Prologue
#WWSwp
Napairap ako pero siyempre patago.
Pinigilan ko rin na magdabog lalo na't nasa hapagkainan kami.
"Ma, 18 na ako baka nakakalimutan mo?" I said. Pinipilit ko na pakalmahin ang boses ko at ayaw ko magtaas ng boses dahil lalo lang mapapasama ang usapan.
Lalo lang akong paghihigpitan dahil sasabihin na kesyo kung anu-ano raw natututunan ko sa mga kaibigan ko o sa labas na nagiging bastos na raw ako at palasagot dahil iyon daw ang natutuhan ko sa mga kaibigan ko when in fact ako lang naman may gawa sa sarili ko no'n.
Dahil hindi nila ako pinapakinggan.
Wala namang masama sa pagiging striktong magulang, alam ko naman kung saan sila nanggagaling pero 'wag naman sanang sobra-sobra na nakakasakal na.
Utang na loob gusto lang maging malaya. 'Yung makapagdesisyon ako para sa sarili ko, 'yung magawa ko ang gusto ko.
Kapag kasi sinasabi kong gusto kong gawin ang gusto ko, automatic na maiisip nila Mama na magpapabuntis ako o mag-sha-shabu ako.
Please naman, ang mahal kaya ng shabu!
At kahit naman mag-sale 'yon 'di ko papatusin no! Pota hindi ko trip maging adik.
"Qin, eighteen. Eighteen ka pa lang," sagot ni Mama. E bakit pa welcome to adulthood ang debut kung bata pa rin pala iyon? 'Di ako na-inform other word for binyag pala 'yon.
"Ma, ayoko tumira kasama si Kuya!" Gusto ko sana dugtungan na ayoko makita ang mga babae na inuuwi niya sa condo niya every week, may marinig pa akong 'di kanais-nais doon. No thanks!
Tinignan ko si Kuya at pinanlakihan ng mata para kampihan niya ako, alam ko naman na ayaw niya rin na sa kaniya ako titira dahil nga paano na lang ang mga sexcapades niya kung andoon ako 'di ba?
May kaunting hiya pa naman 'yan sa katawan.
"Ma, paano pa matuto 'yan kung bine-baby mo?" Exactly. Lagi akong pinapangaralan ni Mama na iba raw ang mundo kapag nagtrabaho na raw ako at ako na lang daw bahala sa sarili ko, baka daw hindi ako marunong mabuhay dahil puro hilata lang daw ginagawa ko sa bahay.
E paanong hindi ganoon, ni hindi nga ako pinapayagan na pumunta sa kung saan-saan.
Ni overnight sa kaibigan na kilala na niya simula elementary, bawal pa rin.
Kay Kuya naman hindi sila ganiyan, sa akin lang talaga. Alam ko naman na 'yon kasi lalaki siya e. Mas protective talaga ang mga magulang sa anak na babae na hindi ko gets kung bakit.
I mean bakit ba palagi na lang babae ang mag-a-adjust?
"Ma, I want to live on my own, doon din naman bagsak ko pag-graduate ko at least matututo na ako." I'm incoming freshmen sa St. Helena University sa may West Ave.
Taga-Manila lang naman din kami pero malaki pa rin naman ang Maynila tsaka traffic din kaya gusto ko sana na tumira mag-isa kahit apartment o kahit dorm or boarding house.
Pero ang totoong dahilan din talaga ay gusto ko lang talaga makaalis dito sa bahay. Mahal ko naman mga Mama ko pero nakakasakal na talaga minsan.
Nakakapagod makipagtalo, nakakapagod patunayan na hindi ka naman gagawa ng katarantaduhan. Ang pangit din sa feeling kapag naiisip mo na wala silang tiwala sa 'yo na parang ang lagi lang nilang iisipin is papaloko ka sa mga tao sa paligid mo. Na hahayaan ko na diktahan nila ako.
Matindi ang peer pressure pero alam ko naman paano mamili ng kaibigan, alam ko kung sino dapat i-cut off kapag toxic na.
Hindi kasi nila ma-gets 'yon e. Para pa rin akong batang walang muwang sa paligid.
Lumaki tuloy ako na hindi ako nagsasabi sa kaniya ng kahit anong ganap ko sa school kahit na tinatanong niya ako araw-araw pagkauwi ko kung anong nangyari sa araw ko.
