XXV

Chapter 25
#WWSwp

Bumaba na si Zoe kaya bumaba na rin ako, iniinterview si Teigan kaya hinihintay niya tapos ako naman hinahanap ng mata ko si Rider.

Nakita ko siyang may kausap na taga-ibang school kaya hindi na muna ako lumapit dahil mukhang nagkakatuwaan pa sila ng player na 'yon.

Mayamaya, nagpaalam na ang player na kausap niya sa kaniya kaya lalapit na sana ako nang may babae naman ngayong sumulpot at kumapit sa braso niya.

Aba?!

Nakasuot ang babae ng rib knit na crop top ng Chanel, kitang-kita ko ang logo no'n kahit na maliit lang. Naka skater skirt din siya at may white na headband.

Maputi siya at petite.

Sino ba 'to?

Mukhang hindi naman nagflinch si Rider kahit konti, medyo yumuko pa 'to para pakinggan ang sinasabi no'ng babae. Nakatitig lang ako sa kanila at feeling ko masyadong intense ang titig ko kaya napatingin si Rider sa akin.

Agad naman niya akong nginitian pero hindi ako nakangiti, medyo napapaisip pa rin ako sa presensiya ng babaeng nakakapit pa rin sa kaniya.

May sinabi si Rider doon sa babae kaya inalis niya ang kapit niya doon at pinuntahan ako. Sumunod naman si Ateng Chanel sa kaniya.

"Kanina ka pa?" tanong ni Rider. Nawala ang namumuong sama ng loob sa isip ko nang tanungin niya ako gamit ang malambing na boses niya.

"Saks lang," sagot ko na lang. Hindi ako nakatingin sa kaniya. Mas nakatingin lang ako sa babae sa likod niya na iniismiran ako!

Grabe, ang attitude ha!

Hinead to toe pa ako kaya ginantihan ko at hinead to toe ko rin. Bakit pa ba siya andito? May sasabihin pa ba siya kay Rider?

Napansin yata ni Rider saan ako nakatingin kaya napatingin din siya sa nakabuntot sa kaniya.

"Ay, Qin this is Athenis. My sister." Proud namang tumabi ang babaeng 'yon kay Rider at niyayabangan ako.

Ano bang problema ng kapatid niya sa akin? Napaisip ako kung nagkita na ba kami dati tapos baka may hinanakit pala siya sa akin dati pa o baka ganiyan lang talaga ang kapatid niya.

Ito naman kasing si Rider! Inubos yata ang kabaitan ng lahi nila. Walang natira sa kapatid niya.

"Athenis, this is Qiana, the one that I'm dating," pakilala ni Rider kaya naman nangunot lalo ang noo ng kapatid niyang spoiled brat.

"What?" reklamo niya pa kaya kinunutan ko rin siya ng noo. Aba? Parang ayaw na ayaw niya ng idea na 'yon ah! At talaga hindi man lang niya itago na ayaw niya sa akin.

Hindi naman ako nito kilala!

I'm literally too stunned to speak.

Magsasalita pa sana si Rider kaso sinenyansan siya ng ka-team niya na kailangan na nila magmeeting dahil bukas na agad ang sunod nila na game dahil nanalo sila ngayon so bale 1-1 na sila ng EIU.

"Will you wait for me?" tanong ni Rider sa akin. Nangunot naman ang noo ng kapatid niya na parang bakit ako ang tinatanong ng Kuya niya.

"Nag-text si Zoe e," sagot ko. Nag-text na kasi si Zoe na uwi na daw kami. Nakita ko rin si Teigan kanina na kasama si Kennedy paalis.

"By the way, congrats pala." Wala ako sa mood tuloy dahil sa nakamasid na mga mata ng kapatid niya. Hindi rin ako makakilos ng ayon sa gusto ko kaya mas maige na lang din na umuwi na lang ako dahil kung iiwan niya kaming dalawa ng kapatid niya dito ay baka magkasabunutan na lang kami at makakita sila ng SHU vs RVU na sabunutan dito sa arena.

