XIV
Chapter 14
#WWSwp
Nasa laboratory kami ngayon para sa isang subject. Focused lang ako habang ginagawa ang activity as if I get my shit together. Tamang pagpapanggap lang na masaya pa akong gawin ang mga activity na 'to.
Naunang matapos si Zoe sa tabi ko kaya nag-start na siya maglinis ng mga ginamit niya tapos naupo na siya sa tabi ko habang tinatapos ko ang akin.
"Nakita ko si Juanico kahapon," panimula niya. Tignan mo 'tong babaeng 'to, chichika kung kailan may tinatapos pa ako. Baka lalo akong hindi matapos nito dahil sa kaniya.
Kinabahan din ako ng slight kasi kapag tinanong niya kung kilala ako ni Juanico, baka sabihin ni Juanico na nagkakilala kami sa Puerto Galera no'ng summer. Mas okay na na 'di alam ni Zoe ang kagagahan ko sa Puerto Galera.
"Tatanungin ko sana kung kilala ka niya, kaso baka magtanong e alangan namang sabihin ko dahil crush siya ni Rylie," explain niya pa kaya nakahinga ako nang maluwag.
Hindi naman sa nagsi-sikreto ako kay Zoe, dahil sa totoo lang alam naman niya lahat tungkol sa akin. Maski 'yung mga bagay na hindi naman kakwento-kwento minsan kinukwento ko sa kaniya, ayoko na lang kasi talaga maisip 'yung sa Puerto Galera kung baga iniwan ko na 'yon doon.
Medyo nagulantang lang talaga ako na hindi siya nag-gwapuhan kay Juanico.
"Tama 'yan, brainy ka naman pala friend," pang-aasar ko bago nilapag na ang gawa ko dahil natapos na rin ako sa wakas.
"Grabe ka!" Natawa lang ako kasi as if naman ang laki ng tinalino ko kaysa sa kaniya e kaya nga yata kami friends dahil kinukumpleto namin ang braincells ng isa't isa.
Mga ilang linggo na rin ang lumipas simula no'ng Rider scare sa may West Hill at thankfully hindi pa naman nauulit ulit. Minsan ko na lang din siya maisip kasi siguro ang dami ko na ring ginagawa sa school, hindi na nga rin ako nakakapag-instagram kaya siguro hindi ko na rin siya naiisip.
Tama, kailangan ko lang ipagpatuloy 'to para hindi ko na siya naiisip. At least tataas pa grades ko kasi nagbu-busy-busyhan ako sa buhay ko.
Pero legit, ang dami ko rin talagang ginagawa sa school kaya kahit gumala hindi ko na rin nagagawa e. Sabi ko na, pagsisisihan ko talaga if ever hindi ako sumama sa Puerto Galera e, ayaw pa kasi ni Mama maniwala na deserve ko 'yon.
Hindi pa rin ako pinapansin ni Mama pero binibigyan niya pa rin ako ng allowance. Doble-doble kasi napasok sa account ko kasi sinabihan ko nga si Papa na bigyan ako dahil parang tinakwil na ako ni Mama e hindi naman pala masyado, medyo lang kaya ayon.
Ang napala ko lang sa pag-aaway namin ni Mama ay dagdag na allowance. Dapat ba akong matuwa? Oo naman yes! Dapat ba ako makuntento? Hindi malamang.
Sana kausapin na ako ni Mama, pero gusto niya yata magsorry ako na tumuloy ako. Nakakaloka talaga kaming mag-ina! Alam mo kung ganito lang din naman kami sana ginawang bato na lang din puso ko. Parang lugi kasi ako, mas soft hearted naman ako Mama no, ako 'yung hindi mapakali kapag magka-away kami.
***
Nag-t-twitter lang ako habang nasa byahe papuntang school nang makita ko na may kumakalat na picture si Zoe sa internet.
May kasama siyang matangkad na lalaki tapos naglalakad sila sa may kahabaan ng West Ave.
