XI
Chapter 11
#WWSwp
Nasa beach na kami ngayon, nakaupo kami sa kahabaan ng table dahil nga marami kami. Buti na lang mabait din 'yung resto bar na kinainan namin at sanay na raw sila sa malalaking grupo na nagpupunta dito para kumain.
Hindi ko alam paano nangyari o baka sinadya ng mga kaibigan ko pero katabi ko si Rider at sa kabila naman si Rylie. Okay lang naman, aarte pa ba ako? Kaya lang hindi talaga 'to healthy para sa puso ko.
Naka-order na kami ng pagkain kaya hinihintay na lang namin 'yon dumating. Kagaya nang una naming nakainan na resto bar, may banda rin dito na kumakanta. Ang ganda talaga ng vibes kapag may live band, feel na feel ko 'yung mga kanta.
Nakiki-jamming lang kami sa kanta nang dumating na ang mga pagkain na inorder namin. Grabe, natakam ako agad, naramdaman ko bigla 'yung matinding gutom.
Nang maihain na lahat ng pagkain, nilagyan ni Rider ng isang cup ng kanin ang plato ko bago niya nilagyan ang kaniya.
Sinusubok nanaman talaga ako oh!
Kanin lang 'yan, Qiana!
"Thanks," sabi ko bilang may manners naman ako kahit ganito ako. Nginitian naman niya ako bago inabot sa iba 'yung plato ng kanin.
Nagkukwentuhan lang kami ni Rylie habang kumakain, since hindi rin naman namin masyado marinig pinag-uusapan no'ng iba dahil sa tugtog tsaka dahil malayo sila dahil sa haba ng table.
In-e-enjoy ko ang hawak kong barbecue nang tanungin ako ni Rider. "Ayaw mo ng hipon?" umiling naman ako.
Hindi sa ayaw ko ng hipon, sino ba namang aayaw sa hipon sadiyang hindi ko trip magbalat ng hipon ngayon. Oo, pati 'yon kinatatamaran ko pa. Hindi nga rin ako mahilig sa isda kasi ayoko na nagtitinik ako, gusto ko tuloy-tuloy ang kain ko kagaya ngayon dahil gutom ako kaya ayoko maghipon.
"Oh?" hindi makapaniwalang tanong niya, paano ba naman ilang araw na niya akong nakikitang hayok na hayok sa hipon tapos biglang ayaw ko na ngayon.
"Tinatamad ako magbalat," pag-amin ko. Hindi naman niya siguro ako i-ju-judge dahil doon no! May mga imperfections lang talaga ang mga tao at isa doon ang katamaran.
Tinawanan naman niya ang dahilan ko tapos kumuha siya ng hipon. Akala ko para sa kaniya pero pagkabalat niya ay nilagay niya sa plato ko.
"Uy, okay lang!" pag-pa-panic ko. Sabihin pa nila inuutusan ko siya!
"Sabihin mo pa inaalila kita," biro ko pero nahihiya talaga ako. Ano bang trip ng lalaking 'to? Balak niya lang yata ako tigilan kapag inatake na ako sa puso e.
"It's fine, kainin mo na, masarap," panguudyok niya pa sa akin kaya bilang masunurin, siyempre kinain ko rin ang nilagay niya sa plato ko.
"Rides, ako din," pang-aasar ni Rylie sa tabi ko nang makita ang ginawa ni Rider. Natawa si Rider at tumango. "Okay wait kuha pa ako." Sinamaan ko ng tingin si Rylie at tinawanan lang ako ni bruha.
Sabunutan ko talaga 'to e. Napakawalanghiya e.
Nang matapos kumain, as usual nag-order sila ng beer habang nag-chi-chill lang dito. Ang gaganda rin kasi talaga ng mga kanta, saktong-sakto sa mga magjo-jowang kasama namin na naglalandian.
Nakasandal lang ako sa upuan ko at dinadama ang hangin galing sa labas. In-e-enjoy ko rin ang malamig na malamig na beer habang nakikinig sa music.
