XXII

Chapter 22
#WWSwp

Pagdating namin sa apartment, thankful naman ako na wala akong nakasalubong sa mga kapitbahay kong sila Zoe at 'yung tatlong kwago. Nakakatamad mag-explain tapos dalawa pa kaming mag-e-explain if ever.

Binuksan ko na ang unit ko at napatingin kay Rider. Kaso sobrang awkward ng itsura niya. Imbis na ma-awkward din ako ay natatawa ako.

"Pumasok ka na," aya ko sa kaniya kasi parang nag-aalangan talaga siya.

Kulang na lang itulak ko na lang siya papasok, kung wala lang kasi dito ang mga dental materials ko at kung wala lang akong gagawin talaga na activities hindi ko naman siya papupuntahin dito.

Alangan namang kasing sa labas pa ako maghalo-halo ng kung anu-anong mga chemical 'di ba?

Minsan pa naman nakakailang try ako bago ako makatapos ng isang activity.

Pumasok na siya sa loob after niyang mapag-isip isip ang existence niya sa mundong ibabaw.

Sinong nagbigay ng karapatan dito na maging ganito ka-cute?

Nilibot niya ang paningin niya after niyang ilagay ang sapatos niya sa shoe rack malapit sa pintuan ko. Buti na lang pala nakapaglinis ako.

Hindi naman ako madumi sa bahay kasi umiinit ulo ko kapag ang dumi, madalas 'yung damitan ko lang talaga 'yung magulo pero pag-uwi ko inaayos ko rin naman agad.

Nasanay na rin ako kasi no'ng first year nga ako, may pa surprise visit si Mama palagi. Kapag may nakita lang 'yon na kaunting magulo, baka pauwiin na ako noon sa amin at sasabihin no'n hindi ako marunong mabuhay mag-isa.

"Cute," bulong niya habang natatawa pa. Kaya napatingin ako sa kaniya na nakatingin sa picture frame na maliit sa may side table.

"Bihis lang ako," paalam ko sa kaniya at tumango naman siya na hindi na ako binalingan dahil nagtitingin na lang siya ng pictures ko doon.

Mostly polaroid kasama si Zoe tsaka sila Rylie.

Pumasok ako sa kwarto ko at naghilamos bago tinanggal ang mga braid ko. Kumulot ang buhok ko kaya tinali ko na lang sa bun. Nagsuot lang ako ng t-shirt at 'yung P.E. jogging pants ko noong first year ako bago lumabas.

Paglabas ko nakita kong nakasuot ng specs at earphones si Rider habang nakatutok na siya sa laptop. Gusto ko siyang picturan talaga kasi ang cute niya kaso baka maistorbo siya. Nakakunot pa man din ang noo niya.

Kinuha ko na lang ang plastic ng ulam naming dalawa at nilipat sa mga lalagyan para maiayos ko na sa table.

Habang inaayos ay hindi ko maiwasan magnakaw ng sulyap sa kaniya. Hindi ako makapaniwala na nakikita ko talaga siya ngayon dito sa unit ko.

Parang noon lang, tinaga ko na yata sa bato na pagkatapos no'ng sa Puerto Galera hindi na kami magkikita. Na iiwan ko na lahat doon kung ano mang nangyari that time.

Pero tadhana nga naman.

Naramdaman niya yata ang tingin ko kaya napatingin na rin siya sa akin. Tinanggal niya ang earphones niya at tumayo para tulungan ako sa paghahain kahit hindi naman kailangan at patapos naman na ako.

Ano ba 'yan kinikilig ako. Masaya pala maghain kapag by partner.

Nagpaalam pa siya na bubuksan niya ang mga cabinet sa kusina kasi hinahanap niya 'yung mga kutsara at tinidor kaya tinuro ko na lang sa kaniya kung nasaan ba.

Dahil tinapos na niya ang paghahain ko, umupo na lang ako sa may dining at inantay siya.

"Anong in-e-edit mo?" usosiyo ko sa ginagawa niya.

"Nag-shoot kami ng advertisement," sagot niya tapos nag-kwento na siya about doon sa ginagawa nila para sa subject. Nakakatuwa nga siyang pakinggan, parang first time niya lang din magkwento about doon sa course niya tsaka sa mga ginagawa niya.

