XXIV
Chapter 24
#WWSwp
Kumakain lang si Rider ngayon pero hindi ko maialis ang tingin ko sa kaniya. Halata kasi na medyo malungkot siya dahil talo sila kahit ayaw niya ipakita.
"May next game pa naman 'di ba?" tanong ko. Actually, hindi ko alam paano ko ba mapapagaan ang loob niya. Hindi ata nag-wo-work 'yung pagkain e kaya lang gusto ko pa rin mapagaan ang loob niya.
Na-sa-sad din ako kapag ganiyan siya. Ewan ko ba, nasanay siguro ako na laging maganda ang ngiti niya at ang mood niya. Ngayon ko lang yata siya nakitang ganiyan.
Tumango naman siya bago punasan ang bibig niya. "Pero hindi na ako umaasa doon," sagot niya pa. Ngumiti siya ng tipid sa akin kaya nangunot ang noo ko.
"Bakit naman?" Umiling lang naman siya bilang sagot.
"Alam mo magaling ka talaga pero may kulang sa'yo." Nalipat ang tingin niya sa akin. Mukhang hindi niya rin inaasahan ang sinabi ko sa kaniya kaya bago niya pa ako ma-misunderstand ay nagsalita ako ulit.
"Confidence, Rider," dugtong ko. Feeling ko hindi niya na-re-realize kung gaano siya kagaling sa court. Na mayroon talaga siyang talent sa volleyball.
Alam ko na humble din naman kasi siya pero hindi naman masama i-acknowledge ang sarili. Hindi naman ibig sabihin na confident ka ay mayabang ka na or hindi ka na humble. Kailangan lang ng tiwala sa sarili mo. Napansin ko rin na kapag kinocompliment ko siya, mabilis din talaga siyang mahiya.
"Konting confidence naman diyan, ang galing galing mo kaya tsaka ng mga ka-team mo." I smiled at him. Assuring him na magaling talaga sila, na hindi naman porket talo sila ay hindi na sila magaling. Ganoon naman talaga sa laro, may talo at may panalo.
"May next game pa, hindi ito ang time para sukuan ang laro."
"Malay natin 'di ba? Kahit talo tayo ngayon baka naman panalo na tayo next game." Hindi ko alam kung may sense pa ba ang sinasabi ko pero sinasabi ko lang talaga lahat ng thoughts ko. Hindi ko naman simasabi ang lahat nang 'to para lang mapagaan ang loob niya, gusto ko mapagaan ang loob niya but at the same time totoo naman lahat ng sinasabi ko.
"Tayo?" Sa lahat ng sinabi ko, iyon pa talaga ang pinansin niya. Uminom ako sa buko shake na para sa akin at tumango. "Oo, tayo. Dahil talo ka, talo rin ako. Malungkot matalo pero at least dalawa tayo ngayon, kaya dapat manalo kayo next game para panalo rin ako," explain ko sa kaniya. Gusto ko ma-realize niya na dadamayan ko naman siya kahit anong mangyari.
Finally, tumawa na siya at genuine na tawa pa iyon. "Helenian ka kaya," sagot niya sa akin.
"'Di naman malalaman ni St. Helena 'yon."
Tinitigan niya lang ako habang nakasalumbaba siya. Nasa may waiting area lang kami sa labas ng venue. Buti nga almost lahat ng tao nasa loob na dahil on going ang women's volleyball kung hindi talagang agaw pansin kami dito dahil sa kaniya. Naka-jersey pa man din siya.
"Thank you, really." Sinalubong ko ang tingin niya pero parang matutunaw talaga ako. "Kung talagang thankful ka 'wag kang masyadong nega okay? Kaya niyo 'yan sus."
Ilang minuto rin kami naging tahimik pero hindi naman awkward, mukhang okay na rin siya at hindi na niya masyadong dinadamdam ang game ngayon. Hindi ko mawari kung anong iniisip niya, tatanungin ko pa lang sana siya kaso bigla na lang siya nagsalita.