Ang saya ng ganitong feeling, chill lang, wala masyadong iniisip. Para ka bang tumakas sa gulo ng buhay kahit sandali. 'Di bale nang lumaki tyan ko sa beer kung ganito naman araw-araw.
Kahit papaano wala akong iniisip na school works na hindi ko sure kung papasa ba o hindi. 'Yung stress ko kahit papaano nawawala.
Pag-uwi ko iisipin ko nanaman paano kami magbabati ni Mama, paano ko ipapaintindi sa kaniya na alam ko ang priorities ko sa buhay, na ang gusto ko lang talaga ma-experience ang iba't ibang bagay na normal na na-e-experience ng mga ka-edad ko. Ayoko lang ng napaghihigpitan ng sobra, tapos na ako sa phase na 'yon, sapat naman na siguro 'yung buong childhood ko halos bahay-school lang ako.
"Anong iniisip mo?" bulong ni Rider. Saka ko lang napansin na ang lalim na pala ng iniisip ko at napatulala na lang ako.
"Hmm..."
"Anong feeling na ang dami mo nang na-experience sa buhay mo?" Hindi ko rin alam bakit ko siya tinatanong pero base kasi sa Instagram niya, ang dami na niyang nagawa sa buhay niya e halos magkaedad lang naman kami.
"Uhm, masaya naman pero minsan hindi rin." Napatingin ako sa kaniya dahil sa naging sagot niya.
"Minsan kasi may mga bagay na maiisip ko na lang na sana hindi ko na muna ginawa o sana ninamnam ko muna habang andoon pa."
"E sa dami ng ginagawa ko, parang dumadaan na lang 'yon na hindi ko na namamalayan," dugtong niya pa. Sabagay, hindi naman lahat ng nakikita sa Instagram o kung ano mang social media ay sapat na para makita kung ano talagang buhay ng isang tao.
"May mga pinagsisihan ka?"
"Marami rin, pero marami rin namang thankful ako kasi ginawa ko kagaya na lang na sumama ako rito," sabi niya bago sinalubong ang tingin ko. Napangiti na lang ako sa sinabi niya at nilapit ang bote ng beer ko para makipag-cheers sa kaniya at pinagclink naman niya ang mga bote namin.
Nanahimik na lang ulit kami hanggang sa may isang kanta na sinasabayan niya.
Hindi ko mapigilan ang paglingon sa kaniya habang kumakanta siya. Ako lang yata ang nakakarinig sa kaniya dahil katabi ko siya. Prenteng nakasandal lang siya sa upuan niya habang naka-dekwatro at hawak ang beer niya. Tumatango-tango pa siya ng konti habang kumakanta.
Pati ba naman boses niya maganda? Binabawi ko na ang sinasabi ko kanina, hindi lahat may imperfections. Sure na, final answer na.
Hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya at na-realize ko na lang bigla na hindi ko talaga pwedeng makita ang lalaking 'to sa Maynila. Masisiraan ako ng bait.
"Sa wakas, nandito ka na..." pagkanta niya at sakto pang lumingon siya sa akin dahil naramdaman niya yata ang pagtitig ko sa kaniya.
Tanginang tingin 'yan. Feeling ko kung dalawa lang kami ngayon, hinalikan ko na siya.
Tipsy na ba ako? Hindi ko rin alam. Pero nagpapasalamat na lang ako dahil marami kaming nandito bago pa ako gumawa ng bagay na pagsisisihan ko.
Rider Francisco Matias, isa kang malaking tukso.
***
After ng mga realizations ko last night, napagtanto ko na hindi talaga healthy si Rider sa puso at katawang lupa ko pati na rin sa isip.
Isipin niyo, nakailang beer ako kagabi pero hindi ako nakatulog nang ayos! Super unhealthy talaga!