Nagtanong din ako about sa mga sinasabi niya, gusto ko rin kasi talaga siya mas makilala pa at the same time gusto ko ma-feel niya 'yung na-fe-feel ko na kapag nagsasalita ako ay alam ko talaga na pinapakinggan niya ako at interesado siya sa sinasabi ko.

Masarap kasi talaga sa pakiramdam.

After namin kumain, gusto pa ni kuya mo Rider maghugas kaya todo pigil ako dahil hindi naman kailangan. Huhugasan ko rin naman 'yon bago ako matulog mamaya tsaka bakit ko naman siya paghuhugasin e bisita ko siya.

Saka na kapag jowa ko na siya.

Nilabas ko na mula sa kwarto ko ang mga materials ko. Bukod sa activity ngayon, gusto ko rin muna i-practice ang ibang mga gingawa namin sa lab. Minsan kasi ang tagal ko talagang matapos e nakaka-pressure kaya kapag natatapos na ang mga kaklase ko tapos ako hindi pa.

Nagbasa muna ako sa mga reading materials ko para alam ko ang gagawin. Nagreview na rin ako para sa mga class bukas at para na rin alam ko na ang mga gagawin na activity bukas sa lab.

Tahimik lang pero ang kumportable ng katahimikan, ang comforting pa nga sa totoo lang. Medyo pinagsisihan ko ng slight kanina na inaya ko si Rider dito sa unit ko dahil baka mailang ako at mapressure kapag nakita niya ako sa gingawa ko. Mamaya magkalat ako. Pero no'ng nandito na siya, hindi naman pala.

Parang okay lang na maging ako. Si Qiana. Gano'n.

Iba talaga pakiramdam kay Rider, parang hindi ko siya kailangan i-impress. Hindi katulad sa mga dati kong na-experience, maski sa mismong nanay ko.

Laging parang dapat may pinapatunayan ako, dapat ma-impress ko sila kasi kung hindi, hindi nila ako matatanggap.

Nakakatuwa na kahit papaano, sa buhay ko ngayon may mga tao na na tanggap ako bilang ano ako, o hanggang saan lang ako, o sino lang ako.

Nakakasakal kasi minsan kapag lagi ka na lang may gustong patunayan. Kapag parang obligado kang ma-impress ang mga tao sa paligid mo.

Thankful talaga ako na medyo nabubuo ko na ang sarili ko, on the process pa rin pero at least ngayon mas malaya na ako kaysa noon.

Mga isang oras din ang nakalipas bago ako napasulyap ulit kay Rider. Oo, congrats sa akin at kinaya kong mag-antay ng isang oras bago ko siya tignan ulit. Feeling ko kasi kapag tinignan ko siya habang may ginagawa ako baka titigan ko na lang siya.

Ang ganda pa naman ng mukha niya. Ang bright at nakakagood mood talaga. Ang ganda lang ng pagkakahulma sa kaniya ni Lord.

Nakakunot ang noo niya habang may suot suot siyang earphones. Seryoso lang siya sa ginagawa niya at sobrang focused.

Grabe, totoo pala talaga ang sabi nila no? Men are sexy when working.

Pero favorite ko pa rin ang smile ni Rider kahit gaano pa siya ka-sexy kapag seryoso. Extra fine pa rin kapag nakangiti siya.

Nakakagaan kasi sa pakiramdam, parang feeling ko okay lang ang lahat.

Naramdaman niya nanaman ang tingin ko kaya napatingin na rin siya sa gawi ko and nginitian ako. Ayan ang sinasabi ko!

Tinanggal niya ang earphones niya. "Tapos ka na?" tanong niya sa akin. Umiling naman ako. Marami pa akong ibang gagawin pero may mga natapos na ako sa isang oras.

Balak ko maging queen of productivity ngayon pero siyempre kailangan ko rin ng pahinga.

"Ikaw, tapos ka na?" Umiling din naman siya. Lumipat ako sa tabi niya sa may sofa, nasa lapag kasi ako nakaupo kanina no'ng may ginagawa ako.

Sinilip ko ang ginagawa niya sa laptop niya. Pinakita naman niya agad sa akin kung ano ang natapos niya.

Minsan lang ako manood ng TV pero aware ako sa mga ibang commercials at I swear ibang level 'yung edit niya sa advertisement.

Parang itsurang pang international brand, 'yon siguro ang peg nila. Bagay rin naman kasi sa in-a-advertise nila.

