XVII
Chapter 17
#WWSwp
As an overthinker and over analyzer, bakit niya tinatanong kung single ba ako? May balak ba siyang baguhin?
Nakatingin lang siya sa akin at inaantay ang magiging sagot ko. Ang dami ko nang kasinungalingan na sinabi sa kaniya. Ayoko na rin naman sabihin na may boyfriend ako kahit wala naman. Dagdag problema pa 'yan.
So I therefore conclude na the best answer is oo.
"Oo, mag-o-one year na rin, why?" sagot ko sa kaniya. Tipid lang siyang ngumiti at umiling na mukhang satisfied siya sa naging sagot ko. Aba mukhang masaya pa siya na nag-iisa ako ngayon.
"So ano na? Nakaisip ka na ba ng hihilingin mo sa akin?" pagbabalik ko ng topic doon tutal 'yon naman daw ang reason bakit niya ako gusto makita ulit.
"Yup." Itinukod niya ang siko niya sa lamesa at ipinatong ang baba niya sa palad niya bago niya ako tinignan sa mata. "Ano 'yon? Ayusin mo ha!" banta ko sa kaniya habang iniiwasan ang tingin niya na hinuhuli ako.
Hindi ba siya informed na nakakapanghina ang titig niya, last time na ginawa niya 'yan may sakunang naganap na hanggang ngayon naiisip ko pa rin.
"Qiana," umpisa niya.
Magpapalit na talaga ako ng pangalan, masyadong maganda ang pangalan ko kapag binabanggit niya. Hindi healthy para sa akin.
"Oh?" Nakatingin lang ako sa kamay kong nasa table. Ewan ko ba kung ano bang meron sa titig niya ngayon sa akin na hindi ko kaya salubungin.
"Please don't disappear on me again," he uttered.
Ilang beses sa araw na 'to ba ako ma-s-speechless? Maysado ba akong madaldal kaya pinapatahimik na ako ni Lord?
Inaantay ko na ngitian niya ako after ng sinabi niya or kung may kadugtong pa ba 'yon, pero wala. Nakatingin lang talaga siya sa akin.
"Uh..." Ano bang ibig sabihin niya doon? Na 'wag ko na siya taguan? Alam niya bang tinataguan ko siya all these months? Ako lang naman yata nakakaalam no'n tsaka si Rylie.
"Can you grant me that?" Hindi ba talaga 'to joke time? Akala ko naman magpapalibre lang siya sa akin o ano. 'Yon ba talaga ang wish niya?
Sabagay, mas okay na 'yon kaysa bigla akong hingan ng cash nito o kaya house and lot. Pwede na rin siguro, kaso naman ako nanaman ang maghihirap dito.
"Sure ka? Ayan lang gusto mo?" tanong ko.
Gamit ang ilang braincells na meron ako, ang pagkakaintindi ko sa gusto niya ay gusto niya ako sa buhay niya? Don't disappear on him daw e? So ano bang kabaliktaran ng disappear edi appear?
Grabe, logic 100/100
Sa wakas ngumiti na siya at tumango na para bang sure na sure siya na sinasabi niya.
"Hindi naman ako nawala ah?" hirit ko pa kahit aware pala siya sa pinaggagagawa ko. I mean hindi naman ako halata, hindi naman talaga kami nagkita noon maliban doon sa mall na hindi naman din siya lumapit. For the past months, hindi naman talaga kaya hindi rin naman totally na pinagtaguan ko siya. Siguro naging mailap lang ako sa mga kwago pero 'yun lang naman 'yon.
"Talaga ba?" Sa tono niya halatang hindi siya naniniwala sa akin. Sabi ko nga e, hindi na ako magsisinungaling.
"Okay fine, hindi na," pagsuko ko kaya mas lumawak pa ang ngiti niya.