Aba, kahit kapatid niya 'to hindi naman ako magpapakaplastic na ngingitian siya kahit na in-a-attitudan niya ako nang wala naman akong ginagawa sa kaniya.

Medyo nahalata yata ni Rider na wala ako sa mood kaya ngumiti lang siya at  tumango. Nagpaalam na lang ako kaya nagpaalam na rin siya, may sinabi pa siya sa kapatid niya pero hindi ko na pinakinggan.

Tumakbo na si Rider paalis kaya nag-umpisa na rin ako maglakad palabas dahil magsisimula na rin ang susunod na game, wala naman akong balak manood.

Habang naglalakad ako, naramdaman ko na nakasunod sa akin si Athenis. Kaya napalingon ako at agad naman siyang huminto at tumingin kung saan. Hinayaan ko na lang siyang sumunod, baka hindi alam palabas.

Iligaw ko kaya 'to? Kaso saan naman?

Nakalabas na ako at nakita agad si Zoe, hindi ko na siya kailangan pang i-text kasi mapapatingin ka naman sa kaniya lalo na't may ilang mga taong nagpapapicture sa kaniya.

Lumapit ako sa kaniya at inantay na matapos ang pa meet and greet ni madam bago ko siya inaya pauwi. Napatingin naman siya sa likod ko nang ayain ko na siya umuwi kaya napalingon ako.

Andoon pa rin si Athenis, ano bang trip nito? Akala ko ba ayaw niya sa akin o e ba't buntot sa'kin 'to porket wala kuya niya.

"I'm Athenis, Rider Matias' younger sister," pakilala niya sa sarili niya kahit wala namang nagtatanong. Humalukipkip pa siya at iniwas ang tingin saamin. Nanlaki pa ang mata ni Zoe kaya tinanong ko kung kilala niya ba 'tong spoiled brat na 'to at tumango naman siya pero mukhang hindi kilala ni Athenis si Zoe.

"Uwi na tayo, Teh," aya ko ulit kay Zoe kaya tumango si Zoe at naglakad na kami pero nakasunod pa rin sa amin ang kapatid ni Rider.

"Sasama ka ba sa amin?" Hindi ko napigilan na mapahinto at tanungin siya. Nakahalukipkip pa rin siya nang tumingin sa akin at taasan ako ng kilay.

Aba siya pa matapang? Rider sana mapatawad mo ako kapag kinalbo ko ang kapatid mo.

"FYI, sabi ni Kuya sumabay daw ako pauwi sa inyo," sagot niya.

Kung mayroon mang oras na maiinis ako kay Rider, siguro ito na 'yon.

"Hindi ka ba marunong umuwi? May paa ka naman?" Siniko ako ni Zoe kahit na nagpipigil ng tawa si bruha.

Napairap si Athenis sa tanong ko. "Hindi ako susunod sa 'yo kung marunong ako," supladang sagot niya.

Grabe! Kapatid ba talaga 'to ni Rider?!

"Ano ka bata? Nakapunta ka nga e bakit hindi ka makauwi?" Mukha naman siyang college na, so bakit hindi siya marunong umuwi?

Naalala ko tuloy before, kaya pala kapag nag-u-update si Rider sa akin madalas niyang sabihin na sinundo niya kapatid niya or ihahatid niya.

"I don't need to explain, just bring me to West Ave and I can manage from there."

Napahinga ako ng malalim at magsasalita pa sana pero hinila na ako ni Zoe. Nakasunod naman si Athenis kaya hindi ko na kailangan na ayain pa siya, mukha rin namang makapal ang mukha ng spoiled brat na 'yan.

Habang pauwi tuloy kami hindi ko mapigilan na i-text si Rider.

To: Rider
Ililigaw ko tong kapatid mo.