Tinignan ko ang thread ng mga tweets.
@annamariexxx sino po yung guy?
|@rvukwagos Teigan Herrera po from RVU men's volleyball team.
Nanlaki ang mga mata ko nang malaman ko na taga-RVU men's volleyball team siya. Totoo kaya na dine-date 'to ngayon ni Zoe? Parang kailan lang nagpapahanap pa siya sa akin ng president ng org o kaya student council. Bigla bang nag-iba ihip ng hangin?
Pagdating na pagdating ni Zoe sa school ay siyempre tinanong ko siya. Perks ng pagiging bestfriend, siyempre alam ko ang katotohanan.
"Hindi mo talaga dine-date 'yong Teigan Herrera ng RVU?" tanong ko pa. At chill lang siyang umiling sa naging tanong ko. Siguro ang dami na ring nagtanong sa kaniya about doon. Ang dami kasing pictures e, hirap talaga ng famous.
Kaya ayoko maging famous e, as if may choice ako, pero kasi paano na lang kung ang pangit ko sa mga stolen pictures na kukunin ng mga tsismosa? Edi lumubog agad career ko.
Imbis na 'yung Teigan Herrera ang i-date niya, nagpareto pa siya sa president ng org no'n na hindi naman pala niya kilala.
Itong babaeng 'to, nakarinig lang ng president ng org nag-G agad e. Hindi niya alam itsura at hindi niya rin alam ang full name, kaya ako na ang naghanap para sa kaniya.
"Si Teigan Herrera 'to 'di ba?" tanong ko. Siya kasi una kong nakita bago 'yung Renzo na hinahanap ko.
Nakita ko na sa "paparazzi" pictures nila 'yung Teigan pero ibang klase pa rin dito sa HD pictures niya sa may org.
"Ang gwapo pala nito?" seryosong sabi ko kasi gwapo pala no'ng kasama niya no'ng Sabado. Kung ganito kagwapo magtuturo sa akin ng volleyball papayag ako e. Ang dami palang poging volleyball player na nagkalat bakit lumilihis pa 'tong si Zoe sa mga baskebtbolista tapos kung hindi basketbolista president ng org.
"Bakit hindi ko siya napapansin no'ng nanood ako ng RVU men's vb game?" nagtatakang bulong ko.
Bilang isang marupok na citizen siyempre pagbalik ko ng Manila, nanood ako ng mga game ng RVU men's volleyball para lang panoorin si Rider maglaro. Wala lang, nakita ko naman na siya maglaro sa Puerto Galera pero gusto ko rin makita paano siya kapag official game.
Dzai, lalo talagang tumataas ang appeal ng lalaki kapag seryoso sa ginagawa. Gano'n na gano'n si Rider. Super bait ng vibes niya at aliwalas kapag off court kagaya ng nakita ko pero kapag naglalaro siya, sobrang iba 'yung vibes niya. Parang kapag tinitigan niya ako gamit 'yung mata niya kapag naglalaro siya, ay nako baka manghina na talaga nang tuluyan ang mga tuhod ko. Hindi kakayanin ng pasensiya ko talaga.
"At bakit ka nanonood ng RVU men's vb game?" pagtataka ni Zoe at parang kung anu-ano na ang mga naiisip niyang bagay patungkol sa akin.
Ampotek, narinig niya pala. Kasi naman medyo nadala ako roon, madudulas pa ako nito e.
"Wala, nadaan lang sa feed ko noon," pagpapalusot ko na hindi naman imposible dahil naka-like ako sa PCAA page tsaka anything na may kinalaman si Zoe. Tinignan ko naman siya para makita kung naniniwala ba siya sa akin at mukhang naniwala naman siya dahil tumango na lang siya. Agad akong nag-scroll para hanapin 'yung Renzo niya para maiba na ang usapan kaya lang puro 'yung Teigan ang nakikita ko kaya pinapakita ko na lang rin sa kaniya. Maganda rin naman sa mata ang isang 'yon.