Gusto ko man na hindi na muna siya makita, wala naman akong magawa dahil lagi namin silang kasama. At ayoko naman mag-inarte kasi hindi naman ako inaano no'ng tao tsaka sayang din ang bakasyon kung sisirain ko lang. Ako lang talaga 'tong problema na ayaw makaramdam ng kung ano sa kaniya.
Prevention is better than cure nga ika nila 'di ba?
Nasa beach lang kami ulit ngayon pero hindi kami aalis, mag-ta-try lang kami ng mga water activities.
"'Wag mo 'kong iiwan ah," pagbabanta ko kay Kevin. Siniko ko pa siya kaya dumaing siya at humawak sa tyan niya.
Inakbayan niya naman ako. Maiinis na sana ako dahil ang bigat pero umurong din dahil may kailangan nga pala ako sa kaniya.
"Bakit mo ba kasi iniiwasan?" Hindi ko totally sinabi sa kaniya na iniiwasan ko si Rider pero natunugan niya rin. Siyempre ilang taon na rin kaming magkaibigan, kilalang-kilala na ako nito kahit na hindi naman na kami laging nagkakasama.
"Hindi naman sa gano'n," pag-de-deny ko pa. Ayoko na kasi lumala 'yung epekto ni Rider sa akin. I mean wala naman sa kaniya 'yung problema, nasa akin talaga.
"E ano lang?"
"Basta sasabihin ko kapag pauwi na tayo," sabi ko na lang kahit sana 'wag niya na maalala pag-uwi para hindi ko na kailangan mag-explain.
Bilang napakabuting kaibigan ni Kevin, hindi nga siya umalis sa tabi ko. Magkasama kami sa lahat ng activities kaya lang siyempre damay rin ako sa photoshoot nila ni Holy.
Masaya naman at nag-enjoy rin ako kahit na sobrang tagal talaga nila mag-picture, hindi kinakaya ng pasensiya ko.
Napapatingin pa rin ako kay Rider tapos minsan kapag napapatingin ako sa kaniya nakatingin na rin siya sa akin. Nginingitian ko naman siya at ngingiti lang din siya sa akin.
Ewan ko kung halata rin bang iniiwasan ko siya kasi hindi niya rin naman ako nilalapitan, buti na lang din at least napapadali ang pag-iwas ko sa kaniya.
Habang kumakain kami ay tinanong ako bigla ni Rylie. "Ano 'yan? 'Di pa kayo LQ na agad?" pang-aasar niya kaya sinita ko siya baka marinig pa siya ng kung sino.
"Hindi ah," tanggi ko. Hindi naman kami LQ talaga e. Umiiwas lang ako for further damages. Isipin mo ilang araw ko pa lang siya kasama pero grabe na mga pinag-iisip ko tungkol sa kaniya.
Hindi naman ito ang plano ko kaya ako nagpunta dito. Kaya nga ako nagpunta rito para makalimutan ang mga problema ko so bakit ako uuwi na may dalang problema.
Hindi sa sinasabi kong problema si Rider, pero kasi ayoko na may dagdag iisipin nanaman ako. Ayoko na ng feelings na 'yan, hindi 'yan para sa akin, at least for now.
"Bakit 'di kayo nag-uusap? Samantalang magkadikit kayo nitong mga nakaraang araw?" bulong niya sa akin. Minsan hindi rin talaga maganda may mga tsismosang frenny ka na alam na alam kapag may ganap ka e.
"Hindi nakakatulong sa karupukan ko." Natawa naman siya kaya sinita ko siya dahil palong-palo tumawa e.
"So, may nafe-feel ka naman pala talaga?" conclude niya. Hindi ako sumagot, hindi ko rin naman kasi talaga in-expect 'to.
Hindi ko rin naman natipuhan si Rider the moment na nakita ko siya, sadiyang nadala lang siguro talaga ako sa pagtrato niya sa akin kaya ayan, ilang libong paru-paro laging nagwawala sa tyan ko. E kapag gano'n wala na, olats nanaman ako.
