XIX
Chapter 19
#WWSwp
"'Di ba may pasok ka?" Tapos na kaming kumain pero andito pa rin kami at nag-uusap lang tungkol sa kung saan-saan.
Feeling ko kapag nagtagal pa 'to lahat na ng bagay mapapag-usapan namin maliban na lang kung ano bang mayroon sa aming dalawa. Ayoko naman mauna magtanong dahil baka isipin niya binibigyan ko ng malisya lahat, kaya antayin ko na lang siya.
"Mayroon, paano mo alam?"
"Zoe," sagot ko sa tonong dapat alam na niya 'yon. Wala naman akong ibang nakukuhanan ng mga information na kagaya no'n maliban kay Zoe e.
Tumango-tango naman siya. "So? Anong oras ka papasok?" Umiling naman siya. "Tapos na pasok ko by this time." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Nag-absent ka?" Medyo nag-high pitch ang boses ko nang tanungin ko 'yon. Ayoko naman na aabsent siya para lang kitain ako. Pwede naman ako mag-adjust sa oras, buong magdamag naman akong nasa bahay lang dahil wala pang mga demonyong nag-aaya sa akin.
Lalo lang siyang napangiti dahil sa reaksyon ko. Tignan mo nga naman 'to oh. "Hindi. Wala kaming prof but may iniwan siyang gawain so dito ko na ginawa, napasa ko na," proud niyang sabi. Napabuntong-hininga naman ako.
"Kapag ganiyan, gabi na lang tayo magkita, free naman ako." Sumalumbaba naman siya at tinitigan ako.
Isa yata sa bucket list ni Rider ang tunawin ako sa tingin niya. Kung hindi niya ako dinadaan sa ngiti, sa titig naman niya ako dinadaan.
Aware ba siya sa mga kahinaang tinatago ko?
"So you mean, you'll see me again?" tanong niya kaya nangunot ang noo ko.
"Oo, sabi mo don't disappear on you 'di ba? Edi mag-a-appear ako." Humalikipkip ako at sumandal sa couch na inuupuan ko.
Hindi siya sumagot pero nakatingin pa rin siya sa akin kaya bahagya kong iniwas ang tingin ko pero nang ibalik ko sa kaniya, nakatingin pa rin siya sa akin na para bang may iniisip siya na hindi niya masabi kaya lalo akong nailang. Ano bang iniisip nito?
"'Wag ka nga tumitig, no'ng huling ganiyan mo may nangyaring sakuna e," hindi ko na napigilang sabihin. Seryoso ako sa sinabi ko pero tinawanan lang ako ng lalaking 'to. At sa wakas natanggal ang tingin niya sa akin dahil sa pagtawa niyang 'yon.
Medyo napapatingin na ang mga tao sa kalapit naming table dahil sa tawa niya.
Nahahawa ako sa tawa niya kahit hindi ko alam bakit siya tawang-tawa pero pinipigilan ko kasi baka mapalayas kami kapag nag-join forces pa kami.
"Oy tawang-tawa?!" saway ko sa kaniya kaya naman pinunasan niya ang luha niya.
Ano bang tinatawanan niya? Alam ba niya 'yung tinutukoy ko? Nagets niya ba ako?
"So sinasabi mong sakuna ang first kiss natin?" Lalo siyang nag-lean forward sa table nang sabihin niya 'yon at pagkatapos niyang makarecover sa pagtawa.
So nagets niya pala ang tinutukoy ko, akala ko hindi.
Bakit naman may kung anong naglilikot sa tyan ko dahil sa 'first kiss' na sinabi niya?
"Oo, thanks pala hindi mo ako nireklamo." Halatang nagpipigil pa rin siya ng tawa sa sunod kong sinabi.
Totoo naman, hindi ako nagpaalam na hahalikan ko siya that time at hindi magandang gawain 'yon na manghalik basta basta ng isang tao lalo na kung walang relasyon.
"Bakit naman kita irereklamo?" tanong niya.