"Ang talented mo no?" compliment ko sa kaniya. Nahiya naman siya sa sinabi ko. Napakamahiyain naman nito!

Umiling naman siya. "Hindi naman masyado," sagot niya pa. Natawa tuloy ako kasi ang cute niya. "Tangeks, totoo nga!"

Inasar asar ko pa siya hanggang sa makarinig kami ng katok mula sa main door kaya agad nanlaki ang mga mata ko.

Wala akong balak sabihin kay Zoe na andito si Rider kasi aasarin ako no'n.

Sana 'yung land lady lang 'yon o kaya kapitbahay na mamimigay ng ulam. Please naman.

"Wait, tignan ko lang," kinakabahang sabi ko kay Rider bago tumayo at pumunta sa main door.

Sumilip ako sa peep hole at halos manlambot ang mga tuhod ko nang makita ko si Mama sa labas.

Agad kong hinanap ang phone ko na naiwan ko pala sa kwarto. May mga missed call pala si Mama at may text na pupunta siya kaya lang sa sobrang busy ko hindi ko na nabasa.

Paulit-ulit na ang katok at nag-pa-panic akong tumakbo palabas ng kwarto, nagtataka na rin ang tingin ni Rider sa akin.

"Si Mama andiyan," pabulong na pasigaw na sabi ko, kung posible man 'yon. Kinuha ko ang bag niya at tinakbo papunta sa kwarto ko para ilagay sa ilalim ng kama.

Nagpanic din tuloy si Rider habang dala-dala ang laptop niyang bukas pa. 

Nasa kwarto ko kaming dalawa. "Dito ka lang, maghanap ka ng tataguan. I swear hindi mo gugustuhin makilala nanay ko ngayon mismo." Hindi ko naman siya tinatakot pero totoo naman ang sinasabi ko.

Kapag nakita siya ng nanay ko ngayon baka ipapulis pa siya kahit wala namang siyang ginagawang krimen, at ako for sure ibabalik ako ng nanay ko sa bahay namin kasama siya.

Bakit naman kasi sa lahat ng araw, ngayon pa na-trip-an ng nanay ko sumulpot dito.

Inayos ko nang kaunti ang sala bago ako nagbukas ng pinto. Nakakunot na ang noo ng nanay ko pagkita ko sa kaniya. "Bakit ang tagal mo?" tanong niya.

"Ah, galing akong CR Ma." Hindi siya sumagot at pumasok na lang basta sa unit ko. Inikot niya ang paningin niya, tinitignan kung maayos ba ang lagay ng unit ko.

Palagi naman siyang ganiyan kaya nga mas doble pa ang paglilinis ko ngayon. Tinignan niya ang kalat sa sala, pero puro materials ko lang naman 'yon sa school.

Magsasalita sana ako nang maalala ko ang pinagkainan namin ni Rider na hindi pa nahugsan. Papunta na si Mama sa kusina kaya sinundan ko siya.

"Ma, ba't ka nga pala napadaan?" tanong ko para huminto siya kaso nagtuloy-tuloy lang siya sa pag-iinspeksyon niya na na akala mo supervisor siya.

"Bawal ba?" Napakamaldita talaga nitong nanay ko. Bawal din ba magtanong?!

Huli na ang lahat at nakita na niya ang mga hugasin na nakatambak sa lababo. Napatingin siya sa akin. "Hindi ka man lang maghugas ng mga pinagkainan mo," pangaral niya sa akin. Hindi niya naman kinuwestiyon na may dalawang set ng kubyertos doon pati na rin plato at baso. Siguro kasi nakatambak iyon kaya hindi na masyado halata kung anu-ano ang naroon o baka naisip na lang niya na 'yung isang set doon kaninang umaga pa tapos 'yung isa ngayong gabi.

"Maghuhugas po ako mamaya, may tinatapos lang po ako." Totoo naman 'yon. Ang dami ko pang gagawin, bakit kasi sumulpot si Mama dito, hindi naman siya kasama sa plano ko ngayong gabi.

"Ma, hindi kita ma-e-enteratain, marami akong tatapusin," dahan-dahan kong sabi dahil baka masamain niya. Pero totoo naman 'yon tsaka para na rin umalis na siya. Grabe ang kabog ng dibdib ko habang iniisip si Rider sa kwarto ko.

