VII
Chapter 7
#WWSwp
Kumakain na kami ng lunch nang sikuhin ko si Rylie na guess what hindi ko pa nakakausap mula kanina, grabeng bonding 'to!
Pero dahil mahal ko naman 'tong bruhilda na 'to at support ko siya sa kalandian niya dahil never pa siya nagkajoa edi gora na.
"Ano na?" bulong ko sabay subo sa hipon na kababalat ko lang. Kumakaway nanaman talaga ang citirizine sa akin pero walang allergy ang makapipigil sa akin para kaini 'tong hipon na 'to.
Aba minsan lang 'to.
"Saka na, baka maudlot." Hindi ko alam kung imbento lang nitong babaeng 'to pero marami talaga siyang pamahiin sa paglandi.
Kesyo 'wag muna ike-kwento sa kaibigan kasi may sumpa, kapag may ex na 3 years kabahan ka na at kung anu-ano pa. Kaya minsan kapag lumalandi ako na-pa-paranoid din ako dahil sa pinagsasasabi nito e.
Tanga ko lang din para maniwala pero sabi nga nila wala namang mawawala 'di ba.
"Okay, goodluck." Pinagpatuloy ko na ang pag kain ko.
In fairness naman talaga sa mga kaibigan slash ka-team ni Rider, ang gu-gwapo tsaka ang lalakas ng dating. Kung sana lang talaga nasa mood ako lumandi ngayon ay baka may target na ako sa mga single sa kanila kaso puro stress lang inaabot ko sa mga past kalandian ko kaya ayoko muna.
Ayon talaga ang pinakapinagsisihan ko sa lahat ng mga pagsuway ko sa nanay ko. Ka-stress talaga mga lalaki kaso anong magagawa ko e magkakaroon na nga lang ng flaw, karupukan pa.
Pagkatapos ng lunch ay lumipat na rin kami sa panibagong island.
"Bawat isla ba talaga 'yan?" sigaw ko kila Holy habang nasa dagat na ako.
Ano pa nga ba? Nagpho-photoshoot nanaman sila, mga feeling ambassador ng puerto galera e.
Ang gaganda ka-bonding ng mga 'to, minsan na nga lang ako makasama sa kanila ayaw pa akong samahan mag-swimming.
Nakakunot ang noo ko habang pinapanood ang mga kaibigan ko na magfeeling model, in fairness magaganda naman talaga pictures nila sa instagram pero 'di lang talaga kinakaya minsan ng pasensiya ko.
"Smile!" Napatingin ako sa nagsabi no'n at agad kong narinig ang shutter sound ng DSLR camera na hawak ni Rider.
"Hoy, ang panget ko diyan sure ako," sabi ko sa kaniya. Paano ba naman bigla-bigla na lang susulpot para kuhaan ako ng picture, tama ba 'yon?!
'Di pwedeng 123 smile muna para prepared naman ang mukha ko.
Maganda naman ako pero 'di ako gano'ng ka-photogenic. Siyempre may mga flaws pa rin dahil wala namang perfect sa mundo. Almost perfect lang kagaya ko.
Eme!
"Maganda, maganda," pang-u-uto niya sa akin na muntik ko nang paniwalaan dahil sa vibes niya. Napakagood boy vibes kasi nito, parang lahat ng sasabihin niya paniniwalaan ko. Idagdag pa 'yang ngiti niyang ganiyan.
"Hindi ako naniniwala." Lumapit siya sa akin habang naka-angat ang camera niya bago ipinakita sa akin ang kuha niya sa mukha ko.
Nakasimangot ako doon kaya muntik ko na siyang talsikan ng tubig dahil walang maganda sa picture na 'yon. Buti naawa ako sa camera niya.
"Ulitin mo na lang, delete mo na 'yan!" utos ko kaya natatawa niyang dine-lete ang picture na 'yon at kinuhaan ako ulit na prepared na ako.
Pinicturan niya rin sila Holy after kaya tuwang-tuwa sila dahil may taga-picture pa silang iba. Mukha ring seryoso si Rider sa ginagawa niya, baka hobby niya rin talaga ang magpicture-picture. Matapang lang ang magdadala ng DSLR sa island hopping unless water proof 'yon. May ganoon ba? Wala kasi akong alam sa camera e.
