XX

Chapter 20
#WWSwp

Pag-uwi ko ng apartment, naligo lang ako at nagbihis tapos siyempre dumiretso na ako sa unit ni Zoe dahil chi-chikahin ko pa siya about doon sa picture.

Naka-ilang katok lang ako ay pinagbuksan na niya ako. Nakakunot ang noo niya sa akin nang buksan niya ang pinto.

"Saan ka nanggaling?" agad na tanong niya kaya nag-lag ang utak ko.

"Diyan diyan," walang kwentang sagot ko. Nakakainis naunahan ako, imbis tuloy na siya ang chikahin ko, ako ang chinichika niya.

"Diyan diyan," pag-uulit niya na may pagdududa sa boses bago niya ako pinapasok sa unit niya.

Ibinagsak ko ang katawan ko sa sofa at tinabihan naman niya ako. "Kayo na ni Tei?" tanong ko. Umiling naman siya sa akin kaya nangunot ang noo ko at napatingin sa kaniya.

"Anong iling 'yan? Iling na as in hindi pa kayo o iling na hindi mo sasabihin sa akin?"

"Iling na hindi ko sasabihin sa 'yo hangga't hindi mo sinasabi saan ka galing at sino kasama mo," tuloy-tuloy na sabi niya kaya napasimangot ako.

Simula nang nakita ko ulit si Rider, grabe na ang pagdududa niya sa akin. Ilang beses pa lang naman kami ulit nagkita no'n pero ang lakas na talaga ng pakiramdam ng babaeng 'to. Sabagay, feeling ko soulmate ko 'tong si Zoe minsan e.

Sasabihin ko na rin naman dahil sasama ako sa kaniya kapag pumunta siya sa next game ng RVU. Wala na akong kawala kapag ganoon tsaka at least by that time, 'exclusively dating' na kami.

Kinikilig ako amp.

"Edi 'wag iisipin ko na lang na kayo na," sabi ko na lang kaya pabiro niyang hinila ang buhok ko. Akala niya yata may mapapala siya sa akin.

Nag-usap na lang kami about sa kung saan saan na maisip namin. Minsan sine-segway ko pa 'yung kanila ni Teigan pero ang galing din nito umiwas kaya pareho kaming walang napapala sa isa't isa, walang effect ang kadaldalan ko rito e. Si Kennedy na nga lang chi-chikahin ko kapag nakita ko 'yon.

Mga hating-gabi na ako nakabalik sa unit ko sa sobrang dami naming pinag-usapan ni Zoe maliban na lang sa kaniya-kaniya naming kalandian.

Nanlaki ang mata ko nang maka-receive ako ng ilang DM galing kay Rider na tinatanong kung nakauwi na ako. Sabi ko nga pala mag-me-message ako na hindi ko na nagawa dahil napachika ako kay Zoe.

qinfigueroa: Nakauwi naaaaa!!! Sorry napatsismis kasi ako kay Zoe eh hahaha

r.matias: Ayun! Okay pahinga ka na hahaha

qinfigueroa: Ikaw din, good night.

r.matias: Good night, Qin.

Nag-i-instagram na lang ako habang nakahiga sa kama at nagpapaantok nang madaanan ko ang post ni Rider.

Mga kuha niya 'yon kanina sa museum.

r.matias art 11/10

Picture iyon ng isang painting na nakita namin kanina, mga ilang segundo rin ang lumipas bago ko napansin na nahagip pala ako sa picture na 'yon.

Nakatalikod naman ako kaya wala namang problema. Tsaka agaw pansin naman ang painting.

Liked by zoesantiaguel and 3213 others

Hindi naman siguro alam ni Zoe na ako 'yon. Napakagaling naman niya kung alam niyang ako 'yon. Buti na lang rin pala nagpalit muna ako ng damit bago ako nagpunta sa kanila kung hindi, hindi na aabot sa game ang tinatago ko sa kaniya.

***

Hindi pa alam ni Zoe na sasama ako sa kaniya sa game. Dalawa nga rin ang binigay sa akin ni Rider para daw magkasama kami ni Zoe. Hindi ko alam kung may ticket na si Zoe o libre ba siya o binigyan din siya ni Teigan pero bahala na.

