XXI
Chapter 21
#WWSwp
Napatingin ako sa kanan at kaliwa ko para tignan kung gaano karaming tao ang makakakita in case na yakapin ko ang lalaking 'to.
Napaisip ako kung sakaling may makakakita, anong mangyayari sa akin?
Tinatawag na siya ng mga ka-team niya kaya huminga ako nang malalim bago siya yakapin nang mabilis lang. Mga wala pang 5 seconds 'yon.
"Tawag ka na nila," sabi ko. Ngumiti siya at nagba-bye sa akin. In fairness medyo pawisan pa siya pero wala naman akong naamoy na hindi kaaya aya.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko kahit na nakaalis na siya pero kahit na nagsi-sink in pa lang ngayon sa akin na may gusto sa akin ang lalaking 'yon pinilit ko na lumabas ng venue at baka ma-corner pa ako roon nang kung sino.
Kahit naman kasi sabihin ni Rider na hindi siya celebrity, nakakapraning pa rin kaya.
Tinext na ako ni Zoe na mauna na raw kami umuwi at susunod na lang daw 'yung tatlo mamaya sa apartment.
"Ayain mo kaya si Rides or may lakad kayo?" sabi sa akin ni Zoe pero umiling ako. Hindi dahil ayaw ko siya isama kung hindi dahil susunduin niya raw kapatid niya.
Okay lang naman sa akin kung malalaman nila Teigan kasi si Zoe nga alam e so okay lang kahit pati sila Teigan malaman nila 'yung sa amin ni Rider, 'wag lang super detailed.
"Wala. Susunduin niya raw kapatid niya e," dugtong ko para hindi ako ma-misunderstand ni Zoe. Kung pwede man si Rider ngayon, for sure may lakad din kaming iba since officialy dating naman na kami.
"Ay sayang naman."
Katulad ng napagkasunduan sa unit kami ni Zoe nakatambay lahat. Nanonood lang kami no'ng naging laro nila kanina as if hindi pa naman alam ang nangyari, pero sabagay nakatutok lang ako kay Rider kaya hindi ko na rin masyado nakita 'yung ibang ginawa ng ibang player.
Grabe, sino ka naman diyan Rider Matias at na sa 'yo lang tingin ko?! Wala pa man din loyal na ako.
Nanonood lang kaming tatlo nila Kennedy at Theo habang naglalandian 'yung hindi raw magjowa sa may sofa. Aasarin ko sana kaso 'wag na, cute nila e tsaka baka bumalik pa sa akin.
Nang matapos ang laro, nagkukwentuhan lang kami at naglalaro ng baraha. Ang ingay nga e at parang may birthday party dito sa unit ni Zoe.
Kapag nireklamo siya ng mga kapitbahay, si Kennedy talaga ang may kasalanan. Pinakamaingay sa lahat ng maingay ang lalaking 'yon. Hindi ko alam paano natitiis ni Theo. si Teigan, hindi naman siya super ingay pero marami siyang sinasabi kaya dumadagdag na rin siya sa ingay plus ako pa.
Nang una akong matapos sa nilalaro namin sa baraha, chi-neck ko ang phone ko kung may message ba si Rider. Pinigilan kong mangiti nang meron nga.
r.matias: Nakauwi na ako, baka gusto mong malaman.
qinfigueroa: Nandito ako kayla Zoe kasama yung tatlo, baka gusto mo din malaman.
Hindi ko alam bakit sa simpleng update lang kinikilig ako. Kulang yata talaga ako sa aruga dahil 'yung mga simpleng bagay lang grabe ang epekto sa akin.
r.matias: Oh? Hahaha ano ginagawa niyo?
qinfigueroa: Kanina nanood lang kami replay ng laro niyo, ngayon nagbabaraha hahaha next time sama ka.
r.matias: alam na ni zoe? Hahahaha
qinfigueroa: medyo HAHAHA
r.matias: alam na rin ni teigan yan for sure
Tawang-tawa ako sa sinabi niya kaya napatingin tuloy sila sa akin. Sobrang accurate kasi ng sinabi niya. Totoo naman nga kapag alam na ni Zoe malamang alam na rin ni Teigan. Lagi ba namang magkasama ang dalawang 'yan.