Camera 360 lang alam ko, sexy lips supremacy.
Mayamaya sinamahan nanaman ako ni Rider magswimming, grabe kung hindi pala namin sila kasama kawawa ako kasi wala akong kasama magswimming?!
Ay si Rylie pala, kung wala pala sila Rider wala siyang lalandiin.
"Photographer ka?" agad na tanong ko sa kaniya.
Umiling naman siya. "Ows? Ano nga course mo?"
"MMA." Tumango ako pero sa katunayan hindi ko talaga alam ano 'yung MMA. Pasensiya naman ano, hindi naman ako masyado nag-research about courses medyo wala naman akong trip sa buhay noon bago ako napadpad sa dentistry.
"Multi media arts," natatawang dugtong niya. Siguro nahalata niya na hindi ko alam kasi wala akong comment after.
"Alam ko kaya," pagpilit ko pa pero tinawanan niya lang ako dahil halata namang nagsisinungaling ako.
Aalamin ko nga mamaya 'yang course niya kapag may internet connection na ulit ako. Baka isipin pa nito boba ako, which is most of the time true naman.
"Ano nga ulit pangalan no'ng kausap ni Rylie?" pag-iiba ko ng topic, napatingin kasi ako sa gawi ni Rylie at no'ng kausap niya na lalaki na iba doon sa kanina.
Moreno siya tsaka maganda 'yung abs. Actually, parang lahat naman sila, mga athlete kasi.
Hindi ko rin talaga masisisi mga simp for athletes e, gaganda ng katawan, ang lalakas pa ng appeal lalo na kapag ginagawa nila 'yung sport nila.
Hindi ko rin masisi si Zoe sa mga naging ex no'n na basketball player e.
"Ahh si Juanico," sagot niya.
"Gwapo e no?" Natawa siya sa sinabi ko at napailing.
"Hindi ka sang-ayon?" tanong ko kasi umiling siya e pero lalo lang naman siyang natawa sa akin. Tawang-tawa naman 'to wala naman akong ginagawa.
"It's not that, I mean type mo rin?" Na-offend ako sa sinabi niya! Akala niya yata type ko pa 'yung type ng kaibigan ko kaya tinalsikan ko siya ng tubig dagat. Kung pwede ko lang niya ilubog, ilulubog ko siya.
"Oy! Sinasabi ko lang na gwapo, gwapo naman kasi talaga. Hindi pwedeng approve lang sa bestfriend? Tsaka hindi 'yan 'yung type niya!" Pinahalata ko talaga offended ako sa tanong niya kaya agad siyang nag-sorry.
Inirapan ko siya pero back to pagtawa na siya.
"Sure ka ba na single 'yan?" Ang gwapo kasi talaga pero 'di ko rin masyado type mukha kasing masungit. Hindi nga sila mukhang magkasundo ni Rylie e, mukha silang nag-aaway habang nag-uusap.
"Last time I checked yes so I guess your bestfriend is safe with that guy," sagot niya kahit sinabi ko na na hindi 'yan 'yung type ni Rylie.
"Hindi mo siya kilala? He's from SHU." Hala weh? May ganiyan pala kagwapo sa SHU? Bakit hindi ko alam?
Humanda sakin 'to si Zoe.
Sabi kaya no'n 'wag daw ako sa SHU men's volleyball kasi wala daw gwapo, e anong tawag niya dito kay Juanico?
Sabagay baka alam ni Zoe na hindi ko masyado type ang ganitong itsura, mukha kasing tahimik na suplado na matalino. Gusto ko kasi 'yung mukhang maninira ng buhay na sa akin lang mabait kasi feeling main character ako e kaya ayan puro stress inaabot ko.
Ako rin talaga problema kaya sige magdudusa na lang ako.
Kaya ngayon ayoko na, o kung lalandi man ako, doon na sa mukhang mabait tapos mabait talaga at mabait sa lahat. Sapat na 'yung experiences ko sa mga mukhang maninira ng buhay para tigilan ko na sila.