Hinalungkat ko ang buong closet ko para makahanap ng pinakamagandang navy blue na damit na mayroon ako. Marami naman akong blue, pinapahiram ko pa nga si Zoe kaya lang maarte ako e kaya kailangan mahanap ko 'yung pinaka-okay sa akin.

Sa tagal kong naghanap nauwi ako sa blue long sleeve cardigan na crop top tapos nag-mom jeans na lang ako at belt. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at okay naman, as expected sa almost perfect na katulad ko.

Inayos ko na ang bag ko at dumiretso sa unit ni Zoe. Hinanda ko na rin ang sarili ko sa pang-u-usisa niya sa akin. Feeling ko naman nakaalis na si Teigan papuntang RVU. Lagi kasing nasa unit ni Zoe ang isang 'yon kapag may time siya. Konti na lang iisipin kong gusto na niyang makitira sa frenny ko e.

Kumatok ako at ang bilis na binuksan ni Zoe ang pinto, medyo nagulat pa siyang makita ako. Hindi yata ako ang ine-expect.

Nang makapasok ako sa pinto hindi agad nakatakas sa kaniya ang itsura ko. Huminto pa ang tingin niya sa blue kong suot. Halatang halata na pinipigilan niya ang ngiti niya kaya napairap ako.

"Tantanan mo 'ko sa ngiti mong 'yan Maria Zoella," pagbabanta ko pero lalo namang nangiti si gaga.

Dumiretso na lang ako sa sofa niya at umupo. Sa itsura niya kasi, hindi pa siya ayos. Pero may hawak siyang jacket na kay Teigan kaya baka 'yon isusuot niya.

Kaso hindi ba 'to mapapagalitan dahil doon? I mean wala namang masama kaso siyempre naglalaro siya para sa SHU. Ang weird naman kung mas sinusuportahan niya RVU sa volleyball kaysa SHU in terms of men's volleyball.

"May hindi ka pa rin sinasabi sa akin," bawi ko na lang para hindi lang ako ang nasa hotseat.

"Sabihin mo na kasi sa akin, mukhang pareho lang naman tayo ng kinabagsakan," pang-uudyok niya habang nakatingin lang kami sa hoodie na hawak niya na may malaking RVU na nakalagay sa gitna.

St. Helena pasensiya ka na.

"Ano pa bang sasabihin ko e parang alam mo naman na," sagot ko. Parang may alam naman na talaga siya, parang gusto lang niya ako paaminin talaga kaya hindi niya sinasabi pero sa lahat ng pang-aasar niya sa akin parang may alam na siya.

"Sabihin mo sino, malay mo mali pala ako." Nanahimik ako kasi ang awkward sabihin.

"Sabihin mo na sino at bakit si Rider 'yon?" Agad ko siyang siniko sa tagiliran niya dahil sa sinabi niya.

"Kayo ba no'n?" natatawang tanong niya kaya umiling ako at sinabi na lang sa kaniya na minsan nagkikita kami. Kahit naman sinasabi ko sa kaniya medyo ayoko pa rin ibulgar lahat kaya medyo iwas pa rin ako at hindi dinedetalye.

Laging nagrereklamo si Zoe na hinahampas ko siya lagi pero gano'n din naman siya the whole time na nagkukwento ako. Volleyball player pa siya ha, isipin niyo 'yung bugbog ng braso ko kapag kinikilig siya.

"Paano kayo nagkakilala?" tanong niya nang makarecover sa kilig niya.

"Magkakilala sila ni Rylie, nagkakilala kami sa Puerto Galera." Napa-o ang bibig niya at napatulala saglit na parang may iniisip. Mayamaya rin ay kinuha niya ang phone niya. Binukasan niya ang IG ni Rider at nagscroll-scroll siya. Medyo malayo na ang narating niya kaka-scroll niya kaya hindi ko alam ano bang himahanap niya.

Hanggang sa huminto siya sa post ni Rider no'ng sa Puerto Galera. S-in-wipe niya 'yon at huminto sa picture ko.