"What will happen if hindi ka sumama sa Puerto Galera?" out of the blue question niya.
"Edi wala, nasa bahay lang ako." Hindi naman exciting ang buhay ko, pinipilit ko lang maging exciting para naman kapag namatay ako at least hindi naman nakakapanghinayang. Kasi ang pangit naman kung namatay ako tapos kapag naglook back sa mga nagawa ko sa buhay ko, puro hilata lang sa bahay ang makikita o 'yung struggle ko lang sa school 'di ba. Gusto ko naman 'yung naging masaya naman ako at nag-enjoy naman kahit papaano.
"Nasa bahay ka lang din sana ngayon?" tanong niya kaya tumango ako. He smiled. "Not that thankful ako na sinuway mo ang Mama mo, but I'm glad I knew you." Hindi ko alam bakit sumesenti 'tong lalaking 'to pero narealize ko rin na oo nga no?
Kung sinunod ko na lang si Mama that time, makikilala ko pa rin ba siya?
I think it's too early to tell, but Rider has been one of the few best things that happened to me in the most unexpectedly beautiful way.
"As you should," biro ko na lang.
Umalis na rin kami doon bago pa matapos ang sunod na laro dahil for sure dadami nanaman ang tao mamaya.
"Uuwi na ako, magpahinga ka na, ni hindi ka pa nakapagbihis," paalam ko sa kaniya. For sure pagod talaga siya ngayon plus talo pa sila so talagang need niya na magpahinga na muna para marami siyang energy dahil puspusan ang magiging training nila niyan.
"Pero hindi na ako pagod," pagkontra niya sa akin. Talagang kinumbinse niya pa ako na hindi na siya pagod. Kinilig naman ako kasi feeling ko gusto niya pa akong kasama.
"Oh edi umuwi ka na at magpalit ng damit baka magkasakit ka na." Gusto ko pa din naman siya kasama pero alam ko naman na kailangan niya ng pahinga.
Kung ako nga na hindi athlete, konting kibot lang nagpapahinga na ako e. Siya pa kaya na ang tagal sa court. Alam ko naman na hindi lang siya physically napagod, all aspects kaya pagod kapag ganiyang may game sila.
"Tatawagan kita mamaya," sabi ko pero nangunot ang noo niya. "Scam," sagot niya.
"Totoo nga," pangungumbinse ko sa kaniya kasi totoo naman. Ano namang dahilan ko para hindi 'yon totohanin?
"Hindi mo nga alam number ko." Saka ko lang na realize na oo nga pala, sa Instagram lang pala kami nag-uusap nito pero may tawag naman na sa Instagram e pero hindi talaga 'yon ang naisip ko. Feeling ko lang may number niya ako kahit wala naman talaga.
"Edi sa Instagram kita tatawagan, wala rin naman akong load." Pero imbis na sumagot sa akin ay nilabas niya ang phone niya at inabot iyon sa akin. "Number mo? May load ako." Natawa ako kasi parang ang proud niya na may load siya.
"Ang sabihin mo naka-plan ka," malokong sabi ko. Feeling ko lang naka-plan siya. Nasa vibes niya kasi 'yung taong naka-plan e tapos 'yung tig-2999 pa 'yung plan na may kasama na phone na.
Kinuha ko na ang phone niya at nilagay ang number ko. Tinawagan niya iyon kaya nag-ring ang phone ko. Nakuha ko na rin tuloy ang number niya.
"Okay na? Uwi ka na kasi," pilit ko sa kaniya. Para din naman sa kaniya 'to kaya ko siya pinapauwi e. Kung ako lang din e 'wag na siya umuwi at magdamag ko na lang siya tititigan tutal hindi naman iyon nakaka-bored gawin lalo na't gusto ko ang suot niya ngayon.
"Bakit ba kasi pinapauwi mo na ako?" hirit niya pa. Akala ko naman uuwi na talaga siya. May pagkakulit din pala talaga ang isang 'to.