Huminga akong malalim bago siya sinagot. "Siyempre, hindi muna kita tinanong kung pwede..." Pahina nang pahina ang boses ko nang sabihin ko 'yon. Medyo nahihiya kasi ako na pag-usapan 'yon pero wala e, andiyan na. Ako rin naman ang nagsimula.
"Kaya sorry pala, alam ko late na pero sorry pa rin." Mahina pa rin ang boses ko pero dahil naka-lean forward siya ay for sure naririnig naman niya ako.
"As I remember, I kissed you back." Tumango ako kasi tama naman siya ng pagkakaalala, hinalikan niya rin naman ako pabalik. Pero malay ko ba kung napressure lang siya o baka naman medyo lasing na siya no'n kahit parang hindi naman, malay ko ba?
"'Wag mo na alalahanin 'yon kasi okay lang sa akin but..." Nag-lean forward din ako nang bitinin niya pa ang sinasabi niya para marinig siya nang ayos.
"...don't do that to others," paalala niya kaya napanguso ako at tumango. Tama naman talaga, swerte lang ako na walang problema sa kaniya 'yon kaya deserve kong pagalitan niya ako.
"Oo, promise," sagot ko agad at tinaas ang kanang kamay ko.
"I swear don't kiss other man, Qiana," pag-ulit niya pa na parang naninigurado. I mean, nagkamali talaga ako pero hindi naman ako hayok na hayok sa halik. Ilang buwan na ngang walang humahalik sa labi ko e! Kapit na nga lang ako sa lip balm kapag dry lips ko e.
"Oo na nga! Bakit parang nananakot ka naman?" Kasi parang medyo seryoso 'yung boses niya no'n than the usual. "Hindi naman ako basta basta nanghahalik ng kung sino kapag hindi ko naman..." Napatigil ako nang ma-realize na muntikan na akong may mali na sabihin.
Ngumisi naman si Rider and this time siya naman ang humalukipkip at sumandal sa may sandalan habang malokong nakatingin sa akin.
"Kapag hindi naman?" nang-aasar na tanong niya. "Wala," sagot ko agad.
Minsan 'tong bibig ko talaga, pahamak.
"Anyway, basta hindi na 'yon mauulit, itataga ko sa bato," pagbalik ko sa usapan namin dalawa.
Tumango naman siya at mukhang satisfied sa sinabi ko.
Naglalakad lang kami sa kahabaan ng West Ave dahil hindi pa kami makapag-decide saan kami pupunta. Gusto ko nga sana na lokohin na uuwi na ako kaso baka pauwiin na talaga ako. Si Rider pa naman 'yung tipo na kapag may sinabi ako gusto niya sundin talaga.
Nag-se-search lang ako ng mga dating place na malapit pero siyempre hindi ko pinakita sa kaniya na 'dating place' 'yung sinearch ko. Wala naman kasing may sabi na date 'to.
'Kinikita' lang naman niya ako.
Napahinto ako sa paglalakad ko at hinampas ang braso niya sa gulat ko sa nakikita ko sa twitter. Napahinto rin naman siya at agad yumuko para makita ang tinuturo ko sa phone ko.
Si Zoe at Tei lang naman 'yon pero ang kaibahan is magkaholding hands 'yung dalawa. Nang makita na ni Rider ay napatawa siya. "Sa wakas."
"Kailan mo pa alam na may gusto si Teigan kay Zoe?" pakikitsismis ko sa kaniya. Ako kasi, hindi ko naman talaga alam. Na-feel ko lang talaga.
Na-cu-curious tuloy ako kung paano sinabi ni Teigan sa iba na may gusto siya sa frenny ko.
"Matagal na rin," sagot niya. So matagal na nga may gusto si Teigan kay Zoe. Potek, kinikilig ako.
Gusto ko kasi silang dalawa e. Kahit binubwisit ako ni Teigan minsan. Kaya sa kanilang tatlo nila Kennedy, si Theo ang paborito ko.
