya niya pala ang sinabi ko kanina.

















Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top