Wala namang kaso sa akin kasi sila lang dalawa naman ang nagtsi-tsismisan. Kung baga kapag nalaman ni Zoe, kay Teigan lang naman niya sasabihin tapos kapag si Teigan ang unang nakaalam, kay Zoe lang naman din niya sasabihin.
Tinignan ako nang mapanuri ni Zoe na parang natatawa na hindi maintindihan. 'Wag nga siyang ano diyan, hindi ko na nga pinapansin paglalandian nila ni Teigan kahit andito kami nila Kennedy.
Bumulong si Teigan kay Zoe at tumango si Zoe kaya tinignan na rin ako ng mapang-asar ni Teigan.
See?!
"Nakita kayo ni Teigan na magka-hug," pag-e-explain sa akin ni Zoe nang makauwi na ang mga taga-RVU sa unit nila.
Hindi ako kumibo kasi tama naman ang nakita ni Teigan tsaka nahihiya pa ako. Siyempre bago pa lang naman.
"Baka sabihin mo tsinitsismis kita," natatawang depensa niya pa sa sarili niya kaya inirapan ko siya nang pabiro.
"Tsismosa ka naman talaga." Nag-make face lang siya at pumunta sa may kusina para magligpit. Bilang mabuting kaibigan, nasa sofa lang ako at dinadaldal siya habang naglilinis siya.
Napagod na ako sa ginawa ko buong araw kaya hindi ko na siya matulungan sa pagliligpit.
'Di, tamad lang talaga ako.
***
Aaminin ko, nabigla pa rin ako kahit alam kong hindi imposible na walang makakakita no'ng hug na 'yon sa kalagitnaan ng arena.
Hindi naman sobra dahil hindi naman ako sikat sa school kagaya ni Zoe na hindi lang sa St. Helena sikat. Pero may mga nagtanong talaga. Sa mga kaklase ko pa lang na PCAA fan, tinanong na nila ako.
Ginulo pa nila si Zoe at tinanong kung nireto ba ni Zoe si Rider sa akin samantalang wala ngang kaalam-alam ang babaeng 'yon sa mga ganap ko kasama si Rider.
May mga nagpapareto tuloy sa kaniya na mga kaklase namin.
"At talagang taga-RVU gusto niyo? Ayaw niyo taga-SHU?" biro na lang ni Zoe dahil ang daming nagpapareto sa mga taga-RVU na volleyball player. Mostly ng mga narinig kong request ay puro Casimir Fuentez o kaya Javier Serrano. Nakakaloka!
"Kayo nga ni Qin nangapit-bahay e!" sagot pa ng isa.
Grabe, kakayanin ko ba 'to?
"Kay Theo gusto mo?" tanong ko sa isa naming kaklase na akala mo kung anong item lang ang inaalok ko sa kanila.
Taken na kasi si Kennedy kaya si Theo na lang ang kaya kong ireto sa kanila siyemore may Zoe na si Teigan at siyempre dibs na kay Rider. Magkasampalan muna bago siya mapunta sa iba.
Charot.
"Pwede?" hopeful na tanong niya. Siyempre chi-nat ko muna si Theo. Mamaya i-unfriend ako no'n in real life kapag pinamigay ko lang number niya sa mga helenians.
Nang magkaroon na ng katahimikan sa pwesto namin ni Zoe, siniko ko siya. "Teh, wala naman sigurong sasabunot bigla sa akin?" Natawa siya at umiling.
"So far, wala pa namamg gano'n," sagot niya at nagkwento siya ng mga sikat na athlete na may mga jowa na lowkey lang.
Hindi pa nan daw umaabot sa obsessed ang mga PCAA fans which is good kasi siyempre kahit hindi ko naman dine-date si Rider, karapatan pa rin naman nila na magkaroon ng private life 'di ba.
Tambak ang mga gawain ko these past few days, may game si Zoe na nakaligtaan ko dahil sa ginagawa, tinutulungan ko rin si Zoe kasi alam ko naman na sobrang hectic na ng schedule niya.