"Wala akong kilala sa SHU na men's volleyball team kasi game lang ni Zoe pinapanood ko." Minsan na rin naman ako nangarap maging PCAA girlfriend kaya pina-practice ko na sa mga laban ni Zoe.
Dahil wala pang bagong jowaer 'yon ako ang taga "go baby" niya.
"What a loyal friend," comment niya.
"I know right." Swerte talaga 'yon si Zoe sa akin pero swerte rin ako doon.
Hindi ko sinasabi sa kaniya kasi masyadong sweet pero si Zoe yata ang isa sa mga swerte ko mula no'ng nag-college ako. Sa lahat ng malas ko sa buhay, sinuwerte ako sa kaibigan.
Natapos kami sa last island namin at bumalik na sa kung saan kami nanggaling. Dahil papalubog pa lang ang araw hindi pa kami umuwi agad, maski ang grupo nila Rider.
Nag-aya sila mag-beach volleyball na agad naming inayawan. Mahabag naman! Mga PCAA players ang mga 'to, mahal ko pa buhay ko.
"Ayoko, baka tuluyan na akong matanggalan ng ulo," sagot ko kay Rider na pinipilit akong sumali.
Baka maging tamaang tao ang mangyari dahil iiwasan ko talaga ang bola kung sasali ako diyan. Mahal ko pa buhay ko no! Hindi pa ako pinapayagan ni Mama maggala kaya ayoko pa mamatay. Feeling ko kapag natamaan pa ako ulit ng bola sa ulo, katapusan ko na talaga.
Nagvolunteer na lang kami maging scorer sa kanila kasama rin ang mga jowaer no'ng iba nilang kasama.
Nag-umpisa na silang maglaro.
Grabe ang sabi ko ayoko munang lumandi e!
Kaso teh kung makikita mo 'yung laro nila ngayon magbabago talaga ang mga pangarap mo sa buhay.
Desidido na ako, ayoko na maging dentista, magiging PCAA girlfriend na lang ako.
Sure na. Final answer na.
"Anong feeling na jowa mo 'yan?" chika ko kay Althea na jowa no'ng isa na hindi ko nanaman maalala ang pangalan pero pamilyar na ako sa mukha nila, 'di lang ako masyadong matandain sa pangalan.
Tinawanan ako ni Ate mo ganda bago nag-isip ng sagot niya. "Hindi ko naman itatanggi na nakakaganda talaga," proud na sabi niya kaya natawa ako kasi teh kung ako rin naman baka magfeeling ako na ako pinakamaganda sa lahat.
"Ritual reveal," pagpaparinig ko sa kaniya kaya hinampas niya ako sa braso bago natawa lalo.
"Reto kita sa iba gusto mo? Marami pa namang single ah," medyo natempt ako ng slight pero bigla rin akong napaurong.
Binabawi ko na po. Dentista na po talaga ang final answer ko sa pangarap ko.
"Sige teh, sabihan kita kapag desidido na ako." Kabag lang 'to!
Natapos ang laro nila tapos 'yung mga natalo manlilibre ng alak.
Alak nanaman, mukhang buong linggo mapapalaban ang atay ko rito pati tyan ko. 'Di bale nang bloated ang tyan sa alak kaysa naman bata laman 'di ba.
Ma, pasensiya na.
Feeling ko naman pinagdaanan din 'to ng Mama ko pero ewan ko ba doon, hindi ba siya naging masaya kahit konti at ayaw niya iparanans sa akin?
Nagsiuwi muna kami sa mga tinutuluyan namin para maligo at magpalit ng damit bago kami bumalik doon para kumain ng dinner at uminom.
Nagsuot lang ako ng hoodie tsaka ripped shorts para kumportable. Nauna ako maligo kaya inaantay ko na lang sila na matapos na. Okay lang sa akin na maghintay at least nakapagpatuyo na ako ng buhok at nakahilata na lang ako sa kama.
