X
Chapter 10
#WWSwp
"Picturan ko kayong dalawa." Biglang sumulpot si Rylie sa kung nasaan kami ni Rider. Hindi pa ako nakakapagsalita pero kinuha na niya ang camera mula sa akin, mukha namang alam niya ang ginagawa niya.
Pero paano naman ako? Hindi ko alam anong gagawin ko. Tumayo lang ako roon, si Rider ang lumapit at tumabi sa akin kaya ngumiti na lang din ako. Nagulat pa ako kasi sinandal niya ang ulo niya sa ulo ko.
"Edi ikaw na matangkad," kumento ko. Kasi ang tangkad niya naman talaga, hiyang-hiya ang pinagmamalaki kong 5'4 na height.
Nakailang pindot pa si Rylie sa camera bago siya nasatisfy at binigyan nanaman kami ng makahulugang tingin na dalawa.
Kumain na kami pagkatapos dahil mga gutom na rin kami dahil sa mga ginawa namin buong umaga. Nakatambay lang kami nila Rylie at nagpapahangin sa may kubo dahil sa kabusugan at nakatingin lang kami sa dagat.
"Feel ko type ka no'n ni Rides," chika sa akin ni Rylie. Ayokong maging assumera pero hindi naman din ako sobrang manhid 'di ba? Minsan napapaisip ako na baka type nga ako ni Rider kaya siya ganiyan sa akin pero naiisip ko nga rin na ayoko naman bahiran ng malisya 'yung kabaitan no'ng tao, kasi mabait naman talaga.
Hindi na lang ako sumagot sa sinabi ni Rylie. Ayoko na lang kasi isipin 'yung mga ganiyan kasi na-s-stress lang ako. Kaya nga time-out muna ako. Ayoko pa muna talaga nga mga feelings feelings na 'yan, tsaka wala namang sinasabi si Rider na type niya ako o ano, ilang araw pa lang naman kasi.
Naisip ko rin naman after nitong linggo na 'to ano na? As if naman magkikita pa kami pagbalik ng Maynila. Hindi naman imposible kasi lahat naman kami sa may West Avenue nag-aaral pero malaki rin naman ang chance na hindi, ang dami kayang estudyante sa kahabaan ng West Avenue.
***
Naglalakad lang ako sa may tabing dagat nang makita ko si Rider na nagbabato ng mga bato sa dagat. 'Yung pinapatalon niya 'yung mga bato kaya huminto ako sa tabi niya.
"Paano 'yon?" tanong ko kasi na-curious ako paano niya ginawa. Kasi ilang talon yata 'yon parang umabot ng mga six o eight.
"Ito?" Muli siyang nagbato ng bato sa dagat at naulit naman nga niya ang ginawa niya.
Pumulot ako ng bato at ginaya ang ginawa niya pero siyempre walang nangyari. Rinig ko ang pagtawa niya nang makita niya akong nakasimangot.
"Ganito kasi," panimula niya. Tinuruan niya ako paano ba gawin ang ginagawa niya. I mean wala naman akong mapapala sa talent niyang 'yan pero ang cool kasi.
Tin-ry ko ang sinabi niya pero scam dahil wala pa ring nangyari. "Inuuto mo lang yata ako e," pag-aakusa ko sa kaniya na tinawanan lang niya. Inulit niya lang ang instructions niya kung paano ba magpatalon ng bato sa dagat tapos sinubukan ko ulit.
Pinili ko pang maigi ang bato na gagamitin ko, ganito ako ka-dedicated sa walang kwentang activity na 'to. Pero bakit ba, masaya naman siya.
Nang subukan ko ulit, tuwang-tuwa agad ako nang tumalon 'yung bato ng tatlong beses. "Grabe, iba talaga kapag fast learner," biro ko kaya natawa naman siya at tumango-tango as if pinagbibigyan na lang niya ang sinasabi ko.
"Isa pa nga," panghahamon niya kaya pinili ko ulit mabuti 'yung bato na ibabato ko, bago ko tin-ry ulit.