***
"Pinapansin ka na ni Mama?" Nandito ang kuya ko ngayon sa apartment ko dahil ewan ko rin. Minsan ganiyan talaga siya random lang na pupunta dito pero wala naman siyang gagawin.
"Hindi, ikaw?" Hindi masyado strict si Mama kay Kuya pero madalas rin silang magkaaway kaya nga pati si Kuya ay reklamo ni Mama na dahilan ng sakit ng ulo niya. At least hindi lang ako 'di ba?
"Hindi rin," sagot niya. Natawa na lang ako. Si Kuya, hindi naman niya masyado sineseryoso si Mama, kung baga kahit ngayong magkaaway sila kukulitin niya pa rin si Mama o kaya iinisin niya pa lalo si Mama hanggang sa bumalik sila sa dati. I could never. Feeling ko kapag ginanon ko si Mama, mawawalan na talaga ako ng nanay at ayoko pa naman umabot sa gano'n.
"Wala ka bang fling ngayon kaya ka natambay rito?" tanong ko sa kaniya kaya hinagisan niya ako ng unan. Ayaw na ayaw niya kasi na binabanggit ko na alam ko 'yung mga kalokohan niya kahit na alam naman niya talaga na alam ko. Siyempre, nag-iisang kapatid niya ako, sino pa bang pagsasabihan niya no'n.
Kami na nga lang dalawa 'yung legit na okay sa pamilya namin.
"Ay oo nga pala, gusto mo sumama sa mall?" aya ni Kuya sa akin kaya agad akong um-oo dahil may sasakyan siya so hindi ko kailangan magcommute.
Nakakapagod kasi talaga magcommute sa Manila, nakaka-drain ng energy. Ma-late ka lang kahit 5 minutes sa usual na alis mo, talagang traffic ang aabutin mo at the same time hirap makasakay.
Ka-stress kaya pati pagpunta sa mall o bangko kinakatamaran ko na e unless sinusundo ako ng mga tropa ko.
"Ano gagawin mo ba doon?" Napaisip si Kuya para siyang nagdadalawang-isip kung sasabihib niya ba o hindi ang gagawin niya doon.
"Bibili ako regalo," mahina niyang sabi. Hindi ko tuloy alam kung gusto niya bang marinig ko o hindi. Pinigilan ko tuloy ang tawa ko dahil sa reaksyon ng kuya ko.
"Para sa babae?" Inaya niya kasi ako, so ibig sabihin kailangan niya ng tulong ko dahil bilang hindi siya nagseseryoso sa babae noon, for sure hindi niya alam ang gusto ng mga 'yon.
"Oo, sana." Totoo ba 'tong naririnig ko? May reregaluhang babae si Kuya?
For sure hindi 'to kaibigan kasi kung kaibigan lang bibilhan niya lang 'yon ng kung ano at hindi na niya kakailangananin ang tulong ko.
"End of the world na ba?" tanong ko kaya binato nanaman niya ako ng unan. Nasa akin na tuloy lahat ng unan na dapat nasa side niya.
Isa rin siguro sa mga dahilan niya kaya siya tumatambay dito. Seryoso na kasi siya sa babae, hindi na niya tuloy alam ang gagawin niya.
"Makikilala ko ba 'yan?" Kahit sino pa ang babaeng 'yon marami na agad siyang points para sa akin. Akalain mo, napatino niya ang Kuya ko. Pero medyo naaawa na rin agad ako sa babae na 'yon kasi paano kapag nakilala no'n si Mama? Kung kaming anak, hindi niya kasundo, siya pa kaya? Pero malay naman natin.
"Kapag kami na." Ibinalik ko ang unan na binato niya sa akin at binato ko rin sa kaniya. Kinilig ako!