Kasi sa aming dalawa, ako lang ang madaldal.
After namin maglakad ng ilang minuto pa, inaya ko siya sa art museum. Feeling ko kasi magugustuhan niya doon kasi artistic siya. MMA student kaya siya.
Ako? Wala akong alam sa art pero marunong naman ako umappreciate tsaka kaya ko naman i-interpret in my own understanding ang mga painting.
Kapag kailangan nga lang sa school.
Pero feel ko kasi ma-a-appreciate niya doon tsaka 'yon din kasi nalabas sa mga dating place na malapit.
"Nakapunta ka na doon?" tanong ko sa kaniya. Mamaya kasi nakapunta na pala siya doon kasama kung sino, baka nakipagdate na rin siya before doon.
Baka ibang history pa ang mai-discuss.
Umiling naman siya kaya medyo nabunutan ako ng tinik roon. "Matagal ko na gusto, kaso laging plano lang," dugtong niya pa. Oh? So naka-jackpot pala ako sa pagpili ng pupuntahan namin next.
"Kung ano pa kasi ang malapit, 'yon pa ang 'di natutuloy."
"Sakto pala e." Napatingin siya sa akin at ngumiti. Mukhang masaya nga siya na pupunta kami doon.
***
"Saan ba? Dito ba?" Tumango naman siya bilang sagot. Pinipicturan niya kaso ako sa ilang mga art doon.
Imbis na 'yung mga art pieces lang ang picturan niya, sinasama niya pa ako. Hinahayaan ko lang kasi maganda naman talaga siya kumuha ng pictures. Tsaka at least siya naman ang nagsabi, hindi naman ako ang nag-de-demand na picturan niya ako.
Naalala ko no'ng galing Puerto Galera, iniiwasan ko man siya pero kuha niya 'yong pinalit ko sa profile picture. Oo na, ako na ungrateful noon. Ang ganda lang kasi talaga ng mga kuha, muntikan ko na nga i-collage kasi hindi ako makapili e.
Buti na lang hindi niya alam 'yon. Wala yata siyang facebook e o kung mayroon man, hindi active. Baka messenger lang active.
Anong malay ko e sa instagram kami nag-uusap.
Nagbilang siya ng up to 3 bago cli-nick ang phone niya kaya ngumiti na lang ako. Nanghihinayang nga siya dahil hindi niya dala ang camera niya, mas maganda daw sana kung 'yon ang gamit niya. Pwede naman bumalik e, sus.
"Picturan ko po kayo ng girlfriend niyo, gusto niyo po?" rinig kong sabi ng babae na parang nagtatrabaho yata dito sa museum kasi may name tag siya na hindi ko nga lang masyado makita.
Sasabihin ko pa lang sana na hindi niya ako girlfriend nang ibigay ni Rider ang phone niya sa babae at naglakad papalapit sa akin. Ti-nilt niya ang ulo niya palapit sa akin, kaya ganoon na lang rin ang ginawa ko.
Na-de-dejavu ako, wait lang naman.
After no'n ay tinignan niya agad ang picture naming dalawa, hindi ko makita kasi hindi ko abot pero 'yung ngiti niya, mukhang satisfied naman kaya hindi ko na tinignan.
Nang maikot na naming dalawa ang museum ay magdidilim na kaya sabi ko uuwi na ako.
"Ayaw mo talaga ihatid kita?" Alam naman na niya saan ako nakatira dahil alam niya kung saan nakatira sila Teigan pero ayoko muna kasi ang daming taga-RVU, SHU at West Hill na nagkalat doon. Makita pa siya kasama ako, ayoko naman na matsismis agad siya e wala pa man din naman.
"Hindi na talaga, mag-me-message ako kapag nakauwi na ako," pangunguna ko na. Magdidilim pa lang naman at hindi naman ganoon kahirap pabalik sa apartment. May bantay rin naman doon tapos laging bukas 'yung laundry shop.