"Kita mo 'yon?! Panis ka nanaman," pagmamayabang ko.
"Paramihan tayo oh, kapag panalo may wish." Tignan mo 'tong isang 'to, halata namang lugi ako e!
"Siguro may gusto kang hilingin sa akin no?" Imbis na sagutin ay dinaan niya lang ako sa ngiti niya. Aba! Alam niya ang greatest asset niya laban sa akin.
'Yang mga ngiting ganiyan, deliks 'yan e! Ayoko umabot ako sa puntong deliks na ako, utang na loob.
Pero napaisip tuloy ako kung ano ang hihilingin niya sa akin, obvious naman na panalo siya kung papayag ako. At dahil nga sobrang curious ko, pumayag ako sa sinabi niya.
"Dalawang try ka na lang tapos i-add mo," pagbibigay niya ng handicap sa akin since ngayon lang naman ako natuto ng very in demand sport na 'to. Bakit kaya wala nito sa PCAA o kaya olympics?
"Ang yabang mo naman!" pang-aasar ko pero siyempre tinanggap ko 'yon dahil alam ko namang very lugi ako dito. Malay ko ba kung ikapanalo ko pa 'yon.
Ano kaya ang hihilingin ko sa kaniya if ever na manalo ako miraculously? Pwede ba 'yong 'wag siya masyadong pogi? Or 'wag niya ako ngitian? 'Wag siyang masyadong mabait? Kasi kahinaan ko 'yon e. Sinusubok kasi ako ng existence niya lagi e.
Nauna ako dahil napaka-gentlemen ng isang 'to.
Unang pagbato ko, bilang fast learner at talented and gifted by the Lord, siyempre hindi tumalon 'yung bato.
Nga naman kasi bakit ba namin pinapatalon ang bato, wala naman silang legs!
"Daya! Binayaran mo 'yung bato no?" biro ko na lang. Malay mo hindi rin tumalon 'yung kaniya kapag turn na niya edi quits lang.
"May isa ka pang try," natatawang sabi niya. Kaya effortlessly ko na lang binato 'yong bato and naka-three points ako. Dapat pala hindi masyado in-e-effortan.
Nang turn na niya basta na lang siya kumuha ng bato at tinapon 'yon sa dagat at ayon na nga po ang sinasabi sa hula.
Talo ako.
"May pabato-bato ka pang nalalaman, bakit hindi mo na lang agad sabihin kung may hiling ka sa akin?" tanong ko bilang I'm a very sport person at tinatanggap ko by heart ang pagkatalo ko sa pagbabato ng bato sa dagat.
"Hindi pa kaya ako nakakaisip, sabihin ko sa 'yo kapag nakaisip na ako," sagot niya. Duda ako, sa itsura niya parang may naiisip na talaga siya, malay ko diyan bakit ayaw pa sabihin nang matapos na.
"'Wag pera ah," paalala ko na agad niyang tinawanan. Sabagay, rich kid nga pala siya, base pa lang sa IG niya patravel-travel na lang siya kasama friends niya.
"Sayang," pang-aasar niya. Kunwari pa 'to baka nga imbis na siya ang manghingi ng pera sa akin, siya pa magbigay sa akin dahil naaawa na siya sa akin. Baka naman!
"Aalilain mo ba ako?" pangungulit ko sa kaniya kaya lalo siyang natawa. Ano ba kasing hihilingin nito sa akin.
"Don't give me ideas, Qin."
"So may balak ka siguro talagang alilain ako." Napatingin ako sa kaniya at nakangiti lang siyang nakatingin sa may dagat. Ang aliwalas talaga ng mukha niya, parang siyang nakayakult na everyday okay.
Namomroblema rin kaya siya? Ako kasi puno ng sama ng loob e dahil sa mga problema ko e.
Tumayo ako at bumalik sa kubo para kuhanin ang tote bag ko bago binalikan si Rider sa tabing dagat.