"Teh, kilala mo naman ako," bulong ko pabalik. Tatawa nanaman sana siya pero pinangunahan ko na siya at sinubuan siya ng ulam sa bibig niya.
Naglalaro lang kami sa buhanginan ni Kevin after kumain dahil wala pa naman kaming activity na gustong i-try tsaka baka maubos na dala naming pera kaya titignan namin mamaya kung ano pa 'yung talagang gusto namin i-try.
"C.R. lang ako Qin, unless gusto mong isama rin kita doon?" Binato ko siya ng buhangin dahil sa pang-aasar niya. Tawang-tawa naman siya habang tumatayo para makapunta na siya ng C.R.
Tumayo na lang rin ako at nagpagpag ng buhaghin, pupuntahan ko na lang si Rylie, wala akong pake kahit dumadamoves siya o pwede rin namang kayla Jayden na lang at Holy baka sa kaling mapaamin ko na sila sa isa't isa.
"Qiana." Paano ba magpapalit ng pangalan?
Napalingon ako at nakita si Rider. Nakasuot siya ng board shorts tapos wala siyang suot pantaas kundi silver na necklace lang. Agad ako napatingin sa buhangin, parang hindi ko kaya kapag napatagal pa ang tingin ko sa kaniya.
"Hmm?" Kunwari busy ako sa pagpagpag ng buhangin sa shorts ko para hindi niya marealize na ayaw kong tumingin sa kaniya.
"Okay ka lang?" Rinig ko ang concern sa boses niya. "Oo naman, bakit?"
"Parang medyo matamlay ka lang," sagot niya naman.
"Grabe! Lagi ba akong hyper?" biro ko para marealize niya na okay lang ako. Ayoko rin naman siya harap-harapang iwasan, hindi naman niya deserve 'yon dahil wala naman siyang ginagawang masama. Kagaya ng sabi ko, ako naman ang problema dito e. Ayoko na rin siya idamay lalo na kapag nagkafeelings pa ako para sa kaniya.
Baka kabag lang 'to, baka pag-uwi ko sa Maynila mawala rin 'to, lalo na kapag nakita ko na ang mga nag-aantay sa akin doon.
Ngumiti lang siya ng tipid at umiling. Mukhang siya nga ang matamlay sa aming dalawa e. Feel ko lang. Hindi naman siya 'yung super ingay na tao, chill lang siya pero mas tahimik siya ngayon. Ayoko naman i-assume na ako dahilan, hindi pa naman ako umaabot sa gano'ng level ng kagandahan.
"Ikaw? Okay ka lang?" Tumango naman siya. Nang matapos ako magpagpag napatingin ako sa kaniya at nakatingin na lang siya sa malayo habang nakalagay ang dalawang kamay niya sa bulsa ng board shorts niya. Parang ang lalim ng iniisip niya, gusto ko sana tanungin kaso pinigilan ko na lang.
Magsasalita pa lang sana ako nang tawagin ako ni Kevin. In fairness dito sa kaibigan ko, sineseryoso ang task niya kahit hindi niya alam ang dahilan kung bakit ko ba 'to ginagawa.
"Qin, may mangga!" sigaw niya pa. Pinakita niya pa sa akin ang matingkad na kulay ng mangga na kinakain niya. Naglaway tuloy ako, iniiwasan ko man o hindi si Rider pupunta talaga ako roon para kumain ng mangga.
"Wait!" sigaw ko pabalik bago ako napatingin kay Rider. "Tara?" aya ko sa kaniya para ma-feel niya na okay lang naman talaga kami.
"Sige, una ka na." Tumango ako at kagaya ng sabi niya ay nauna na akong umalis at pinuntahan si Kevin na nag-aalok ng mangga.
Habang naglalakad ako papunta kay Kevin ay napalingon pa ako ulit kay Rider at nadatnan ko nanaman siyang nakatingin sa akin kaya inaya ko siya ulit pero ngumiti lang siya at tumango.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top