"Kasi nadi-distract ako, naka-jersey ka pa," sabi ko na lang. Medyo true naman 'yon pero slight lang naman. Nakaka-distract naman talaga pero mas iniisip ko na pagod siya.
Medyo may development naman na ako, kinakaya ko na kontrolin ang sarili ko kapag tumitindi ang tukso na itago natin sa pangalang Rider Matias.
Ang hirap din pala kapag trip na trip ko kay Rider na naka-jersey siya kasi lagi siyang naka-jersey especially ngayong PCAA season. Kaya kailangan talaga ng matinding mind control.
Iniisip ko na lang na main character ako, at kapag main character hindi naapektuhan ng ganiyan basta-basta.
Napatingin naman siya sa sarili niya. "So hindi ka talaga nagbibiro about me in jersey?" hindi makapaniwalang tanong niya. Talaga bang akala niya nag-jo-joke ako?!
"Mukha ba akong nagbibiro?" Natawa siya at napailing tinulak ko na lang siya paalis.
Kailangan ko na umuwi bago ko pa siya iuwi.
Nagpaalam na ako sa kaniya, medyo labag pa sa loob niya ang pagkaway niya sa akin bago kami naghiwalay.
***
Nalaman ko na ang nangyari last game ng RVU dahil kay Zoe. Umalis pala talaga si Teigan dahil sa emergency. Naparusahan tuloy siya.
Hindi ko naman masisisi si Teigan, kung ako lang din e aalis ako kaagad kapag nakatanggap ako ng ganoong tawag.
Puspusan din tuloy talaga ang training nila though grabe naman na ang training nila Rider noon pa man, pero mas lalo lang yata ngayon dahil nga kailangan nila bumawi next game kung hindi ay wala na silang chance makaabot ng finals. Sure naman ako na mababawi nila 'yon.
Matindi lang din talaga tiwala ko sa mga lalaking 'yon.
Mas matindi nga yata ang tiwala ko sa kakayahan ni Rider kaysa sa kaniya mismo e.
Napakatalented ni Rider pero pansin ko lang talaga na mababa ang confidence niya, siya nga dapat 'tong confident. Parang mas confident pa ako sa kaniya kahit na wala naman akong talent talaga.
Kaya siguro nagkasundo kami, isang mahiyain at isang makapal ang mukha.
Kung pwede ko lang i-donate na lang sa kaniya ang confidence ko sa sarili ko ay gagawin ko. Feeling ko sobra-sobra pa ang kayang ipakita no'n kapag naging confident pa siya sa sarili niya.
"Manood ka ba ulit?" Magkausap kami ngayon sa call. Lagi siyang tumatawag kapag tapos na training niya at kapag alam niyang nasa bahay na ako.
Hindi rin naman kasi kami maaga natutulog kaya nagtatawagan na lang kami. Hindi rin naman kasi kami makapagkita pa palagi. Hectic din naman sched ko, try niyo lang magdentistry.
"Secret walang clue," sagot ko. Manonood ako siyempre. I mean ng live. Sinabihan ko na rin si Zoe na sasama ako sa kaniya. Hindi pwedeng hindi para naman makita ko live kung paano nila makukuha ang second game.
Pero kung matalo man na 'wag naman sana, at least andoon na ako para damayan si Rider. Sana nga 'wag mas lalo pang bumaba ang confidence niya kung sakaling matalo sila.
"Manonood ka e," sure na sabi niya.
Kapag pagdating sa akin confident pero kapag sa laro hindi?
Halata ba niyang gustong-gusto ko siya at ganiyan siya? Tina-try ko nga maging lowkey e.
"Paano kung hindi?" hamon ko sa kaniya.
"Manonood ka pa rin sa TV," sagot niya.
Oh 'di ba? Ang kapal ng mukha pagdating sa akin! Hindi ko naman binobroadcast ang karupukan ko pero alam na alam niya.