Wala naman na akong magagawa. Nagkita na kami e, hindi ko naman na pwede forever iwasan 'yung fact na magkakilala kami lalo na nagkita na nga kami ulit ngayon mas mahirap na talagang iwasan unless aminin ko kung bakit ko ba siya iniiwasan in the first place.
Pasalamat na lang rin ako hindi niya ako nireklamo kasi hinalikan ko siya nang walang paalam sa Puerto Galera.
"'Wag kang magrereklamo diyan kapag lagi mong makikita 'tong pagmumukha ko ah," biro ko pa sa kaniya.
Umiling naman siya. "Imposible."
***
"Alam mo teh, tanggapin mo na, wala ka na talagang kawala," sabi ni Rylie sa akin nang i-kwento ko sa kaniya 'yung ganap namin ni Rider.
Maski siya ay nagulat na nagkita at nag-usap kami ulit kasi ilang buwan na rin talaga ang nakalipas no'ng nakabalik kami ng Puerto Galera tapos wala talagang communication.
"Teh delikado na talaga yata ako, pero hindi pa ako ready," sagot ko sa kaniya.
Wala namang sinabi si Rider na jojowain niya ako o ano. Napakalayo naman sa gano'n ng nangyari pero sarili ko kasi ang iniisip ko.
Hindi pa ako ready magkagusto sa isang tao and alam ko na kapag kay Rider kahit hindi ako ready, magkakagusto't magkakagusto ako kasi tao lang naman ako at may kahinaan din. Tsaka very likeable pa ang isang 'yon.
"Parang never ka naman na magiging ready, teh." Napabangon ako sa pagkakahiga ko sa kama at tinignan si Rylie. "Tingin mo?" seryosong tanong ko.
"Kasi teh kaya ka hindi ready kasi naiisip mo 'yung mga failed relationship mo noon 'di ba? E 'yung mga failed relationship mo forever na 'yan nandiyan kasi tapos na e, hindi mo naman na 'yon mababago." Nakinig ako sa mga sinasabi niya kasi baka alam mo 'yon makalog 'yung ulo ko. Minsan kasi ako, kailangan ko rin ng hampas bago ako matuto.
Pero minsan naisip ko kaya siguro ganito ako kasi lumaki ako na takot magkamali dahil siyempre sobrang strict ng Mama ko pagdating sa akin, hindi ko naranasan 'yung kapag nagkamali ako, kailangan ko i-tama ang sarili ko or kumbaga pulutin 'yung sarili ko, kasi pinalaki ako na hindi pwede magkamali at all. Wala nang bawian.
Siguro no'ng nag-college ako medyo nag-loosen up na ako pero andoon pa rin ako sa proseso ng pagbuo sa sarili ko outside ng pagiging strict ng mama ko.
Ang dami kong gustong subukan, ang dami kong gusto maranasan, sa sobrang deprived ko sa mga bagay na 'yon, gusto kong makabawi para sa sarili ko na hindi ko na rin naisip 'yung ibang bagay nang mabuti.
Para kasi akong nakawala sa kulungan kaya parang masyado ako na-overwhelm sa mga pwede kong gawin. Nasayahan ako sa fact na walang magagalit sa akin if ever kasi hindi naman alam ni Mama.
Ayan, puro failed relationships. Nag-he-hesitate na tuloy akong mag-try.
"Makapag-usap naman tayo akala mo jojowain ako ni Rider."
"Ah talaga ba? Bakit ka naman sasabihan no'n ng 'don't disappear on me again' kung wala siyang balak?"
"Baka as a friend?"
"Teh, hindi na kami classmates no'n at hindi na rin kami nag-uusap nang ilang buwan na, wala naman akong narinig sa kaniyang ganiyan." Hindi ako nakaimik sa sinabi niyang 'yon.
Comparable ba 'yon? Hindi naman niya tinaguan si Rider.
"Bakit kasi hindi mo pa aminin sa sarili mo na mayroon talagang something between Rider at sa 'yo noong sa Puerto Galera?"