Nilabas ko ang aloe vera gel na hindi ko naibigay sa kaniya.
Napansin ko kasi na namumula na rin ang pisngi niya maliban pa sa balikat niya at braso. Grabe hindi ba skin cancer abutin nito?
"Oh, namumula na 'yung mukha mo." Inabot ko sa kaniya ang tub ng aloe vera gel at kinuha naman niya iyon.
"Hindi ka ba nasasaktan?" curious kong tanong kasi masakit kaya ang sunburn pero kung makapagliwaliw siya parang wala lang.
"Masakit nga e pero ayos lang naman," sagot niya pa habang nilalagyan ang balikat niya. Sunod niyang nilagyan ang mukha niya at nakatingin lang ako sa kaniya habang ginagawa niya 'yon.
"Dito banda pa," turo ko sa kaniya pero dahil ako 'yung nahihirapan sa kaniya ay ako na ang naglagay.
Napapikit siya nang dumampi ang kamay ko sa mukha niya, nabigla yata. "Ako na 'di mo kasi nakikita," sabi ko na lang. Pwede naman siyang tumanggi kung ayaw niya pero habang nilalagyan ko ang mukha niya nakapikit lang talaga siya kahit hindi naman malalagyan ang mata niya.
Parang bata, e. Ang cute.
"Ayan, okay na." Nang sabihin ko 'yon saka niya lang binuksan ang mata niya at saka ko lang narealize na sobrang lapit namin sa isa't isa kaya pala pinikit niya ang mata niya.
Napalayo tuloy ako at pinanood na lang ako dagat.
"Qiana." Pwede bang sabihin na 'wag niya akong ma-Qiana Qiana diyan! Iba ang dating sa akin kapag binabanggit niya 'yung buong pangalan ko.
Ngayon niya lang ako tinawag sa talagang pangalan ko dahil nickname lang naman ang pakilala ko sa kaniya, ganiyan pala kapag tinawag niya akong Qiana.
Taena kasi ni Rylie, kaka-push niya na may something si Rider sa akin kung anu-ano na tuloy ang nangyayari sa akin.
Pasensiya ka na Rylie, kaipangan ko lang ng masisisi sa karupukan ko.
"Ano?" tanging natanong ko at ang hina pa. Buti na lang nakaupo na ako, baka nanghina pa ako.
"Magkikita pa ba tayo sa Manila?" Anak ka ng tokwa oh. Mga ganiyang tanong, diyan ako nadadale e.
"Malay ko," sagot ko. Gusto ko pa ba siya makita sa Manila? Ano pa bang dahilan para magkita kami ng Manila? I mean oo, friends naman na kami pero hindi naman super like acquainted na siguro pwede pa.
"Ayan ba wish mo?" dugtong ko.
"Pwede ba?" Napatingin ako sa kaniya at nakatingin na rin siya ngayon sa akin habang inaantay ang sasabihin ko.
"Pwede naman, final na 'yan na wish mo?" Umiling naman siya. Ano ba kasing gusto niya? Mamaya talaga kung ano pa ipagawa sa akin ng lalaking 'to.
Pero medyo relieved ako na hindi 'yon ang wish niya. Feeling ko kasi kapag nagkita pa kami sa Manila, delikado na talaga ako! Masisira ang plano ko.
E ayoko pa nga muna ng lalaking iisipin e, tapos eepal siya. Ako nanaman kawawa sa huli. Alam ko na rin kasi paano ako kapag nagkakagusto ako sa tao kaya habang maaga pa ako na lang 'yung iiwas sa mga tuksong kagaya ni Rider.
Kung pwede lang iiwan ko lahat ng nangyari dito sa Puerto Galera, 'wag na dalhin pa sa Maynila, ayoko pa ng sakit sa ulo at ang dami ko pang iniisip.
Speaking of iniisip, wala pa ring reply si Mama sa akin. Seryoso ba siyang hindi niya talaga ako papansinin? Best in pagtatanim ng sama ng loob talaga 'yon. Alam na kung saan ako ngamana talaga e. Sa lahat ba naman ng mamanahin, 'yon pa.