Hindi pa rin kami nakakapagdate ni Rider. As in 'yung official. Hindi rin kasi nagtutugma ang mga sched namin. Kapag pwede siya, hindi ako pwede. Tapos kapag pwede ako, siya naman ang busy sa training o kaya sa mga art or editing na ginagawa niya sa course niya.
Lagi naman kaming magkausap sa IG kaya okay lang. Wala namang panggho-ghost na nagaganap. Knock on wood! Dahil grabe ang sugal ko diyan kay Rider, tapos igho-ghost lang ako? 'Wag naman gano'n 'di ba.
Pauwi pa lang ako at iniisip ang mga gagawin ko pag-uwi ko, nai-stress na agad ako. Parang ayoko na agad umuwi o bagalan ko muna ang pag-uwi kasi ayoko pa kaharapin ang mga aaralin ko at gagawin ko.
Naglalakad ako pa-West Hill para bumili ng ulam as usual dahil wala na akong oras para magluto sa apartment.
Ayoko naman na stressed na nga ako, gutom pa ako kaya bibili muna ako ng makakain pati na rin mga mangangata ko habang naiistress ako sa buhay ko.
"Hi." Napatitig akong parang tanga ng siguro mga 10 seconds.
Hi lang 'yon pero ang pogi mare!
Anong ginagawa nito dito?
"Hello, sino po sila?" pang-aasar ko. Sabi niya kanina may shoot siya!
Wow, akala mo artista talaga dine-date ko e no.
"Admirer mo," sagot niya. Gusto kong kiligin pero pinigilan ko. Lantaran na nga sa kaniya na attracted ako sa kaniya noon pa, 'wag naman natin lubusin ang kakapalan.
"Ah stalker." Nangiti lang siya at umiling. Naglakad siya palapit sa akin kaya nag-umpisa na rkn ako maglakad dahil muntik ko na makalimutan na bibili pala ako ng ulam.
Paano ulam na rin naman 'yung kusang lumapit sa akin.
"Akala ko ba may shoot kayo?" tanong ko sa kaniya. Nakasuot siya ng uniform niya so baka umaga ang training nila ngayon or baka wala kasi nga kailangan din nila maghabol ng mga gawain.
"Wala na, mag-e-edit lang ako ngayon." Inangat niya ang bag niyang mukhang may laptop at kung anu-ano pang equipment. May gagawin pa rin pala siya, akala ko free siya kaya niya ako pinuntahan.
"Paano mo nalaman na andito pa ako?" curious na tanong ko kasi kahit naman grabe ang karupukan kong taglay, hindi ko pa naman yata naibibigay sa kaniya ang schedule ko pero nang banggitin niya ang isang pangalan. Nag-make sense na ang lahat.
"Kay Zoe."
Nagkwento ako sa kaniya ng mga nangyari ngayong araw. Sinabi ko rin na nagpapareto ang mga kaklase ko sa mga ka-team niya. Nakikinig lang siya habang natatawa rin sa mga kinu-kwento ko.
"Ibibigay ko nga sana number ni Theo kaso 'di pa ako sine-seen," reklamo ko pa hanggang sa na-realize ko na ang daldal ko pala.
Pakiramdam ko kasi kay Rider lahat pwede ko sabihin sa kaniya, 'di ko talaga namamalayan ang kadaldalan ko minsan.
Napatingin tuloy ako sa kaniya habang hinihintay ko ang ulam ko na binabalot ni Ate sa plastic.
Napatingin rin tuloy siya sa akin. "Hm?" Bumili rin siya ng sarili niyang ulam kaya bumalik lang rin ang tingin niya kay Ate dahil inabot niya ang bayad.
"Wala lang... feel ko ang dami kong nasabi." Madaldal kasi talaga ako kasi siguro hindi naman ako nakakapagdaldal sa bahay namin, wala rin akong napapagsabihan ng mga nangyari sa araw ko simula noon pa, kahit no'ng hindi pa nakatira mag-isa sa apartment ko.
Sabi nga rin ni Zoe, ang TMI ko raw pero sabi niya rin wala naman daw siyang issue doon, naaaliw pa nga raw siya sa akin pero sa ibang tao hindi gano'n 'yung case.