***

"Sorry na, badtrip ka talaga?" panunuyo ni Rider sa akin. Actually hindi ko alam kung sinusuyo niya ba ako kasi may kasamang tawa e. Ang sabi niya hindi naman daw niya sinabi na sumabay si Athenis pauwi sa akin, ang sabi niya lang tanungin ako at magpaturo dahil nice naman daw ako kaya lang hindi naman siya sinunod ng kapatid niyang 'yon.

"Oo, 'di ka ba informed na demonyita 'yang kapatid mo? Hindi man lang nag-thank you!" pag-ra-rant ko sa kaniya pero feeling ko alam din naman niya ugali ng kapatid niya. Siguro sanay na lang siya kaya feeling niya hindi malala.

"Pasensiya ka na talaga, ayaw niya na kasi maghintay e hindi pa siya sanay umuwi nang mag-isa kasi sandali pa lang siya dito sa Pilipinas mula no'ng makabalik siya," pag-e-explain niya.

Alam niyo kung gaano kabilis uminit ang ulo ko sa kapatid niya ganoon kabilis lumamig dahil sa kaniya.

"Ganoon ba talaga 'yon?" seryosong tanong ko. As much as bwisit ako sa kapatid niya, gusto ko pa rin naman isipin na kapatid niya pa rin 'yon, pamilya niya pa rin kumbaga.

"Oo, sa lahat..."

"Bakit?" Alam ko na ang mga kabataan talaga madalas may galit sa mundo pero si Athenis grabe, ibinunton sa akin lahat.

"Gano'n lang 'yon, umaarte na parang ayaw niya sa mga tao pero lalambot din naman." Hindi ako naniniwala! Sabagay, hindi rin naman uubra sa akin ang demonyitang 'yon, aba nakahanap siya ng katapat niya.

"Anyway, congratulations! Sabi ko naman sa'yo mananalo kayo e." Magka-video call lang kami pero kitang-kita ko kung paano nag-light up ang mukha niya nang batiin ko siya ulit.

"Grabe ka maniwala sa akin," he answered. Totoo naman 'yon pero siya rin naman ang dahilan kung bakit ako naniniwala sa kaniya. Ang galing kaya niya at siyempre pati mga ka-team niya.

"No'ng mag-s-start na 'yung laro kanina, sobrang motivated ko. Naiisip ko na ikaw nga tiwalang-tiwala ka na mananalo kami, ako pa kaya?" Nangiti ako ng sabihin niya 'yon. That's the point! Finally narealize niya rin 'yung gusto kong ma-feel niya.

"Ikaw, nanonood ka lang pero naniniwala kang magaling kami, tapos ako, araw-araw akong nag-t-training kasama ang mga ka-team ko. Nakikita ko 'yung hard work nila, so dapat mas alam ko 'yung kakayahan namin." Sobrang proud ko habang pinapakinggan siyang sabihin ang mga bagay na 'yon.

Natutuwa ako na within that game lang, tumaas na kahit papaano ang confidence niya not just sa sarili niya but sa whole team din. Natutuwa rin ako kasi nakatulong din ako para tumaas confidence niya.

Sana magpatuloy pa hanggang finals.
Sure ako makakapasok sila ng finals, kailangan lang talaga maniwala.

"I've been playing for RVU for 2 years already, this one is my 3rd. Within that 2 years never pa kami umabot sa finals," pagkukwento niya. Nakahiga na siya sa kama niya at may yakap lang siyang unan na plain white. Ang bango-bango niya tignan, para siyang scented candle.

Best in freshness talaga.

"Siguro, that's the reason why unti-onti na lang din ako nawalan ng faith sa team. Parang I'm just playing kasi kasali pa rin naman kami na parang kailangan namin maglaro kasi varsity kami ng RVU but the thought of winning is wala na." That's sad to hear, losing faith in your self and sa team mo. 'Yung parang ayaw mo 'yon maramdaman pero hindi mo mapigilan maramdaman.