"So ikaw talaga 'to?" Nanlalaki pa ang mata niya habang tinatapat sa akin ang picture. Hindi naman kasi sobrang kita ang mukha ko doon sa picture. May sinag kasi ng araw kaya medyo nakaharang ang kamay ko, kita pa rin ang mukha ko pero hindi bulgar na bulgar.

Nakita niya pala 'yon. Nawala na rin sa isip ko 'yon ah.

"Oo." Hinampas niya ulit ang braso ko kaya ginantihan ko na siya.

"Akala ko kamukha mo lang kaya hindi ko masyado pinansin." Hindi naman niya alam na na nag Puerto Galera ako no'ng bakasyon, ang alam niya lang wala ako sa Manila kaya siguro hindi rin siya sure. Hindi ko rin naman brinoadcast sa IG story ko at mga post ko kung nasaang lupalop ako kaya siguro hindi niya na rin napansin.

"Edi matagal na pala?" Umiling naman ako. "I mean matagal na no'ng nagmeet kami pero matagal din kami hindi nag-usap tsaka nagkita." Hindi ko na inelaborate kung bakit dahil nakakahiya lang kung sasabihin ko na natakot ako magkagusto sa kaniya tapos idagdag pa na hinalikan ko siya. Grabe grabeng kahihiyan 'yon na ibabaon ko hanggang kamatayan.

"Kaya rin pala nakilala mo si Juanico,"  tatawa-tawa niyang sabi kaya um-oo ako kasi ayon naman talaga ang dahilan kaya kilala ko si Juanico. "Magbihis ka na nga." Tinulak ko siya paalis sa sarili niyang sofa kaya tumayo na siya at naglakad papunta sa kwarto niya.

"May utang ka pang chika sa akin!" pahabol ko at sabi niya lang paglabas niya raw saka niya iku-kwento sa akin.

Pagdating namin sa venue as usual maingay, tapos hype na hype ang mga nag-d-drums. Tawang-tawa ako kasi nakasuot si Zoe ng hoodie ng RVU kaya hindi maiiwasan na may magpicture sa kaniya. Sabi ko nga sabihan ko na 'wag siyang picturan pero sabi naman niya okay lang daw. Siya naman may choice na magsuot ng hoodie na 'yon e.

Nagkwentuhan lang kami ni Zoe mostly about sa volleyball, medyo naging interest ko na rin naman ang volleyball. Nakaka-enjoy naman din manood e pero hindi ko papangarapin na maging player. Legit magkakalat lang ako diyan tapos baka wala pang ilang minuto pagod na ako. Tapos nakakatakot pa 'yung bilis ng mga bola tuwing naglalaro sila. Hanggang nood lang talaga ako.

Magkaakbay na lumabas si Teigan at Rider. Mukhang may pinag-uusapan sila kasi nakikinig lang si Rider habang parang may tinuturo si Teigan sa kaniya. About siguro sa mga gagawin nila sa game.

Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko, titignan ko ba siya hanggang sa makita niya na andito ako o aantayin ko na lang na hanapin niya ako at magpatay malisya na lang since sabi naman niya makikita naman daw niya ako.

Tumingin na lang tuloy ako sa phone ko para kunwari hindi ako excited na makita niya ako dito pero 'tong magaling kong katabi siniko ako kaya napaangat ang tingin ko. Kumaway si Rider sa gawi namin kaya kumaway pabalik si Zoe. Hindi ko alam kung kakaway ba ako kasi sabihin pa ng mga tao dito echosera ako pero tinaas ni Zoe ang kamay ko at winagayway kaya kumaway na lang din talaga ako. Hindi ko na nakita masyado reaksyon ni Rider kasi nahiya ako kaya iniwas ko tingin ko.

"Sira ulo ka," bulong ko kay Zoe at tinawanan niya lang ako. Ayan napapala niya kalalapit kay Teigan e nagiging bwisit na rin siya.