"Sige sabihin na nating we were something before, pero iba naman na siguro ngayon?" pangangatwiran ko pa kaya napabangon na si Rylie mula sa kama para makapagpaliwanag sa akin.
"You were something before, you might be something more this time," sabi niya pa.
"Pero ako lang naman 'to, I mean ikaw pa rin naman makakapagdecide para sa sarili mo," dugtong niya bigla kaya natawa ako.
"Sus sinasabi mo lang 'yan para hindi kita sisihin kapag mali ang advice mo," pang-aasar ko kaya hinila niya ang buhok ko.
"Shh 'wag mo ko expose."
Buong gabi ko inisip ang pag-uusap namin ni Rylie. I mean 'wag na ba ako maghold back? Dapat lang ba na mag go with the flow na lang ako, hindi ko pa rin naman alam kung anong mangyayari.
It might turned out great or it might fail again. In order to know kailangan ko mag take ng risk. Siguro dapat hindi na lang din ako mag-expect. Kung ano man ang mangyari I just hope maganda iyon. May it be friendship or more.
Is Rider a risk I'm willing to take? I swear konting tulak pa sa akin, mahuhulog ako sa taong 'yon nang walang kahirap-hirap and if I decided to lay my eyes on him, there's no turning back.
Kasi I can't turn my back kapag andoon na ako, kaya nga I tried to hold back habang maaga pa, kasi kapag andoon na ako alam kong wala nang atrasan.
Bahala na siguro, wala pa namang sigurado. Hindi ko alam kung gusto ba niya ako o may gusto na ba ako talaga sa kaniya. Ang alam ko lang I'm on the edge already, the moment Rider got back on my radar, I'm bound to fall.
***
Nakatambay ako sa apartment ni Zoe habang nag-a-ayos siya kasi manonood siya ng game nila Teigan ngayon. Pinipilit ko siya na magsuot ng blue dahil 'yon ang kulay ng RVU pero ayaw niya, naka-white siya ngayon.
Medyo duda na nga ako sa kanilang dalawa ni Teigan pero ayoko siyang kulitin kasi medyo duda na rin siya sa akin, lakas kasi talaga nito makiramdam, akala mo konektado laman loob namin.
"Hindi ka ba talaga sasama sa akin?" aya niya sa akin na manood din ng game nila Teigan. Kapag nanoood ako ibig sabihin mapapanood ko rin si Rider, parang hindi ko pa keri 'yon?
Tsaka antayin ko na lang siguro si Rider na ayain ako, baka makita niya pa ako doon. Panonoorin ko na lang 'yung game sa TV mamaya.
"Ayoko may gagawin pa ako," palusot ko kahit ang gagawin ko lang naman talaga ay humilata sa bahay at manood ng TV.
Naningkit ang mga mata ni Zoe at kitang-kita ang pagdududa niya sa akin sa paraan ng pagtingin niya.
Anong oras ba aalis 'to? Pwede bang umalis na siya. Akala ko aalis na siya nang tumayo siya kaya lang tumayo siya sa harap ko at humalukipkip.
Para nanaman akong may kasalanang ginawa nito kung makatingin siya sa akin.
"May hindi ka sinasabi sa akin," she stated na parang siguradong-sigurado siya sa sinasabi niya at parang konti na lang mahuhuli na niya ako.
Tama naman siya, pero siyempre hindi ko aaminin. Saka ko na lang siguro sasabihin sa kaniya kapag sure na o may patutunguhan ba, ngayon kasi hindi ko pa naman sure.
Pero nakapagdecide na ako. Buong gabi ko rin yata inisip 'yon. Hindi na ako tatakbo o iiwas kay Rider. Bahala na talaga kung anong mangyari sa akin. Ipagdadasal ko na lang ang mga decisions in life ko kasi gano'n naman e, narealize ko na mas nakakatakot ang missed opportunities kaysa hindi mo na-try at all.
Parang childhood ko lang.