Mag-su-sun set na nang makabalik kami sa may hotel na tinutuluyan nila. Super thankful kami sa kanila kasi hindi na namin kailangan mag-isip ng plano para sa natitirang araw namin dito sa Puerto Galera dahil sinasama na nila kami sa plano nila.
Una kaming uuwi kaysa sa kanila kaya naman buong stay namin, kasama na namin sila. Hindi naman ako nagrereklamo.
"Kita na lang sa beach mamaya, dinner," aya pa nila sa amin kaya pumayag na rin kami agad. Katulad ng gawi namin, uuwi muna kami para maligo at maglinis tapos saka na lang ulit kami magkikita sa may beach kung saan may hilera ng mga kainan.
"Kayong dalawa ba e, kumo-quota na ha?" tanong ni Kevin at inakbayan kaming dalawa ni Rylie.
"Bakit pati ako?" tanong ko.
Ginulo ni Kevin ang buhok ko. Nakakainis talaga, lagi niyang ginugulo ang buhok ko kaso sa tagal na naming magkaibigan ni Kevin, alam naman na niya na ayoko na ginugulo niya ang buhok ko kaso patuloy niya pa ring ginagawa sanay kasi siya sa ganoon. Napagod na akong pagalitan siya.
"Sus, maangmaangan pa 'to, nakikita naman naming lahat." Tumawa si Rylie dahil sa naging sagot ni Kevin. Ano ba naman 'tong mga kaibigan ko, hindi nakakatulong sa karupukan ko.
"Wala naman 'yon," sagot ko na lang. Kagaganiyan nila lalo ko tuloy naiisip si Rider e dapat nga hindi ko 'yon masyado iniisip dahil hindi nakakatulong.
"Si Rylie na lang tanungin mo, 'yan legit na may masamang balak." Una pa lang naman may balak na talagang humaap ng prospect si Rylie sa mga kaibigan ni Rider. Akala ko pa nga mismong si Rider pa ang trip niya pero trip yata nitong frenny ko na mahirapan para sa magiging first boyfriend niya, gusto pa doon sa taga-ibang schiol pa.
"Hoy, puro kabutihang loob nga pinapakita ko doon," pagmamalaki niya pa as if kapanipaniwala 'yon.
Nang maka-uwi kami ay kaniya-kaniya na kami ng pag-aayos sa sarili namin. Nauna ulit akong maligo kaysa sa kanila.
Nasa kama lang ako at nagpapahinga kaya nag-scroll muna ako sa IG. Bumungad sa akin ang panibagong post ni Rider, ilang minutes ago lang ang picture na 'yon.
Pinost niya 'yung kuha ko sa kaniya kanina pero walang kahit anong caption.
Aba buti naman pinost niya, kaya ko nga siya kinuhaan para may ma-post siya e. Tinry ko ang best ko at in-apply ko lahat ng skills na natutunan ko sa pagiging kaibigan ni Holy at Kevin sa pagkuha ng pictures niya no. Buti nagustuhan niya.
Mag-co-comment sana ako na bigyan niya ng credits ang maganda kong kuha kaso binura ko rin at hindi na tinuloy dahil baka ma-curious pa mga fans niya sa akin, ma-issue pa siya dahil sa akin. Hineart ko na lang tuloy.
Ilang minutes pa lang since in-upload niya ang photo ang dami na agad likes at comments. Iba rin talaga ang pagkafamous ng mga PCAA players. Sabagay, kay Zoe pa nga lang e, hindi pa ba ako nasanay?
I-e-exit ko na sana ang instagram nang magpost ulit siya ng bagong pictures.
Maraming pictures ang in-upload niya sa isang post. 'Yung una, kuha niya ng sunset. Casual ko lang na sinwipe ang post niyang iyon hanggang na mapatigil ako dahil pati 'yung kuha niya sa akin na solo ay nandoon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top