"Grabe 'yon, Kuya! Tara na! Libutin natin ang buong mall para sa kaniya." Tumayo na agad ako at pumasok sa kwarto ko para magbihis. Nag-isip na rin ako ng mga pwede kong ipalibre kay Kuya, kailangan ko na lubusin habang may kailangan pa siya sa akin.
Hanggang sasakyan ay kinukulit ko pa rin si Kuya about doon sa babaeng nagugustuhan nya. Hinihingi ko nga ang pangalan kaso ayaw niya saihin baka raw kasi i-search ko tapos kulitin ko pa. Wow naman ha! I-stalk ko lang naman hindi ko naman kukulitin.
Pagdating sa mall, nagpalibre muna ako kay Kuya ng pagkain tsaka milktea, sana laging birthday no'ng babae, nakikinabang din ako e.
After ko magpalibre kay Kuya ay sineryoso ko ang paghahanap ng magandang regalo para sa potential jowa niya. Nag-se-search pa ako sa pinterest para talagang may effort.
Tinanong ko lang si Kuya ano bang hilig no'ng babae.
Nagpunta kami sa isang shop. "Ay afford mo 'to?" pang-iintriga ko kay Kuya kasi medyo maharlika 'yung shop na pinasukan namin.
"'Wag ka na ngang makulit," suway niya sa akin at nagtingin-tingin ng mga necklace doon sa may glass.
Nag-ikot na rin ako sa shop para pilian ang soon to be jowa niya, sana. Mukha kasing healthy 'yung babae na 'yon para kay Kuya kaya sana sagutin niya si Kuya. Kaso medyo red flag kasi 'tong si Kuya, hindi ko tuloy alam kung ano bang mas okay para sa kaniya.
"Bracelet kaya?" tanong ko kay Kuya. Ang gaganda kasi no'ng nga bracelet doon and since hindi pa naman sila parang mas okay 'yung bracelet.
Lumapit naman si Kuya sa akin at tinignan ang tinuturo ko. Simple lang 'yon, naisip ko na para masuot niya kahit casual or formal or pwede ring wala nang alisan kung talagang gusto niya rin 'tong Kuya ko.
"Miss, patingin nga nito," sabi niya doon sa nag-a-assist sa amin. Kaya kinuha niya 'yong bracelet at pinakita sa amin.
Nag-explain pa siya about doon sa bracelet. "Bagay siya sa lahat, ma'am." Tumango-tango si Kuya.
"Sa akin Kuya, the best na 'yan." Tinatanong ko nga si Kuya kung warm tone ba o cool tone 'yung girl kaso hindi niya raw alam 'yon. E inaalam ko nga para alam ko kung anong mas bagay kung silver o gold or rose gold e.
"Oh?" paninigurado niya pa. "Oo Kuya, basta 'wag kang magbibigay ng singsing kung ayaw mong takutin siya," pananakot ko pa kay Kuya.
"Natatakot kayo kapag binigyan kayo ng singsing?"
"Hindi ko alam 'yung iba, pero ako oo, like hindi pa naman kami tapos singsing agad, parang ang too much no'n," pag-e-explain ko at mukhang nakikinig talaga siya.
Nagkandalokoloko na, in love na talaga Kuya ko.
"'Yung iba naman siguro mapapa-OMG thank you! I love you! You're the best!" pag-arte ko pa kaya natawa rin 'yung nag-a-assist sa akin.
"Baka i-kiss ka pa sa cheeks," dugtong ko at inasar si Kuya na i-ki-kiss siya kaya agad namang umiwas ang Kuya ko na diring-diri. Asa rin namang i-ki-kiss ko siya. Yuck ha!
Habang inaasar ko si Kuya ay napatingin 'yung nag-a-assist sa amin sa may entrance. "Welcome, Sir," bati niya kaya napalingon tuloy ako pero paglingon namin ni Kuya sa may entrance wala kaming nakita kung hindi lalaking palayo na ng shop.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top