So as a gaga friend, nagmaang-maangan ako sa kaniya. "Alin doon? Marami akong hindi sinasabi sa 'yo gaya ng anong ulam ko kagabi," palusot ko na walang kakwenta-kwenta dahil alam ni Zoe na lahat sinasabi ko sa kaniya kaya siguro ramdam niya rin kapag may hindi ako sinasabi sa kaniya.
"Sinong inuulam mo lately?" Kung may iniinom lang ako, nabuga ko na 'yon for sure sa mukha ng babaeng 'to. Grabe naman sa inuulam! Wala pa nga e! Minsan 'tong bibig ng isang 'to sarap tapalan ng tape e. Pasalamat siya love ko siya.
"Bastos mo! Alis ka na nga." Kailangan na niyang umalis baka kung ano pang magawa ko sa kaniya. Tawang-tawa pa siya sa sarili niyang kagagahan.
Ipagkalat ko kaya sa mga fans nito na 'uy 'yung idol niyo ang bastos ng bibig!' May pagkabalasubas din e.
"Sige, alis na ako, mamaya ka ulit sa 'kin." Aba nagbanta pa talaga! Kung hindi lang siya aalis, sinabunutan ko na 'tong frenny ko na 'to e.
No'ng umalis siya siyempre umalis na rin ako sa unit niya dahil ano namang gagawin ko roon kung wala naman 'yung may-ari 'di ba? Alangan namang kausapin ko ang halaman niya 'di ba? Baka sumagot pa bigla.
Pagbalik ko sa unit ko binuksan ko na ang TV, mamaya pa naman 'yung telecast pero para na rin sure na hindi ko makaligtaan. Habang hinihintay mag-start 'yung game, nag-instagram na lang ako.
Walang IG story si Rider o post, siguro kasi nag-re-ready na sila para sa game. Nagdadalawang-isip ako kung i-d-dm ko ba siya ng goodluck.
Makikita pa kaya niya 'yon? For sure marami ring nagme-message sa kaniya no'n.
Pero at least nag-goodluck ako, at least tinutupad ko 'yung wish niya 'di ba, na hindi ko na siya iniiwasan.
Tama, tama.
qinfigueroa: Ewan ko kung mababasa mo to pero goodluck sa game!
Wala pang isang minuto pero nag-reply na siya. Akala ko pa man din hindi niya makikita agad, siguro nakatambay siya sa IG niya since marami ngang nag-me-message sa kaniya.
r.matias: Thank you, need ko talaga yan.
qinfigueroa: Ang alin? Yung goodluck?
r.matias: Yup, galing sayo
Gusto ko magtanga-tangahan pero ang hirap kapag ganito siya. Ang hirap hindi mag-assume!
Feeling ko lagi ang ganda ko masyado!
May balak yata talaga si Rider na jowain ako? Tanungin ko ba? Mga ilang litrong kakapalan ng mukha at lakas ng loob naman ang iipunin ko para maitanong 'yan, jusmiyo.
qinfigueroa: Ahh edi goodluck ulit hahaha
r.matias: Btw, are you free sa sat?
Legit talagang napaisip ako kung may gagawin ba ako ng Sabado at naisip ko na mayroon nga yata pero pwede namang gawan ng paraan.
Gawin ko na nga mamayang gabi para hindi ko na gagawin sa Sabado.
qinfigueroa: Parang free naman
r.matias: Labas tayo?
Wait, ang alam ko naglalaro sila every Saturday nila Zoe e, tapos may klase siya after base sa mga narinig ko kay Zoe at kay Teigan.
Ah baka gabi naman?
qinfigueroa: What time ba?
r.matias: Lunch?
Huh? Ano oras ba klase nito? Baka wala?
Bakit ko ba pinoproblema e siya naman nagsabi na lunch, edi ibig sabihin lang free siya no'n.
qinfigueroa: Okay, kapag nanalo kayo hahahaha
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top