Rider @r.matias requested to follow you
Bumungad sa akin ang notification na 'yan pagbukas ko ng phone ko. Agad ko naman in-accept ang follow request niya kasi hindi naman ako madamot sa biyaya. Na-follow back ko rin naman siya agad kasi hindi naman siya naka-private kasi nga sikat siya.
Napa-stalk tuloy ako. In fairness, masaya siya i-stalk kasi maraming laman 'yung IG niya. May mga sponsored posts, travel posts, mga selfie, mga photos from the games, photos with their team tsaka mga simpleng picture lang niya sa school.
Mas bata lang siya ng isang taon sa akin pero parang ang dami na niyang nagawa sa buhay niya tapos parang ang dami na rin niyang na-experience. Sabagay, sabi nga nila hindi naman talaga pare-pareho ang timeline at pacing ng mga tao.
Malay mo ganiyan na din ako few years from now, kailangan ko nga lang maging patient hanggang sa dumating ako sa punto na mapapasabi ako ng "finally".
Walanghiya kong ni-like ang mga picture na feeling ko ang gwapo niya doon. Mostly mga picture niya 'yon every game.
Lakas ng appeal niya kapag nakasuot ng jersey tapos headband. Mahaba na rin naman kasi ang buhok niya, pwede na i-braid.
Hindi ko ni-like mga gym pics niya, sabihan pa ako nito na pinagnanasaan ko ang katawan niya. Mas fan naman ako ng face value kaysa katawan, ewan ko rin.
Nang matapos ako na i-stalk siya bigla namang siya ang nantadtad ng likes sa mga picture ko.
Tinignan ko sa notification kung anu-ano mga ni-li-like niya na picture at puro mga selfie iyon.
Nagagandahan siguro 'to sa akin. Hindi ko naman siya masisi.
Buti na lang naka-private account ko, baka sugurin ako ng mga faneys nito. Ang gagaling pa naman mag-stalk ng mga fans kaya laging laman ng tsismis si Zoe e.
Gusto lang naman lumandi no'ng tao, pinapakielaman pa.
Pero anyway, buti nga private account ako.
Nang matapos mag-ayos si Holy ay bumalik na rin kami sa beach. Hindi ko alam saan kami kakain, hinayaan ko na kasi sila mamili kasi nagugutom na talaga ako na kahit ano na lang kainin ko. Baka pati buhangin kainin ko na sa gutom ko.
Napili nila ang isang resto bar, ang chill lang ng vibes tapos may banda na kumakanta ng mga requested songs ng mga tao. Ganda ng ambiance dito medyo nawala init ng ulo ko sa gutom.
Umorder lang kami ng sinigang na salmon, inihaw na pusit tsaka barbecue tsaka siyempre kanin.
Buti na lang naka-hoodie ako, prepared talaga ako dahil alam ko na magpapabida talaga ang tyan ko ngayon sa kabusugan.
Feel na feel ko pa ang pagkanta ng rolling in the deep ni Adele after namin kumain nang ayain na kami ni Rylie dahil andoon na raw sila Rider sa kung saan at may bonfire na raw.
Taray, may budget.
Dumating kami at andoon na nga sila nagkakantahan dahil may dala silang gitara.
Naggigitara pala si Rider. Ano bang hindi kayang gawin nito? Napakatalented.
Umupo lang ako doon sa space na nilaan nila para sa aming magkakaibigan, nakakatuwa sila sinali na talaga nila kami sa outing nila.
Okay na rin kasi wala kaming solid na planong magkakaibigan e, dahil sa kanila may mga nagagawa kami bukod sa uminom at kumain.
Pagkatapos ng isang kanta pinasa na ni Rider ang gitara kay Jolo, 'yung jowa ni Althea.
Oo, alam ko na pangalan. Congrats
Tumayo si Rider at tumabi sa akin kaya napatingin talaga ako sa kaniya.
"How's stalking me?"
"Keri lang," sagot ko. Kapal nito akala mo hindi rin naman ako inistalk.
"Pero ganda ng jersey niyo, nakakadagdag appeal," dugtong ko. Dinaan niya naman ako sa ngiti at tumango.
"Really? I'll give you one if you want."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top