Lalakad na sana ako paalis nang hawakan niya ang pulso ko para pigilan. Magaan lang ang pagkakahawak niya sa akin pero enough na 'yon para mapatigil ako at mapalingon ulit sa kaniya. Bumitaw siya at naghalungkat sa bag niya hanggang sa may hawak na siyang dalawang ticket.
Ticket ng game nila 'yon feeling ko.
"Hmm, Qiana," pagtawag niya sa akin na parang nag-aalangan sa sasabihin niya. Kung gusto niya akong manood ng laro niya okay lang naman. Wala namang problema dahil nanonood rin naman ako ng laro ni Zoe.
"Ano?"
He cleared his throat at iniwas ang tingin sa akin. Sa lahat ng moments naming dalawa ito lang ata 'yong time na todo iwas siya na tignan ako sa mata. "Hindi ko alam kung ano naiisip mo sa ating dalawa but I wanted to state mine and that is I want to date you." I pursed my lips habang pinipigilan ang ngiti ko.
Kilig yan, Qiana?! Pero in fairness hindi ko in-expect na ngayon ako makakatanggap ng assurance ah! Akala ko matagal pa.
"Since then, I was attracted to you pero akala ko wala na kaya lang nakita kita ulit, and knowing you're single ito nanaman ako, I wanted to shoot my shot." Nakayuko lang siya habang sinasabi iyon kaya natatawa ako kasi ang cute cute niya at the same time kinikilig ako.
Nakalimutan ko na lahat ng pag-iingat ko sa feelings na 'yan dahil sa lalaking 'to. Lagapak malala talaga kapag sinaktan ako nito.
"I'm scared na baka iwasan mo nanaman ako, so sinasabi ko na 'yung intentions ko so I won't make you uncomfortable or confused," dugtong niya.
Mga ilang segundo na ang lumipas pero wala pa rin akong sinasabi. Hindi ko rin kasi alam ang sasabihin ko o paano ako magre-react at the same time kino-contain ko pa ang kilig ko.
"Let's date? Exclusively?" tanong niya. This time ako ang humuhuli sa tingin niya pero iniiwas niya talaga.
Sino bang inaaya nito? 'Yung sahig ba? O 'yung mga ibon o 'yung clouds?
"Uhm..."
"You don't have to asnwer right now," mabilis na pagpigil niya sa akin. Gustong-gusto ko na tumawa kaso ang seryoso niya kaya ayoko sirain 'yung moment. Baka mahiya siya lalo kapag tumawa ako.
Inabot niya ang dalawang ticket sa akin. "Come to the game for me, I'll take that as a yes."
"If I didn't see you, I'll take that as a no and I'll respect it."
"Paano kapag sumakit tyan ko tapos hindi ako nakapunta kahit pupunta naman talaga dapat ako?" Kailangan ko manigurado, hindi ko alam kailan dadapo ang kamalasan sa akin. Dapat magtanong ng situational to avoid misunderstanding.
Napatingin na siya sa akin dahil doon. "So may balak kang mag-yes?" Napairap ako.
"Asa ka," biro ko.
"Message mo lang ako if may situation."
"Okay, tignan natin," pakipot na sabi ko. Siyempre may sagot na agad ako pero since kinakabahan yata siya sa magiging sagot ko kaya ayaw niya pang marinig edi sasakyan ko.
"Last na," pahabol ko.
"Paano kapag pumunta ako tapos hindi mo ako nakita kasi ang liit ko?" Kumpara mo naman kasi 'yung 5'4 height ko sa kaniya 'di ba. Baka matabunan lang ako doon.
"So pupunta ka nga?"
"'Wag mo akong pangunahan kasi!" reklamo ko kaya natawa na siya ngayon at parang nawala na ang kaba niya kasi mukhang alam na niya ang sagot ko.
Pakabahin ko 'to e. Mga last set na ako pupunta.
Siyempre joke, sayang ticket. 500 din isa nito.
"Trust me, I'll see you if you're there."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top