"Kapag nga nagtatanungan kami kung sino magkabracket bigla na lang may magsasabi na kahit sino naman, hindi pa rin naman kami aabot ng finals." If only I could hug him right now, ginawa ko na girl! Nalulungkot ako kasi kahit papaano na-ge-gets ko naman siya, 'yung pinanggagalingan niya at kung bakit niya na-fe-feel ang bagay na 'yan.

One thing I realized when I've been friends with athletes ay hindi lang talaga siya physically tiring, susubukin din talaga ang mental health mo as well as emotions mo.

Kaya siguro kahit gaano ka pa ka-sport, it will always be bitter to lose. Kaniya-kaniyang coping lang talaga.

"Pero kapag naririnig kong sobrang positive ka sa amin, parang bumabalik 'yung feeling kung bakit nga ba talaga ako nagvolleyball," pagpapatuloy niya. Gusto ko maiyak! Parang at last may nagawa rin akong mabuti sa earth, ito na ba ang aking misyon sa mundong ibabaw?

Baka naman kunin na ako ni Lord niyan, 'wag muna please.

"Bumalik 'yung hope na mananalo kami, na may chance naman kami kahit papaano, na hindi naman imposibleng makapasok ng finals o maging champion." Rider opening up to me softens my heart nang sobra. I never knew we would get to this point.

Sino lang ba kami sa isa't isa before? Nakilala sa Puerto Galera for one week?

Look how far we've come.

"Tsaka 'yung kahit hindi naman manalo, basta na-enjoy mo 'yung moment na naglalaro ka with the hope of winning kaysa 'yung naglalaro ka lang just because." Tumango lang ako, hinayaan ko siyang magkwento sa akin and I made sure that he'll see that I'm interested at todo kinig talaga ako sa sinasabi niya because I really am.

I love hearing Rider talk about his interests. Kasi sa kung ano mang relasyon ang mayroon kami, ako naman kasi talaga ang madaldal at maraming sinasabi kaya natutuwa ako kapag siya ang nag-s-share sa akin, nafe-feel ko kasi na importante ako kapag ganoon. Na parang parte na talaga ako ng buhay ng isang tao kapag kinukwentuhan na nila ako, ganoon kasi ako sa iba.

Kapag kumportable ako sa isang tao, nagkukwento ang ng mga ganap ko. Madaldal akong tao, pero hindi lahat alam ang struggles ko especially as a child. Pati ngayon na parang inuumpisahan ko pa lang ang buhay ko the way I wanted it to be.

Kaya talagang nafe-feel ko na importante ako kapag 'yung ibang tao sinasabi nila sa akin 'yung mga struggles nila, kasi it means lang na I really meant something to them.

And I really appreciate Rider for telling me his struggles kasi ever since ang tingin ko sa kaniya is someone na parang walang pinoproblema sa buhay, someone na sobrang exciting ng buhay, 'yung chill lang siyang nagagawa ang gusto niya.

Hearing his vulnerability makes him raw in my eyes na parang that's the whole Rider Matias.

Has a nice smile, has a lot of experiences, talented and all but is struggling too.

Sabi nga nila, we have to be kind sa lahat kasi hindi naman natin alam pinagdadaanan ng bawat isa.

So bakit hindi nakaabot kay Athenis ang sabi sabi na 'yon?!

"May this season and next season pa naman kayo. Maybe for the last 2 years hindi kayo umabot sa finals but that doesn't mean na for the next 2 ay hindi na rin," pagpapalakas ko pa lalo sa loob niya kasi totoo naman, we never know anong pwedeng mangyari, and it's not impossible para sa team nila. They're really great.

He heaved a sigh. "You know what, Qiana?" Umayos siya sa kama niya at nakasandal na siya ngayon sa headboard ng kama niya.

"Ano?"

"After all the years I doubted myself, I'm glad I have you now."

























Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top