Narasanan ko na 'yung ma-cut-off 'yung sinasabi ko o kaya ang dami kong sinasabi tapos hindi naman pala ako napapangkinggan, makikita mo na lang nag-pho-phone lang. Ni tango hindi magawa.
Ewan ko kung baka kasi madaldal na kasi ako masyado kaya gano'n o mga bwisit lang talaga sila kaya medyo nanibago ako. Feeling ko kasi si Kuya at Zoe lang talaga 'yung legit na pinapakinggan rants at kwento ko.
Plus ngayon si Teigan, Kennedy at Theo.
Aba ang kapal naman ni Teigan at Kennedy kung magrereklamo sila sa akin e ang daldal rin no'n!
Si Theo naman mukhang hindi nakikinig, nakaka-offend din pero narealize ko na nakikinig naman siya hindi lang halata.
Dati kasi parang may nabanggit ako na nakalimutan ko bilhin sa bookstore tapos mayamaya kumatok siya sa unit ko at binigay sa akin kasi mayroon pala sila sa apartment nila.
So I therefore conclude nakikinig siya sa akin kahit feeling ko napapagod na ang tainga niya.
Kasama mo ba naman si Teigan at Kennedy sa iisang bubong.
"And?" Kinuha niya ang plastic ng order naming dalawa. Hindi ako sumagot pero sabay kaming naglalakad papunta sa sakayan pauwi sa apartment ko.
"Wala namang problema doon," dugtong niya. Sa itsura niya mukha namang wala naman talaga siyang problema kung marami akong sinasabi.
"Good listener kaya ako," pagmamayabang niya pa kaya nailing na lang ako at napangiti. "Gusto ko nga naririnig kung anong nangyari sa araw mo." Hindi na ako nakasagot kasi masyado na akong kinikilig kaya iniba ko na lang ang usapan.
"Ask ko lang, ihahatid mo ba ako?" makapal na mukhang tanong ko. Hindi ko kasi sure kung same ba kami ng sinasakyan o ihahatid niya ako o inaantay niya na ako muna ang makasakay.
Hindi siya nakasagot agad at parang may gusto siyang sabihin pero nahihiya siyang sabihin. Hindi naman mahirap makita sa mukha niya kapag may gusto siyang sabihin, pinipigilan niya lang.
"Ano 'yon?"
"Are you busy?" Tumango ako. Busy talaga ako ngayong araw, nakaplano na ang mga gagawin ko hanggang mamayang madaling araw buti nga pinuntahan niya ako e. Medyo nabawasan 'yung stress ko na namumuo habang iniisip ko pa lang ang mga gagawin ko.
"Bakit? Busy ka rin naman sabi mo mag-e-edit ka."
"I'm hoping we can do our school works together," aya niya sa akin. Na-tempt ako doon pero naalala ko ang mga dental materials ko na nag-aantay sa akin sa unit ko. Alangan namang dahil ko 'yon lahat ngayon.
"Training nanaman kasi." Damang-dama ko 'yung panghihinayang niya sa boses niya.
Ano ba namang tukso 'to.
Personified tukso talaga ang isang 'to lalo na kapag ganiyang ang pogi niya sa uniform niya. Pasalamat na lang din siguro ako na hindi siya naka-jersey dahil baka talikuran ko na ang dentistry at panindigan na lang ang pagiging PCAA girlfriend.
Wala nang date date, rekta na agad!
"Nasa unit ko gamit ko e, gusto mo doon ka na mag-edit?" Alam na rin naman ni Zoe na may something sa amin nito so ano pa nga bang itatago ko 'di ba.
Pero siyempre hindi ko sasabihin kay Maria Zoella na pupunta siya!
Napatingin siya sa akin at napakurap lang at hindi nakapagsalita agad.
"Okay lang?"
"Oo, gagawa lang naman tayo school works, bakit may iba ka bang binabalak?" pang-aasar ko kaya agad na pumula ang tainga niya.
Tignan mo 'to!
"'Wag na nga, may balak ka yata e! Namumula ka!" Turo ko pa sa kaniya kaya kaya napahawak siya sa mukha niyang namumula na rin.
"Wala!" depensa niya. Natawa na lang ako sa reaksyon niya at hinila siya pasakay ng jeep nang may mapara ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top