Alam ko kasi na may mali siyang makikita kahit ultimong nagbiruan lang kami ng mga kaibigan ko, may masasabi pa rin siya.
At some point, mapapagod ka na lang din talaga tapos maiinggit ka sa mga kaklase at kaibigan mo na hindi strict 'yung parents nila tapos hindi rin naman sila buntis o adik.
Normal lang na tao na masaya sa buhay at malaya.
Sana andito si Papa ngayon.
Matagal na hiwalay si Mama at Papa pero mutual decision naman, wala rin namang third party involve, kaya pagdating sa mga pangangailangan naming mga anak nila magkasama pa rin sila sa desisyon.
Mas lesser strict naman si Papa kumpara kay Mama. Si Papa basta kilala niya kasama, ayos na. Si Mama kahit yata buong angkan ng mga tropa ko ang kilalanin niya, hindi pa rin siya papayag.
Naalala ko pa no'ng debut season ng batch ko, siyempre sunod-sunod ang mga party at wala naman masyadong nag-de-debut nang umaga so lahat ng party gabi.
Sobrang pahirapan magpaalam kay Mama, 'yung iba kong mga kaibigan wala namang formal party, talagang sa bahay lang tapos may inuman tsaka kainan. Ginawan ko pa ng invitation 'yon para mas malaki 'yung chance na payagan ako.
Nagpasabay pa ako doon sa kaibigan ko at sa jowa niyang may kotse para lang masabi sa nanay ko na safe naman.
Ang malala pa halos yata kada-week may nag-de-debut na akala ni Mama nagsisinungaling ako at nag-iimbento para makapaglakwatsa ako.
Naisip ko lang pasalamat na nga lang si Mama hindi ko pinilit na attendan lahat e. Pinili ko lang 'yung sa mga close ko talaga, kapag kaklase o taga-ibang section na hindi ko naman gaano close, hindi na lang ako pumupunta kahit gusto ko para bonding gano'n.
Kaya sana ngayong college na ako gusto ko makabawi sa lahat ng hindi ko nagawa at the same time gusto ko rin talaga matuto, kasi ako rin ang kawawa sa future kapag sobrang strict nila.
Wala akong kaalam-alam, ni hindi ako marunong mag-commute. Paano ako mabubuhay sa Pilipinas na hindi ako marunong mag-commute?
No'ng SHS kasi ako sabay kaming pumapasok ni Kuya e siya naman na gumagamit no'ng sasakyan namin na luma tapos no'ng grumaduate siya ng SHS, si Mama na naghahatid-sundo sa akin.
'Yung tipong gusto ko pa sana kumain ng street food sa labas kaya lang andoon na agad siya sa parking. Mabuti pa no'ng si Kuya, mag-co-computer muna siya kapag gusto ko pa mag-stay sa school or kaya may practice, tapos siya nagpapaliwanag kay Mama pagkatapos.
No'ng si Mama na naghahatid-sundo sa akin, kapag may practice kami magagalit siya dahil hindi ko sinabi the day before e minsan 'yung mga practice biglaan naman talaga! Pero ayon kasalanan ko pa rin.
"Tsaka Ma, mag-aaway lang kami ni Qin kapag magkasama kami," pangungumbinsi pa lalo ni Kuya. Pero parang hindi natitinag si Mama.
"Gastos pa 'yan, magkalapit lang rin naman school niyo." Sabi ko kasi kay Kuya sa east mag-aral e para malayo sa akin. Dati ko pa kasi gusto mag-aral sa St. Helena, doon ko nga gusto mag-senior high kaya lang nalalayuan si Mama kaya sabi ko sa college na lang.
Ngayon wala siyang choice kasi sila naman ni Papa nag-suggest ng dentistry sa akin at SHU lang meron no'n.
"Hindi ako magco-condo, apartment lang kahit ikaw na maghanap Ma, 'di ako mag-re-reklamo." Kumportable naman ang pamumuhay namin, 'di naman kami 'yung sobrang yaman na umaapaw ang pera na wala nang mapaggamitan.
Sakto lang, may pambili ng mga kailangan tsaka mga luho pero hindi naman ako maarte kaya okay na kahit maliit na space lang para sa akin, basta safe at malinis.
"O sige, kapag may nahanap ako, pero kakausapin ko muna ang Papa mo." Good news na 'yon sa akin kahit hindi direktang pumayag si Mama.
I-cha-chat ko nga si Papa mamaya.
___
Happy New Year 💛
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top