"Oo na," pag-amin ko kaya narinig ko ang tawa niya. "Alam na alam mo e no? Galing ka e," inis na sabi ko kaya mas lalo pang lumakas ang halakhak niya.
Aba? Tuwang-tuwa.
"Masyado ka nang maraming nalalaman, kailangan ka na patumbahin," dugtong ko pa.
"Kapag nanalo kami, libre mo ko ulit ng pagkain." Napairap ako kahit hindi naman niya makikita. Ang yaman-yaman naman nito pero masyadong namihasa sa libreng hotdog sandwich at buko shake.
"Okay, bibili na ako agad," sagot ko para ma-feel niya na sure akong mananalo sila.
"Sure ka talaga e no?"
"Oo naman, ikaw pa." I have faith on him and what he can do, seryoso ako do'n no.
"Nakakapressure naman," sagot niya.
"Hindi mo kailangan ma-pressure, just do your thing the way you do it. I swear panalo 'yan."
I heard nothing but silence after kong sabihin iyon. On going pa naman ang call pero wala akong narinig mula sa kaniya. Next time nga, video call na lang para nakikita ko siya.
"Hello? Andiyan ka pa?"
"Yeah."
"Natameme ka ba?" biro ko.
"Oo, lagi naman ako na-s-speechless sa'yo." Ako ang hindi na nakapagsalita sunod.
Akala ko ako lang ang ganoon pagdating sa kaniya. Ilang beses akong na-s-speechless kapag kausap ko siya lalo na noon. Hindi lang speechless sa mga sinasabi niya sa akin, speechless din sa mga actions niya towards sa akin. Hindi ko alam na ganoon din siya.
May epekto pala talaga ako sa kaniya.
***
Parehong hindi kami mapakali ni Zoe habang nanonood ng laro. Minsan sobrang focused naming dalawa habang nanonood na walang nagsasalita sa amin tapos minsan bigla na lang siyang mapapatili at nagugulat ako pero minsan sabay kaming tumitili.
Kabadong-kabado ako kasi umabot sila ng 3rd set. Na-fe-feel ko na rin na kabado na rin si Zoe sa tabi ko. Kanina nag-e-explain pa siya sa akin ng mga nangyayari sa laro pero ngayon sobrang focused na niya na parang kapag nalingat siya ay baka matalo ang RVU.
Ako din naman pero parang mas gusto ko na lang pumikit, hindi ko kinakaya 'yung intensity lalo na nang maging 20 na ang score ng kalaban.
Potek hindi ko na kaya!
Mahihimatay na yata ako, ano ba 'to.
Kapag fino-focus ng camera ang mga players halatang mga tensyonado na rin e. Parang wala nang makakapagpangiti sa kanila. As in mas seryoso pa sa seryoso ang mga itsura nila.
Maski si Teigan sobrang grabe ang aura ngayon. Sobrang ganda rin ng pinakita niya ngayon, magaling naman talaga siya pero feeling ko dumagdag din kasi ngayon na bumabawi siya para sa pag-alis niya last game.
May valid reason naman siya pero siyempre kailangan pa rin niya bumawi para sa mga ka-team niya kahit ano pa man ang rason niya.
Gusto ko na itago ang mukha ko sa balikat ni Zoe dahil naghahabulan na lang sila ng score ngayon kaya sobrang delikado talaga na magkamali ng kahit isang beses lang.
Hanggang sa pumito ang referee at sumenyas papunta sa court nila Rider.
Naghiyawan ang mga tao sa side namin habang ako napatakip na lang sa bibig at gulat na gulat.
Teka! Hindi ko namalayan! Sobrang bilis ng pangyayari. Napatulala ako sa replay sa screen bago nagyakapan na lang kami ni Zoe sa sobrang saya naming dalawa.
Grabe! Ang lala! Gusto ko na tuloy tumakbo pababa at yakapin na lang si Rider at sabihing super galing nilang lahat.
***
Happy Valentine's❣
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top