May napagtaguan naman ba kaya ang isang 'yon? Ang tangkad pa naman niya!

"Edi gawin mo na ang kailangan mo gawin, hindi mo naman ako kailangan i-entertain, ano ka artista?" Kahit sinabi niya iyon ay hindi ko pa rin tinuloy ang mga dapat kong gawin. Siguro kung wala si Rider dito ay baka tinuloy ko na at hinayaan siyang pansinin ang mga kalat sa unit ko para hindi ko na kailangan marinig ang sermon niya kaso kinakabahan ako e.

Papunta na siya sa kwarto ko kaya hindi ko na alam ang gagawin ko. Sana talaga nakapagtago si Rider.

"Ma! 'Wag ka na pumasok sa kwarto ko please makukunsumi ka lang," pagpigil ko sa kaniya kaya nangunot ang noo ng nanay ko.

"Makalat kasi busy ako ng ilang araw na," pangunguna ko na. Mas okay na na mapagalitan ako dahil sa kalat kaysa dahil nag-uwi ako ng lalaki dito.

Humarang ako sa pinto para hindi agad makapasok si Mama. "Please, Ma next time mo na ako pagalitan dahil sa kalat kapag hindi na ako busy," sunod-sunod na sabi ko.

"E paano na lang kapag lagi ka nang busy? Ano na lang mangyayari sa tinitirahan mo ha Qiana?"

"'Wag kang puro dahilan, dapat gawan mo ng paraan, isingit mo 'yan sa gawain mo," sermon niya sa akin. Pero hindi ko na masyado pinakinggan. Basta 'wag lang siyang papasok sa kwarto, hindi ko kasi sure kung saan ba nagtago si Rider.

"Maglilinis na talaga ako, pagkatapos promise." Napailing na lang ang nanay ko at umalis na sa harap ng ko para mag-CR. Sana after niyan umuwi na siya.

Aatakihin na ako sa puso kapag nagtagal pa siya dito. Tsaka naiisip ko rin si Rider na imbis tinatapos na niya 'yung ginagawa niya e andiyan siya sa loob at nagtatago.

Siguro after nito, hindi ko na siya ulit papupuntahin dito. Feeling ko may radar ang nanay ko e. Napakaganda ng timing.

After mag-CR ng nanay ko nakatayo pa rin ako malapit sa kwarto ko, mahirap na baka kasi salisihan ako ni Mama. Ayoko muna ng rason para mag-away nanaman kami at ang dami ko na masyadong iniisip sa school ayaw ko na madagdagan.

"Ayusin mo rito ha, sa susunod kapag naabutan ko nanamang magulo at pabaya ka rito pauuwiin na kita," pagbabanta ni Mama kaya tumango lang ako. Kinuha na niya ang bag niyang pinatong niya sa center table kung nasaan ang laptop ni Rider kanina.

Nakahinga ako nang maluwag nang palabas na si Mama nang huminto nanaman siya bigla at napalingon. Sinundan ko ang tingin niya at nakita ang sapatos ni Rider na nasa rack.

"Kaninong sapatos 'yan?" Mahihimatay na yata ako sa tono ng boses ni Mama na parang hindi niya nagugustuhan kung ano ang ideya na pumapasok sa isip niya.

Napaubo ako.

"Kay Kuya 'yan, nauwi niya 'yung tsinelas na pambahay ko at naiwan 'yan." Minsan feeling ko kahit papaano matalino rin naman pala ako.

Sa ganitong bagay nga lang.

Ganito talaga bunga ng strict parents, mga sinungaling.

"Sabihin mo sa Kuya mo, umuwi sa bahay, buti pa rito pumupunta siya." Tumango naman ako at nagpaalam na sa nanay ko para umuwi na talaga siya.

Kung anu-anong bilin pa ang sinabi niya bago siya tuluyang lumabas ng pintuan.

Grabeng kaba 'yon! Naghintay pa ako ng ilang minuto bago binuksan ang pinto para tignan kung nakaalis na talaga si Mama, nang hindi ko na siya makita ni-lock ko na agad ang pinto.

Napahawak na lang ako sa dibdib ko at pinakalma ang sarili ko, nang kumalma na ako agad akong tumakbo papunta sa kwarto ko para kumustahin si Rider.














Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top