Pinanood ko na lang sila Rider na magwarm-up doon. Kahit yata panoorin ko lang siyang ganiyan nang magdamag hindi ako ma-bo-bored. Kahit yata wala na siyang gawin, basta naka-jersey uniform siyang ganiyan tapos may headband, ayos na ako.

All throughout the game sigaw lang ako nang sigaw. Gano'n rin si Zoe. Actually, lahat naman dito sa side ng RVU sobrang ingay kasi ang galing nila. Kagaya ng sabi ni Zoe, on roll sila.

'Yung first game rin naman nila ganiyan na sila pero nakaka-amaze pa rin na makita silang consistent. Kapag nanalo na sila dito, panalo na sila laban SU kaya talaga hindi ko rin sila masisi na gustong-gusto na nila tapusin ang laban. Ayaw na yata nila pai-score-in ang kalaban.

Mas nakakatakot ang mga hampas ng bola dito kaysa sa women's volleyball. Nakakatakot na nga kapag sila Zoe, mas nakakatakot pa pala kapag mga lalaki. Ang lalakas ng pulso, parang naghahamon ng away gamit 'yung bola kaya edge nila kapag magaling sila sa control kasi kapag masyadong malakas, mag-o-out lang, hindi rin naman maganda kapag ganoon.

Nang makuha na ng RVU ang huling puntos nila nagyakapan pa kami ni Zoe na akala mo naman finals na. May pagka-OA rin talaga kaming dalawa pero hayaan na kasi lahat naman masaya sa may side namin.

"Puntahan mo na," bulong sa akin ni Zoe sabay tulak pa. Kapag ako nalaglag talaga sa may steps, idadamay ko siya.

Sabay kaming bumaba ni Zoe kasi pupuntahan niya rin naman si Teigan, hindi kasi uso sa kanila magkasawaan. Minsan nga feeling ko magkamukha na sila dahil lagi silang magkasama tapos saktong magkapitbahay pa. Pero sabi naman nila kamukha mo naman daw makakatuluyan mo, edi sana silang dalawa na talaga.

Hinihintay ko lang sa gilid si Rider, may mga kinakausap pa kasi siya na mga taga-SU tapos nag-pi-picture din ang iba. Nang magpaalam siya doon sa kausap niya tumingin pa siya sa mga upuan ng audience, nang wala siyang makita roon ay saka nalipat ang tingin niya sa may gilid kung nasaan ako.

Nginitian ko siya kaya nginitian niya rin ako at tumakbo palapit sa kung nasaan ako. "Congrats," bati ko agad.

"Thanks, buti nakanood ka..." dahan-dahan niyang sabi kaya pinigilan ko ang tawa ko. "Sayang kasi ticket," pabiro ko pang sabi kaya nailing na lang siya.

"Joke, baka lang kasi 'di ba may mag-ayang gwapo bigla sa akin ng date kapag pumunta ako." Ngiting-ngiti naman siya nang sabihin ko iyon. Kilig naman 'to masyado. Ako lang 'to oh!

"Ah I see, so kailan ka free?"

Kunwaring kinunot ko ang noo ko para asarin lang siya. Ang cute kasi nito e. "Bakit mo natanong?"

"Para magkatotoong may gwapong mag-aya sa 'yo ng date." Natawa ako sa pagsakay niya sa trip ko. "Kapal mo!"

"Pero seryoso nga kailan ka pwede? As much as I want to date you now kaso susunduin ko pa kapatid ko e." Napaisip ako kung kailan ba ako pwede. Minsan kasi kahit wala akong pasok may mga ginagawa pa rin ako, sobrang daming pagawa kasi sa dentistry. Mapa-paper works hanggang sa mga activity walang mintis.

"Message na lang kita?" Hindi ko pa kasi talaga sure. Kahit naman malandi ako, iniisip ko pa rin mga gawain ko sa school. May priorities pa rin ako.

"Okay." Nag-uusap pa kami pero may tumatawag na sa kaniya kasi may meeting pa yata sila or baka pinapatawag sila ng coach nila kaya nagpaalam na ako sa kaniya.

"Wait," pagpigil niya sa akin.

"Bakit?"

"Can I have a hug?"












Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top